Prisoner of Love-15

Dakong huli, naghalu-halo nang lahat.

Naging bangungot na.

Nabalisa si Kathryn. Nagpabiling-biling siya.

Nilalabanan niya ang mga halimaw na binuo ng kanyang imahinasyon.

“Kathryn, ligtas ka na.”

Narinig niya ang boses.

Mula sa malayo, ngunit parang nakaramdam siya ng kapayaan.

“S-sino ka?” tanong niya. “H-hindi ikaw ang Papa ko.”

“Ako si Zandro.”

Bumaling siya sa direksiyong pinanggalingan ng sagot.

Pinilit niyang ngumiti kahit na hindi maimulat ang mga mata. Nais niyang magpasalamat.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“Z-zandro…” sambit niya sa pagitan ng mga tuyong labi. “Mamamatay na ba ako?”

“Hindi,” ang walang gatol na tugon. “Hindi ka pa mamamatay.”

“G-giniginaw ako,” daing niya nang balutin na naman siya ng lamig.

“Kukuha pa ako ng kumot.”

“H-huwag mo akong iwan.”

Walang tumugon.

“Zan-zandro?”

“Nandito ako, Kathryn.”

Gumalaw ang hinihigaan niya.

Maya-maya, mayroon na siyang kalapit na mainit.

Sumiksik siya doon.

Idinikit niya nang husto ang buong katawan.

She sighed contentedly when unseen arms embraced her with seeming gentleness.

“You’re safe now. You can go to sleep,” anas ng baritonong tinig.

Nakalma siya habang hinahagod ng isang kamay ang likod niya.

Hindi na siya dinalaw ng magugulong panaginip. Kaya napahimbing na naman siya.

Hinagod ni Zandro ang likod ng babaeng maysakit hanggang sa makatulog ito.

Lying beside a naked woman and not doing anything erotic was a rare experience to a man like him.

And it shocked him.

He had never expected that he was capable of tenderness.

Ang tagal na kasi niyang namumuhay na mag-isa. Hindi na niya alam kung paano ang maging masuyo…

Marahan niyang inilayo ang babae upang matunghayan niya ito.

Naliligo na naman ito sa sariling pawis.

Tumatalab na siguro ang gamot na itinurok ng duktor kanina.

Tinangka niyang bumangon ngunit nakayapos nang mahigpit ang babae sa beywang niya.

Umungol pati ito.

Huminto si Zandro.

Ipinagpatuloy na lang niya ang paghaplos sa ulo at balikat ni Kathryn.

Maria Kathryn.

Kathryn, Kathryn, Kathryn…

The chanting of this woman’s name went on and on inside his mind.

Bagay na bagay sa babae ang pangalang ‘Maria Kathryn’.

May moralidad.

May katapangan.

Isang pambihirang babae.

Ganitong klaseng babae ang nasa pangarap niya ngunit wala siyang ilusyon na may matatagpuan siya.

Kaya nga nagtiyaga na lang siya kay Sonia.

But he had destroyed his chance before he had begun.

His sin was unforgivable…

Ano kaya ang dapat niyang gawin para mapatawad siya ni Kathryn?

At mapatawad pa kaya siya nito?

Nakatulugan niya ang pagtatanong sa sarili.

“Hello? May I speak to Mr. Benavidez?”

“This is Don Nicholas Benavidez, speaking. Sino ‘to?”

“Ako po si Zandro Soriano, taga-Maynila.”

“Zandro Soriano? Hmm, your name sounds familiar. Let me think, first. Are you related to the Soriano Enterprises?”

“W-why — yes, sir. Er, I’m flattered, you know my company, sir.”

“Your successful solution to your labor problems last year made the headlines.”

“Thank you, sir. I didn’t expect to hear that.”

“How do you know my number?”

“Uhm, I got it from your daughter, sir.”

“Kathryn?”

“Yes, sir.”

“Why — I’m very much surprised! Kathryn is very picky. You must’ve impressed her, Zandro. May I call you Zandro?”

“Yes, yes, of course.”

“So, how’s my daughter?”

“S-she’s fine — ”

“Well, I forbid myself to call her. Baka kasi ma-homesick. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay uli, iho.”

“I see.”

“Now, back to business. What can I do for you? I’m sure, this isn’t a social call.”

“Oh, but this is a social call, sir. I called because I wanted you to be the first to know.”

“The first to know what?”

“W-well, I want to marry your daughter, sir. I intend to marry her.”

Hindi makapaniwala si Zandro na nasabi niya ang huling pangungusap.

He was afraid to think along those lines because he was sure to receive only rejection.

Wishful thinking! panunuya niya sa sarili.

“Ser?” Lumapit sa kinatatayuan niya ang katiwalang babae.

He readily welcomed the intrusion. “Ano ‘yon, Aling Diday?” tanong niya habang lumalakad sa damuhan.

Naglalakad-lakad siya sa hardin tuwing bago maghapunan.

“Nandiyan po sa labas si Dr. Cruz.”

“Patuluyin mo siya.”

“Good afternoon, Mr. Soriano,” ang masiglang bati ng may edad na duktor, pagkakita sa kanya. “Final check-up ng pasyente natin ngayon. Kumusta na siya?”

Kumiling ang ulo ni Zandro. “Maayos na.”

“Good, good. May I see her now?”

“Of course. Halikayo.”

Pinauna niya ang panauhin sa pag-akyat sa hagdan.

“Hindi naman siguro nagkaroon ng infection ang mga sugat?”

Umiling siya. “They had healed beautifully, doc.”

“Kumusta naman ang psychological aspect niya? Hindi naman sana siya nagka-trauma?”

Ang alam ng butihing duktor, nakatuwaan ng isang fraternity gang ang dalagang kinukupkop niya sa resthouse.

“Wala naman akong napapansin. Pero hindi ko naman kasi siya tinatanong tungkol d’on,” wika ni Zandro, pa-kaswal.

“Ah, tama ‘yan, Mr. Soriano. Hindi muna dapat ipinaalala ang mga bagay na nakasakit nang husto.”

Tumangu-tango siya. “Salamat sa advice, doc.”

Nakarating na sila sa tapat ng kuwarto ni Kathryn. Kumatok siya sa pinto bago niya pinihit ang seradura.

“Kathryn?” tawag niya sa babaeng nakatayo sa tapat ng malaking bintanang nakaharap sa hardin. “Nandito si Dr. Cruz.”

Dahan-dahang humarap sa kanila ang dalaga.

Nakalugay ang mahabang buhok na tila mga mumunting alon na kulay itim sa likuran at mga balikat nito.

Lutang na lutang ang gandang klasikal kahit na pulbo lamang ang gamit nitong kolorete.

Her wide, luscious lips always got his interest first. Doon muna siya titingin.

Pagkatapos sa mga mata. He liked the long Oriental eyes with mysterious depths.

Pahapyaw lang ang pagsipat niya sa kabuuan nito dahil natutunaw sa kanyang imahinasyon ang kahit na anong suot nito.

He had seen her naked perfection before. And he wished to see the satiny fairness of her alabaster skin again.

The only thing that stopped him from losing his head was her very youngish appearance.

Sa suot nitong maong pants at blusang pastel pink, kahit sino ay magkakamaling mag-isip na tinedyer lamang ito.

Petite kasi. Hanggang dibdib lang niya ang taas nito.

Gumaling na ang lahat ng mga sugat na nilikha ng posas. Walang pilat, kaya walang tagapagpaalala ng kasalanan niya.

PRISONER OF LOVE-16

Comments are closed.