Prisoner of Love-16

“Kumusta, iha?”

Ngumiti nang matipid at kimi ang babae. “M-mabuti po.”

“Ilang linggo na ba tayong magkakilala? Two weeks na yata, ano?” Inihanda ng duktor ang mga gagamitin sa check-up habang nagsasalita.

Sumulyap nang panakaw sa kanya ang babae bago tumango sa tinuran ng manggagamot.

“O-opo.”

“May I see your wrists?”

Puno ng pag-aalangan ang babae na ilantad ang mga brasong nakakubli sa ilalim ng mahahabang manggas.

“Don’t worry, iha. I’ll just look at them.” The doctor had to coax her gently.

Sumulyap uli sa kanya ang babae bago tumalima.

Zandro noticed those little glances. And interpreted them as a sign of eagerness.

An eagerness to leave…

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Ipinaaalala ng babae ang naging pag-uusap nila, may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Nung umagang magising silang magkatabi — at magkayakap, lumarawan agad ang sindak sa mukha ng babae.

“M-maawa ka sa akin…” pagsusumamo nito habang nagpupumilit ibangon at ilayo ang sarili.

Pinigil niya ito. Niyapos niya nang mahigpit ang nanginginig na katawan.

“Hey, don’t be afraid,” he crooned softly against her ear. “I won’t hurt you anymore.”

Ibinaling ng babae ang mukha habang itinutulak ng mga palad ang balikat niya.

“P-papauwiin mo na ako?” tanong nito matapos ang ilang sandaling pakikiramdam.

Zandro capitulated. “Magpapagaling ka muna. Afterwards, we’ll talk.”

“P-pero — ”

“It’s the least that I can do, after everything I’ve done to harm you,” bawi niya.

“I — I want to go home,” she insisted agitatedly.

He looked at her with hooded eyes. “Ano’ng kasiguruhan ko na hindi ka magsusuplong sa mga pulis, habang nasa buong katawan mo ang mga ebidensiya ng — ng ginawa ko sa ‘yo?”

Napalunok ang babae. Napatitig sa kanya.

“N-naniniwala ka na bang hindi ako si Dorothy?”

Bumuntong-hininga si Zandro bago tumugon. “Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong paniwalaan,” umpisa niya. “But I’ve realized my mistake. Hindi ako dapat nandamay ng iba sa paghihiganti ko kay Jeremy.”

Tumitig lang uli sa kanya ang babae. Para bang kinakapa ang kalooban niya.

“I-ikaw ba si — si Zandro?” tanong nito. Parang nakikimi ang mahinang tinig.

Tumango siya. “Ako si Zandro.”

“I-ikaw ‘yung — ‘yung kausap ko kagabi?” she asked him huskily.

“Ako nga.” He watched the warring emotions in her wide eyes.

Umiwas ng tingin ang babae.

“M-maaari bang humiling?” wika nito kapagkuwan.

“Ano ‘yon?”

Huminga muna ito nang malalim. “K-Kathryn na ang itawag mo sa akin – k-kahit na hindi ka naniniwala.”

Napamaang siya. “Is it important for you?” he asked curiously.

Tumango ang babae. “I’d like to forget everything as soon as I can.”

Zandro suppressed the sudden surge of exhilaration in his bloodstreams. “You’d like to forget my cruelty?”

“Not just your cruelty — but everything about you,” she answered in a weak voice.

Her cheeks were still flushed with the aftermath of fever, but her eyes had the gleam of determination.

Ikinubli niya ang panlulumo sa narinig. “Naiintindihan ko, Kathryn,” he reassured her evenly.

Maingat siyang bumangon. His palms felt the silky softness of her skin as he pulled back his arms, away from her.

Inagapan niyang itakip uli ang kumot sa kahubdan nito bago siya maliksing umibis mula sa kama.

He could hear his heart beating urgently. He could easily swallow his own willpower just to have her again.

“I’ll get you a doctor,” he said before retreating.

That was their last time together alone.

TUMAWAG si Zandro kay Majordomo pagkatapos matawagan ang doktor.

“Master Zandro! Nasaan kayo ngayon?”

“Nagbabakasyon ako,” tugon niya. “Kumusta na diyan?”

Ang nakakaalam lang ng kinaroroonan niya ay si Ronald. Araw-araw itong kumokontak sa kanya para mag-ulat ng mga nangyayari sa opisina.

“Mabuti naman kami rito, master. Mayroon akong importanteng ibabalita sa inyo.”

“Ano ‘yon?”

“Naka-puslit sa ibang bansa ang mag-aamang Saldivia.”

Zandro didn’t feel anything.

“Kailan pa?” tanong niya, kaswal na kaswal ang tono.

While inside, he was crumbling. Nandito ang isa pang malinaw na katibayan — kung hindi pa siya naniniwala nang makausap si Don Nicholas.

Si Kathryn Benavidez at Dorothy Saldivia ay dalawang magkaibang babae!

Kung si Dorothy ang nabihag niya, tiyak na hindi makakaalis ang mga Saldivia.

God, what a mess! bulalas niya. His shame was like bitter vile rising inside his throat.

“Kahapon lang daw,” sagot ni Majordomo. Walang malay sa nagaganap sa kalooban niya. “Naduwag, master. Wala kasing hinto sa pag-i-imbestiga ang mga awtoridad.”

“Dapat siguro tayong matuwa, Majordomo. Mahihinto na ang pamemerwisyo ng mag-amang iyon sa atin. Wala nang madadamay na mga empleyado natin.”

“Er, Master Zandro, hindi na ba kayo nagagalit sa kanila?”

Bumuntong-hininga siya. “Nagagalit pa rin ako sa kanila,” aniya. “Pero wala namang magagawa ang galit kung puro iyon lang ang ilalaman sa loob ng utak, hindi ba?”

It was easier said than done. Kung ganyan ba ang naging katwiran niya kahit sa simula pa lang.

“Maganda ang punto n’yo, master,” wika ng kausap. “Kailan kayo babalik dito?”

“Hindi ko pa alam.”

“Wala ba kayong ipag-uutos sa akin, master?”

“Wala. Tatawag na lang uli ako kung mayroon akong kailangang ipagawa sa iyo. Bye. Ikaw na ang bahala diyan, Majordomo.”

“Maaasahan n’yo, Master Zandro.”

Ang detective agency naman ang tinawagan niya.

“Mr. Seneses, si Zandro Soriano ‘to.”

“Mr. Soriano,” ang malugod na bati nito. “Ano’ng maipaglilingkod namin sa inyo?”

“We got the wrong girl,” he informed him briefly.

“P-pardon, sir?”

“Iba ang nakuha nating babae.”

“P-pero paano nangyari ‘yon?”

“It’s a long story,” tugon niya matapos bumuntong-hininga. “Anyway, don’t worry. I’m not blaming you. Ang gusto kong malaman ay kung sino si Maria Kathryn Benavidez. I need to know everything and anything about her,” dugtong niya.

“Siya ba ang babaeng — ?”

“Oo,” sagot niya kahit na hindi natapos ang tanong. “Taga-Zamboanga siya. Nakatira sa Rancho Benavidez,” patuloy pa niya.

“Gusto n’yong mangalap kami ng mga impormasyon tungkol kay Maria Kathryn Benavidez, sir?” ulit ng napapamaang pa ring matanda.

“I want informations, A.S.A.P.,” wika niya.

“You’ll get them, sir,” pangako ng kausap.

Naghintay rin siya nang matagal-tagal.

Pero sulit naman.

Isang kumpletong character portrait ang inihanda ng grupo ni Mr. Seneses.

Iniwasan talagang pumalpak uli.

He had been reading about Kathryn Benavidez every evening.

PRISONER OF LOVE-17

Comments are closed.