Prisoner of Love-17

The last two weeks was a great strain to his endurance and self-control.

He could watch and he could look — but he could never touch nor taste.

Daig pa niya ang pinarusahan ng hukuman. Hindi niya kailanman makakalimutan ang luwalhating nalasap sa kandungan ni Kathryn.

He had had a glimpse of heaven in just one interlude of indecent pleasure.

Isang beses pa lang niyang nakakaniig si Kathryn, perpekto na agad ang lahat para sa kanya.

Ano pa kaya kung magiging madalas…?

Naputol ang pangangarap niya nang marinig ang boses ng duktor.

“Buweno, iha. Natutuwa akong sabihin sa ‘yo na magaling na magaling ka na.”

Ngumiti nang matipid ang babae.

Iniwan ni Zandro ang puwesto niya sa tapat ng bintana.

“Kumusta, dok?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“No more wounds that could be seen by the naked eye,” ang makahulugang tugon ng manggagamot.

Ibig sabihin, ang mga sugat na natitira kay Kathryn ay ang mga psychological ones.

Tumangu-tango si Zandro upang hindi na dagdagan ng kausap ang sinasabi.

“Ihahatid ko na kayo, dok,” aniya matapos sumulyap sa gawi ni Kathryn.

Namumutla ang dalaga ngunit nasa mga mata nito ang matatag na resolba.

“I’ll be back,” pangako niya rito bago lumabas ng pinto.

Yapos ni Kathryn ang sarili habang naghihintay sa pagbabalik ni Zandro.

Ngayon na ang takdang sandali ng pagtutuos.

Kay tagal niyang naghintay.

Nais na niyang makaalis sa bilangguang ito!

During her ill days, her clothes had magically appeared inside the spacious wardrobes of this grand room.

Natanong niya ang lalaki nang medyo malakas na siya.

Hindi ito nagpapakita sa kanya nung nakaratay siya sa kama.

“Have you been to my hotel room?” pananalakab niya rito.

“Hindi ako, kundi ang isa sa mga tauhan ko.”

Nagtiim-bagang ang dalaga. She tried to curb her frustrations.

“Tinawagan mo na ba si Dorothy Saldivia?”

Umiling ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya hindi niya mabasa ang nasa isipan nito.

“I didn’t have to call her,” sambit nito, “to know that you’re not her, Kathryn.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Nakaalis na ang buong pamilya niya sa Pilipinas.” Tumikhim muna si Zandro bago nagpatuloy. “Hindi sila tutuloy sa pag-alis kung nawawala si Dorothy.”

“K-kailan pa sila nakaalis?”

“Matagal-tagal na.”

“Ibig sabihin, mga ilang araw lang — matapos mo akong ipiit dito?”

Hindi umimik ang lalaki ngunit tumiim ang mga bagang nito.

“Bakit hindi mo pa ako pinakakawalan, Zandro? Gusto ko nang umuwi,” patuloy niya.

She had promised herself that she would never, ever beg to this man again.

Ngunit nagiging desperada na naman siya.

“Bakit?” ulit niya.

Tinitigan siya ng lalaki.

“You’re still weak. And you still have the wounds,” pahayag nito.

“So what?”

“I cannot let you get out of here while sporting those ugly-looking lesions.”

“Dahil baka magsuplong ako sa mga pulis?”

Napipilitan lang nang tumango ang lalaki.

“You cannot keep me here forever, Zandro,” she had pointed out to him. “Paano ka nakakatiyak na hindi ako magsusuplong kahit na wala na akong mga ebidensiya?”

Matalinhaga ang ngiti nito sa tinuran niyang iyon.

“Surely, you wouldn’t want to hurt your father deliberately?”

Kathryn looked at him sharply then.

“W-what do you know about my father?” pang-uusig na naman niya.

Nagkibit lang ng malalapad na balikat ang lalaki. “Not so much,” anito. “But enough to be sure that your father’s heart shan’t survive the shock.”

Napalunok si Kathryn nung mga sandaling iyon.

“P-paano mo nalaman ang tungkol kay Papa?”

Ngumiti uli ang lalaki. It was a mirthless smile. “Nagsasalita ka nung gabing natulog tayong magkatabi sa iisang kama.”

Her cheeks flared with embarrassment. “Y-you mean, nung nagdidiliryo ako?” bawi niya.

Tumawa lang ang lalaki noon.

She was lulled by his seeming kindness.

Muntik na niyang makalimutan na mapanganib ang taong ito.

But the madman of that unforgettable night did not resemble the Zandro Soriano that she had learned to like secretly, reluctantly.

She didn’t want to forget her first taste of hell, but an unseen force from within compelled her memory to eliminate the hateful details of that ordeal.

Para bang pinagsisimula silang muli…

“No,” bulong niya. Mariin. “I could never feel attracted to you!”

Napapitlag pa siya sa pagkabigla nang marinig ang sariling boses.

Nakapagsalita na pala siya nang malakas.

Mabuti na lang pala, nag-iisa lang siya.

Muli siyang napapitlag nang may kumatok sa pintuan.

Dali-dali siyang tumindig.

“T-tuloy.”

Tumulak papasok ang dahon ng pinto.

Na-suspensed siya nang husto kaya gayon na lang ang pagtataka niya nang si Aling Diday ang bumuglaw sa kanyang harapan.

Nakangiti ang matandang mayordoma.

“Ipinatatawag ka ni Ser Zandro,” pahayag nito.

“N-nasaan siya?”

“Nasa musicroom.”

“S-salamat po, Aling Diday,” wika niya habang humahakbang palabas ng kuwarto.

“Walang anuman, iha. Mauna ka na. Mag-i-inspeksyon pa ako dito sa itaas. Baka hindi maayos ang paglilinis ng mga babae kanina.”

Kakaba-kaba ang dalaga habang patungo sa silid na kinaroroonan ni Zandro.

Kakatok sana siya nang bumukas ang pinto ng musicroom.

Nagkagulatan sila ng lalaki.

“Kathryn!”

“Z-zandro — ”

Ang lalaki ang unang nakabawi. “Halika. Tuloy ka dito.”

Humakbang papasok si Kathryn.

“Upo ka.”

Naupo naman siya.

“Ano’ng gusto mong inumin?”

Biglang nakaramdam ng pagkakimi si Kathryn.

Nakakailang kasi ang pagiging maasikaso ni Zandro.

O ito ang paraan ng lalaki para malito siya?

“No, thanks,” tanggi niya.

Bigla niyang itinuwid ang sarili sa pagkakaupo.

“Rubbish,” pakli ni Zandro. “An appetizer before dinner won’t do any harm.”

Pinilit niyang maging matigas. “Sinabi kong ayaw kong uminom ng kahit na ano,” pahayag niya.

Sumulyap sa kanya ang lalaki. Ilang sandali silang nagkatitigan.

Kapagkuwan, nagkibit-balikat ito at tumalikod sa kanya. “I also have fruit juices here. And cold canned milk.”

“Please,” pakli niya. “I just want to talk with you.”

Pakiramdam ni Kathryn, naglakbay na siya nang napakalayo. Hinihingal siya.

“Then, talk,” he gestured with his cutglass tumbler.

“Gusto ko nang umuwi, Zandro,” pahayag niya. “Nangako kang pauuwiin mo ako.”

Tumungga muna ng isa ang lalaki.

Pinanood niya ito. Not realizing the danger of just watching the most attractive man she had ever met.

The rippling muscles in his throat held her gaze.

The firm lips mesmerized her the most.

PRISONER OF LOVE-18

Comments are closed.