Prisoner of Love-2

Nilamukos ng kamao ni Zandro ang kulay rosas na papel. It was a perfumed stationery paper that bore bad news for him.

Ilang ulit na niya itong binabasa mula nang ipadala ng mga in-laws-to-be sa opisina kahapon. Saulado na nga niya ang nilalaman.

“Dear Zandro,” anang sulat-kamay ni Sonia. “Forgive me for leaving you on the lurch. I just realized that I don’t love you enough to marry you. Si Jeremy Saldivia ang mahal ko. Sa kanya ako magpapakasal! Paalam, Sonya.”

“Fool!” bulalas niya. “You’re a fool, Sonia! That bastard is not the marrying kind!” singhal niya sa bintanang salamin na nasa harapan.

Zandro strode around the room with lithe gracefulness. He had a big muscular built and a thick mane of jetblack hair.

His features were ruggedly fascinating. His personality was magnetic and enigmatic.

His moneyed existence was man-made. Galing sa dugo at pawis niya.

He was a child beggar and a teenage laborer who became a self-made millionaire. A billionaire, actually, but it was a best-kept secret.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Zandro Soriano had a personal motto learned early from harsh experiences: Keep a low profile, so that the chin won’t hang to the clouds.

Ganoon ang patakaran niya sa sarili para hindi dumami ang mga kaaway.

Gusto niyang manatiling normal ang takbo ng buhay. Ayaw niyang magkaroon ng ere.

Kaya nga nang piliin niya si Sonia bilang magiging kabiyak, hindi na niya sinukat ang natitirang yaman ng mga magulang nitong nalugi sa negosyo dahil sa kapabayaan.

Sonia was not that pretty. She had a pale skin and even a paler character.

Zandro liked her obedient and submissive nature. He thought them as her most appealing qualities.

But he was wrong.

Bumigay agad si Sonia sa unang kaway ng tukso!

Kaya nga naglalatang ang loob niya sa sobrang galit. Gusto niyang hanapin ang walanghiyang lalaking umagaw sa kanyang nobya.

Gusto niyang durugin si Jeremy Saldivia!

Gusto niyang bawiin si Sonia!

Ngunit saan niya hahanapin ang dalawang lumipad sakay ng isang munting eroplano at umalis nang walang paalam?

Tiyak na nagpakalayu-layo na ang mga ito sa loob ng tatlong araw na lumipas.

Naputol ang pagdaloy ng mabangis na imahinasyon nang may kumatok sa pinto ng library.

“Tuloy!” he barked at it ferociously.

“Master Zandro?” anang boses ni Majordomo.

Huminga nang malalim si Zandro at isinuot ang enigmatikong maskara bago humarap sa punong utusan ng kanyang marangyang mansiyon.

“Ano’ng kailangan mo?”

Yumukod muna ang bagong dating. Iniabot ng dalawang kamay ang isang cellular phone. “May tawag po para sa inyo.”

Tinanggap ni Zandro ang telepono. His large worker’s hand almost swallowed the small instrument.

“Hello?”

“Ha! ha! The devil himself answered, at last!” A reedy male voice slurred from the other end of the communication line.

“Saldivia!” he roared sharply when he identified the caller. Nagsalubong ang mga kilay niya. Mistulang mabalasik na leon ang larawan niya nang mga sandaling iyon.

Tumawa na naman ang kausap. “Cool ka lang, Soriano. Ibabalik ko naman sa ‘yo ang reproduction machine mo, e. Pasensiya ka na lang kung medyo ginagamit ko muna. ‘Slightly used’ naman na nang hiramin ko. Hindi na ‘brand new’. He! he!”

Gigil na gigil si Zandro. Ngunit nagpigil siya. Alam niyang sinasadya ni Jeremy Saldivia na magpuyos siya nang husto sa matinding galit.

“Wala akong ginagawang masama sa ‘yo, Saldivia,” pakli niya. Kontrolado na ang matigas na tinig. “Bakit tinarantado mo ako?”

“Mali ka diyan, Soriano. Inagaw mo ang kabuhayang dapat ay mamanahin ko!”

“Wala akong inaagaw sa inyo! At hindi ko kasalanan kung nawaldas ang kayamanan ninyo. Kayo lang ang humahawak ng inyong salapi, kaya kayo lang nagpakawala sa mga iyon.”

“Aaah! Kahit na ano pang sabihin mo, ikaw ang dahilan ng lahat ng mga paghihirap ko! Wala kang karapatang tumuntong sa lupang tinutungtungan ko. Isa ka lang busabos na hampaslupa!”

Kinalma uli ni Zandro ang sarili. “Ano’ng kailangan mo sa akin, Saldivia?” Binago niya ang direksiyon ng usapan nila.

“Ha! ha! Nakuha mo rin, Soriano! Kahit na ubod nang purol n’yang utak mo!” Ininsulto muna siya ni Jeremy bago tinugon ang tanong niya.

“Pera ang kailangan ko, Soriano. Tutubusin mo sa akin si Sonia.”

Dahan-dahang nag-inat ang malalapad na balikat. Nagbawas ng tensiyon si Zandro para luminaw pa nang husto ang takbo ng utak. Mas malala pala ang tunay na sitwasyon.

Poor Sonia! bulong niya sa sarili.

“Kidnapper ka na pala ngayon?” panunuya niya.

“Ito lang ang paraan para mabawi ko ang perang inagaw mo mula sa akin , Soriano.”

“Tsk! tsk! Death sentence ang katapat ng paraan mo, Saldivia. Lethal injection.”

“Kung mapapatunayan,” salo ni Jeremy. His tone was cocky with an inflated sense of self-importance. “Siyanga pala, may sikreto palang kiliti si Sonia sa — ” Nagsingit ito ng paboritong paksa sa usapan — ang tungkol sa kamunduhan.

“Magkano?” Zandro cut in before the lewd sentence was completed.

“Ayaw mong malaman ang weakness ni Sonia? Binibigyan lang naman kita ng tip. Gustung-gusto niya ‘yung gagamitan mo muna siya ng v — ”

“This is your last chance, Saldivia,” Zandro hissed in a low, dangerous voice. “You know damned well that I can have a new fiancee anytime. Kaya sabihin mo na ang presyo mo habang interesado pa ako!”

Natahimik sandali ang kabilang linya.

“Buweno,” agap ni Jeremy matapos makabawi. “Sampung milyon lang ang kapalit ni Sonia.”

Napasingasing si Zandro. Dugo at pawis ang pinuhunan niya para lang magkaroon ng kayamanan na pag-aari niya ngayon.

Hindi siya makakapayag na mapunta lang sa isang pesteng katulad ni Jeremy Saldivia!

Siya naman ang tumawa nang nakakaloko. Itinuloy niya ang pamba-bluff sa kausap. “Sampung libo lang ang ipi-presyo ko sa isang taksil na babae, Saldivia. Take it or leave it.”

Nagmura nang nagmura ang mas nakababatang lalaki sa tinuran niya. “Ganyan ka ba magmahal sa nobya? Sa magiging asawa?” pang-uusig nito.

Nagmura uli ito. Sari-saring kalaswaan ang lumalabas sa bibig habang nagagalit.

“Sampung libo lang? Naknamputsa naman, oo! Kulang pang pambayad sa renta ng eroplano ko ‘yan, a? Ang lakas pang bumatak nitong bebot mo. Naubos agad ang supply ko! Tapos, katitimbog lang ng source ko. Paano pa ako makaka-score?”

PRISONER OF LOVE-3

Comments are closed.