Prisoner of Love-21

“Okey, papayagan kitang umuwi — pero sa isang kundisyon,” anito kapagkuwan.

She was suddenly eager to know his stipulation. “A-ano’ng kundisyon?”

“Pakakasal ka muna sa akin — kahit na sa huwes lang. I want us to be married before I’ll let you step out of this house.”

Parang sinasakal ang pakiramdam ng dalaga. “P-pero bakit?” bulalas niya. Puno ng disappointment ang tono niya. Ang akala niya, malalansi na niya si Zandro Soriano.

“Ibig kong makasigurong hindi mo ako maisusuplong sa pulis.”

“P-paano ka nakakasigurong hindi kita isusuplong kahit na kasal na tayo?”

“Magdadalawang-isip ka muna bago mo gawin ‘yon, Kathryn. You’ll think of your father first.”

Naningkit ang mga mata ng dalaga. Nababawi na niya ang kanyang wisyo. Medyo lumilinaw na ang kanyang pag-iisip.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili bago nagsalita.

“K-kung papayag akong magpakasal sa ‘yo,” umpisa niya. Her voice sounded strange and trembly. “Ano ang magiging buhay natin?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“You’ll be my wife. Magsasama na tayo bilang mag-asawa,” ang walang gatol na tugon ng lalaki.

Sinikap niyang mabura ang anumang ekspresyon sa kanyang mukha.

She repelled the thought of seeing this man everyday of her life!

“Paano kung ayaw kong makisama sa ‘yo?”

The man’s eyes narrowed speculatively. “What do you mean, Kathryn?” His deep voice became dangerously low.

“I won’t live with you,” pahayag niya. Para bang walang namamahay na takot sa kanyang kalooban. “Normal naman ngayon ang mga mag-asawang hindi magkasama sa iisang bubong, hindi ba?” she added reasonably.

“Ang ibig mong sabihin — magpapakasal ka sa akin pero hindi ka makikisama? Ganoon ba?” paniniyak ng lalaki, halos pakaswal.

Ngunit hindi siya naniniwalang walang galit na nananalaytay sa mga ugat nito habang nakatitig sa kanya ang mga matang enigmatiko.

“That’s right,” tugon niya.

“Ganyan ba ang gusto mo talaga?”

Kinitil ni Kathryn ang katiting na hesitasyon sa kanyang kaibuturan habang tumatango. “I’m sure, you’ll appreciate an invisible wife, Zandro. Magagawa mo pa rin ang gusto mo, na para bang binata ka pa.”

“At ikaw rin ay gayundin ang gagawin?” pananalakab. “Aasta ka pa ring dalaga, sa sandaling mawala na ako sa paningin mo. Ganoon ba?”

Nagkibit ng mga balikat si Kathryn. “A man like you wants his freedom very much, Zandro.”

Umiwas siya ng tingin dahil ibig niyang ikubli ang naramdamang panibugho para sa mga babaeng makakaugnayan ng lalaki kapag nagkahiwalay na sila ng landas.

“You’re an innocent,” pakli ni Zandro. “Paano mo nalaman kung ano ang gusto ng isang lalaking katulad ko?”

“Ayaw mong magsuplong ako sa pulis, dahil ayaw mong makulong,” ang maikling paliwanag niya.

She suddenly felt ridiculous. Nakaupo pa rin siya sa crime scene, at nakikipag-usap sa criminal.

Para bang nag-iimbita pa siya ng dagdag na panganib.

Tinangka niyang tumindig upang makaalis na sa lugar na iyon.

“I suppose, you’re right,” pahayag ng lalaki.

Napahinto siya sa paggalaw. “P-payag ka na?”

Nangungusap ang panginginig ng kanyang mga labing mapupula at bahagyang namamaga.

Napatitig muna sa kanya nang matagal si Zandro. Para bang may pinaglalabanan.

“Kung papayag ba ako sa kundisyon mo, magpapakasal ka na sa akin?” tanong nito, kapagkuwan. His tone was low-pitched and voluptuous, full of hidden meanings.

Hindi niya alam kung gaano kabilog ang kanyang mga mata nang mga sandaling iyon.

“C-can I trust you?” ganting-tanong niya. Her shaky voice was solemn, full of wistfulness.

There was a glint of shrewdness in his dark eyes when he finally nodded his head.

“Of course, my dear Kathryn,” anito, pabulong. “You can trust me.”

ZANDRO was so desperate, he could have agreed to anything she demanded.

Basta’t mapapayag lang niyang magpakasal ang babae, ipapangako niya rito ang kahit na ano.

Kahit na hindi naman niya kayang tuparin…

O hindi niya balak tuparin.

“Yes, you can trust me,” he repeated his lie huskily.

Halos hindi niya magawang tumingin nang diretso sa mga matang mabibilog.

Mabuti na lang, nagbaba agad ng tingin si Kathryn. Tila hindi matagalan ang pagtitig niya rito. “Uhm, k-kailan mo balak magpakasal?”

His body pulsed back to life as he watched the ripe lips quiver with suppressed emotions.

He was still tingling with remembered rapture while her soft warmth was wrapped around his hard passion.

“As soon as possible,” ang maagap na tugon niya. “We could get married tomorrow afternoon,” dugtong niya. His casualness belied his eagerness.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kathryn. “B-bukas?” ulit nito. Ibig makasigurong tama ang narinig.

Tumango si Zandro. “I had a special license ready, days ago,” pag-amin niya.

Napakurap-kurap si Kathryn. “P-pinlano mo talagang pakasalan ako?”

Zandro found no reason to lie, so he nodded his dark head. “I wanted to marry you right after that fateful night.”

Bumuka ang bibig ng babae ngunit walang numulas na katanungan. Umiwas uli ito ng tingin sa kanya.

“Uhm , k-kailan naman ako makakauwi sa amin?” Pilit ang pagiging kalmado nito.

“Oh, we shall go home after a few days,” sagot niya, pa-kaswal.

“W-we?” she squeaked. “S-sasama ka pa sa amin?”

Kumurba pataas ang makakapal na kilay ni Zandro. Isang pahiwatig ng tinitimping pagkayamot.

“Of course, sasama ako sa ‘yo. Don’t you think, your father might want to meet me before I, er, disappear from your life?” panunudyo niya.

Namula nang husto ang mukha at ang leeg ni Kathryn. “I — I think, he’d want to attend to my wedding, too,” wika nito matapos ang sandaling katahimikan. “Magtataka ‘yon at magsususpetsa dahil nagmadali tayong magpakasal.”

Tumangu-tango si Zandro, while giving her an benevolent smile. “I’d be more surprised, kung hindi siya mag-iisip, my dear Kathryn. Lalaki rin siya, he should know the real score.” Ngumiti uli siya bago nagpatuloy. “I’m sure, matutuwa siya sa ginawa nating pagmamadali. We remedied an act of indiscretion by marrying in haste.”

Nagpakita ng pagkayamot ang babae. “Ang akala mo, alam mo na ang lahat,” anito habang umiirap sa kanya.

Napatitig na naman dito si Zandro.

There was something different with the woman.

Hindi niya masabi kung ano ang nagbago kay Kathryn ngunit ramdam na ramdam niya ang ibang aura nito.

Para bang nagkaroon ng tigas at tatag ang kalooban…?

Kung gayon nga ang nangyari, natutuwa si Zandro.

PRISONER OF LOVE-22

Comments are closed.