Prisoner of Love-22

Isang magandang pahiwatig iyon. Ibig sabihin, nakaka-recover na si Kathryn sa traumatic experience na dinanas sa mga kamay niya.

He didn’t want to break her spirits.

But he’d have to watch over her carefully. Parang may binabalak na iba ang babae.

Her moods moved extremely to both sides. Just like a yoyo.

Lihim siyang napangiti. He would enjoy having a virago wife. His own virago woman.

Kahit na mag-aaway muna sila tuwing bago magtalik, mas gusto niya iyon.

Mas gusto niya ang gayon kaysa sa pagpapaubayang wala naman sa loob.

Magmula nang makilala niya si Kathryn, napagtanto na ni Zandro ang kaibahan ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya.

He had not realized until Kathryn, that he was leading an empty life.

His days and nights might be full then but he had not been satisfied by them all recently. Naghahanap siya ng iba.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Naghahanap siya ng kakaiba — nang dumating sa buhay niya sa Kathryn.

Ngunit sinira niya ang anumang tsansa na mapalapit sa kanya ang babae.

And now, he could only hope against hope that all his chance were not irrevocably destroyed…

“Ano’ng iniisip mo?” pang-uusig ng babae sa kanya.

“Ikaw.”

“Ano’ng iniisip mo tungkol sa akin?” Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Zandro bago umiling. “Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa ‘yo,” pagtatapat niya. “C’mon, dinner’s waiting.”

Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor.

Dinner that night was strangely quiet and peaceful.

Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.

Inasikaso niyang mabuti si Kathryn. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang.

“Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?” taka ng babae.

Nagkibit ng mga balikat si Zandro. “Dahil gusto ko.”

“Dahil inuuto mo ako,” pananalakab nito.

“Hindi ka batang paslit para utuin, Kathryn,” pakli niya. “Mas bagay sigurong sabihing sinusuyo kita.”

She blushed delicately.

“Hindi mo na kailangang gawin ‘yan,” salo nito matapos ang sandaling pagkaumid ng dila. “I agreed to marry you.”

“Well, a man and a woman to be married still court each other.”

“You don’t have to,” she snapped. “As we’ll be separated after the wedding!”

Ngumiti lang nang makahulugan si Zandro. “We’re not still wed and you’re still my captive. So, you’ve got to humor me—or rather suffer my attentions.”

Namutla naman ngayon ang dalaga matapos mapagtanto ang mga implikasyon na nasa ilalim ng mga salita niya.

“I-ibig mong sabihin, puwede pang magbago ang isip mo — kapag hindi ako nagpakitang-giliw sa ‘yo?”

Tinitigan niya ang babae bago tumango nang marahan.

He watched her reaction warily.

Naningkit ang mga mata ni Kathryn. “I don’t think I’m going to like you, Zandro,” ang pagigil na wika nito habang hinahawakan nang mahigpit ang baso ng tubig. “You sonofabitch!”

Alam ni Zandro na isasaboy nito ang tubig sa mukha niya. But he didn’t attempt to dodge the splash of cold water on his face.

Napapatda rin ang babae nang makita ang ginawa nito sa kanya.

“B-bakit hindi ka umiwas?” pang-uusig pa nito nang makabawi.

Malumanay na dinampot ni Zandro ang isang table napkin at idinampi sa tubig na umagos sa kanyang suot na polo.

“You only showed your frustrations, Kathryn. It’s understandable.”

Naningkit uli ang mga mata ng dalaga. “Sinabi mo sa akin noon na puwede kitang saktan, parusahan, kung ibig ko,” sambit nito. “Tutoo ba ‘yon sa loob mo?”

Tumango si Zandro. Pinigil niya ang pagrehistro ng kasiyahan sa mukha niya.

Kung gusto nang magparusa ni Kathryn, abot-kamay na niya ang kapatawaran.

Iyon ang katwiran niya sa sarili.

Ngunit iba ang takbo ng utak ng isang babae…

Lalupa’t ng isang babaeng nasaktan.

“I will accept your punishment,” pahayag niya, seryosong-seryoso. “To earn your forgiveness, of course.”

Hindi umimik si Kathryn.

At hinayaan lang ni Zandro na mag-isip ito.

Kaya muling naghari ang katahimikan hanggang sa matapos ang hapunan.

He watched the flitting expressions on her heart-shaped face.

Habang nababasa niya ang mga emosyon na isa-isang rumerehistro sa hugis-pusong mukha ni Kathryn, napapagtanto niyang ibang klase ang karakter ng babae.

Kathryn was the strong kind. Her devastated spirit rose from the ruins like the proverbial phoenix.

May sapat na lakas ng loob at isipan si Kathryn para muling ibangon ang sarili mula sa kinasadlakang kasawian.

Namalayan na lang ni Zandro na sumisibol na ang paghanga niya para sa dalagang ito.

“Have some of this for dessert,” alok niya habang inilalagay sa harapan ng kasalo ang isang platitong may hugis-pusong leche flan.

Tinanggap naman ng dalaga.

He was not expecting what she did next.

Itinapon nito ang malagkit na kakanin sa kanya.

The yellow gold sweet clung to his cheek and slowly dripped down to his already wet poloshirt.

Nagtiim-bagang si Zandro. Kinuyom niya ang mga palad habang ipinapaalala ang pangakong pagpapasensiya sa babae.

He heaved a deep sigh as he cleaned his sticky face with a table tissue.

Pigil-hininga ang babae sa panonood sa kanya. Naghihintay ito ng paghihiganti niya.

But he remained calm and controlled. “I wish you’d stop doing that, Kathryn,” aniya sa mababang tono. “Grasya ng Diyos ang idinadamay mo.”

Hindi nakahuma si Kathryn. Napatitig lang sa kanya.

Tumindig si Zandro. “Halika na. Ibabalik na kita sa silid mo.”

She wore a mutinous expression as she stood up. “Kung umaasa kang lalambot ang loob ko sa ‘yo dahil tinatanggap mo ang mga ginagawa ko, nagkakamali ka, Zandro!”

“I know,” wika niya. Maingat niyang hinawakan sa isang braso ang dalaga upang igiya patungo sa hagdan.

Pumiksi ito. Hindi mapigil ang pagkayamot na nadarama sa ipinakikita niyang pagpapasensiya.

“Bitiwan mo ako!” asik nito.

Lalo lang humigpit ang pagkakapulupot ng mga daliri niya.

“Bingi ka ba?”

“Hindi.”

“Sinabi kong bitiwan mo ako!”

“I’ve had enough tonight, Kathryn. Don’t push me too far.”

Nawalan ng imik ang dalaga. Sinimangutan na lang siya nito at nagpatianod sa pag-alalay niya.

Napangiti si Zandro habang minamasdan ang babae.

“You look more beautiful when you’re angry, my dear bride,” he whispered raspily. Nagkaroon ng kaunting gaspang ang kanyang tinig dahil sa tinitimping paghanga para dito.

PRISONER OF LOVE-23

Comments are closed.