Prisoner of Love-23

“I’m not your dear bride!” bawi nito, paangil.

“Yes, you are,” pakli niya. “And tomorrow, you shall be my legal wife.”

Nakita niyang pinilit lunukin ng babae ang naramdamang pangamba.

“B-but not for long,” anito. “We shall be legally separated shortly afterwards.”

He didn’t make a comment. Sinadya niyang huwag tumugon kahit na alam niyang naghihintay ito ng kasagutan.

Nakarating sila sa kuwarto ng babae nang muli itong magsalita.

Huminto ito sa tapat ng pintuan at tumingala sa kanya.

“T-tutuparin mo ba talaga ang mga pangako mo, Zandro?”

“Isa lang ang natatandaan kong pangako sa ‘yo, Kathryn,” sambit niya habang hinahaplos ng isang hintuturo ang kurba ng makinis na pisngi.

Napamaang si Kathryn. “Isa lang?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

He smiled at her quizzically. “Oo, isa lang,” wika niya. “Nagkasundo tayong pauuwiin kita kung magpapakasal ka sa akin. Remember?”

“Are you planning to cheat on me?” pananalakab nito.

Umiling si Zandro. “Sa palagay ko, ikaw ang nagpaplanong mandaya, Kathryn,” pahayag niya.

She had the grace to blush. Umiwas ito ng tingin. “Masisisi mo ba ako?” salo nito. Matigas ang tono. “Magmula nang magkita tayo, pulos masasama ang ipinakikita mo sa akin.”

Tumikhim si Zandro. “Have you forgotten the night you got ill, and the days afterwards?” untag niya. “Hindi na ako nagpakita ng masama sa ‘yo, Kathryn,” paalala niya.

“Pero ang panatilihin akong bilanggo mo rito ay isa nang kasamaan,” bawi ng babae.

Kumiling ang ulo niya bilang pagsang-ayon. “Kung ikaw ang nasa katayuan ko, gan’on din ang gagawin mo.” He hesitated momentarily before continuing. “I didn’t rape you again.”

“At ‘yung ginawa mo kanina — ano’ng tawag d’on?”

“Well, that was seduction,” aniya. Alam niyang namumula ang mga punong-teynga. “I couldn’t help myself. My desire for you was so much — and you knew it. Besides, I made sure that you enjoyed it, too. I was very gentle, wasn’t I?”

ISANG malakas na sampal ang pinadapo ni Kathryn sa pisngi ni Zandro.

“Hayup ka na, bastos ka pa!” singhal niya.

Inaasahan niyang gaganti ang lalaki sa pananakit na ginawa.

Ngunit nanatiling walang tinag si Zandro.

Hinipo lang nito ang sinampal niya.

He didn’t seem hurt while her fingers were tingling with pain.

“Pumasok ka na sa kuwarto mo, Kathryn,” utos ni Zandro. Malumanay ang tono ngunit halatang nagtitimpi lang ito.

“Bakit? Dahil gusto mo na naman akong dahasin? Dahil nauubos na ang pasensiya mo at nangangamba kang baka masira na ang pagkukunwari mo?” Nanghahamon ang tono niya.

She seemed bent on self-destruction but she could not stop herself.

Hindi niya maintindihan kung bakit nais niyang makita ang pagkawala ng kontrol nito — uli.

Buong buhay ni Kathryn, ngayon lang niya naranasan kung paano pagtuunan ng buong atensiyon ng isang lalaki.

There was something exhilarating and exciting about the knowledge that this man desired her that much.

Para bang nagkakaroon siya ng kapangyarihan. Ng lakas.

And her present situation had somehow became tolerable.

“I’ll see you tomorrow, Kathryn. Sweet dreams,” wika nito habang itinutulak pabukas ang dahon ng pinto.

Itinaas niya ang noo at tinitigan nang matalim ang lalaki bago tumalikod para pumasok sa silid-kulungan.

“Alas onse ang kasal natin, Kathryn,” pahabol ng malamyos na boses nito.

Nagtimpi si Kathryn. Isinara niya nang pabagsak ang pinto.

Nanginginig siya dahil sa matinding tensiyon.

Hindi siya makapaniwalang nagawa niya ang mga ginawa kanina. Binastos, ininsulto at sinampal niya ang lalaki.

His lack of retaliation was very much out of character. He was a vindictive person.

Kaya nga siya napunta sa bilangguang ito, naghihiganti si Zandro.

Paano siya nakakasigurong hindi ito nagbabalak gumanti sa kanya — pagkatapos ng kasal?

Oh, God! panggigipuspos niya habang sapo ng mga kamay ang nanlalamig na mga pisngi. I’m going to be a captive forever. A slave to do his every whim!

At wala na siyang magagawa pa dahil nga nakatali na siya rito!

Hindi siya nakatulog nang maigi nang gabing iyon.

Nuong may sakit siya, hindi niya problema ang pagtulog. Palagi siyang napapaidlip dahil mahina pa ang resistensiya niya.

Ngunit hindi na nitong mga huling araw.

Laluna nang sabihin ng duktor na maayos na siya. Magaling na magaling na, maliban sa mga sugat na hindi nakikita.

Pasasaan ba, makakaalpas din ako sa pagkakabihag ng lalaking iyon! bulong niya sa sarili.

She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya.

Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday.

“T-tuloy,” tawag niya habang inut-inot na bumangon.

Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa.

Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan.

“Ipinabibigay ni Ser Zandro,” pahayag nito. “Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo.”

Saglit na hindi nakakilos si Kathryn. Napatitig siya sa puting kasuotan.

Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace.

The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length.

“Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha,” patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub.

“H-huwes?” ulit niya.

“Ikakasal kayong dalawa ni ser ngayon. Nakalimutan mo ba?”

Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.

“I-ikakasal?” ulit na naman niya.

Lumabas si Aling Diday sa banyo. Nakangiti pa rin ito. “Oo, iha. Naku, nagulat din ako nang sabihin ni ser kagabi ang tungkol sa kasalang magaganap ngayon!” bulalas pa nito sa natutuwang tono.

Sumulyap siya sa orasang pandingding. “A-ano’ng oras na ba? Alas diyes y medya na?”

“Oo. Kaya kumilos ka na, iha. Alas onse ang kasal n’yo ni Ser Zandro.”

Tinulungan siyang maghubad ni Aling Diday.

Awtomatiko ang mga kilos ni Kathryn. Parang nawala siya sa sarili. Naging sunud-sunuran siya.

Ilang sandali pa, nakaupo na siya sa harap ng dressing table. Sinusuklay ng katiwala ang mahabang buhok niya habang pinapatuyo ng hawak na hairblower.

Nakatitig siya sa repleksiyon.

Ngayon ang araw na matatali na siya nang lubos kay Zandro Soriano.

Magiging ganap na alipin na siya nito.

She was feeling panicky but was still trying so hard to hide her terror.

Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan.

PRISONER OF LOVE-24

Comments are closed.