Prisoner of Love-26

Natagalan na pala siya sa pagsagot.

“S-salamat,” sambit nito bago tumalikod sa kanya.

Patalilis na lumabas ng master’s bedroom ang babae.

Hinayaan niya itong makaalis.

Ngayong nakatuklas siya ng katiting na pag-asa, nabawasan ang insekyuridad na nadarama niya.

Nang gabi ring iyon, nagpasundo siya ng isang barbero. Nagpagupit siya at nagpaahit.

Minasdan niya ang mukha ni Kathryn nang magkita sila sa hapagkainan para maghapunan.

Nagulat ito at bahagyang nanlaki ang mga mata habang tumititig sa kanya.

“I-ikaw ba talaga si Zandro?”

Tumango siya. “Oo. Do you like it?”

Kathryn blushed delicately. “I do, I do,” she murmured shyly.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“Thanks,” sambit niya matapos ngumiti nang masuyo sa napapahiyang babae. “Do I look passable?”

“I — y-yes,” tugon nito.

“Good.”

Dinampot niya ang mga kubyertos na yari sa pilak “Kumain na tayo,” aya niya.

Ginaya siya ng babae.

Habang kumakain sila, nararamdaman niya ang mga panakaw na sulyap nito sa kanya.

He tried to ignore those surreptitious glances. Ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata.

Dahil ayaw niyang makalimot.

Nanatili ang katahimikan hanggang sa hindi na nakatiis si Kathryn. Ito ang unang nagsalita.

“K-kailan tayo aalis?”

“Bukas.”

“Puwede ko bang tawagan si Papa?”

Natigilan si Zandro. Saka lang siya tumingin dito. “Bakit?”

Napakurap ang babae. “P-para alam niyang papauwi na ako — t-tayo.”

Ipinagpatuloy niya ang pagkain. “Natawagan ko na siya,” aniya, pa-kaswal. “Alam na niyang papunta na tayo doon.”

Napamaang si Kathryn. “H-hindi ba nagulat si Papa?”

Umiling siya. “Hindi naman.” Ibinitin niya ang susunod na sasabihin.

Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy. “Matutuwa ka sigurong malaman na hindi niya alam ang tungkol sa pagpapakasal natin sa huwes.”

Dinampot niya ang kaliwang kamay ng babae. “Kaya nga hindi kita binigyan ng wedding ring. Gusto kong isuot ang singsing sa ‘yo kapag sa simbahan na tayo ikinasal.”

Pahaklit na binawi ni Kathryn ang kamay. “L-lolokohin mo rin si Papa?” bulalas nito.

“Hindi ko lolokohin si, er, Papa,” salo ni Zandro. Idinampi niya ang table napkin sa bibig. “I think, the truth will shock him thoroughly,” dugtong niya.

“You’ve got a point,” buntong-hininga ni Kathryn.

Pinuna niya ang kawalan ng gana nito. “Hindi mo ba gusto ang pagkakaluto sa ulam?”

“M-medyo busog pa ako,” pagdadahilan nito.

“You didn’t eat earlier,” pakli niya. “Ikukuha kita ng ibang pagkain.”

“H-huwag na,” pigil ni Kathryn.

Tumindig siya habang nagsasalita. “I’ll get you some fruits.”

“You don’t need to — ”

Hindi na niya hinintay na matapos ang pahabol ng babae. Kailangan niyang makalayo dito sa lalong madaling panahon.

He suddenly remembered that tonight was their wedding night — and he couldn’t have her.

Si Aling Diday ang nakita niya sa kusina.

“Paki-impake ang ilang mga damit namin ni Kathryn. Mga ilang araw kaming mawawala,” utos niya rito.

“Ano pong sasabihin ko kapag may naghanap sa inyo, ser?”

“Sabihin mong hindi mo alam kung saan ako nagpunta.” May naalala siya. “Sikreto ang kasal namin ni Kathryn. I-deny n’yo kung may magtatanong ng tungkol sa pagpapakasal namin. Maliwanag ba?”

“Opo, ser. E, ano po ang kailangan n’yo? Hindi n’yo na lang po kami tinawag?”

“Magdala kayo ng ibang putahe sa kumedor. At mga prutas.”

“Masusunod po, ser,” ang maagap na tugon ng katiwala.

Napahinto siya sa may pintuan nang makitang nawawala ang babae sa kinauupuan nito kanina.

“Kathryn?”

Walang tumugon.

He retraced his steps. Tinungo niya ang hagdan. Pihong nagbalik na sa silid si Kathryn.

Kumatok siya sa pinto ng babae.

“Kathryn? Kathryn!”

Ilang ulit iyon hanggang sa mainip.

Pinihit niya ang seradura ngunit hindi mabuksan ang pinto.

“Kathryn! Buksan mo ‘to,” utos niya.

Pabayo na ang pagkatok niya habang nagsisimula nang kabahan.

“Kathryn, gigibain ko ‘to kapag hindi mo binuksan ‘to,” pagbabanta niya.

Niyabog pa niya nang niyabog ang solidong dahon.

NAKATITIG si Kathryn sa nayayanig na pintuan.

Nagdadalawang-isip siya kung pagbubuksan niya ang lalaki.

Ayaw niyang sumiping rito.

Gabi ng pulot-gata nila ngayon.

Imposibleng hindi ito nagbabalak na magtabi sila, ngayon pa namang legal na ang anumang pagtatalik na magaganap.

Niyapos ni Kathryn ang sarili.

Naalala na naman niya ang nangyari kahapon, ang ikalawang pagniniig nila ni Zandro.

She felt wonderful, utterly wonderful after the tender lovemaking.

Para bang naging dalawang magkaibang nilalang ang lalaking nakatalik niya.

The memory of his rape of her body was getting dimmer and dimmer each day.

Unti-unti, nakakalimutan na niya ang bangungot ng pagsasamantala sa kanya ni Zandro.

Para bang sa ibang babae naganap iyon…

“Hindi!” angil niya sa sarili. “Sa ‘yo nangyari ‘yon!” diin niya.

Napapitlag siya nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig.

Nabaklas ang pinto!

Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zandro.

“Anak ng — ” pagmumura nito. “Bakit hindi ka sumasagot?” pang-uusig nito nang makita siya.

Tinatagan ni Kathryn ang sarili. “H-huwag kang lalapit!” bulalas niya.

Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon.

He looked ruthless and powerful…

Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha.

His stance was menacing as he stood before her trembling form.

“Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?” tanong nito, paangil.

“T-tapos na akong kumain,” tugon niya.

“Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kathryn,” pakli ni Zandro.

Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki.

Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa matigas na ekspresyon ng lalaki.

“I t-told you,” salo niya. “Busog pa ako.”

“Yeah, you told me. But that’s not reason enough to leave the dining table — without me.”

Nilunok niya ang bikig sa lalamunan. “I — I’m sorry,” sambit niya.

Abut-abot ang paghingal niya na para bang tumakbo siya nang malayo.

“Tsk! Why are you looking at me like that?” tanong ng lalaki. Puno ng sarkasmo ang matigas na tinig. “Are you expecting me to force you again? Will you like me to ravish you again? Do you crave to be raped again?”

Natapos ang mga salitang mapang-uyam sa tonong paos at nasasabik.

Bumuka ang mga labi ni Kathryn ngunit walang salitang numulas sa kanyang bibig.

“Answer me!”

PRISONER OF LOVE-27

Comments are closed.