Prisoner of Love-29

“By tonight, kaharap na natin ang Papa mo,” umpisa niya. “I think, he should be informed right away of the true situation between us.”

Umiwas ng tingin ang babae.

Sinapo ng mga daliri niya ang baba nito. “After last night, hindi ko na mapipigil ang sarili ko sa pagsiping sa ‘yo, Kat. You’ve stripped me of all my self-control,” he admitted solemnly.

Kathryn fidgeted with agitation. Nalilito rin marahil.

“Iyon lang ang mababago sa plano, Kat,” paliwanag ni Zandro habang hinahaplos ng isang palad ang mahahabang alon ng itimang buhok. “We’d still be married in a church.”

Umakmang babangon ang babae. Halata ang pagkabalisa nito.

“Where’re you going?” he asked, automatically tightening his embrace around her.

“S-sa banyo,” tugon ng paos at garalgal na boses.

“I’ll take you there,” he offered huskily.

“N-no — ” Tatanggi sana ito ngunit maagap na niya itong napangko.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

The bathtub was still full, but the water had gone cold.

Iniupo niya ang babae sa rattan chair.

“Wait here,” aniya bago lumapit sa tub.

Hinila muna niya ang cord ng stopper bago binuksan ang dalawang malaking gripo.

Pamaya-maya pa, naka-prepara na ang pampaligo ng babae.

“You can take a bath now, Kat,” aya niya.

Naunawaan niya ang hesitasyon ni Kathryn.

“Okey, sa labas muna ako,” wika niya habang isinasampay ang puting tuwalya sa towel rack.

Paglabas niya, saka naman may kumatok sa pinto. Doon siya lumapit.

Ang isa sa mga katulong na dalaga ang nasa labas.

“Ser, nandito na po ang almusal na ipinahanda n’yo.”

Binuksan niya nang husto ang pintuan para makapasok ang de-gulong na trolley.

“Saan n’yo po gustong ipahain ito, ser?”

“Sa balkonahe,” tugon niya.

Maliksing kumilos ang katulong. Sandali lang itong nanatili sa master’s bedroom.

“Aalis na po ako, ser,” paalam nito. “Meron pa po kayong ipag-uutos?”

Umiling si Zandro. “Tatawag na lang ako kung meron pa. Salamat.”

Yumukod na lang ang utusan bago lumabas ng silid.

Habang naghihintay kay Kathryn, naupo sa silya si Zandro. Binuklat niya ang isa sa mga diyaryo na kasama palagi sa kanyang breakfast trolley.

Ngunit wala siyang mawawaan sa mga binabasa.

Ni hindi rumehistro sa utak niya ang mga numero sa stock market column.

Si Kathryn ang nasa isip niya.

Si Kathryn at ang pag-ibig niya para dito.

Paano matatanggap ng babaeng pinagmalupitan ang pagmamahal na iluluhog niya dito?

Nakarinig siya ng kaluskos kaya nahulaan niya ang paglapit ng babaeng laman ng isipan.

“Halika, maupo ka,” aya niya nang malingunan ang nag-aalanganing si Kathryn.

Hindi ito makatingin sa kanya. Para bang mayroong ginawang mali.

Saka lang siya nagsalin ng mainit na kape sa dalawang tasang porselana nang makaupo na ito.

“Here. You want cream and sugar?” alok niya. Ngayon pa lang sila magkakasabay sa almusal kaya hindi pa niya alam kung ano ang panlasa nito.

“C-cream lang,” ang nakikiming tugon ng babae.

Itinulak niya palapit dito ang cream jug.

Saglit silang natahimik pareho habang nagpe-prepara ng pagkain sa sari-sariling pinggan.

“My robe suits you better than I,” wika niya kapagkuwan.

Nakatiklop ang mahahabang manggas at umabot hanggang sa ibaba ng mga tuhod nito ang laylayan.

Ang gusto ni Zandro ay ang cleavage na kitang-kita niya dahil sa maluwang ang itim na roba sa balingkinitang katawan ni Kathryn.

Na-conscious ang babae. Hinapit agad ng mga daliri nito ang front lapels.

“T-thank you,” she said in a flustered note.

Ngumiti si Zandro. He found her modesty endearing.

Panakaw na sumulyap ang babae sa kanya.

Ngunit agad ring nagbawi ng tingin nang makita ang masuyong ngiti niya.

Katulad kagabi, inasikaso ni Zandro ang pagkain ng asawa.

He noted with satisfaction that she had appetite this morning.

Magana itong kumain, kumpara kagabi.

“May I ask you something?” untag niya nang matiyak niyang patapos nang kumain si Kathryn.

Tinatapos na lang nito ang isang basong orange juice at ang ilang pirasong ubas na binalatan niya para dito.

All he had consumed were two cups of black coffee and a buttered croissant. Nabubusog na siya habang pinapanood ang babae.

Tila napalunok si Kathryn sa unang tanong niya.

Ngunit hindi siya nagpapigil.

“How do you feel about me now, Kathryn?”

Kumibot ang bibig ng babae. Pero hindi agad tumugon.

“W-what do you mean?”

Natuwa siya nang tumingin nang diretso sa kanya si Kathryn.

Makakapag-usap na rin pati ang kanilang mga kaluluwa…

“Do you still hate me very much?”

Agad na nagbaba ng tingin ang babae.

Para bang nailang.

“I — I don’t hate you, Zandro,” pag-amin nito nang lumipas ang ilang sandali ng katahimikan.

He should think himself foolish for feeling so happy with the admission — but he didn’t.

Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae.

“So, how do you feel about me?” untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.

Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. “I — I don’t know,” tugon nito, halos pabulalas. “I’m confused!”

Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto.

Pinagsisihan agad ni Zandro ang di napigil na kuryosidad.

Tumayo siya para sundan ito.

Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak.

Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito.

“I’m sorry, Kat,” pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.

Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.

“Tumahan ka, Kat. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo,” paalala niya.

Dahan-dahan, humupa ang mga hikbi ni Kathryn.

Nang humihikbi na lang ito, saka niya hinawakan sa magkabilang balikat at marahang itinihaya.

Mistulang musmos na kinuskos ng mga kamay ang mga pisnging nabasa ng luha.

“Ano ba ang masama sa mga tanong ko kanina, Kat?” tanong niya nang makitang kalmado na uli ito.

Umiling ito.

“Wala pala. Bakit ka nagkaganyan?”

Humihikbi pa rin ang babae pero madalang na. Huminga muna ito nang malalim bago tumugon. “N-nalilito ako.”

“Bakit ka nalilito?”

“Hindi ba dapat, kasuklaman kita? Dapat, galit ako sa ‘yo?”

“O-oo,” maang niya.

Hindi siya dapat sumang-ayon ngunit nais niyang marinig ang buong dahilan ng pagsama ng loob ni Kathryn.

He wanted to understand her.

“Bakit?” untag niya nang hindi na uli nagsalita ang babae. “Hindi ka na ba nasusuklam sa akin?”

Umiling ang babae.

“Pero gusto mong masuklam at mamuhi sa akin, hindi ba? Dahil sinaktan kita at pinagmalupitan?”

PRISONER OF LOVE-30

Comments are closed.