Prisoner of Love-31

“You look more lovely than ever, iha,” papuri nito.

Umakbay ito sa balingkinitang balikat ni Kathryn atsaka sila inaya sa loob ng bahay. “Tuloy ka sa aming tahanan, Zandro.”

Ipinaubaya niya muna ang asawa sa ama nito. Dinampot niya ang dalang attache case, at ang overnight case ni Kathryn.

Nalingunan siya ni Don Nicholas. “Ipaubaya mo na sa mga katulong ang mga ‘yan, Zandro,” anito nang makitang bitbit niya ang ilan sa mga bagahe nila.

“Magaan lang ho ang mga ito, sir,” wika niya habang ngumingiti.

“Kumusta ang biyahe?”

“Mabuti naman po.”

Si Kathryn ang alam niyang tinatanong nito ngunit siya ang sumagot dahil parang wala sa sarili ang babae.

“Siguradong pagod kayo kaya nakahanda na ang mga kuwarto,” pahayag ni Don Nicholas nang nakaupo na sila sa salas.

The ambience in the living room was warm and cozy.

Kaunti lamang ang mga show pieces sa paligid ngunit napaka-kumportable naman.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Naupo si Kathryn sa isahang sopa.

“Maupo ka, iho,” aya ng ama nito.

Kumiling ang ulo ni Zandro. Mas interesado siyang tanawin ang hardin, kungsaan nanggagaling ang sariwang halimuyak na pumupuno sa palibot.

Lumapit sa kanya ang biyenan. Inabutan siya ng isang glass tumbler na may lamang alak at yelo.

“Napakarami n’yong tanim na rosas,” aniya habang nakatayo sa tapat ng nakabukas na bintana. “The air is fragrant with their sweet smell.”

“Alaga ang mga ‘yan ng nasirang ina ni Kathryn, iho.” Nabahiran ng lungkot ang malaking boses ng ranchero.

Sabay silang sumimsim.

“Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin,” untag nito.

Sumulyap siya kay Kathryn. Nakatitig ito sa hawak na kopita.

“Kat?”

Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya sa palayaw niya rito.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Zandro would like to kick himself for being such an insensitive fool.

His wife looked ready to collapse.

Tumingin siya sa biyenan.

It was up to him to now.

Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kathryn.

“Ikinasal po kami ni Kat kahapon, sir,” simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya.

“Ikinasal?” ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito.

Mas malaki ang pag-aalala.

Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon.

“Kathryn?” Ang anak ang binalingan matapos masuring mabuti ang katunayan. “Ano’ng masasabi mo, anak?”

Her large, rounded eyes sought his help.

But he did not speak. He just smiled at her encouragingly.

Ibinalik ni Kathryn ang paningin sa ama. “P-papa, nagpakasal na po kami ni Zandro,” pag-amin nito. Bagama’t may nginig ang mababang boses, nandoon naman ang conviction na tutoo ang sinasabi nito.

“Bakit naman biglang-bigla yata?” tanong ng magulang matapos titigan ang mukha ng supling.

Pigil-hininga si Zandro.

Puwede siyang ipahamak ni Kathryn nang mga sandaling iyon.

Sumulyap uli sa kanya ang babae.

Halos hindi siya makarinig sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib niya.

“M-mahal po namin ang isa’t isa, Papa,” sambit ni Kathryn matapos ang isang kailanman.

Hindi makapaniwala si Zandro.

Pakiramdam niya, nagkamali ang pandinig niya.

But her father swallowed the lie, hook and sinker. Don Nicholas beamed at them happily.

“Ah, at last!” bulalas nito. “That’s what I want to hear. Love, good old love! Iyan lang ang dapat na maging dahilan ng dalawang nilalang na mag-i-isangdibdib.”

Tumindig ito upang yapusin at halikan ang anak. At pagkatapos ay kinamayan uli siya.

Saka lang uli huminga nang maayos si Zandro. Hindi niya inaasahan ang sasabihing iyon ng babae.

He would not be surprised if she betrayed him in those first crucial moments. He had not been a good man.

He gave Kathryn a grateful glance.

Isang kiming ngiti lang ang itinugon ng babae sa kanya.

He wanted to thank her.

But it was not the right time…

Nagsalin uli ng alak si Don Nicholas. “This calls for a celebration!” pahayag nito.

“Balak din po naming magpakasal sa simbahan dito, sir,” salo niya.

Nanlaki ang mga mata ng matandang don. Halata ang kasiyahan nito sa sinabi niya.

“I’m glad,” wika nito. Namasa sa luha ang mga mata. “I’m very, very glad. Binigyan n’yo ako ng isang mahalagang regalo!”

“H-hindi po kayo nagagalit, Papa?”

“Of course not, iha,” agap ni Don Nicholas. “You chose well with Zandro. I like him.”

“Thank you, sir,” he acknowledged the compliment respectfully.

Itinaas ni Don Nicholas ang hawak na baso. “Let’s toast for your happiness!”

Gumaya sila ni Kathryn.

Itinaas nila pareho ang kanilang mga baso.

At sabay pa silang sumambit ng: “Cheers!”

“E, kailan n’yo naman balak idaos ang church wedding?”

Nagtinginan sila uli ni Kathryn.

“Kayo na po ang bahala, sir,” pahayag ni Zandro.

Tumawa nang malakas si Don Nicholas. “Ano’ng ‘sir’? ‘Papa’ na ang itatawag mo sa akin, magmula ngayon, iho!”

THROUGHOUT dinner that night, Kathryn was thinking hard.

Bakit ganoon ang kasinungalingang numulas sa kanyang bibig?

Puwede naman niyang sabihin ang tutoo ngunit bakit hindi niya nagawang ipagkanulo si Zandro?

Well, she only had to look at her cheerful father to know that her decision was the right one.

Kung ang ginawa niya ay dapat, baka hindi masaya ang atmospera sa bahay nila ngayon.

Tiyak na ang mamamayani ay galit at poot. At pagdaramdam na din.

“Iha, nakahanda na ang kuwarto n’yo. You can go upstairs whenever you feel tired,” paalala ng ama sa kanya.

“Er, opo, Papa,” tugon niya.

Tumindig na si Zandro. He didn’t bother to hide his eagerness to go to the bedroom.

God! This man is shameless! bulalas niya sa sarili.

“Magandang gabi po uli, Papa,” ang magalang na paalam ng lalaki sa kanyang ama.

His manners were impeccable.

Wala siyang masabi sa pagiging maginoo nito sa kanya.

Pati nga rin ang kanyang Papa.

Paniwalang-paniwala agad ito.

She didn’t acknowledge that she was the only one who made a blatant lie.

“Ihahatid ko na kayo sa kuwarto n’yo,” decided her father at the last minute.

His big frame lumbered beside them as they climbed the stairs.

PRISONER OF LOVE-32

Comments are closed.