Prisoner of Love-32

Nagtungo sila sa kuwartong ipinahanda ng ama.

Sa isang malaking guestroom sila ipinuwesto.

“Mas gusto ko sa kuwarto ko noon, Papa,” pahayag niya.

“Medyo masikip d’on, iha. Isa pa, hindi magiging kumportable si Zandro sa isang kuwartong napaka-feminine — ”

“Oh, but I would be comfortable anywhere, sir,” sabad ni Zandro. “Besides, I’d be interested to see her old room.”

Na lalong ikinayamot ni Kathryn.

She was being contradictory, but she didn’t care. Nasa sariling teritoryo na siya.

“Ah, no, no, no, iho. When you see her bed, you’ll change your mind. But you can satisfy your curiosity.”

Kaya nagpupuyos man ang kalooban, napilitan siyang sumama sa dalawang lalaking ibig mag-usyoso sa kanyang kuwarto.

She could not read her husband’s expression as he looked around her old room for a long time.

“Well? Am I right, iho?” untag ng kanyang Papa.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Tumango lang si Zandro.

Si Kathryn lang ang nakahalata sa tensiyon na biglang lumambong sa kabuuan nito.

“Buweno, iiwan ko na kayo. Pupunta na ako sa silid ko,” paalam nito nang magsimulang maghikab.

Si Zandro ang unang nagsalita nang maiwan sila. “Kung gusto mong dito matulog nang mag-isa, maiintindihan ko, Kat,” wika nito. Seryoso ang tono.

Nagulat si Kathryn. “Hindi ka ba nabibigla?”

Pilit ang ngiti nito habang umiiling. “Kanina ko pa kinumbinsi ang sarili ko na alukin ka, Kat.”

She couldn’t stop herself from feeling piqued. “Bakit? Dahil ba tumatanaw ka ng utang na loob? I could’ve turned you in,” panunuya niya. “Puwede ko nang sabihin ang tutoo kay Papa kanina.”

His expression became solemn again. “Alam ko, Kat,” pahayag nito. “At nagpapasalamat ako sa ‘yo.”

“Kaya tumatanaw ka ng utang na loob?” bawi niya.

He sighed several times before replying. “Hindi siguro, Kat. It’d be a strange thing to do for my character,” tanggi nito. “I’m a grabber. Sinusunggaban ko agad ang anumang pagkakataon na dumating sa buhay ko.”

“Then why are you being easy with me?”

Tumitig sa kanya ang lalaki. Matagal iyon. Parang inaarok ang kaila-ilaliman ng kanyang kaluluwa.

“Dahil mahal kita, Kat,” wika nito. Mahina ngunit matatag ang baritonong boses. Puno ng sinseridad ang mga matang malalalim.

His formerly enigmatically dark eyes were suddenly alight with a warm and dazzling emotion.

But she still could not let herself from believing him.

This man was a villain…

Umatras siya nang akmang lalapit ito upang gagapin ang mga kamay niya.

“N-no,” tutol niya. She childishly hid her hands behind her back. “Niloloko mo na naman ako,” pang-aakusa niya.

Umiling ang lalaki. Hindi nagbabago ang seryosong ekspresyon nito. Pati ang malumanay na tono. “I can never lie to you. You’re very important to me, Kathryn.”

Hindi niya pinakinggan ang sinasabi nito. “Sinasabi mo lang ‘yan dahil naniwala ka sa kasinungalingan ko kanina,” she accused him wildly.

“Hindi tutoo ‘yan, Kat. Mahal na mahal na talaga kita.”

“Hah! Natatakot kang baka magbago pa ang isip ko. Puwede pa rin kitang isuplong kahit na kasal na tayong dalawa!” patuloy niya.

“I’m sorry, Kat. But I’m telling the truth. I really love you very much.”

Sinapo ng mga palad niya ang magkabilang teynga. “Ayaw kong marinig ang mga sinasabi mo! Nagsisinungaling ka rin!”

Maliksing nakalapit sa kanya ang lalaki. “Hey, don’t be hysterical,” awat nito habang niyayapos siya upang aluin. “I won’t insist that you believe me, Kat,” pangako nito.

Nakalma naman agad siya.

Hindi dahil sa pang-aalo nito. Kundi dahil sa matinding antok na biglang dumatal sa kanya. God, she was emotionally — and mentally — exhausted!

“Let me go,” utos niya. Ngamol na ang boses dahil nakayupyop ang mukha niya sa malapad na dibdib. “Gusto ko nang matulog.”

“Yeah, babe. I’ll tuck you in,” bulong ni Zandro habang inihihiga siya nang buong ingat sa kanyang kama.

Naramdaman niyang nawawala na naman ang mga saplot niya.

“W-what are you doing…?” tanong niya ngunit walang lakas ang tinig niya. At ni hindi siya makadilat.

“Hinuhubaran kita para makapagpalit ka ng nightgown.”

She gave him a sleepy smile. She was feeling disoriented already. “I won’t need it, Zandro,” aniya, pabulong. “You always take it off me.” Nahihila na naman siya sa magkabilang direksiyon. Should she desire him or should she despise him?

She heard him took several deep breaths to calm himself.

Pinilit niyang magmulat ng mga mata. “Remember our wedding night?” she taunted him dreamily.

“Christ! Is this your brand of revenge?” he groaned raspily. But his hands remained gentle on her. “Of course, I remember about last night. It was the most memorable night for me.”

The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire.

Nakaramdam ng kilabot si Kathryn kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.

I want you… bulong niya sa sarili.

Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae.

Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?

She giggled with the realization.

Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?

“Are you drunk, Kat?” Narinig niya ang tanong ni Zandro kaya nagpilit na naman siyang dumilat.

“No — ” Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo.

“Yes, you are, sweetheart,” pakli ng lalaki. “I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine.”

Kathryn giggled again. Her eyes were closed again.

“Am I drunk?” tanong pa niya.

Hinaplos ng isang kamay ni Zandro ang kanyang noo at buhok na nakalatag sa unan. Nakalas na pala iyon sa pagkakapusod.

“Go to sleep now, Kat. Hindi na kita aabalahin,” utos nito, paanas.

Ibinaling ni Kathryn ang mukha upang mapadikit ang pisngi sa kamay ng lalaki.

“Do you really love me?” she whispered tipsily.

“Yes, I do,” Zandro whispered back.

A part of her wanted to believe him so very badly. But she shouldn’t.

Umiling siya at tumagilid nang higa. Tumalikod siya rito. “Go away, Zandro,” she said wearily. “I don’t want to get hurt anymore.”

“Yes, Kat. I will go away. So that you won’t get hurt anymore.” There was a finality in his answer.

PRISONER OF LOVE-33

Comments are closed.