Prisoner of Love-34

“I — I don’t know, Papa. H-he overwhelms me!” pag-amin niya.

“He frightens you?”

Umiling siya. Niyapos niya ang sarili nang makaramdam ng mga sensasyon ng pagkapukaw.

What she felt for the man was not fear anymore. She — wanted him…

Napapahiya si Kathryn sa iniisip. At sa nadarama.

Tumalikod uli siya sa mapanuring paningin ng magulang.

Humarap siya uli dito.

“H-hindi ako natatakot sa kanya, Papa,” pagtatapat niya.

“What do you feel about him?”

She fidgeted agitatedly.

Oh, God! I love him!

Parang hindi niya kayang aminin ang tunay na damdamin.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“Do you love him, too?”

Hindi siya makapagsalita.

“Kahapon lang, wala kang problema sa pag-amin, iha.”

“K-kahapon — ” she repeated feebly.

Masuyong umakbay ang isang braso ng ama sa balikat niya.

“Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin kahapon? Mahal na mahal n’yo ang isa’t isa?”

Namula ang mga pisngi ni Kathryn nang maalala ang sinasabi ng ama.

“Was that a lie?”

“Y-yes and no,” tugon niya.

“What do you mean?”

“Kahapon, akala ko nagsisinungaling ako. Pero ngayon, hindi na.”

Nangislap ang mga mata ni Don Nicholas. “Mahal mo ang magiting na lalaki?”

Tumango si Kathryn.

Tumawa nang buong kasiyahan ang matandang lalaki. “Good, good,” anito.

Hindi na niya napigil ang mapangiti. Napuno ng kaligayahan ang kalooban niya.

“P-pababalikin n’yo po si Zandro?”

Makahulugan ang ngiti at sagot ng Papa niya. “Hindi naman siya umalis, iha. Kailangan pa niyang bunuin ang parusang ipinataw ng hukumang ito,” anito sabay turo sa sarili.

“Hukuman?” ulit niya. “H-hinusgahan n’yo na siya, Papa?”

Tumango ang tinanong. Iniliyad pa nang husto ang dibdib. “Tinanggap niya ang kaparusahan kaya dapat kang matuwa.”

“A-ano ang dapat kong ikatuwa?” tanong pa niya gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa.

Nandito pa rin si Zandro sa rantso! Nabuhayan ng loob si Kathryn.

“Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa ‘yo.”

Ipinilig ni Kathryn ang ulo niya. “Nasaan siya?”

“Basta’t nandito lang siya,” ang tanging itinugon ni Don Nicholas.

Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto.

At parang kumakampi pa ito kay Zandro…

“Papa — ”

“Mag-almusal ka na, iha,” pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. “Mag-relaks ka lang.”

“Pero, Papa — ”

“Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita.”

Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library.

“Senyorita Kathryn, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe.”

Nalingaan niya ang isang katulong nila.

“Ikaw pala, Mina. Kumusta ka na?”

Ilang linggo lang siyang nawala ngunit parang isang taon na niyang hindi nakita ang mga pamilyar na tao sa dating mundo niya.

Kathryn was floundering in her own home.

Para bang hindi na ang bahay na ito ang tahanan para sa kanya.

Para bang ang iniwang silid-kulungan na nasa bahay ni Zandro ang naging tunay na daigdig niya…

“Maayos po naman ako at ang pamilya ko, senyorita,” tugon ng kinumusta niya.

Bahagya pa siyang nagulat. Lumipad na pala ang kanyang isipan.

“Er, mabuti naman, kung gayon.”

Napilitan siyang sumunod kay Mina.

Isang masaganang almusal ang naghihintay sa kanya sa hapag.

Wala siyang gana ngunit pinilit niyang kumain.

“Gusto po ninyo ng papaya, senyorita?” alok ni Mina nang makitang isang buttered toast at kape lang ang kinain niya.

Umiling si Kathryn. “Mamaya na lang siguro,” tanggi niya.

Nagtungo siya sa likodbahay para pasyalan ang mga halaman. At ang mga bulaklak na pinuri ni Zandro kagabi.

Hindi siya makapaniwalang naipagtapat ni Zandro ang lahat-lahat sa kanyang Papa.

Bakit parang hindi galit ang ama niya sa lalaki?

Napangiti nang patuya si Kathryn.

Kung siya ngang naging biktima, napaibig pa kay Zandro — magtataka pa ba siya?

“Ano bang meron ka, Zandro Soriano?” tanong niya habang hinahaplos ng mga daliri ang malasutlang talulot ng isang pulang rosas. “Bakit umibig pa ako sa ‘yo matapos mo akong lapastanganin?”

Maybe because she had trouble associating the captor and the lover within one man.

Para bang naging dalawang hiwalay na lalaki ang konsepto ng isipan niya kay Zandro.

Hindi na magawang yumabong ng pagkamuhi niya dahil hindi na niya nakita uli ang lalaking nagmalupit sa kanya.

After the assault, Zandro had become a paragon of kindness and compassion.

Ni dulo ng daliri niya ay hindi nito kinanti habang nagpapagaling siya.

Nang lumipas ang dalawang linggo, parang kasabay na ring lumipas ang pangit na alaala.

At tila tuluyan nang nabura ang gunita nang ipalasap sa kanya ni Zandro ang dalisay na luwalhati ng pisikal na pag-ibig.

She was healed by his passion. Every dark memories were eradicated by his hot kisses and warm embraces.

Hindi niya namalayan nang pitasin ng mga daliring nanlalamig ang isang buko ng pulang rosas.

Was it possible to fall in love with one’s aggressor? tanong niya sa sarili. Was it normal?

Her turmoiled state remained with her in the next few days.

Palagi siyang nakikipaghamok sa kanyang katwiran.

Ayaw na sana niyang mag-isip, mag-analisa ng nadarama.

Ngunit tila iniiwasan siya ng kanyang Papa. Palagi itong wala sa bahay. Palagi siyang nag-iisa.

Sa umaga, maaga raw umaalis.

Sa gabi naman, natutulog na siya kapag dumarating.

She could feel that there was a conspiracy. Pero wala siyang magawa.

Gradually, her old healthy self returned.

Nanumbalik ang dating lusog ng katawan niya.

Puwede na siyang sumakay uli sa kabayo. At maglunoy sa paglalangoy sa swimming pool.

Eksaktong isang buwan, magmula nang umuwi siya, may napansin siyang kakaiba sa kanyang katawan.

Naging antukin siya at matakaw nitong mga huling araw. Malimit din siyang mahilo.

She was pregnant.

“She’s pregnant.”

The statement was bald and calculating. Guaranteed to shock and to hurt.

Napapitlag si Zandro sa narinig.

“S-she is?” paniniyak pa niya. Hindi siya makapaniwala.

Tumango ang biyenan niya. “You can go home tonight,” wika nito. “You’ve punished yourself hard enough. Sapat na ang pagpaparusang iginawad mo sa sarili mo, iho.”

PRISONER OF LOVE-35

Comments are closed.