Prisoner of Love-35

Tiningnan ni Zandro ang mga kamay niyang puno ng mga sugat.

Matagal na panahon na pala siyang hindi nakakapagbanat ng buto. Nagkakalyo na ang mga palad niya.

“I’ve been to harder situations before, sir,” pahayag niya.

He had been feeling bone-weary and depressed these last few days.

Pero nang marinig niya ang tungkol sa kalagayan ni Kathryn, para siyang sinaksakan ng amphetamine. Bigla siyang sumigla.

“N-napatingnan na po ba siya sa duktor?”

“Oo. Pero nasa ayos naman ang lagay ng mag-ina mo. Sa palagay ko, ikaw ang talagang kailangan nila,” paliwanag ni Don Nicholas. “Umuwi ka na ngayundin, Zandro.”

Saka lang siya kumilos para umahon sa putikang kinaroroonan.

Kasalukuyan siyang naghuhukay ng balon para sa gagawing poso.

Naghilamos siya sa isang baldeng tubig bago isinuot ang hinubad na kamiseta kaninang uminit na ang sikat ng araw.

“Ano kaya ang magiging reaksiyon niya sa akin?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Sumakay muna ang matandang lalaki sa landrover at pina-start ang makina bago tumugon.

“Hindi siya nagagalit, kung ‘yan ang nais mong malaman, iho.”

Napangiti si Zandro. “‘Yan din ang sinabi n’yo sa akin noon. Pero tingnan n’yo naman kung ano ang naging parusa n’yo sa akin?”

He had sorely miscalculated the seeming benevolence of this old wily rancher.

Don Nicholas laughed out loud unabashedly. “Magaan pa nga ito, iho,” salo nito. “Kung nagkataong hindi ka mahal ng anak ko, baka sa disyerto kita ipinadala.”

Napakurap si Zandro. He sucked several deep breaths in. “Tama po ba ang narinig ko? Mahal ako ng anak ninyo?”

Tumawa uli ang matandang lalaki. Inialis nito sandali ang paningin sa kalsada upang sumulyap sa kanya.

“Si Kathryn mismo ang nagsabi sa akin na mahal ka niya, iho.”

“K-kailan pa po niya sinabing mahal niya ako?” he stuttered excitedly.

“Nakalimutan ko na kung kailan niya sinabi ‘yon, e. Basta’t matagal na,” was the teasing answer.

“Sir!” pakiusap niya, halos pabulalas.

“O, bakit naka-‘sir’ ka na naman? Hindi ba’t ‘Papa’ na ang itinatawag mo sa akin?” panunudyo nito bago tumawa na naman nang malakas.

Napatawa na rin siya. His month-long stay in the fields as one of the helpers had changed him into an unpretentious and an uncomplicated man.

So much different from the former Zandro Soriano, the rich man.

“You are a sly old man, Don Nicholas Benavidez,” sambit niya, ngunit may respetong nakabahid sa tono. “And I like you very much, Papa,” dugtong niya.

“I like you, too, iho,” tugon ng matandang lalaki.

He cleared his throat. “Have you really forgiven me?” tanong niya kapagkuwan.

Tinapik nito ang isang kamay niya. “You’re forgiven, son.”

It was just a simple gesture but had a million and one meaning.

Iyon ang nagbigay ng sapat na lakas ng loob kay Zandro upang puntahan si Kathryn.

“You better have a shave and a bath first, iho,” pahabol ng matandang lalaki nang patalon siyang umibis sa landrover.

“Thanks, Papa!” Kumaway siya rito bago pumasok sa loob ng cottage na pinaglipatan niya ng mga gamit-personal.

Alam niyang sinubok siya ng biyenan. He was put to test.

And he knew he had passed with flying colors.

Si Kathryn na lamang ang kailangan niyang kumbinsihin.

While shaving the thick moustache and whiskers, he saw a complete stranger before him.

Isa na nga ba siyang estranghero? tanong niya sa sarili habang minamasdan ang mga pisnging nahumpak at ang mga matang nanlalim dahil sa labis na pagtatrabaho at pagpupuyat.

Working as a ranch helper was not a lenient job.

Siguro nga. Nagbago na nga siya. Wala na siyang pinahahalagahan ngayon kung hindi ang makamit ang pagpapatawad ni Kathryn.

At ang pag-ibig ng nag-iisang babaeng nakabihag sa kanyang puso.

Sapagkat alam niya, kahit na nakatali na sa kanya ang babae — hindi magiging lubos ang kaligayahan kung mananatili ang batik ng malaking kasalanan sa pagitan nila…!

Nakaupo si Kathryn sa silyang tumba-tumba na yari sa rattan.

Tinatanaw niya ang maaliwalas na kalangitan.

Kailan kaya magiging maaliwalas ang kanyang kinabukasan?

Nakabuti sa kanya ang malimit na pag-iisa. She was nearing a nervous breakdown then. Mabuti na lang, nakapagpahinga siya.

Nagkaroon ng malinaw na perspective ang buhay niya.

Natiyak niya ang mga bagay na mahalaga sa kanya.

At isa si Zandro at ang magiging anak nila sa mga iyon.

Hinaplos ng isang kamay ni Kathryn ang tiyan na hindi pa gaanong halata.

“Senyorita, nandito po ang meryenda n’yo,” anang boses ni Mina. Inilapag nito ang isang tray na may lamang isang basong gatas at isang hinog na papaya na nakabiyak sa gitna.

“Salamat, Mina.”

Matamlay ang ngiti niya. Pati ang pagkilos para simulan ang pagkain.

She ate her food even without appetite because of the baby. Kahit na wala siyang gana, kumakain siya para sa munting sanggol na nasa sinapupunan niya.

Ano kaya ang sasabihin ni Zandro kapag nalaman nitong magkakaanak sila?

Babalikan pa kaya siya?

Pinilit niyang ubusin ang prutas at ang gatas.

Habang nagliligpit si Mina, umihip ang malamig na simoy ng hanging amihan.

“Baka nilalamigan na kayo, senyorita,” pag-aalala ng utusan. “Gusto n’yong dalhan ko kayo ng kumot?”

Tumango si Kathryn, alang-alang sa kanyang anak.

Nang mapag-isa siya, isinandal niya ang ulo sa manipis na unan na nakalatag sa headrest ng rocking chair.

Naramdaman niya ang paglapit ng katulong sa kinauupuan niya. Pati ang paglalatag nito ng kumot sa kanyang kandungan.

“Salamat, Mina,” sambit niya habang nakapikit.

Naparalisa ang buong katawan niya nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na halik sa kanyang noo.

Nanatili siyang walang tinag.

Iniisip kasi niyang nananaginip lang siya.

Ngunit nang gumapang ang masuyong bibig sa kanyang mga mata, sa ilong, sa pisngi, hanggang sa mga labi…

“Z-zandro?” anas niya.

“I love you, Kat,” bulong ng paos na tinig.

His voice was raspy and gruff. Para bang gumaspang na dahil matagal nang hindi nagagamit.

His firm mouth caressed her soft-petal lips. His tiny kisses were feathery-light and fleeting.

“Can you ever forgive me?”

His callused palms enveloped her limp hands.

“T-there was nothing to forgive,” she stammered breathlessly.

“There is,” he whispered with insistent contrition. “Malaking-malaki ang kasalanan ko. At nakahanda akong tanggapin ang lahat ng kaparusahang nais mong ipataw sa akin.”

PRISONER OF LOVE-36

Comments are closed.