Prisoner of Love-36

The words were full of penance and repentance.

“Oh, Zandro, maaari bang kalimutan na natin ang nakaraan?” hiling niya.

Hinaplos niya ang mga daliring puno ng maliliit na sugat.

Nangilid ang luha niya dahil sa labis na awa.

“Saan ka ba dinala ni Papa?” tanong niya. “Bakit nagkaganito ang mga kamay mo?”

“Don’t blame your father, Kat. I want to punish myself as much as he wanted to test me.”

Hinagkan niya ang likod ng isang kamay ng lalaki.

Lumuhod na si Zandro sa paanan niya. His deep-setted eyes searched her anxious face.

“You’re very forgiving, Kat,” pahayag nito. “I don’t deserve such kindness.”

“Yes, you do,” bawi niya. “Hindi ka likas na masamang tao. Nabulagan ka lang ng sobrang galit noon kaya naging marahas ka.”

Napatitig sa kanya ang lalaki. “You’re justifying my sins, Kat!” bulalas nito. “Don’t do that. I’m a villain, not a saint!”

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Puno ng pagsuyo ang ngiting ibinigay niya rito. “We both know that,” salo niya habang ipinapatong ang isang kamay ni Zandro sa kanyang tiyan. “Here’s an evidence.”

Parang saglit na nawala sa sarili ang lalaki.

Pure happiness registered on his face as he gazed at her still flat abdomen lovingly. “Don’t you despise me for making you pregnant?”

“Zandro, I love you very much!” she stated simply.

“Kathryn, Kathryn,” sambit ng lalaki. Paus at may nginig ang mababang tinig. “I’m afraid to believe.”

“Please, believe me,” she murmured softly. “Life was unbearable without you.”

He was still hesitant.

“Are you changing your mind?” tanong niya nang manatili ang pag-aalinlangan ng lalaki. “Please, tell me. I’ll understand, Zandro.”

Nangingilid na naman ang luha ng lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig siya nang diretso sa lalaki.

Nagkatitigan sila nang ilang mahahabang sandali.

“Are you sure?” Si Zandro ang unang bumasag ng kumakapal na tensiyon.

Tumango si Kathryn. May bikig sa kanyang lalamunan.

Niyapos siya nang marahan at masuyo ng matitigas na bisig ni Zandro.

Hinagkan siya nang buong pagmamahal.

“If you’re really, really sure,” anas nito matapos siyang siilin ng maalab na halik, “let’s get married again. I want a proper one, this time.”

“Papa would be ecstatic,” pahayag niya. “Iimbitahan niya ang kalahati ng Zamboanga.”

“It’s only fair,” pagkikibit-balikat ng lalaki. “Iimbitahan ko naman ang kalahati ng Maynila, e,” ang pabirong wika nito.

“Dyan-dyan-dyaran na ba?” sabad ng nagkekenkoy na granny-to-be.

“Papa! Nanunubok na naman pala kayo diyan,” ang masayang bati ni Zandro sa biyenan.

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. “Si Papa talaga. Hindi pa pala nawawala ang pagka-spy n’yo, ha?”

Kumindat lang si Don Nicholas sa manugang. “Pasensiya na kayo, mga anak. Baka ikako makalimutan n’yo na naman akong imbitahan. Kaya pinangungunahan ko na kayo,” paliwanag nito. Nakatawa. “Kailangang engrande ang kasal ng aking unica hija.”

“Ganyan din po ang nasa isip ko, Papa,” sang-ayon ni Zandro.

“Teka — ” protesta ni Kathryn.

Ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng dalawang lalaking excited na sa pagpaplano.

Kathryn decided to let the two masterful men in her life organize everything, while she basked under their warm attention.

“Majordomo, si Zandro ito.”

“Master! Nas’an kayo?”

“Nasa Zamboanga ako — ”

“N-na-kidnap kayo?”

“Hindi. Pero parang gan’on na rin dahil hindi na ako uuwi diyan.”

“Ano’ng ibig n’yong sabihin, master?”

“Saka ko na lang ipapaliwanag, Majordomo. Kumusta muna kayong lahat diyan?”

“Er, nag-aalala kami nang husto sa inyo, master.”

“Huwag na kayong mag-alala sa akin. Maayos ang lagay ko. In fact, maligayang-maligaya na ako ngayon.”

“Siyanga po pala, master. May nakuhang ebidensiya ang mga imbestigador sa isa sa mga bodegang pinasabog. Puwede na’ng makulong si Jeremy.”

“Jeremy?”

“Nakalimutan n’yo na ba si Jeremy Saldivia. master?”

“Ah, si Jeremy Saldivia! Hindi ko makakalimutan ang taong ‘yon, Majordomo.”

“Hindi pala tutoong nakaalis sila ng Pilipinas noon, master. Nagtatago lang pala sila sa Palawan.”

“Ipaubaya na natin sa mga awtoridad ang lahat. Kumusta nga pala si Sonia?”

“Iyon nga ang isa pang ibabalita ko, master. Nagkukunwari lang pala ang babaeng iyon na nasiraan ng bait — para hindi matanong ng mga awtoridad. Tumakas si Sonia sa ospital para sumama uli kay Jeremy.”

“I see. They must love each other, in their own way.”

“Hindi po kayo nagagalit, master?”
“May dapat pa nga yata akong ipagpasalamat sa kanila, Majordomo.”

“Ikaw ba talaga ‘yan, master?”

“Ha! ha! I’m a changed man, Majordomo. Makikita n’yo kung gaano kalaki ang ipinagbago ko. We’ll see each other in ten days’ time. Ipapasundo ko kayong lahat diyan — para dumalo sa kasal namin ni Kathryn.”

“Kasal n’yo ni Kathryn?”

“Ikakasal na ako sa babaeng magmamay-ari sa akin.”

“Oh, master! Salamat sa Diyos at natagpuan n’yo na ang kaligayahang panghabampanahon!”

“Maraming salamat sa mga dasal. Este, maaari ba akong humiling sa ‘yo?”

“Basta po kayo, master. Ano po ‘yon?”

“Puwede bang tigilan mo na ang katatawag sa akin ng ‘master’? Baka isipin ng biyenan ko — hari ako ng mga sardinas.”

“Nakup — gan’on po ba? Este, sige po. S-sir Zandro na lang ang itatawag ko sa inyo po.”

“Atsaka, huwag mo na akong pupuin.”

“Er, o-oo, ser. Ayos na ba ‘yan, ser?”

“That’s better. Ha! ha! Goodbye for now!”

“Sandali lang, ser. May message si Ronald para sa ‘yo. Matagal ka na niyang hinahanap. Natataranta na raw ang mga shareholders ng Soriano Enterprises.”

“Natataranta sila dahil matagal akong nawala? Hayaan mo, padadalhan ko sila ng imbitasyon para mawala ang takot nila. Tatawagan ko si Ronald, pagkatapos nating mag-usap.”

“Este, ser? Puwede bang ‘Major’ na lang ang itawag mo sa ‘kin?”

“Ha! ha! Sige, Major. Magkita-kita na lang tayo dito. Paalam!”

Napangiti si Kathryn nang marinig ang masayang tunog ng pagtawa ni Zandro habang nakikipag-usap sa telepono.

The sound of pure masculine joy was music to her ears.

“Ikakasal na ako sa babaeng magmamay-ari sa akin,” anito sa kausap. Puno ng pagmamalaki ang baritonong boses.

“Ako man,” bulong niya sa ginagantsilyong medyas ng bata, “natagpuan ko na ang lalaking mamahalin at iibigin ko habang buhay!”

She was quite content to be a willing slave and a captive — forever…!

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Comments are closed.