Prisoner of Love-4

“Bakit hindi n’yo sabihin sa akin?” He invited the old man to confide in him. Masyadong masikreto ang katiwala bagama’t nasubukan na ng matagal na paninilbihan ang katapatan nito.

“M-maliit na bagay lang, kung ikukumpara sa mga ginawa nila sa inyo, master,” ang paiwas na tugon nito.

“Gusto kong malaman, Majordomo.”

Tumingin sa malayo ang matandang lalaki. “Matagal na panahon na ‘yon, Master Zandro.”

“Ngunit hindi mo pa rin nakakalimutan,” he pointed out.

“Buhay pa ang ina ni Jeremy n’ong namasukan ako sa kanila bilang hardinero,” umpisa ng matanda.

Bahagyang nakahukot ang payat na balikat habang naaalala ang nakaraan. Para bang umiiwas na sa sakit na mararamdaman.

“Napakaganda ni Senyora Saldivia. Parang diyosa,” patuloy nito. “Sinamba ko siya. Inibig ko nang lihim…”

Hindi na nadatnan ni Zandro ang babaeng nasa kuwento ni Majordomo.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVEā€¦? Click Here!]

“Nagpakita ng giliw sa akin ang senyora kaya lalo akong nahibang. Agad akong bumigay nang akitin niya.” Pumikit ang nagsasalaysay.

Matamang nakikinig ang binatang amo.

“Iyon na ang pinakamaligayang sandali ng buhay ko, master. Nang muntik ko nang masilip ang langit.”

Nabitin si Zandro. “Ano’ng nangyari, Majordomo?”

“Nahuli kami ni Senyor Geron. Ipinabugbog ako sa mga tauhan nila. At ipinatapon sa basurahan.”

Zandro winced. “Sinabi n’yong muntik na. Nasaan ba kayo? Bakit hindi natuloy?”

Para sa kanya, ayos lang na magulpi siya kung natikman naman ang bawal na sarap.

“Nasa master’s bedroom,” tugon ni Majordomo habang ngumingiti nang mapakla. “Pinaglaruan ako ng senyora. Tawa ito nang tawa habang nasasaktan ako.”

Hindi nakahuma si Zandro. “My God, she must be sick!” bulalas niya.

Malungkot na tumango ang matanda. “Isa siyang sadista. Isa pala siyang demonya,” sang-ayon nito sa mababang tinig.

“Nagmana sa kanya si Jeremy,” ani Zandro.

“Malupit din ang senyor. Isa rin itong baliw.”

“Mana-mana pala!” Zandro exclaimed acidly.

“Ang matino lang yata sa kanila ay ang anak na babae,” dugtong ng kaharap.

Nagulat siya sa narinig. “May kapatid na babae si Jeremy?”

“Oo, master.”

“Hindi ko alam na may kapatid na babae si Jeremy,” sambit niya. Biglang nawala ang pagod niya.

“Spoiled sa mag-ama si Dorothy. Masayahin kasi at karinyosa.”

“Dorothy Saldivia,” bulong ni Zandro. “Wala siguro siya dito sa Pilipinas?” untag niya para magpatuloy ang salaysay.

Tumango ang kausap. “Magmula nang mamatay ang senyora, naging masasakitin ang bata. Ipinadala ito sa Amerika at doon na pinalaki sa piling ng mga agwela.”

Kaya pala malimit na lumalabas ng bansa ang mag-ama.

“May ilang taon na kaya ang batang ‘yon ngayon?”

Nagbilang si Majordomo.

“Beinte dos na siguro.”

Nagugulat si Zandro. Maraming alam ang katiwala niya tungkol sa pamilyang nagmalupit dito.

“May posibilidad kayang umuwi si Dorothy kapag nalaman na nakakulong ngayon si Jeremy?”

Walang gatol ang tugon sa tanong niya. “Sigurado ‘yan, master.”

Zandro gave his most trusted employee a long look. “Parang kunektado ka pa rin sa mga Saldivia, Majordomo. Napakarami mo pa ring alam tungkol sa kanila,” puna niya.

Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kulubot na bibig ng matandang lalaki.

“Hindi kayo maniniwala,” anito, “pero patuloy pa rin akong umiibig sa senyora!”

Pagkatapos ng pagtatapat, nagpaalam na ito.

Naiwan si Zandro na natitigilan.

Hindi nga siya makapaniwala.

Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang telepono.

“Sir? Si Ronald po ito.”

“Yes, Ronald. Ano’ng balita diyan?”

Kasama ito ng mga imbestigador sa mga bombing sites.

“Walang kaming nakitang ebidensiya, sir,” pahayag nito.

Natunugan ni Zandro na hindi iyon ang talagang ibabalita ng kausap. “What else happened, Ronald?” he asked grimly.

“Nakapagpiyansa si Jeremy Saldivia, sir. Wala na siya sa kulungan.”

Nagmura siya sa panggigigil.

“I-double n’yo ang security sa iba pa nating bodega, Ronald,” utos niya. “Wala munang magtatrabaho sa loob hanggang hindi nasusuyod ng explosive experts.”

“Yes, sir.”

“I appreciate your concern, Ronald. I’ll remember this night. It won’t go unrewarded,” dugtong niya bago ibinaba ang receiver.

Habang nakatanaw siya sa nagbubukangliwayway na kalangitan, nangangako siya sa sarili.

Sinasagad n’yo ako, Jeremy at Geron! Aanihin n’yo ang poot ko!

* * *

“Basta’t luluwas ka sa Maynila bukas, iha! You’ll shop and you’ll have that long-planned vacation!”

Don Nicholas had never raised his voice to his one-and-only daughter before.

Kaya naman si Kathryn ay biglang napatuwid sa kanyang kinauupuan.

She didn’t argue anymore. “Okey, Papa,” she agreed as she stared at the big man who was her father with her widened almond-shaped eyes.

Nagbaba uli ng tono ang may edad na lalaking may maputi nang buhok.

“Para sa ‘yo din naman ang lahat ng mga ipinagagawa ko sa ‘yo, anak,” paliwanag nito. “Tiyak na tatanda kang dalaga kapag pinabayaan lang kita sa gusto mo.”

Kathryn bit her lip to prevent herself from answering.

“You must wear pretty clothes at your young age. Paano ka mapapansin ng mga kabinataan? Kakaunti na nga lang sila sa lugar natin, aalisan mo pa ng gana,” patuloy ng ama.

Sinamantala ni Kathryn ang pagtalikod ng ama para magsalin ng alak sa kopita. Tumingala siya sa kisame. Para bang ibig niyang humingi ng saklolo mula sa nasirang ina na nasa langit.

“Bukas-makalawa, hindi mo mamamalayan na napag-iwanan ka na ng panahon. Na napaglipasan ka na. Beinte siyete anyos ka na. Kailan ka pa kikilos para maghanap ng makakatuwang mo sa buhay? Kung kailan isa ka nang matandang dalaga?”

She winced as his direct words hit her bull’s-eye. “Papa, ayaw ko naman pong magpapansin.”

Ngunit parang walang narinig ang Papa niya.

“Gusto kong ubusin mo sa pagsa-shopping ang lahat ng perang ipapadala ko sa ‘yo, Kathryn,” patuloy ni Don Nicholas.

“Buy yourself a complete wardrobe. And don’t carry a calculator inside the store. Basta’t damputin mo ang magustuhan mo, without bothering to look at the price tags. I want you to have a new look!”

“Papa naman. Pagkatapos akong turuan ni Mama kung paano ang magtipid, ikaw naman ay ang pagiging gastador ang gusto mong matutuhan ko,” protesta niya.

She felt scandalized at the mere thought of spending a half-year’s earnings of the ranch on personal caprices alone!

Isipin pa lang na gagastos siya sa mga walang kapararakang bagay ay nanlalambot na siya.

Tumawa ang Papa niya.

PRISONER OF LOVE-5

Comments are closed.