Prisoner of Love-5

“Paminsan-minsan lang naman, iha. Besides, we could afford an occasional splurge in our finances,” pagtatanggol ng ama sa sarili.

“Oh, Papa! Mami-missed ko kayo,” bulalas ni Kathryn habang yumayapos nang mahigpit sa matabang beywang.

“Ako rin, iha,” pag-amin ng ama. Pinatigas uli nito ang boses upang mabawi ang sandaling pagpapakita ng lambot sa kanya. “Stay there for a month or two. Or longer. Wala muna tayong tawagan dahil maho-homesick ka pa lalo. Pati ako. Try to forget about the ranch and us while you’re away.”

“H-hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Papa?” hikbi ni Kathryn.

Don Nicholas sighed gruffly. Tinapik nito ang isang balikat niya. “Nako-konsensiya na ako, Kathryn. I was putting off this separation for a long time because I’m selfish enough to want you beside me constantly,” he murmured against her head. “Pero paano kapag nawala na ako? Mag-iisa ka na lang. At ‘yan ang ayaw kong mangyari, anak.”

“I — I understand you, Papa,” sambit ni Kathryn. Pilit na pinatatatag ang loob.

Nakikita niyang naghihirap na nang husto ang kalooban ng ama.

Bumuntong-hininga siya bago ngumiti nang buong tamis. It was a wobbly smile but it served as a peace offering.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

They seldom argue with each other dahil si Kathryn ay isang masunuring anak.

Ngayon lang niya ibig sumuway dahil ayaw niyang mapalayo nang matagal sa pinakamamahal na ama.

“Goodnight, Kathryn,” wika ni Don Nicholas matapos ang sandaling pagngingitian nila. “Maaga ka pang gigising bukas.”

Tumango ang dalaga. She stood on her tiptoes to kiss the bearded cheek. Sinamyo niya ang pamilyar na amoy ng balbas ng ama matapos humalik sa pisngi nito.

“Promise me you’ll enjoy yourself, iha.”

“I promise, Papa,” she murmured obediently.

Hinagkan din siya nito sa pisngi.

“Goodnight, Papa.”

Umalon ang malapad na dibdib nang bumuntong-hininga ang may edad na lalaki. “Be a good girl, anak. Don’t worry. Mabilis na lilipas ang panahon,” pang-aalo nito.

Hindi siya kumbinsidong ganoon nga ang mangyayari ngunit hindi na lang siya kumibo.

Sana nga! bulong ni Kathryn sa sarili nang nakahiga na siya sa malaking kama.

ISANG linggo pa lamang si Kathryn sa hotel na tinutuluyan, bagut na bagot na siya.

Dapat pala, nagsama siya ng tsaperon.

Ang kaso, ayaw naman niya nang may iintindihing ibang tao.

Atsaka, beinte siyete anyos na siya.

Kaya na niyang mag-isa.

Iyon nga ang nais niyang patunayan sa kanyang Papa.

Pabalikwas siyang bumangon matapos ang kalahating oras na pagtitig sa moulded ceiling na nasa tapat ng malaking kama ng hotel bedroom na kinaroroonan.

Maliksi siyang nag-shower at nagpalit ng damit bago tumawag sa Room Service.

“Please send me a single serving of continental breakfast. Room 1005.”

“You are Miss Kathryn Benavidez?” tanong ng boses-babae mula sa kabilang linya.

“Yes, I am.”

“Congratulations, ma’am! You’ve won a gift certificate from Venussa Beauty and Massage Salon.”

Nagulat si Kathryn. “How did I win that?”

“All the names in our logbook were entered into our weekly raffle promo. And you were the lucky recipient of a free haircut-and-facial/body-massage from Venussa Salon.”

She was unenthusiastic but she forced to speak warmly. “Thank you very much. Er, where will I find this beauty salon?”

“The nearest one was only a fifteen-minute taxi ride. You will find the exact address at the back of the gift certificate, ma’am.”

“I see.”

“We’ll send up the certificate with your breakfast, ma’am. Please, don’t hesitate to call whenever you need anything.”

“Yeah, thank you again.”

Nasa balkonahe siya nang dumating ang almusal niya.

“Thank you, ma’am,” wika ng waiter matapos niyang abutan ng tip. Nakatitig ito sa kanya na para bang napatulala.

“What is it?” Itinaas niya ang perpektong kurba ng mga kilay habang nakatingin nang diretso sa hotel employee.

Napakamot sa ulo ang matangkad na lalaki. May hitsura ito ngunit walang dating kay Kathryn ang mga tipong torpe.

“W-wala po, ma’am. Ang ganda mo kasi, ma’am.”

Kathryn gave him a haughty look. She didn’t welcome any kind of flattery.

Wala siyang gaanong pagpapahalaga sa appearance niya. Although she could afford to be casual and off-hand with her flawless complexion and patrician features.

Her beauty regimen consisted only of a simple nightcream before going to sleep, a herbal shampoo, a herbal soap and sunscreen lotion.

A compact pressed powder and a light-coloured lipstick embodied her make-up kit.

Ordinaryo ang tangos ng ilong niya. Pangkaraniwan ang bibig at mga mata niya.

Paano siya magkaka-ilusyon na nakakatulala ang kanyang ganda?

Iiling-iling ang dalaga habang nagsasalin ng kape sa puswelo.

Madali niyang naiwaksi ang weyter sa isipan nang matikman ang malutong na croissant.

Dinampot niya ang pink envelope na katabi ng milk jug.

Isang gift certificate nga.

Hinipo niya ang mahabang buhok habang nakatitig sa matigas na papel.

“Bakit hindi?” aniya sa sarili habang nagkikibit ng mga balikat. “It might do your boredom good, Maria Kathryn Benavidez!”

Nagpalit uli siya ng damit pagkatapos kumain.

Ilang sandali pa, nakasakay na siya sa isang taksi patungo sa shopping mall.

“Master,” bungad ni Majordomo habang papasok sa private gym na nasa basement.

“Ano ‘yon?” Sumulyap lang siya rito pero hindi huminto sa pagbuhat sa hawak na barbell.

“May nasagap akong balita tungkol sa mga Saldivia.”

Kumiling ang ulo ni Zandro bilang pahiwatig na nakikinig siya.

Reliable ang source ni Majordomo. Mayroon pala itong pamangkin na nagtatrabaho bilang kusinero sa mansiyon ng mga Saldivia.

“Ano ‘yon?” ulit niya.

“Dumating na buhat sa Amerika si Dorothy.”

Excitement danced in his veins as he tried to curb his elation.

Malapit na ang sandali ng paghihiganti niya.

“Kailan pa raw?” tanong niya, pa-kaswal.

“Kagabi lang daw.”

“Itawag mo agad kay Colonel ang impormasyon na ‘yan. Tiyak na mapipilitang lumabas mula sa lunggang pinagtataguan ang lintek na si Jeremy, para dumalaw sa kapatid.”

Mula din sa pamangking kusinero ni Majordomo, natiyak nilang wala nga si Jeremy sa mansiyon ng ama.

Yumukod ang katiwala. “Gagawin ko agad ‘yan, kung wala na kayong ipag-uutos.”

Umiling si Zandro. “Wala na.”

Nang mapag-isa na siya, maliksi niyang iniwanan ang pag-e-ehersisyo. Kinuha niya ang cellular phone na nakapatong sa tuwalyang pamunas ng pawis.

PRISONER OF LOVE-6

Comments are closed.