Prisoner of Love-6

Kinontak niya ang detective agency na ini-refer ni Ronald sa kanya.

“Tiyo ko po ang may-ari niyan kaya makakaasa kayong mananatiling sikreto ang pagtatrabaho nila sa inyo, sir,” paliwanag ni Ronald.

“Hello? This is ‘Desire’ calling base. Nandito na ang subject sa Pilipinas. Higpitan n’yo pa lalo ang pagmamanman.”

“Yes, we got it clear, ‘Desire’.”

“Tawagan n’yo agad ako kapag lumabas ang female subject.”

“Yes, sir.”

Nagtuloy siya sa shower room, matapos ang maikli at kakatwang telephone conversation.

Ronald’s uncle, Mr. Seneses, had a quirked sense of humor when he gave Zandro the call sign–‘Desire’.

Inilihim niya kay Majordomo ang tungkol sa surveillance team na inupahan niya para obserbahan ang Saldivia mansion. At ang tungkol sa plano niyang gawin kay Dorothy Saldivia.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Hindi niya puwedeng ipagkatiwala sa matandang lalaki ang tungkol sa vendetta niya sa angkan ng Saldivia.

Nagsusuklay siya nang kumuriring ang telepono.

Si Mr. Seneses.

“Sinusundan na namin ang kotse ng female subject. Papuntang mall ang direksiyon.”

“Good. Nakita n’yo ba ang hitsura ng female subject?”

“Hindi masyado. Nakasuot ng malaking shades. Tipong nagdi-disguise. Baka kakatagpuin ang male subject.”

“Huwag n’yong hihiwalayan.”

“Okey. Tatawag na lang uli ako, for further instructions.”

Hindi mapakali si Zandro pagkatapos maputol ang linya.

Nung wala pa si Dorothy Saldivia, ang tanging naiisip niyang paraan ng paghihiganti ay ang gawin dito ang ginawa ni Jeremy kay Sonia.

Ngunit ngayong nalalapit na ang sandaling hinihintay, umaapaw sa iba’t ibang ideya ang utak niya.

Zandro had never forced a woman before.

All his past bedmates were warm and willing.

Paano niya masisikmurang manakit ng isang babaeng walang kalaban-laban?

Iisipin na lang niya palagi si Sonia at ang kalunus-lunos na kalagayan nito.

Para hindi siya maawa–kung saka-sakali ngang malayo ang ugali ni Dorothy sa kapatid at ama nito!

“Good afternoon, ma’am. Have a seat.” Malugod ang pagsalubong ng salon proprietress kay Kathryn. “Oh, you have gorgeous hair, ma’am! You’d like a trim? A facial massage?”

She smiled awkwardly. Dinukot niya mula sa dalang handbag ang gift certificate. “The hotel where I was staying gave me this.”

“Oh! You’re our very first winner, ma’am!” Napalitan ng magiliw na ngiti ang professional smile nito kanina. “Come inside.” Tumindig uli ito upang igiya siya patungo sa pinakaloob ng salon.

Nilampasan nila ang hilera ng mga parlor chairs.

Nakarating sila sa isa pang reception area na mas maliit kaysa doon sa nasa harapan.

“Maupo ka muna rito, ha? Titingnan ko lang kung bakante ang massage room.”

Iniwan siya ng may edad na babaeng nakasuot ng eleganteng bestidang pula.

Sandali lang itong nawala. Pagbalik, may dala nang isang canned fruit juice at ilang pirasong biskwit na nasa platito.

“Ma’am, may kliyente pang nasa loob. I hope you don’t mind waiting?”

Inilapag nito ang dala sa corner table na katabi ng isahang sopa na inupuan ni Kathryn.

“Nandito ang mga magazines. Magbasa-basa ka muna habang nagpapalamig.”

“Thank you, ma’am,” ang magalang na wika niya habang ngumingiti. “Don’t worry about me. Wala naman akong pupuntahang iba.”

Gusto niya ang gracious style ng businesswoman.

“Naku, mabuti naman. Iiwan muna uli kita dito, ha? Nagkasakit ang receptionist namin kaya ako muna ang nakatao doon.”

“Sige po. Huwag n’yo na akong alalahanin.”

Binuklat niya ang magasin nang mapag-isa na siya.

Nag-angat siya ng mukha nang may lumapit na naman sa kanya.

“Miss? Can I disturb you for a while? I need your help.”

Isang magandang babae na nasa early twenties ang nakangiti sa kanya.

“Uhm, what can I do for you?”

“I’m being followed by bad men. I can’t shake them off.”

Kathryn noticed the fear glazing the beautiful eyes. And the whiteness around the quivering mouth.

“B-bakit — ? I mean, why are you being followed?”

Parang matutumba ang kausap kaya napatindig si Kathryn upang tulungan ito sa pag-upo.

“I’m feeling dizzy!” daing nito, habang sapo ng isang kamay ang noong ginigitian ng butil-butil na pawis.

“Come. Have a seat. You take a rest.”

“N-no, I can’t afford to waste time here. I was gonna meet my father in a restaurant here. But I got lost. And then I noticed these suspicious looking men following me wherever I went! Oh, miss, they looked like killers!”

Tuluy-tuloy at bumibilis ang pagsasalita ng kausap. Nagiging halata na ang foreign accent.

Naantig ang loob ni Kathryn. “Uh, let’s call the police,” suhestiyon niya matapos ang sandaling pag-iisip.

Halatang hindi ganoon ang gusto ng babae. “I have a better idea,” anito.

“What is it?”

NAGPASAMA sa comfort room ang babae.

Wala ang grasyosang may-ari ng salon nang dumaan sila sa reception desk, kaya hindi na siya nakapagpaalam dito.

It had never occured to Kathryn that she wouldn’t be able to come back there again.

Pagdating sa C.R., saka lang nagsabi ang babae na hihiramin daw muna nito ang blazer at handbag niya.

“B-but why?”

“Thank God, we both wear dark-colored pants. If I changed the color of my coat, my followers wouldn’t recognize me.”

Puwede nga namang mailigaw ang mga sumusunod dito.

“Afterwards, I’ll come back here to return your things.”

Kathryn looked doubtful.

“I’ll leave my things behind,” wika nito nang hindi agad siya sumang-ayon.

“Why don’t we just tell the police?”

The younger woman just barely controlled her impatience.

“I don’t want to bother the police because I don’t want to be a laughing stock. I may be wrong about my suspicions,” paliwanag nito.

Napa-buntong-hininga na lang si Kathryn. May katwiran na naman ang babae.

Hindi niya alam kung bakit nakikinig siya dito.

At kung bakit pumapayag siya sa gusto nito.

“Oh, alright. Here’s my blazer,” she said in a resigned tone. “How long will you be gone?”

“Gee, thank you very much!” bulalas ng tuwang-tuwang babae. “Here. I’ll leave my sable waistcoat. And also my handbag.”

Inilatag nito ang mamahaling coat sa ibabaw ng Gucci leather shoulder bag.

Marahil, kaya siya nagtiwala ay dahil sa mas mura ang kanyang pink blazer at white handbag, kumpara sa mga gamit na ipinalit bilang mga ‘sangla’.

Binura ng babae ang makapal na make-up na hindi bagay sa edad nito.

PRISONER OF LOVE-7

Comments are closed.