Prisoner of Love-7

“Do I look different now?” tanong nito sa kanya matapos ibuhaghag ang mahabang buhok na medyo kulot din.

Tumango si Kathryn. Parang naliliyo na siya sa sobrang bilis ng mga nangyayari.

“You’re sure you’ll be back in a jiffy?” paniniguro niya rito.

“Trust me, miss,” was the reassuring reply.

“Be sure, er, I still don’t know you!” bulalas niya. “What’s your name?”

The younger woman just wave her arm before rushing out of the door. “You can look at my things, miss. Feel free. My passport’s inside the bag.”

“But — ”

Ngunit naiwan na siyang mag-isa.

Kathryn heaved a sigh before shrugging her slim shoulders.

Hinipo niya ang sable coat. Dinampot niya ito at itiniklop nang maayos bago inilapag sa counter.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“Dapat ko bang buksan ang bag na hindi akin?” tanong niya sa repleksiyon na nasa salamin.

Kusang gumalaw ang mga daliri niya. Binuksan ang zipper ng bag at inilabas ang katernong wallet. Pati ang passport.

Dorothy Saldivia, 23 years old, Tourist.

Kumunot ang noo ni Kathryn. Mapapagkamalang Pilipina ang kausap niya kanina, maliban na lang kapag nagsalita.

She felt guilty. Ngayon lang siya nakialam ng personal na gamit ng iba.

Nataranta siya nang tumulak pabukas ang pinto ng comfort room.

Akala niya, si Dorothy Saldivia na ang pumasok.

“Me tao ba dito, ineng?” tanong ng matandang babaeng may karay-karay na bata.

Umiling si Kathryn. “W-wala po,” tugon niya.

Humalukipkip siya habang isinasandig ang balakang sa counter. She prepared herself for waiting.

After fifteen minutes, her shoes were tapping on the tiled floor impatiently.

Inip na inip na siya!

Nag-aalangan siyang lumabas para sundan ang babae dahil ang white underblouse niya ay yari sa manipis na tela at spaghetti-strapped lang.

Parang napaka-indecent dahil mukhang kamison iyon at nakahakab sa kanyang katawan.

Lumipas pa ang diyes minutos.

Ilang ulit nang napuno at nabakante ang loob ng comfort room, hindi pa rin bumabalik si Dorothy.

Limang minuto bago natapos ang isang oras, naubos ang pasensiya ni Kathryn.

“I’ll have to wear this, Dorothy,” she muttered to herself.

Isinungaw muna niya ang ulo sa awang ng pintuan. Pinag-aralan niya ang paligid.

Wala namang ‘suspicious-looking men’ kaya tumuloy siya sa paglabas.

Nag-alanganin siya sandali kung anong direksiyon ang tutugpain niya.

Nagpalinga-linga siya.

Nang makatanaw ng mga restaurants sa di-kalayuan, doon siya nagtungo.

Inisip niyang baka pinuntahan na ni Dorothy ang ama at nakalimutan na ang paglipas ng mga sandali.

Binaybay niya ang kahabaan ng malawak na koridor.

Abala siya sa pagsusuyod ng paningin sa magkabilang panig ng dinadaanan kaya hindi niya napuna ang tatlong lalaking nakasunod sa kanya.

“Wala dito,” bulong niya sa sarili. “Baka nasa itaas, a?”

Ipinasiya niyang umakyat sa hagdan na natanaw sa duluhan.

Nasa kalagitnaan na siya nang mapagtanto niyang mali ang inakyatan niya.

“Ay, mali pala!”

Bumuwelta siya para bumaba ngunit napahinto siya sa pagkabigla nang makita ang tatlong lalaking kasunod niya. Muntik na siyang napasigaw.

Ngumiti ang pinakamatanda. Puti ang buhok nito at nakasuot ng barong tagalog.

Mabuti na lang pala napigil niya ang sarili.

Mga mukhang harmless naman ang tatlo. Tipong naliligaw din na katulad niya.

“Bakit ka bumalik, miss? Sarado ba ang daan?”

Tumango siya habang pilit na ngumingiti. “Hindi papunta sa second floor ng mall ang hagdan na ito. Sa carpark yata,” paliwanag niya.

Nagkamot ng ulo ang isa. “Paano ba ‘yan, sir? Late na late na tayo?”

Nagpatuloy sa pag-akyat ang pangatlo. Nilampasan si Kathryn upang silipin ang nasa itaas ng hagdan.

“Carpark nga ito, sir.”

Humulas na ang pagkagulat niya kaya nagsimula na siyang humakbang uli. Papababa naman.

“Er, excuse me po. Mauuna na po ako sa inyo,” wika niya. Nakayuko siya para hindi siya madulas dahil hindi pa siya sanay sa suot na bagong pares ng medium-heeled na puting sapatos.

Kaya hindi niya napansin ang maingat na paglapit sa kanya ng lalaking nasa gawing likuran na niya.

She was paralyzed with shock when a strong arm imprisoned her from behind and a wet handkerchief was pressed to her nose and mouth.

She tried to scream but the pungent smell that filled her lungs made her dizzy and drowsy.

Sandali lang siyang nakapagpumiglas. Naramdaman na lang niyang lumulutang na siya sa hangin.

“Dali, pare. Isakay na natin agad ‘yan sa kotse. Baka may makapansin pa sa atin dito.”

Hindi makagalaw ang buong katawan ni Kathryn pero malinaw pa ang pandinig niya.

“Ang suwerte naman natin. Malapit na tayo sa carpark. Ang dali naman ng trabaho natin, boss!” anang may karga sa kanya.

“Nagtataka nga ako. Talasan mo ang mga mata mo. Baka nandiyan lang sa paligid si Saldivia. Inaabangan tayo.” The speaker was the old man.

“Para ngang kusang isinubo ng babaeng ito ang sarili niya sa atin, ano?” sambit ng may buhat sa kanya.

“Sige, iuna n’yo na ang babae. Magpapaiwan ako para makuberan kayo kung biglang susulpot si Saldivia.”

Pinilit imulat ni Kathryn ang mga mata ngunit parang pinagdikit ang mga pilikmata niya.

Naramdaman niyang inilapag siyang pahiga sa isang masikip na lugar. Likuran marahil ng sasakyan.

Pamaya-maya, ang narinig naman niya ay ang pag-ugong ng makina.

Panic rose from within her when the cloying darkness started clawing at her consciousness.

Nanlaban siya. Nagtitili siya…

Ngunit ang lahat ay bunga lang ng imahinasyon niya.

Agad na sumugod si Zandro sa opisina ni Mr. Seneses.

“Sigurado ba kayong si Dorothy Saldivia ‘yan?”

Iyon agad ang tanong niya pagkapasok na pagkapasok sa pinto.

“Siguradung-sigurado, sir.”

May iniabot ang lalaking matipuno pa ang katawan kahit na pulos puti na ang maikling buhok.

“Iyan ang passport at mga I.D.’s niya.”

Pahapyaw na tiningnan ni Zandro ang mga identipikasyon.

“Hindi kaya fake ang mga ito?” paniniguro niya.

“Those looked authentic enough for me, sir,” tugon ni Mr. Seneses. “Patungo na rito ang isang kaibigan kong nakakaintindi sa mga ganyan. Patitingnan ko sa kanya para wala nang kaduda-duda.”

Tumango si Zandro. Hinanap ng mga mata niya ang babae.

“Nasaan siya?”

“Nasa loob siya ng storage room. Naniguro kaming hindi siya makakawala basta-basta.”

“Good,” papuri niya habang humahakbang patungo sa itinurong pintuan.

Ipinagbukas siya ng isa sa mga tauhan ng ahensiya.

PRISONER OF LOVE-8

Comments are closed.