Prisoner of Love-8

Tumambad sa kanya ang isang babaeng nakahiga nang patagilid sa mahabang bangko habang himbing na himbing sa pagkakatulog.

Lumapit siya dito. Walang kakurap-kurap ang mga mata sa pagkakatitig sa natutulog na kagandahan.

“Nag-alangan kaming itali siya, boss. Baka magalit kayo kapag nasaktan siya,” paliwanag ng tauhan.

Pilit ang matipid na ngiti ni Zandro. “You’ve done a good job,” papuri niya. “Expect an early bonus in your next paycheck.”

“Thank you, boss.”

Tumangu-tango siya bago tinalikuran ang bihag. “Iposas mo ang mga kamay niya sa likod,” utos niya sa kausap habang lumalakad palayo.

Dumating ang ekspertong kaibigan ni Mr. Seneses. Ineksamin nito at inaprobahang tunay ang mga personal papers ni Dorothy Saldivia.

“Dark hair, fair coloring, brown eyes. Let’s check these out. Pati ang picture.”

“Parang hindi gaanong kamukha, a?” puna ng isa sa mga naruruon.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“Pero nagtugma ang mga characteristics, hindi ba?” bawi naman ng isa pa. “Atsaka, natutulog ‘yung nasa personal, ano?”

“Ano sa palagay mo, sir?” tanong sa kanya ni Mr. Seneses.

Kanina pa nag-iisip si Zandro. Hindi muna siya umimik.

“Hindi kaya mandurukot ang babaeng ‘yan?” sabad ng eksperto. “O di kaya’y snatcher?”

Sabay-sabay na nag-isip ang tatlong tumugaygay sa babae magmula nang umalis ito ng mansiyon.

At sabay-sabay ding nagsi-iling.

Ang matanda ang unang nagsalita.

“Ang coat na ‘yan ang suot niya kanina. Imposible namang pati ang coat ay madukot at ma-snatch din niyan?”

Bumaling sa binata ang eksperto. “Wala ka bang ibang identipikasyon na ‘yan na nga ang babaeng hinahanap n’yo?”

Si Majordomo sana pero buo na ang desisyon niyang panatilihing sikreto ang tungkol kay Dorothy Saldivia.

Umiling si Zandro. “Pasado sa akin ang logic ni Mr. Seneses,” pahayag niya. “Kung nakuha ng babaeng ‘yan sa masamang paraan ang mga personal na gamit ni Dorothy Saldivia, siguro naman hindi na siya mamamasyal sa mall?”

“Oo nga naman,” sang-ayon ng mga tauhan na naruroon.

Tumango na rin ang eksperto. “Okey. Si Dorothy Saldivia na nga ‘yan,” anito habang nagliligpit ng mga kagamitan. “Magpapaalam na ako sa inyong lahat. Hanggang sa muli, Mr. Seneses.”

“Sandali, pare.” May iniabot na puting sobre ang boss ng ahensiya sa kaibigan.

Kinamayan ni Zandro ang eksperto nang magdaan ito sa harapan niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang kipitan niya ng nakabalumbon na salapi ang magaspang na palad.

“Inaasahan kong sikreto na lang natin ang tungkol sa bagay na ito, kaibigan,” wika niya sa banayad na boses.

Tarantang tumango ang sinuhulan niya nang pasimple. “Basta’t ikaw, sir.”

“What now?” untag ni Mr. Seneses.

“Puwede bang mahiram ang van mo? At ang dalawa sa mga tao mo?” tugon ni Zandro. “Magpapahatid kami sa Tanay, Rizal.”

PARANG binibiyak ang ulo ni Kathryn.

Tinangka niyang bumiling ngunit may sumakit na bahagi sa katawan niya. Parang namimitig.

Kaya napaungol na lang siya.

“Oh, ang sakit ng ulo ko,” daing niya. Magaspang ang lalamunan niya. At parang tuyung-tuyo ang loob ng bibig niya.

Para bang pinasakan ng bulak—

“Mabuti’t gising ka na,” anang matigas na tinig-lalaki.

Hindi agad siya naniwalang gising na siya. Baka nananaginip pa siya.

“Hindi ka pa ba nagugutom? Kahapon ka pa natutulog. Gabi na naman ngayon,” patuloy ng tinig.

Saka lang siya nakumbinsing realidad na ang nagaganap.

She opened her eyes slowly. Warily.

Muntik na siyang mapasigaw nang tumambad sa kanyang nanlalabong paningin ang isang malaking lalaki.

Nakatunghay sa kanya at parang ibig siyang patayin…?

Ipinilig ni Kathryn ang kanyang ulo.

Na agad naman niyang pinagsisihan dahil naliyo lang siya.

“C’mon, tutulungan kitang bumangon.”

Bago pa siya nakailag, hinawakan na siya nito sa braso para hilahin pabangon.

Parang nakalutang ang pakiramdam niya kaya mabuway ang pagkakaupo niya.

Hinanap ni Kathryn ang mga kamay para itukod bilang suporta ngunit hindi niya maikilos ang mga bisig.

“B-bakit ako nakaposas?” bulalas niya nang mapagtanto ang tunay na kalagayan niya.

“Para hindi ka makatakas.”

Napakurap si Kathryn nang magsimulang rumagasa pabalik sa diwa ang mga nangyari bago siya nawalan ng ulirat.

Nilunok niya ang takot na nagpapasikip sa kanyang lalamunan.

“D-dinukot n’yo ba ako para — para ipatubos?”

Uso rin ang kidnapping for ransom sa Zamboanga, kungsaan matatagpuan ang Rancho Benavidez.

Tinitigan niya ang kaharap.

Hindi ito kasama sa tatlong lalaking nakasalubong sa hagdan.

“You could say that,” tugon ng tinanong niya.

She was unnerved when his dark eyes stared at her avidly. Para bang hinuhubaran siya.

“M-maaari bang uminom?” hiling niya nang mahirapan na siyang lumunok.

Tumango ng isa ang lalaki. Nakatitig pa rin sa kanya. “Of course. Maaari ka na ngang kumain, kung gusto mo.”

Kumalam ang sikmura ni Kathryn nang maamoy ang bagong lutong pagkain, matapos alisin ng lalaki ang mga takip na alumino ng mga bandehadong malalim.

“H-hindi mo ba aalisin ang pagkakaposas ko?” untag niya nang mapagtantong ito mismo ang magpapainom sa kanya.

Hindi siya sinagot ng lalaki. Tiningnan lang nito ang mga labi niya, pagkatapos ay naglakbay papababa ang atensiyon ng mga matang puno ng sikreto.

Kathryn cringed away from his probing eyes. Somebody had took away the thick waistcoat.

Ang natirang saplot niya ay ang underblouse na tila kamison.

Na lalong naging fitting sa katawan dahil kahapon pa niya suot.

“H-huwag mo akong tingnan nang ganyan, please!” Napilitan siyang makiusap nang makaramdam ng kakatwang panlalambot.

“Every woman likes to be ogled by the male population,” salo nito.

Sinikap niyang patatagin ang tono. “W-well, I don’t,” pakli niya, sabay irap.

“Maybe, you like touching?”

She shuddered violently when long fingers stroked her breast.

“No, please!” bulalas niya.

Her voice became more husky with fright.

Pinigil niya ang huminga upang hindi umalon ang dibdib niya.

Hindi niya magawang umiwas ng tingin habang patuloy sa marahang paghaplos ang mainit na palad sa sensitibong tutok.

Nakatitig sa kanya ang lalaki. Pinapanood ang nagiging reaksiyon niya.

“B-babayaran ka ng Papa ko. M-malaki,” pahayag niya, pasinghap. “H-hihilingin kong magbigay siya ng malaking halaga — b-basta’t huwag mo akong h-hawak…an!”

Muntik na niyang hindi nabuo ang huling kataga, nang pisilin at pagulungin ng dalawang daliri ang isang korona.

Paano’y umalon ang marami at iba-ibang klaseng sensasyon sa kanyang kabuuan.

Napapikit siya dahil biglang namigat ang mga talukap.

PRISONER OF LOVE-9

Comments are closed.