Have you ever fallen in love with an enemy? Would you still continue the plan to take revenge on someone who owns your heart?
Matagal na panahon nang nagpaplano sa paghihiganti si Carlota laban sa lalaking naging dahilan ng trahedya sa kanyang pamilya.
Ngunit nang magkakilala sila si Roldan, nabihag agad ang puso ng dalaga.
Paano ba siya magpapatuloy na nasusuklam sa lalaking nag-aalay ng pag-ibig sa kanya?
* * *
Kasalukuyang nag-aalmusal sina Carlota at ang kanyang Mama nang marinig nila ang malakas na sigaw ng kanilang katulong.
Nagkatinginan pa muna sila bago sabay na tumindig.
“A-ano ‘yon?” bulalas ng dalagita habang sinusundan ang tumatakbong ina.
Hindi tumugon si Donya Celia. Humangos itong paakyat sa pabilog na hagdanang marmol.
Kasunuran lang si Carlota nang makarating ito sa master’s bedroom.
Biglang nagpreno ang may edad na donya nang makasalubong ang takut na takot na katulong.
“Luming, ano’ng nangyari?”
“Ay, Ma’am Celia! Si Sir po! Si Sir po!” Habang pahagulgol na humihiyaw, panay ang turo nito sa loob ng kuwartong pinanggalingan.
“Si Papa? Ano’ng nangyari kay Papa?” Buong pag-aalalang pumasok si Carlota sa nakaawang na pinto.
Gayon na lang ang pagkagimbal niya nang masaksihan ang mga paang nakalutang sa ere.
Tumingala siya kahit na alam na niya kung ano ang makikita.
Isang matinis na tili ang humulagpos sa kanyang lalamunan.
“Carrie! Bakit? Ano’ng — ?” Hindi na natapos ng ina ang mga katanungan nang makita na rin nito ang nakalulunos na tagpo.
“Aaaaaeeeiii! Juanitooo!” Mas nakalulunos na palahaw ng ina ni Carlota.
Si Don Juanito Eschavez, isang business tycoon na iginagalang sa mataas na lipunan, ay nagbigti sa loob ng sariling banyo.
“Oh, Diyos ko! Juanito! Bakit mo itinuloy? Nangako ka sa akin na hindi mo gagawin ‘yaan! Ooooh!” Hindi nakayanan ng donya ang pagkabigla. Nawalan ito ng ulirat.
Nahati ang atensiyon ng katulong at ni Carlota. Nataranta muna ang dalagita bago niya nabawi ang wisyo.
“A-aling Luming, tumawag po kayo ng pulis. At ng duktor. Tatawagin ko si Mang Simon. Magpapatulong ako sa kanya para maibaba si Papa!”
Umaasa pa kasi siyang maisasalba pa nila ang nagpatiwakal na magulang.
Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. Sumabay siya sa ambulansiyang maydala sa mga magulang sa ospital. Sa morgue itinuloy si Don Juanito.
“Miss Eschavez, nasa ICU ang inyong Mama. Mas makabubuting umuwi ka na muna para makapagpahinga,” ang payo ng family doctor na si Dr. Romulo.
Natuyo na ang luha ni Carlota kaya hindi na niya magawang umiyak. Ang kanyang murang isipan ay biglang nahinog dahil sa pagdating ng di-inaasahan na trahedya.
Disisiyete lamang siya ngunit parang nadagdagan na ng sampung taon ang edad niya.
“P-puwede po bang dito na lang muna ako, Doc?” ang magalang na tanong niya. Garalgal at paos pa rin ang kanyang boses. “Hindi ko po maiiwan ang aking Mama.”
Umiling-iling ang may edad na manggagamot.
“Buweno, papayag ako pero mahihiga ka muna sa recovery room. Mga ilang oras lang. At pagkatapos, kakain ka ng tanghalian. Sinabi ni Aling Luming na bago pa lang kayong mag-aalmusal kaninang natagpuan n’yo ang – er — si Don Juanito.”
Mababa at malumanay ang tinig ng butihing duktor.
“Ipangako mong pipilitin mong matulog kahit na ilang oras lang. Okey?”
Tumango ang dalagita. “O-opo, Doc. Salamat po. Maraming, maraming salamat!”
Tumawag ng nars si Dr. Romulo. “Pakisamahan si Miss Eschavez, nurse.”
Tinapik-tapik muna siya nito sa balikat bago iniwan. “Maiwan na kita, iha.”
“Opo.” Sumunod siya sa nars patungo sa isang bakanteng kuwarto na puno ng mga parapernalya sa pagliligtas ng buhay.
“Mahiga ka rito, miss. Mamaya, hahatiran ka namin ng mainit na tsaa.”
Tumalima si Carlota. Pagud na pagod na pala siya nang mga sandaling iyon kaya agad siyang nakatulog matapos mamaluktot sa pagkakahiga nang patagilid.
“Miss Eschavez! Miss Eschavez, gising,” anang tinig-lalaki habang niyuyugyog siya.
She didn’t want to wake up but the voice was insistent. Pinipilit siyang magising.
“D-doc? Bakit po?” tanong niya nang makita ang duktor.
“Tinatawag ka ni Donya Celia. Pasensiya ka na kung naputol ang pagtulog mo — pero kailangan mo siyang puntahan,” pahayag nito habang inaalalayan siya sa pagbangon. There was a controlled urgency in the kind voice.
Dagling nataranta ang dalagita. “Pupuntahan ko na po agad si Mama!” bulalas niya habang inaapuhap ang mga sapatos na nahubad at nalaglag sa sahig.
Bakas ang paghihirap sa mukha ng kanyang ina. Sa paningin ng anak, bigla itong tumanda. Nawala na ang sigla sa buhay.
“A-anak!” sambit nito nang mamataan siyang papalapit. Bahagyang umangat ang isang kamay nito na tinusukan ng tubo ng dextrose. “Halika… may ipagtatapat ako sa ‘yo.”
Ginagap niya ang malamig na palad nito. “Mama!” hikbi niya. “Mama, bakit po ginawa ni Papa ‘yon?”
Bumalong ang luha sa mga mata ng pasyente. “N-nalugi ang kumpanya natin, anak. Hindi matanggap ng Papa mo na nawala na ang lahat ng mga pinaghirapan namin.”
“N-nalugi?” ulit ni Carlota. She couldn’t believe that she heard her right. “P-paano po nangyari ‘yon? Bakit wala po kayong binabanggit man lang sa akin?”
“Nakinig siya sa mga maling payo ng mga taong inakala niyang mapapagkatiwalaan – p-pero mga ahas pala sila lahat,” tugon ng kanyang Mama. Para bang hirap na hirap. Padaing na ang pagsasalita.
“I-inahas si Papa? S-sino — ?”
“M-mag-iingat ka kay Atty. Lintaco, anak. Iwasan mo siya. Huwag kang maniniwala sa anumang sasabihin niya. N-nakaayos na ang lahat. Hindi ka niya puwedeng pilitin sa ayaw mong gawin…!”
Pumikit sandali ang donya. Kaipala, nag-iipon ng lakas upang makapagsalita uli.
“Oh, anak! N-nahihiya kami sa ‘yo. L-lalung-lalo na ang Papa mo. Hindi niya kayang sabihin sa ‘yo na hindi na tayo mayaman…!” Hirap na hirap na itong huminga.
“Oh, Mama! Hindi importante ang kayamanan,” pahayag niya. “Kayo lang ni Papa ang tanging mahalaga sa akin!”
Bumaling sa kabilang panig ang ulo ng kanyang Mama.
“I’m sorry, anak. I’m very, very sorry!” panangis nito. “S-sana, makaya mo ang mamuhay mag-isa,” dugtong pa nito.
“A-ano po ang ibig n’yong sabihin, Mama? Iiwan n’yo rin po ba ako?”
Muling tumingin sa kanya si Donya Celia. “Hindi ko kayang mabuhay kung wala ang iyong Papa, iha! Hindi ko kaya…”
Matapos ang pahagulgol na pag-amin nito, nawalan uli ito ng malay-tao.
At hindi na muling nagising.
Manhid ang buong katawan at isipan ni Carlota habang nakaburol ang mga magulang. Ni hindi niya pansin ang mga nakikiramay sa kanya.
Tulala siya hanggang sa paglilibing sa mga labi ng dalawang mahal sa buhay. It was her mind’s defense mechanism. Blangko ang kanyang utak habang gumagawa at nag-iipon ng katatagan ang kanyang kalooban.
Humulas lamang ang pamamanhid nang dumating ang abogado ng Pamilya Eschavez, si Atty. Lintaco. Binigyan siya ng hiram na lakas ng pagkamuhing bumukal sa kanyang kalooban.
“Iha, nandito ang mga papeles na kailangan mong pirmahan,” wika nito, wala nang paliguy-ligoy.
Tiningnan ni Carlota nang pauyam ang patpating lalaki.
“Maupo muna kayo, Attorney,” yaya niya rito. She had matured overnight. “Gusto kong basahin muna ang nilalaman ng mga ito.”
Naningkit ang mga mata ng abogado bago tinanggap ang imbitasyon niya. Pabagsak itong naupo sa sopa matapos ilagpak sa sahig na alpombra ang dalang attache case.
“I’d welcome a cup of hot coffee while I wait.”
Tumango ang dalagita. Regal ang kanyang pagkilos habang isinesenyas ang coffee pot with cups and saucers na nasa ibabaw ng lamesita.
“Help yourself, Attorney,” alok niya, pakaswal.
Saglit na napamaang ang abogado. Hindi siguro inaasahan na mananatili siyang matatag sa kabila ng kambal na trahedyang dumapo sa kanyang buhay.
Para bang may nag-uutos kay Carlota kung ano ang dapat niyang hanapin sa mga papeles. Madali niyang natukoy ang pangalan ng bagong may-ari ng lahat ng mga ari-arian ng Pamilya Eschavez.
She believed that the ghosts of her parents guided her eyes to find it in the midst of small typewritten words. Parang sinadyang paliitin ang mga letra ng mga legal papers, sa kanyang palagay.
“S-sino si Roldan Vergel, Attorney?” tanong niya habang itinitiklop ang makapal na folder. Pigil ang emosyon sa kanyang tinig na pilit pinatatag.
Muntik nang maibuga ng abogado ang ininom na kape. “Este, iha, hindi na mahalagang malaman mo kung sino siya,” wika nito sa tonong nang-uuto ng isang paslit.
“Basta’t pirmahan mo na lang ang mga iyan at matatapos na ang lahat ng mga problemang iniwan ng iyong mga magulang. You poor little girl! Don’t worry, your trust fund is still intact. Meron pa namang naiwan sa ‘yo, bukod sa malaking bahay na ito.”
“I want to know who’s the bastard who took away everything from me, Attorney!” pakli niya, pagalit. “At least, give me that consolation. Please?”
Natigilan sandali ang abogado bago nagkibit ng mga balikat. Inisip marahil nito na wala namang magagawa ang isang dalagitang katulad niya.
“Okey. Tutal, malalaman mo rin naman sa ibang paraan kung sino ang Roldan Vergel na bagong kliyente ko,” umpisa ng abugado.
“He’s the latest wonder in the business world today. A financial genius! Wala siyang nagustuhan na hindi niya nakuha. Halos siya lang ang nakapagsalba sa Philippine economy sa tiyak na pagbagsak. I’m really proud of him, iha!” pagmamalaki nito.
Nanliit sa galit ang magagandang mga mata ni Carlota. “At saang lupalop naman ng impiyerno nanggaling ang henyo mo, Attorney?”
Napamulagat ang lalaking mukhang hikain.
“Huwag kang magsasalita nang ganyan tungkol kay Roldan Vergel, ineng. Galing pa siya sa ibang bansa. Mabuti nga’t dito na siya nakaisip na magtayo ng sariling imperyo. Natutulungan niya nang husto ang ekonomiya ng sarili niyang bayan,” pananakot nito.
“He’s a powerful man, and very ruthless to his enemies!” dugtong pa.
Itinaas lang ng matapang na dalagita ang kanyang noo. Her young shoulders straightened with a built-in bravery, as her expression hardened with icy fury.
“I’m not afraid of him, Attorney,” pakli niya sabay itsa ng makapal na folder sa kandungan nito.
“At hindi rin ako tanga para pirmahan ang mga kalokohang nandiyan sa mga papeles na ‘yan! Makakaalis ka na. Huwag mo nang ubusin ang kapeng iyan. Alam kong hindi ka umiinom ng instant coffee.” Sinadya niyang pabastos ang pagsasalita upang maipamukha sa kaharap ang kanyang nadaramang galit.
“Aba, iha! That’s not the proper way to talk to me! I’m your solicitor,” saway agad nito.
“Ex-solicitor, Attorney. Get out of my house!”
“Aba’t — ! Kung nandito lang ang Papa’t Mama mo, ikahihiya ka nila sa kabastusan na ipinakikita mo!”
Tumindig ang dalagita. Tinitigan niya nang matalim ang abogado.
“Hah! Matutuwa pa nga sila, Attorney. Ganyan lang ang dapat na maging trato sa isang katulad mong ahas!” angil niya.
Namutla ang maliit na lalaki. Perspiration shone on his sickly complexion.
“A-ano ba ang sinasabi mo, iha?” Biglang bumaba ang tono ng abugado.
Hindi rin alam ni Carlota kung saan nagmula ang sinambit niyang iyon. Ngunit hindi siya puwedeng magpahalata.
“Gusto mo bang ipapulis pa kita, Attorney?” singhal niya.
Nakahanda siyang panindigan ang poot na nadarama niya para dito.
“Kailangan mong pirmahan ang testamento ng iyong Papa. Paano magkakaroon ng bisa ang lahat ng mga nakasaad dito?” pang-aamuki nito.
“Get out, Attorney. Saka ko na lang pipirmahan ang mga iyan — kapag ibinulong na ng mga multo nina Papa at Mama!” bulyaw niya habang binubuksan ang pinto ng library.
“Adiyos!”
“Napakabastos na bata!” Bubulung-bulong si Atty. Lintaco habang papalabas.
God, bakit hindi nakita ni Papa ang tunay na kulay ng taong ahas na iyon? bulalas niya sa kanyang sarili nang mapag-isa na siya.
Nanginginig siya sa labis na tensiyon. Niyakap niya nang mahigpit ang sarili habang hinahayaang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Humagulgol si Carlota nang humagulgol. Ibinuhos niya ang lahat ng nadaramang pangungulila at kalungkutan. Pinawalan niyang lahat ang pighati at hinagpis na nagpapahirap sa kanyang kabuuan.
She had let herself be a slave to all the terrifying insecurities. Because she knew that it was for the last time that she would let herself be weak!
Matuling lumipas ang panahon…
“One more smile, babe,” the lanky photographer coaxed the unsmiling model. “Make ‘em tremble with lust, darlin’,” dugtong pa habang panay ang pindot sa button ng hawak na mamahaling manual camera.
Carlota Eschavez gave him a sultry smile. Her full, red lips curved invitingly. A clear invitation that she wanted to be kissed thoroughly.
Matagal niyang pinag-aralan sa harap ng salamin ang paraan na iyon ng pagngiti. Ibig niyang maging katuksu-tukso kapag ngumingiti siya.
At ramdam na ramdam niya, umeepekto na nang husto sa photographer ang mabagsik na panggayuma ng kanyang mailap na kagandahan.
Nakita niya ang pagsikdo ng pagkalalaki ng binatang potograpo habang kinukuhanan siya ng larawan sa iba’t ibang anggulo. Tinangka nitong sikilin ang nadarama ngunit tila umabot na sa sukdulan ang pagnanasang pinukaw ng nakakahibang na kariktan ni Carlota Eschavez.
“Sabi mo, isa na lang, Tolits?” reklamo ng dalagang modelo, ngunit nakangiti pa rin ang mga labi.
Naka-pose pa rin ang balingkinitang katawan na perpekto ang hubog. Suot niya ang isang bright red skimpy dress na nagpalutang sa kaputian ng kanyang makinis na balat.
Nakahakab sa kanyang dibdib ang manipis at elastic na pulang tela. Her small nipples were clearly visible because a brassiere was impossible to wear.
Mukhang bathing suit na ang naturang kasuotan ngunit iyon ang latest design in New York street-wear for this coming summer.
“Yes, my beloved temptress,” agap ni Tolits, also known as Lito Vargas. Ilang ulit itong napalunok bago nakapagsalita uli.
“These are all for the wraps now. Tiyak na matutuwa ang New York sa ganda ng mga kuha natin.”
Saka lang kumilos ang dalagang mala-estatwa kanina.
Carlota stretched her slender body with a natural gracefulness. Kung alam niya sigurong tumataas nang tumataas ang blood pressure ni Tolits habang patuloy siya sa pag-iinat, hihinto siya bigla.
Hindi ito ang lalaking pinaglalaanan niya ng buong puwersa ng kanyang pang-aakit.
“Ano na naman ba iyang bagong palayaw mo sa akin?”
Narinig na niya nang malinaw pero gusto niyang ulitin ng lalaki dahil nagustuhan niya iyon. Humakbang na lang siya patungo sa kanyang kasamang chaperon, si Aling Luming.
“Senyorita, nandito ang tuwalya. Basam-basa ka na ng pawis,” wika nito.
Hindi ito umalis sa empleyo niya kahit na namatay na ang mga orihinal na amo, ang Papa’t Mama ni Carlota. Tila lalo pa ngang nadagdagan ang concern and affection nito sa kanya, pati na ang asawang si Mang Simon.
Binigyan niya ito ng isang natural na ngiti.
“Salamat ho,” ang magalang na tugon niya habang kinukuha ang puti at malambot na tuwalya.
“Pakitawag na ho si Mang Simon. Para maikarga na ang mga ito sa sasakyan.”
Tumango si Aling Luming bago tumindig. “Inumin n’yo na ang mainit-init na gatas, para magkalaman ang sikmura n’yo,” habilin pa nito bago tumalikod. “Hindi ka gaanong kumain kaninang lunch.”
“Oho, Aling Luming.” Naupo siya sa canvas chair na collapsible bago dinampot ang mataas na basong kristal na may lamang puting likido.
“The Temptress,” wika ni Tolits habang papalapit sa kinauupuan niya. Pinanood siya sa marahang pagsimsim ng gatas.
“The Temptress?” ulit ni Carlota. “I don’t like it, Tolits. Hindi ako marunong manukso!” She denied after controlling a satisfied smile.
Ngunit parang walang narinig si Tolits. Nakatitig ito sa iniinom niya.
“Iyan pala ang beauty secret mo, ha? Hot milk.”
“Gusto mo? Kumuha ka diyan sa thermos. Siguradong mayroon pa diyan,” alok niya rito. Kunwa’y hindi niya pansin ang pagnanasang iniuukol nito para sa kanya.
Nagpatuloy siya sa pagsusuot ng wrap-around peasant skirt. Naisuot na niya ang kanyang overcoat na kulay puti. Hindi na niya hinubad ang huling damit na iminodelo para makauwi agad sila.
Nararamdaman niya ang masidhing pagtitig ng kaharap sa kanyang mga labi ngunit hindi siya nagpapahalata.
Mamula-mula ang mga pisngi ni Carlota dahil sa mainit na sinag ng mga spotlights na nakatapat sa kanya kanina. Ang manipis na kinang ng pawis sa malaporselanang kutis ay sapat nang magpaulol sa damdamin ng isang anak ni Adan.
“M-mayroon din akong hot milk, Carlota. Mas mainit. At mas masarap kaysa diyan sa tinitimpla ng alalay mo,” ang wika nito sa tonong nang-aakit. “Natural pa.”
Tumaas ang mga kilay na perpekto sa hubog at kurba. Alam ni Carlota ang ibang ‘insinuation’ ng sinasabi ng kaharap.
“Mas gusto ko ito, Tolits. Dito sanay ang panlasa ko,” ang paiwas na tugon niya. Maliksi niyang isinuot ang isang pares ng leather flat shoes.
Hindi niya inaasahan ang pagsunggab ng potograpo sa kanya. Sinambitla siya nito habang nakaluhod sa harapan niya. Hinaklit siya upang mayakap nang mahigpit.
“Baka dahil hindi mo pa natitikman?” ungol nito habang inaararo ng halik ang kanyang leeg.
“Marami nang babae ang nagsabi sa akin na great lover ako, Carlota. Hayaan mong ipatikim ko sa ‘yo ang ligayang sa akin mo lang malalasap!”
Sinambitla siya ng mga payat ngunit matitigas na bisig ni Tolits. “Bago ka man lang gumarahe!”
Hindi agad siya nakakilos dahil sa pagkabigla. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito.
Sinamantala ng lalaki ang pagkatigagal niya. Niyapos siya nang mahigpit habang isinusubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Nagawa agad basain ng pangahas na dila ang isang korona niya.
His crooked teeth sunk into her softness lustily.
“Let me go, Tolits!” utos niya.
Kahit na may proteksiyon ng damit, naramdaman pa din niya ang kakatwang epekto ng mapusok na init na sumakop sa kanyang sensitibong bahagi.
Napasinghap si Carlota ngunit hindi sa kasiyahan, kundi sa pandidiri.
“Aaah! Ano ba!” asik niya, pagitil.
Lalo lamang lumikot ang mga kamay nito. Kinapa agad siya ng isa sa malambot na parte ng kanyang mga hita. Bumaybay papataas upang sakupin ng palad ang pagitan.
“Malapit ka nang mawala sa sirkulasyon, Carlota. Pero hindi pa kita natitikman. Lahat ng mga naging modelo ko, napaibig ko. Ikaw lang ang hindi. Ako pa yata ang nagayuma mo!”
“Ano’ng sinasabi mo’ng malapit na akong mawala sa sirkulasyon?” usig niya habang nakikipaghamok sa lalaki.
Ngumisi nang makahulugan si Tolits. “May nakakakursunada sa ‘yo, babes! Isang napakatabang isda!” anito bago muling sinibasib ng halik ang kanyang dibdib.
“Aray ko!”
Napatili si Carlota sa sakit nang pisilin ng mga daliri nito ang isang korona niya. Umigkas ang isang tuhod niya ngunit maagap na nakailag ito.
Hindi nakaya ng magaan na silya ang kanilang mga bigat kaya natumba iyon. At nahulog sila sa sahig.
Dumagan sa kanya ang bigat ng patpatin ngunit matigas na katawan ni Tolits. Nagiyagis ng matitigas na kalamnan nito ang kanyang kalambutan kaya lalong nag-ulol ang pagkasabik na humahalo sa nag-iinit na dugo nito.