Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

SECRET LOVE

Mistulang isang sleeping beauty si Flora, ang stepsister ni Apollo, dahil masyadong protective ang mga magulang, lumaking inosente at ignorante sa maraming bagay sa mundo.

Attracted na agad ang binata sa unang pagkikita pa lang nila ng dalaga pero hindi niya maaaring ipadama ang tunay na damdamin dahil dapat silang magturingang magkapatid.

Lumipas ang mga taon ngunit nananatiling buhay at maalab ang lihim na pag-ibig ni Apollo.

Hanggang sa kailangan nilang magsama sa isang bahay…

Paano pa niya maitatago ang nagpupumiglas na physical attraction para kay Flora?

O mas dapat kayang ilantad na ni Apollo ang sikretong pagtatangi para sa stepsister?

* * *

February 14th 2000, Cebu City.

It was a frenzied morning inside the Alvaro Resthouse. Magulo ang umagang iyon sa buong kabahayan. Aligaga ang lahat ng mga tao. Isa’t isa ay may kani-kanyang inaasikaso.

Si Apollo lamang yata ang hindi natataranta. Kalmado at tahimik na nakatayo sa balkonahe.

Nakatanaw siya sa asul na karagatan na nasa harapan. Mataas ang kinaroroonan ng bahay-bakasyunan kaya nasa paanan pa ang downtown ng Cebu City.

“Apollo? Apollo, nakabihis ka na ba?”

Luminga siya nang marinig ang boses ng ina. Awtomatikong kinapa ng mga daliri ang pagkakabuhol ng itim na bow tie sa paanan ng leeg.

“Kanina pa, Mama.” Humarap siya at sumalubong sa papalapit na middle-aged woman.

Magarbo ang suot na wedding gown na kulay antique gold. Makislap ang diamond necklace na nasa leeg at diamond solitaire sa kaliwang kamay.

Eksperto ang pagkaka-make-up sa klasikal na hubog ng mukha kaya maraming taon ang nabawas sa edad na singkuwenta. Maalaga sa katawan kaya slim at ismarte pa din.

Ngayon ang araw ng kasal ni Mercedes Alvaro kay Federico Crystal. Kapwa nalibang sa pagnenegosyo nang mabalo, pinagkurus ng tadhana ang kanilang mga landas.

Fortunately, hindi tumutol ang kani-kanyang anak sa pag-iibigang yumabong kaya humantong sa pag-iisandibdib. Si Apollo ang bestman.

At ang magiging stepsister ang maid of honor.

Hindi pa nakikita at nakikilala ni Apollo ang magiging stepsister. Nasa Japan siya nang ‘mamanhikan’ si Federico at ang anak na dalaga sa kanyang Mama.

Sa telepono lang niya nakausap ang magiging stepfather, three months ago.

“Pasensiya na po, Mr. Crystal. Biglaan ang pagsulpot ng deal na ito. Hindi puwedeng tanggihan dahil buwenamano ng firm sa abroad. Anyway, alam naman ni Mama na botong-boto ako sa inyo. Sigurado po akong mapapasaya n’yo siya.”

“Thank you very much, iho. I appreciate your understanding. Pareho kayo ng anak ko.”

He had heard that his daughter was a hotel receptionist sa isang three-star hotel sa Cebu City. The fact that she was already a grown-up pacified him.

Tiyak na may sarili na ring buhay ang magiging stepdaughter ng kanyang Mama.

“Ang aking anak na si Flora. Sa Pebrero pa makakauwi,” was the rueful explanation by Federico, three months ago.

Kasalukuyang kumukuha ng isang six-month crash course tungkol sa restaurateurship si Flora Crystal sa isang kilalang eskuwelahan sa Paris, France.

“I feel nervous, son,” pagtatapat ni Mercedes. “Do I look alright?”

“You look beautiful, Mrs. Mercedes Crystal-to-be,” papuri niya habang masuyong inaakap at maingat na hinahagkan ang nakakunot na noo ng magulang. “You’ve nothing to be nervous about, Mama.”

His mother peered up at him. Sinipat ng ina ang mukha ni Apollo. Tiniyak na sinseryo siya.

“Talaga bang hindi ka nagagalit sa pag-aasawa ko ulit?”

Ngumiti si Apollo. Itinulak muna sa isang tabi ang mga building designs at floor plans na pinag-iisipan.

“Kung saan ka masaya — suportahan ta ka,” he quoted a famous TV commercial humorously.

“Hindi ba’t ganyan ang palagi mong sinasabi sa akin? It’s my turn now. And it’s about time for you to be happy. Napatapos mo na ako sa architecture course ko. May sarili na akong kabuhayan — many thanks sa puhunang ibinigay mo for my architectural firm after my graduation.”

“Actually, ang perang ‘yon ay galing sa insurance ng Papa mo. Inihabilin niyang ibigay ko sa ‘yo ‘yon bago siya nalagutan ng hininga sa ospital noon.” Nag-antanda si Mercedes. “Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Alfonso,” ang taimtim na usal nito.

Bahagyang tinapik ni Apollo ang likod ng ina.

“You did a good job on raising me, Mama. I’m sure, Papa’s very proud of you.” Kinse anyos siya nang mamatay sa isang car accident ang ama. “You deserve to be happy now that you have the chance. Tito Federico will make sure of that.”

“Oh, iho, salamat!” Napabulalas ang kanyang Mama.

“Wala ka nang problema sa akin, so dapat lang na maging maligaya ka na. At alam kong magiging maligaya ka kay Tito Federico,” dugtong pa niya para lalong makumbinsi ang ina.

Tumingkayad ang ina para gawaran ng mapagmahal na halik ang pisngi ni Apollo.

“Maraming salamat, anak.” Tuluyan nang umaliwalas ang mukha nang mawala ang lahat ng alalahanin.

They smiled at each other with love and respect.

“We should be going now, Mama. Baka mahuli tayo sa simbahan.”

“Okey. Teka’t kukunin ko lang ang bouquet. Sige, mauna ka na lang sa kotse.”

“Maghihintay ako, Mama.” Dumiretso na sa ibaba si Apollo. Nasalubong niya ang mga katulong na natataranta pa rin sa pagpaparoo’t parito kaya huminto para kalmahin ang mga ito.

“Aling Mai, konting relaks lang ho. Mahaba pa ang oras bago sumapit ang pananghalian.”

“Naku, oo nga, ser. Pero an’dami pa ring hindi naiaayos. Dapat ay isinasakay na ang mga putaheng ipinaluto ng Mama n’yo. Baka tapos na ang reception, hindi pa nakakarating doon ang mga pagkaing inihanda dito!”

Apollo gave the middle-aged housekeeper an understanding smile.

“Hindi naman siguro, Aling Mai. Atsaka, hindi rin masamang mahuli ng kaunti ang pagkain. Ang alam ko’y mas masamang pinaghihintay ang pagkain, di po ba?” bawi niya, sa tonong pabiro.

Napatawa ang katiwala ng ina sa resthouse.

“Oo nga naman. May katwiran kayo d’yan, ser.”

Kinse minutos lang ang naging biyahe patungo sa simbahan. Nakaabang sa bungad ng paarkong pintuan ang may edad pero makisig pa ring bridegroom.

Nang pumarada ang bridal car sa gitna ng driveway, kumaway si Federico. Abot-teynga ang ngiti habang sumesenyas na maghihintay ito sa loob.

Nagniningning naman ang mga mata ni Mercedes habang tumatango.

Maliksing umibis si Apollo upang ipagbukas ng pinto ang ina. Siya ang nagmaneho ng kotse dahil ang family driver ay kasama nina Aling Mai.

“Ready, Mama?”

Hindi nakikinig sa kanya ang ina. Mercedes was looking beyond him. “Ayun si Flora, Apollo! Halika, ipapakilala kita.”

“Nasaan?” Absently, he looked around.

“Mama Mercedes!”

Isang babaeng nakasuot ng white silk and lace gown ang maliksing pumapanaog sa malapad na hagdanan pasalubong sa kanila.

She stopped short when he turned and they became face to face with each other.

Her face was heart-shaped. Her lips was dewy red and shaped invitingly. Her large eyes were luminous and expressive. Her slim but voluptuous figure was made in heaven.

Apollo was stunned. Hindi niya alam kung ano ang tumama sa kanya nang mga sandaling iyon.

Kumabog ang dibdib. Nagsikip ang paghinga. Rumagasa ang dugo.

Napakaganda ni Flora! Parang isang diyosa na bumaba buhat sa Olympus. He was bewitched by her beauty.

“Flora! Sa wakas, makikilala mo na ang anak ko! Apollo, meet your future stepsister — Flora,” ang masiglang sambit ni Mercedes. “Flora, ang aking anak na si Apollo.”

Ang akala ni Apollo ay mananatiling umid ang kanyang dila. Ngumiti muna siya at inilahad ang isang palad bago sinubukang magsalita.

“Hi! Kumusta ka?”

“Hi din. Mabuti. Kumusta ka rin?” Flora replied with shy confidence.

“Mabuti rin.” Saglit lang ang pagkakamay nila pero parang dumikit na sa balat niya ang pakiramdam ng mainit at malambot na palad ni Flora.

And he could go on staring at her spellbinding loveliness, kung hindi dumating ang wedding coordinator.

“Madame Mercedes! You’re the loveliest bride today!” Nagbesu-beso ang bakla at ang Mama ni Apollo. “Halinakayo. Umpisahan na natin ang wedding march. Baka mainip ang bridegroom. Bad luck ‘pag lumabas pa dito ‘yun.”

Saka lang nakabawi ng wisyo si Apollo nang tumalikod na si Flora. Ipinilig niya ang ulo habang sinusundan ng tingin ang dalaga. He shook off the ridiculous infatuation.

‘Man, you’re acting like a teenager having his very first crush!’ buska niya sa sarili. ‘Calm yourself–she is your sister! Or stepsister… Walang gaanong ipinagkaiba ‘yon.’

February 14, 2003. Antipolo City.

“Hello, Ma? Happy third wedding anniversary sa inyo ni Tito Freddie! Natanggap n’yo ba ‘yung package ko last week?”

“Oo, iho. Thank you daw, sabi ng Tito mo. Nagpapasalamat din ako. Ang ganda-ganda ng mga vase na ‘yon, a? Why, they’re simply fabulous! Saan mo nabili ang mga ‘yon? Pati si Flora’y nagandahan rin.”

A pulse started beating upon the mention of his stepsister’s name. Agad na kinitil ni Apollo ang pumitlag na pulso ng pagkasabik.

“I’m glad, Mama. Matagal akong naghanap ng appropriate gift para sa anniversary n’yo.”

“Well, we appreciate them very much, iho! Bumagay sila sa Chinese bureau na binili namin ni Freddie sa Hongkong last year.”

“Actually, I was hoping that you’d pair my vases with that superb bureau of yours, Mama,” sang-ayon ni Apollo.

“Siyanga pala, Apollo. Meron sana kaming gustong ipakiusap ni Tito Freddie mo sa ‘yo.” Biglang naging seryoso ang tono ng ina.

“Ano ‘yon, Mama?”

“Nahihiya nga siya sa ‘yo — but I insisted ‘coz I know that you’ll understand,” patuloy ni Mercedes Crystal.

Halatang hindi rin sigurado dahil paliguy-ligoy pa.

“Marami kaming naririnig na bad news tungkol d’yan sa Manila dito sa Cebu City kaya gusto naming mag-ingat nang husto.”

“Mama, please, get to the point. Ano ba’ng gusto n’yong ipakiusap? And I don’t like the sound of ‘ipakiusap’, ha? Alam n’yong hindi ko kayo puwedeng tanggihan, Mama. Any request from you shall be granted by me — a.s.a.p.!” ang masuyong tugon ni Apollo.

Kailanma’y hindi naging abusada at dominanteng ina si Mercedes kaya sigurado siyang hindi makakasama sa kanya ang anumang hilingin o ‘ipakiusap’ nito.

Pero napagtanto niyang tila mali siya ng paniniwala nang marinig na ang kabuuan ng kahilingan ng ina…

“Well, I’m sure glad to hear that, iho. Siguradong mawawala ang mga pangamba namin ni Freddie,” umpisa ni Mercedes. “Tungkol sa kapatid mo ‘to, Apollo.”

“Kapatid?” Saglit na nalito ang binata. Palibhasa hindi niya magawang ituring na kapatid si Flora…

“Ganito kasi ‘yon, anak. Na-promote si Flora sa hotel na pinagtatrabahuhan niya — assistant manager na siya ngayon. Imagine, at that young age?” pagmamalaki ng madrasta sa stepdaughter.

“Pero kailangan munang sumailalim siya sa isang intensive course on hotel restaurateurship sa isang five-star hotel d’yan sa Manila. Ayaw pumayag ni Freddie na manirahan siya sa isang hotel o sa kahit saang apartelle — ng nag-iisa lang siya. So I suggested that she lives in your house na lang. Freddie and Flora were hesitant but I assured them that it will be okey for you to have her in your house. Don’t worry, iho, it’s for eighteen months lang naman.”

Mahaba pero mabilis ang pahayag na iyon. Tila sinadyang magdumaling magsalita ang ina para hindi makasingit ang anak.

Apollo could not speak with shock. Para siyang biglang isinakay sa isang humahaginit na rollercoaster. Parang biglang nagulo ang buhay niya.

“Pasensiya ka na sa pagka-adelantada ko, anak. Nanghihinayang kasi ako sa mawawalang oportunidad kay Flora. Masasayang ang maraming taon ng pagsisikap at pagtitiyaga niya para sa naturang promotion,” dagdag-paliwanag pa ni Mercedes.

Bumuntonghininga si Apollo. Kinontrol muna ang mga kaguluhan sa kalooban bago nagsalita.

“Walang problema sa akin, Mama. She’s welcome to my house. Mabuti nga’t may makakasama si Aling Naty sa bahay ‘pag hindi ako nakakauwi.”

“Talaga, iho? Payag ka?” Napabulalas ang kanyang Mama sa kabilang linya.

“Oo, Mama,” he replied resignedly.

‘Kailangan mong magpakatatag, Apollo!’ utos niya sa sarili.

“Kailan daw siya darating dito?”

“Sa Lunes na siya magsisimula, iho.” His mother’s tone became cautious once again.

Napapikit si Apollo.

“Lunes? Miyerkules na ngayon.” Apat na araw na lang! “Ano ba ang sasakyan niya?”

“She’ll be arriving by plane tomorrow, before lunchtime.”

“What?” Hindi napigilan ni Apollo ang mapabulalas. Nabigla talaga siya. Wala na pala siyang panahong bumuo ng kalasag!

Fortunately, walang napunang kakaiba si Mercedes sa abrupt reaction ni Apollo.

“Gusto nga namin ni Freddie na sa Linggo na umalis dito si Flora pero may kailangan pa raw asikasuhin sa hotel bago mag-Lunes.”

Ipinilig niya ng ilang ulit ang ulo para maiwaksi ang pagkatigagal. Bakit ba natatakot siya?

‘For chrissake, she’s just a girl!’ buska ni Apollo sa sarili.

“I’ll be at the domestic airport at ten o’clock tomorrow,” pangako niya, nang kalmado na uli.

“Oh, thank you, iho! Matutuwa si Freddie sa magandang balita.”

“Nasaan si Tito?”

“Nasa Davao. Darating siya mamayang hapon. Actually, we planned to accompany Flora during her stay in Manila. But a lot of good things cropped up. Dumagsa ang mga kliyente namin, late last year. Hanggang ngayon ay may overflow nga kami ng mga orders and reservations, e.”

Kilalang exporter ng Visayan Handicrafts ang mag-asawang Crystal sa kasalukuyan.

“That’s very good,” papuri niya.

“Kumusta naman ang pakikipag-bid ng firm n’yo sa Japan?”

“We got the deal — but we will not start until late this year.”

Sa anim na taong operasyon, ang Alvaro Architectural Company ay nakatawag na ng pansin sa maraming indibidwal na may perang nakaimbak sa bangko.

Idagdag pa ang karisma ni Architect Apollo Alvaro sa pakikipag-usap; ang kasipagan niya sa pagtatrabaho at ang likas na talento sa pagdidisenyo. Isa siya sa mga napiling Twenty Young Tigers of Asia nung nakaraang taon.

Di naglaon, dumagsa ang mga investors at lumaki ang operating capital ng kumpanya.

Ngayon ay nakikipagsabayan na siya sa ibang malalaking constructions firms sa pagbi-bidding sa iba’t ibang projects sa buong Pilipinas at sa ibang bansa man.

“Wow! I’m proud of you, son!” bulalas ni Mercedes. “Manang-mana ka talaga ng kasipagan sa iyong Papa! Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Alfonso!”

Napangiti si Apollo. Natutuwa siya dahil hindi pa rin nakakalimutan ng kanyang Mama ang unang asawa.

“Masipag ka rin naman, Mama. Masuwerte ako dahil doble ang kasipagang minana ko sa inyo ni Papa.”

“I’m glad to hear that, anak. Mas maigi sana kung may paglalaanan ka na ng mga bunga ng pagsisikap mo?” Biglang iniliko ni Mercedes ang usapan.

Pero hindi nalito si Apollo. Madalas na nilang pinagdidiskusyunan ang tungkol sa bagay na iyon.

“Bata pa ako, Mama. Marami pa akong oras para maghanap ng babaeng mapapangasawa.”

“Napakapihikan mo naman yata, e. Ano ba ang ideal woman mo?”

“Wala akong ideal woman, Mama,” he denied untruthfully. ‘Bawal sa inyo ang ideal woman ko,’ dugtong niya sa sarili. “Ang gusto ko lang ay ‘yung mamahalin ako at magiging mabuting ina ng inyong mga apo.”

“A home-loving woman,” concluded the older woman. “Ayaw mo sa mga babaeng may career, gan’on ba?”

“Hindi naman. Walang problema sa akin kung may career ang magiging asawa ko,” bawi ni Apollo.

“Basta ang importante ay palagi siyang nasa tabi ko at ng mga bata sa sandaling kailanganin namin siya.”

“Being a wife and a mother is a fulltime career to any woman, Apollo.”

“Ayokong maging sagabal sa personal fulfillment ng babaeng mapapangasawa ko, Mama. Ayokong mag-impose ng mga bagay na hindi ko matatanggap sa sarili ko.”

“You’re very modern, iho. But I like your views. Suwerte ang babaeng mapapangasawa mo, anak.”

“That’s why I’m taking my time in choosing my wife,” salo ni Apollo.

Tumawa ang Mama niya.

“I get your point,” ang magiliw na sang-ayon nito. “I just wish, huwag ka namang umabot ng kuwarenta sa paghahanap. Baka hindi ko na ma-enjoy ang magiging mga apo ko, hmm?”

“Okey, Mama.”

Hungkag ang pangako niya dahil halos wala na siyang interes sa ibang babae magbuhat nang makita at makilala si Flora…

“O, siya, baka abot-langit na ang babayaran mo sa long distance call na ‘to. Salamat uli sa lahat-lahat, iho. Lalo na sa pagkupkop mo kay Flora.”

“Walang anuman, Mama. Ngayon lang ako makakaganti sa kabutihan ni Tito Freddie sa inyo.” Tumingala siya sa langit.

He felt like a heel. Kung makokontrol niya ang atraksiyon para kay Flora — atsaka lang siya makakagawa ng kabutihan!

“He is a very loving and very thoughtful husband, indeed. Suwerteng-suwerte ako sa kanya.”

“Masuwerte din siya sa inyo, Mama.”

“Well, suwerte kami sa isa’t isa,” giit ni Mercedes, bago humagikhik na parang teenager.

Saglit na napalis ang tensiyon sa kalooban ni Apollo nang marinig ang katuwaan ng ina.

“I’m happy for you, Mama,” sambit niya. “And before I say goodbye — again, happy third wedding anniversary to both of you.”

“Thank you again, iho. Goodbye for now. I love you! Take care of yourself!”

“You, too. Bye!”

Unti-unting napalitan ng pagkabahala ang masayang ngiti sa bibig ni Apollo nang maibaba ang awditibo ng telepono. Tumindig siya at lumakad patungo sa curtain wall.

His library cum drafting room was situated at the rear part of the house.

Katamtaman lamang ang laki ng bahay na may tatlong silid-tulugan at dalawang banyo sa ikalawang palapag dahil mas preferred niya ang may maluwang na hardin at isang swimming pool.

With careful planning, ang bakuran na may two thousand square meters lang ay naging kumportable at presko sa paningin.

Ang landscaping ay maingat na pinlano kaya ang bawat punongkahoy at mga halaman sa paligid ay may harmony at beauty. At color.

Pinuno niya ng iba’t ibang uri at kulay ng mga bulaklak ang palibot.

He had built the house, three years ago. Ang inspirasyon ay si Flora Crystal…

Bakit ba hindi niya nakilala si Flora nung bago magpakasal ang Papa nito at ang Mama niya?

Disinsana’y nagkaroon siya ng pagkakataong ipahayag ang damdamin sa dalaga — bago pa nito natutuhang tumawag sa kanya ng ‘Kuya Apollo’!

Once again, Apollo tortured himself mentally with the impossibility of his situation.

Hindi niya alam kung hanggang saan hahantong ang imposibleng sitwasyong kinasadlakan.

Puwera na lang kung may gagamitin siyang distraksiyon at proteksiyon…

A desperate idea suddenly clicked inside his mind. Ano kaya kung yayain niyang maglive-in ang current girlfriend na si Pinky?

Pero maraming kumplikasyon ang puwedeng likhain ng ideyang iniisip niya.

Isang ramp model si Pinky de Roces. Sosyal. Out-going. At liberated. The demure Flora would surely have a culture shock.

A, bahala na!

Iyon ang ikalawang impulsive decision ni Apollo para sa araw na iyon.

At para hindi na makapag-alinlangan pa, agad siyang lumapit sa telepono upang tawagan ang month-old girlfriend.

“Hello, Pinky? Apollo here. Busy ka ba?”

Click here to READ MORE

Comments are closed.