Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

SEDUCTION AT FIRST SIGHT

Everybody believes in love-at-first-sight. Most people call it simple chemistry or just plain physical attraction.

True?

Chances are, it will not last long.

Andrea hates the man who treated her sister very badly. But when she met him, a strong attraction pulled her towards him.

Paano ba kinokontrol ang sariling gustong kumawala sa katwiran ng isipan? Kaya pa bang pigilan ang isang bagay na itinakda nang maganap?

Ang masaktan siya…?

* * *

Masigabong palakpakan ang naghudyat sa pagtatapos ng palabas sa malaking stage ng isang five-star hotel and restaurant sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Sabay-sabay na nagsiyukod ang mga dancers na nakasuot ng makukulay na feather headdress at tig-ka-kaunting costumes, bago tumalikod at nahati habang pumapasok sa magkabilang pinto patungo sa backstage.

Nagkakaingay ang mga kasamahan ni Andrea. Tawanan. Kuwentuhan. Excited ang mga ito dahil bukod sa limang dance number na gagawin, arkilado rin ang grupo nila para mag-estima sa mga mayayaman at makapangyarihang mga negosyante na katatapos lamang dumalo sa national convention for businessmen.

“Sana, makita ko si Don Facundo,” ani Menchie. Magkatabi sila ng locker at dressing table. “Malaking magbigay ng tip ‘yon, e.”

Andrea gave her a vague smile. Lumilipad na ang utak niya papunta sa apartment na inuupahan.

Naiwan doon ang kapatid niyang beinte anyos at ang pamangkin niyang tatlong buwang gulang.

Third year college na sa kursong komersiyo din si Anne, ngunit napilitang huminto nung magbuntis. Ga-graduate na sana ito ngayong March kung hindi nanganak sa isang sanggol na lalaki.

Magkahalong panghihinayang at pagkatuwa ang nadarama niya magmula nung malaman ang kalagayan ng bunsong kapatid. Itinuturing niya kasing isang biyaya ang pagdating ng munting anghel sa buhay nila.

Dalawa lang silang magkapatid at ulila na sa mga magulang kaya malungkot ang panahong nagdaan. Tumanggap sila ng isang napakagandang regalo nung Pasko. Nahigitan pa ang college diploma na halos pitong taon niyang pinaghirapan bago natanggap, may pitong taon na ang nakakaraan.

Ngunit ang kanyang katuwaan ay unti-unti nang nahahaluan ng matinding pag-aalala at pangamba. Masyadong malaki ang responsibi- lidad na nakataang sa mga balikat niya. Natatakot siyang baka hindi niya magampanan ng maayos ang mga bagong obligasyon…

“Huy! Bakit hindi mo naman ako pinapakinggan?” pang-uusig ni Menchie sa kanya, sabay siko nito sa tagiliran niya.

“Hindi ba’t magpapabinyag kayo sa isang buwan? Kailangan mo ng malaki-laking datung. Sumama ka na lang sa akin. Palaging maraming kasama si Don Facundo. Tiyak na may makakatipo sa ‘yo,” pag-aaya pa nito.

She forced herself to pay more attention to her co-dancer and closest friend. Kahit na magkaiba sila ng paniniwala sa maraming bagay sa buhay, naging matalik na magkaibigan pa rin sila.

Nagkakilala sila nung first year college pero nagkahiwalay nung huminto ito sa pag-aaral bilang pagrerebelde matapos maghiwalay ang mga magulang.

Gayunpaman, nanatili ang komunikasyon nila dahil muli silang nagkasama nang matanggap siya bilang isa sa cultural dancer group na binuo ng isang entertainment agency.

“Tama ka, Menchie,” Andrea agreed with a small sigh. “Kaya lang, alam mo namang hindi ko forte ang makipaglambutsingan sa mga kliyente, hindi ba?”

“Sus! Bobolahin mo lang ng bobolahin. Huwag kang magpapahipo. Hanggang tingin lang ang puwede nilang gawin,” pangungumbinsi pa nito. “Nasa sa ‘yo kung gusto mong sumama sa kanya pagkatapos ng trabaho.”

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng pagkatukso si Andrea. Araw-araw naman kasi ay lumalaki ang gastos nila. Malalaking lata ng gatas at sangkatutak na diapers ang kinukunsumo ng isang maliit na tao sa loob ng isang buwan.

Bukod pa sa monthly check-ups at multivitamins at vaccinations. Hindi siya nagpapahalata kay Anne, pero nasasakal na siya sa sobrang taas ng mga bilihin. Kailangan na niyang magdagdag ng kita. Mag-aaral pa si Anne…

“S-sige na nga,” she said before she could change her mind.” Paki-guide mo na lang ako,” she added shyly.

Pumalakpak si Menchie. “Sure!” anito. “‘Wag kang mag-alala, hindi kita pababayaang mapunta sa maniac.”

Napalunok si Andrea pero hindi naman siya gaanong nababahala. Kumuha siya ng karate nung bata pa siya at buhay pa ang mga magulang nila. Hindi niya pinabayaan ang pag-e-ensayo kaya hanggang ngayon ay may nalalaman pa siya sa self-defense.

It was also her secret in keeping her slim body fit and supple. Kaya nga madali siyang nakapasa sa audition noon. Magaan at malambot ang pagdadala niya sa kanyang katawan. She had a natural grace.

Mayroon din siyang likas na lakas at tapang ng loob. Siguro naman, tama lang na gumawa na siya ng paraan para hindi mai-sakripisyo ang kinabukasan ng mga mahal niya sa buhay.

“Salamat, Menchie.” Tumindig siya para kumuha ng bestidang ipapatong sa costume. Ginaya niya ang kaibigan nang magbawas ito ng make-up.

“Mamaya pa ang finale number natin. May three hours pa tayo. ‘Lika na.” Halos hilahin na siya ni Menchie sa paglabas. Nag-aalala marahil na baka magbago pa ang isip niya.

Akay-akay pa rin siya ng kaibigan hanggang sa makarating sa mga lamesa ng audience na nakakalat sa palibot ng harapan ng stage.

Nagpalinga-linga muna ito sa isang tabi. Kapagkuwa’y kinalabit ang isang waiter na nagdaraan. “Bosing, ‘andito ba si Don Facundo Dela Cuesta?”

Tumango agad ang tinanong. “Nandoon ang table nila, miss.”

“O, sige, salamat, ha?” Nagbigay ng matamis na ngiti at isang pilyang flying kiss si Menchie bilang kabayaran sa napatulalang tagasilbi bago nito hinila uli si Andrea patungo sa tamang direksiyon.

Natagpuan ni Menchie ang hinahanap sa isang sulok. Tila may masinsinang pinag-uusapan ang dalawang lalaki ngunit hindi ito nag-atubili. Malaki ang kumpiyansa na hindi magagalit ang tinutukoy na suki.

“Don Facundo!” Ang masiglang bati ni Menchie sa lalaking mayroon ng mga puting buhok.

Tumindig ang tinawag. Litaw ang mapuputing ngipin nito sa pagngiti. “Menchie, my dear!” Bumuka pa ang mga braso nito upang salubungin ng yapos ang kaibigan niya. “Mabuti’t may kasama ka. Alam kong hahanapin mo ako, ho! ho! ho!”

Pinanood ni Andrea ang magalang na paghalik ng matandang lalaki sa isang pisngi ni Menchie. Maginoo si Don Facundo Del Cuesta. This was her first impression of the old man. Pero ibang istorya ang kasama nito, who would be her partner.

The said man was scrawling a few notes in his black little book. Buhos na buhos ang konsentrasyon. Para bang ang ginagawa lang ang pinaka-importante nang mga sandaling iyon. He seemed oblivious to his noisy surroundings.

“Este, Julio? May ipapakilala ako sa ‘yo,” wika ni Don Facundo.

Atsaka pa lang nag-angat ng mukha ang nakakabatang lalaki. Luminga ito sa gawi nila.

Andrea caught her breath. Kilala niya ang lalaki. Ito ang nakabuntis kay Anne!

NARAMDAMAN agad ni Julio ang kakaibang sensasyon nang magtama ang mga mata nila ng babaeng may pinaka-seksing bibig na nakita niya. He’d never seen such luscious lips before. His attention and interest had been instantly arrested.

Agad na napalipat sa babae ang atensiyon niya. Napukaw agad ang interes niya.

Ngayon lang siya nakadama ng ganito kasidhing atraksiyon kaya nasabik agad siyang makilala ang kaharap. May pagka-pihikan kasi siya dahil sa sobrang dedikasyon sa trabaho niya.

Tumindig siya at inilahad ang isang kamay. “Good evening, miss. My name’s Julio Rancho,” pagpapakilala niya.

Hindi tuminag ang babae. Para bang nagmistula itong estatwa na nakatitig lang sa kanya.

Maagap na namagitan ang kasama nito. “Siya naman si Andrea. At ako si Menchie.”

“Mahiyain yata ang kasama mo, iha,” puna ni Don Facundo. Nakangiti pa rin ito. “Ako naman si Don Facundo Dela Cuesta,” dugtong nito.

Siniko ito ni Menchie. Pabulong na sinita. “Andrea, ano ba?”

Saka pa lang nakakilos ang dalaga. Nakipagkamay ito sa matanda. Inignora siya. Ni isang pilit na ngiti ay hindi siya tinapunan.

Sinulyapan niya si Menchie. Tila nayayamot ito.

“Este, maupo kayo,” imbita ni Don Facundo. Maagap nitong hinila ang isa sa mga silya para ialok kay Menchie. Bahagya itong nagkibit ng isang bilugang balikat nang magkatinginan sila.

Ikiniling niya ang ulo bilang tugon.

Isang entertainer si Adrea Molina. Tiyak na marami itong alam na istilo sa pagbihag ng pansin ng isang lalaki. Isa na ang pa-hard-to-get. Kunwa’y suplada pero nakikiramdam lang pala.

Well, two can play your game, Miss Molina! bulong niya sa sarili. Ginagad niya ang ginawa ng matanda. Hinila niya ang silyang katabi ng inuokupa niya.

“Have a seat, Andrea,” alok niya. Nakatingin nang diretso sa hugis-pusong mukha.

Andrea stiffened slightly. A short display of warring emotions was registered on her beautiful face before she moved to accept those casual invitation.

‘I know your type, Andrea,’ bulong ni Julio sa sarili.

“Ano’ng gusto n’yong inumin?” tanong niya nang nakaupo na silang lahat. Sinenyasan niya ang nag-iikot na waiter.

“Bottled juice lang ang sa amin.” tugon ni Menchie. “May sayaw pa kami mamaya.”

“Ho! ho! Paborito ko si Menchie, iho, dahil matipid siya,” pagbibiro ni Don Facundo.

“Idaan n’yo na lang sa tip, Don Facundo,” Menchie rejoined wittily.

Makarinyo naman ang istilo ng isang ito. Paano kaya niya mapapagalitan si Andrea Molina?

“Um-order siya ng tig-isang shot ng brandy na iniinom nila kanina at dalawang bote ng orange juice. “Magdala ka na rin ng seafoods canape,” dagdag niya.

“Yes, sir.”

“Paborito ni Menchie ang peanuts, iho. Roasted peanuts,” pahabol ng matanda. “Ikaw, Andrea? Ano’ng gusto mo?”

Katahimikan na naman sana ang kasagutan kundi kay Menchie. “Er, gan’un din ang gusto niya.” She threw Andrea a baleful glance but the latter seemed unmoved. Tila may iba itong pinagtutuunan ng pansin.

Hindi na umimik si Julio. Nag-obserba na lang siya. Kunwa’y nakikinig sa masayang pagkukuwentuhan nina Menchie at Don Facundo pero ang mga mata niya ay palaging nakatutok sa katabing babae.

He knew that she was aware of his unfaltering stare. Alam niyang ramdam na nito ang mga titig niya ngunit nananatiling matigas ang leeg at ayaw luminga sa gawi niya.

Nang dumating ang mga inumin nila, tinungga agad ni Julio ang kalahati ng brandy niya. Hindi niya namalayan na napu-frustrate na siya sa patuloy na pang-i-ignore ng babae.

Nagsisisi na siya ngayon kung bakit sinabayan niya ang laro ni Andrea. Dapat ay tinanggihan na lamang niya ito nung nanopla nung una.

Kung ganoon ang ginawa niya, hindi na rin marahil nag-table si Don Facundo. Disinsana, patuloy pa ang interesanteng pag-uusap nilang dalawa tungkol sa negosyo.

Sinira ng babaeng ito ang gabi niya! Papayag ba siya.

Bago pa nakapag-isip si Julio iniunat niya ang isang braso upang sapuhin ng mga daliri ang bilugang baba ng dalaga. Ibinaling niya ang mukha nito paharap sa kanya.

Agad na umalma si Andrea. Nabigla ito sa ginawa niya pero saglit lang. Paigtad itong lumayo at padaskol na tumindig.

Bumuka ang bibig nito para magtaray ngunit sadyang mabilis si Menchie. “Excuse us, gentlemen,” sabad agad.

“We have to go to the powder room.” Her gracious tone sounded false and shrill because of a rising tension. Si Don Facundo lang ang tumango para sa kanilang dalawa.

Nang mapag-isa sila, saka lang siya nagsalita. “Am I unattractive, sir?” tanong niya sa kaharap na Don.

Tumawa nang malakas ang tinanong. Sa tuwa lang naman, hindi sa pang-uuyam. “You’re kidding, Julio,” wika nito.

“Hindi mo ba nakita sa business magazine na ikaw ang napiling third sexiest businessmen of the milleneum?”

“Ow, that was rubbish survey,” pagwawalambahala niya. “Hindi naman malinaw kung sinu-sino ang mga tinanong nila. At kung ilan ba.”

“You’ve been one of the chosen few, my boy. ‘Yon lang ang mahalaga,” salo ng kausap. Personally, I find you very handsome.”

“Your opinion might be biased and prejudiced, sir,” he rejoined modestly. Bakit kaya hindi ganyan ang tingin sa akin ni Andrea?” he continued musingly.

“Itanong mo kaya sa kanya kung bakit naasar agad siya sa ‘yo, iho?” the older man suggested wisely.

Tinimbang muna ni Julio ang kalooban niya bago tumugon. Hindi pinahulas ng pagka-sinikal niya ang atraksiyon na nadama para kay Andrea. Bagkus, lalo pa ngang yumabong. Pinagnanasaan na niya ito.

Maisip lang niya ang mga labing mapupula at may hinog na hugis ay natatakam na agad siya. He wanted to taste her kiss. Sigurado na agad siyang matamis at masarap ang halik ni Andrea.

Damn. He was getting a hard-on just by thinking of her lips. He wondered what would happen to him when he thought of her deliciously slender body…

“I think, you’re right, sir,” he answered respectfully. “I’ll do that,” he promised.

Ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na tuparin iyon dahil nang bumalik si Menchie, nag-iisa na lang ito. Hindi ito nakatingin ng diretso sa kanya.

“Er, p-pasensiya ka na, Mr. Racho. Uhm, sumakit ang ulo ni Andrea. Kailangan niyang magpahinga para sa number namin mamaya.”

She looked too uncomfortable to be telling the truth. Kaya natiyak ni Julio na nagsisinungaling ito.

“Ano’ng pangalan ng grupo ninyo, Menchie?” Iyon lang ang itinanong niya. Matutunton na niya kung nasaan si Andrea Molina sa pamamagitan niyon.

“Ano ka ba naman, Andrea?” Mukha namang mabait ‘yung si Julio Racho, a? Hindi mo naman kasi pinapansin kaya hinawakan niya ang baba mo,” pang-uusig ni Menchie nang nasa loob na sila ng powder room ng restaurant.

Huminga nang malalim si Andrea bago tumugon. Ibig niyang manatiling kalmado dahil baka mawala ang kontrol niya.

“I — I’m sorry, Menchie,” she apologized in a low voice. “S-siya ang lalaking nakabuntis at — at nang-iwan kay Anne,” pagtatapat niya. Muntik nang gumaralgal ang kanyang boses.

“H-ha?” Napabulalas ang kaibigan niya. Biglang nawala ang pagkayamot na naka-rehistro sa magandang mukha nito. Natutop nito ang lalamunan bago muling nagsalita.

“Naku, pasensiya ka na, Andrea. Nasinghal-singhalan na agad kita, may mabigat na dahilan pala ang kawalan ng gana mo. Sorry talaga, Andrea.”

Tinanggap niya ang apology ng kausap. “Sorry din sa ‘yo, Menchie. Atsaka kay Don Facundo sana. Maiintindihan mo kung hindi na ako bumalik d’on, hindi ba?”

Walang gatol ang pagtango ni Menchie. “Of course naman,” tugon nito. “Ipapaliwanag ko na lang na masakit pala ang ulo mo kaya hindi ka na nakabalik.”

“Salamat. Para lang kay Don Facundo kaya papayag akong magsinungaling ka para sa akin, Menchie.”

“Oo. He’s such a dear old man.” Pinisil nito ang isang kamay niya. “Kumusta ang pakiramdam mo? Okey lang bang mag-isa ka muna sa dressing room?”

Tumango siya. She wanted to be alone. Gusto niyang mag-isip. Hindi siya dapat malito. May dapat siyang gawin pero hindi niya maisip kung ano iyon.

“Huwag mo na rin akong ihatid, Menchie. Kaya kong maglakad mag-isa. Medyo lumilipas na ang pagkabigla ko. Galit na lang ang natitira dito sa dibdib ko.”

“Good. Napakatatag mo talaga. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka nag-eskandalo na ako pagkakita ko sa lalaking iyon.”

Pinilit niyang ngumiti, kahit mapakla. “Ayaw kong mawalan ng trabaho ng dahil lang sa kanya.”

“O, siya. Baka naiinip na si Don Facundo. Babalik na ko doon.”

Naghiwalay sila ng landas pagkalabas sa powder room.

Pagdating sa dressing room, nag-shower siya para mawala ang mga kakaibang pakiramdam na nilikha ng lalaking kinamumuhian.

Bakit parang nakukuryente siya kapag tinititigan ng Julio Racho na iyon?” Napopoot siya rito. Nasusuklam. Pero para siyang hinihila papalapit dito. Parang may puwersa na humihigop sa kanya.

Ilang ulit na ipinilig ni Andrea ang ulo upang mawaglit ang mga nakakalitong impresyon.

Sina Anne at Anthony David lamang ang dapat niyang intindihin. Walang puwang ang anumang kabaliwan sa mga sandaling ganito.

She was towelling herself briskly when a daring notion materialized inside her mind sunddenly. Makakaya ba niya? Oo. Alang-alang sa mag-ina na nasa poder niya.

Hindi naman sa tinatalikutan na niya ang kapatid at ang pamangkin kaya gusto niyang kumprontahin ang lalaking iresponsable.

Ngunit naniniwala siya na hindi rin niya dapat akuing mag-isa ang responsibilidad. Lalupa’t nakita niyang may sinasabi si Julio Racho. Barya lang nito ang sustentong hihingin niya para sa inabandona nitong mag-ina.

When she put on a different dress and a fresh make-up, her decision had became rock-hard. Wala ng makakapagpabago ng pasiya niya.

Babalik siya sa lamesa ni Don Facundo para harapin ang walang kuwentang kasama nito. Wala siyang pakialam kung mapahiya man si Julio Racho!

She marched out of the dressing room determinedly. She really hated irresponsible men. Especially the spineless variety who abandoned innocent babies.

Parehong inosente sina Anne at Anthony David. Kahit na twenty years old na ang kapatid niya, naive pa rin ito. Malayung-malayo sa matured stage ni Andrea, na nasa edad twenty-seven na.

Paano’y papalapit na siya sa retirement age ng isang dancer. At iyon ang labis na ikinatatakot niya.

Kapag hindi na siya nagsasayaw, puwede siyang pumasok sa opisina dahil titulada naman siya. Pero hindi sasapat sa kanilang tatlo ang kikitain niya.

Para sa kapakanan ng sanggol na iniluwal ng nakababatang kapatid, hindi dapat magdalawang-isip si Andrea na sugurin at pagbantaan ng eskandalo si Julio Racho.

Nagulat si Menchie nang makita siya. “A-andrea — ”

Si Don Facundo naman ay agad na tumayo at inayang magsayaw ang ka-partner. Tinapunan muna ng makahulugang sulyap si Julio. All she got was an amicable smile and a vague nod from the old man.

Andrea ignored them. Ang lahat ng konsentrasyon niya ay nakatutok kay Julio.

Tumindig ang lalaki nang mapag-isa sila. “Have a seat — again,” he invited mockingly.

“I know that you’ll be back,” he added with a knowing smile.

Kumuyom ang mga palad ni Andrea. Inipon niya doon ang puwersa ng galit na nasa dibdib bago pinaigkas ang isang kamao pasapol sa tagiliran ng mukha ng lalaki.

She was taller than a typical Filipina but the man was very tall. Muntik nang hindi tumama ang atake niya.

Sa ibabang bahagi ng butuhang panga umabot. Pinigil niya ang mapangiwi nang masaktan matapos magbanggaan ang kanilang mga buto.

Bilang pagbawi, agad na sumunod ang isang kamao niya. Nagtagumpay naman iyon. She felt a sadistic glee when she heard his grunt of pain.

Umpisa pa lang iyon.

But her spurt of triumph died an early death when his arms shot out and went around her slender body to stop. He moved agilely. His lean body was lithe and hard.

She gasped inaudibly when she was slammed against a muscled chest with controlled force.

Simbilis ng kidlat ang pagkilos ng lalaki kaya ni hindi nakahuma si Andrea nang sambitlain siya ng matitigas na bisig. Nabigla lang pala niya ito kanina kaya hindi nakaiwas sa magkasunod na pagsapak niya.

“Mmmph!” Sisinghalan sana niya ito ngunit hinarang ng isang mariing halik ang matatalas na salitang ipupukol dito. Sinamantala ang pagbuka ng bibig niya.

Matagal ang pasalakay na paghalik ni Julio.

Click here to READ MORE

More Posts:

  1. LOVE IS BLIND

Comments are closed.