Indeed… Love comes from the most unexpected places. Gasgas na ang linyang ito pero nagkakatutoo pa rin.
Maingat at masinop na babae si Marion, isang sumisikat na interior designer. Sagad sa buto ang kahirapang natakasan niya gamit ang sipag at tiyaga.
When she found a gorgeous man sleeping on her bed, lahat ng pinagpaguran ni Marion ay puwedeng maglaho na parang bula.
Should she take the chance to gamble for love? But what if the love is just one-sided? Nakakatakot sumugal sa pag-ibig…
But Leandro excites her so very much. He makes her feel alive and beautiful. But he feels only desire for her… Ano ang dapat piliin ni Marion? Love or security?
* * *
Marion pushed back the long sleeve of her business suit to look at her gold wristwatch with the briskness of a busy person.
“Late na ang eroplano, a?” puna niya habang tinatanaw ang flight schedule board. “Fifteen minutes na.”
“Palagi kang nagmamadali, sis. Maupo ka nga muna. O, heto ang canned Coke. Magpalamig ka habang naghihintay tayo,” pakli ni Sandy, ang kanyang bunsong kapatid at personal assistant.
Umiling ang dalaga. “You know that I don’t like waiting, Sandy. Maraming puwedeng gawin sa loob ng kinse minutos,” salo niya habang tinatapik-tapik ng suwelas ng sapatos ang makintab na sahig ng waiting lounge.
“That’s the trouble with you, Ate Marion. Imbis na samantalahin mo ang pagkakataon na ito para makapag-relax, hindi ka mapakali diyan.”
Marion and Sandy could have been twins. Pareho ang hubog ng mga mukha nila. Kahit na mas matanda ang dalaga ng anim na taon sa kapatid na beinte uno anyos, hindi magkalayo ang kanilang mga hitsura.
She was petite and slim. Her face was heart-shaped framed by short and curly black hair. Her smooth skin always wore a minimum amount of make-up kaya healthy pa ring tingnan kahit palaging stressed and pressured sa kanyang trabaho bilang interior designer.
Anyway, she didn’t smoke nor drink alcohol. Her only vice was a cup or two of strong, black coffee everyday. And a pint of ice cream every weekend.
Na kabaligtaran ng kanyang kapatid. Mahilig ito sa nightlife. Malakas manigarilyo at uminom ng serbesa. May pagka-sugarol pa.
Sa ngayon, patungo sila sa Cebu para magtrabaho. A wealthy madame had commissioned her services to re-design an inherited ancestral house.
Marion had visited the place several times already. She had done numerous sketches of her ideas bago sila nagkasundo sa isang motif.
“I want to preserve the ambience of the past. Gusto ko ang atmosphere ng old era. Classic and grand and elegant. Iyan ang nais kong gawin mo sa bahay na iyon, Miss Almonte,” pahayag ng mayamang biyuda. “I’ve seen what you did to Aurora Zepeta’s house. Gusto ang ganoon. Simple pero class ang dating.”
“Thank you for your faith in me, Doña Corazon.”
“Calling all passengers of flight 401. Please, aboard the plane,” announced a modulated female voice.
“Ate, nandiyan na ang flight natin. ‘Lika na.” Isinukbit ni Sandy ang black leather bag.
Dinampot naman ni Marion ang kanyang suitcase.
Siyanga pala, may isang lihim na bisyo ang dalaga. Collector ito ng mga mamahaling travelling paraphernalia. Louis Vuitton ang tatak ng kanyang maleta, shoulder bag, at wallet. Pati ang cover ng kanyang organizer. And an assortment of big designer’s name naman for her clothes and accessories.
But only for practicality, not for vanity. Mas madaling i-maintain ang mga naturang items dahil matagal masira. Dahil pulido ang kalidad.
Kaya pati ang trabaho niya ay reflection ng kanyang requirements sa mga personal na gamit. Meticulously creative ang naging signature niya sa mga projects na tinatanggap ng opisina niya.
At scrupulously clean naman sa kanyang personal life. No love life. No kinky sex life.
And no nonsense. Only her work had her exclusive attention eversince she graduated from college.
She had this driving ambition to succeed. She wanted to earn money. She wanted to become big.
Bakit?
Dahil simula pagkabata, pulos hands-me-down ang mga gamit niya. Maaga silang naulila ni Sandy. Pinagpasa-pasahan sila ng mga kamag-anak sa magkabilang partido ng kanilang mga magulang.
Lumaki sa isang tiyuhin, na kapatid ng nanay nila, si Sandy. Bale pang-apat sa mga bibig na kargo ng mag-asawang nagpapatakbo ng isang ilegal na pasugalan.
Samantalang siya naman ay nagpaalila sa limang pinsan at isang tiyahin na biyudang negosyante, sa parte ng tatay nila. May kaya si Tiya Osmunda pero may ugaling dominante na minana ng mga anak. Siya lang ang nakatagal na tsimay sa malaking bahay nito dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan.
Naging utusan siya ng mag-iina magmula onse anyos hanggang sa maka-graduate siya ng college sa edad beinte tres. Ang matrikula at karampot na baon sa pagpasok ang suweldo niya mula sa pagbabatak ng katawan sa mga gawaing-bahay.
Bale apat na taon na siyang malaya ngayon. Namasukan muna siyang janitress/messenger sa isang malaking interior design agency. Nang magkaroon ng vacancy sa drafting section, nag-apply siya. Paunti-unti, nakaakyat siya sa pinakamataas na posisyon.
Hanggang sa makaipon siya ng maraming impormasyon at contacts at kaunting puhunan. Lakas-loob lang, nag-freelancer siya.
Dalawang taon lang, nagka-pangalan na siya. Sumikat siya mula sa sariling sikap.
Last year, kinuha niya si Sandy bilang unang empleyado niya sa munting kumpanya na itinayo niya mula sa sariling ipon at pagsisikap.
“Ate, ang seatbelt mo,” paalala ni Sandy sa kanya.
“Thanks,” she answered absentmindedly.
“Weird talaga ‘tong kapatid ko. Nangangarap na naman ng gising!” Bubulung-bulong si Sandy habang kumakambat sa stewardess para um-order ng cocktail drink.
Kunwari’y hindi narinig ni Marion ang sinabing iyon ng kapatid. Inilabas niya ang folder portfolio mula sa attache case na hand-carried niya. Pinag-aralan niya ang kanyang mga notes. Kailangan pa niyang mag-canvass at mag-interview ng mga carpenters at iba pang skilled workers bago siya makapagsimula sa unang malaking proyekto na tinanggap ng kumpanya niya, ang Almonte Interiors, Inc.
Habang panay ang hilik ng katabi niyang si Sandy, panay naman ang pindot niya sa mini-calculator. Tinapos niya ang financial report na hinihingi ng accountant sa bangko. Isa si Lily sa mga parttime employees niya. Kinukuha niya at binabayaran agad ang accounting services nito kapag kailangan niya.
“Ma’am, would you like something to drink?” tanong ng magandang stewardess sa kanya.
Tumango si Marion habang ngumingiti nang matipid. “A bottle of cold mineral water, please,” tugon niya.
“What about snack? We’re still two hours away to our destination.” Isinulat ng babae ang kanyang order at ang seat number sa dalang notepad.
“No snack, thank you.” Ipinahinga niya ang kanyang mga mata nang umalis na ang kausap. Nanghahapdi ang mga iyon dahil madaling-araw na siyang nakatulog kagabi.
Halos magdamag siyang nag-sketch ng iba’t ibang anggulo ng isang living room. Nabalitaan niyang mayroong bidding sa reconstruction ng isang salas sa isang pamosong mansiyon sa Forbes Park. Magpapadala siya ng kanyang presyo at ng kanyang ideas. Baka-sakaling manalo siya.
She had the advantage of being a small company and, therefore, having a cheaper price.
Katanghaliang tapat nang lumapag ang eroplano sa Cebu Airport.
“Huu! Napakainit naman!” reklamo ni Sandy. Nakasimangot ito habang nagpapaypay ng sumbrero sa sarili. “Dapat pala, hindi na lang ako sumama sa iyo dito, Ate.”
Hindi pinansin ni Marion ang pagmamaktol ng kasama. Tuluy-tuloy siya sa paglalakad. Habang tumatagal, nagiging tinik sa kanyang tagiliran ang kapatid.
Kumaway siya ng taksi sa labas ng airport. “Pakihatid kami sa address na ito,” aniya sa tsuper habang ipinakikita ang kapirasong papel.
“Saan ba tayo titira dito, Ate?”
“Sa mismong bahay ni Doña Corazon,” tugon ni Marion habang iniinspeksiyon ang kanyang mga bagahe. “Para hindi na tayo mamamasahe papunta sa trabaho.”
“Puwede bang sa hotel na lang ako? Ayokong mapalibutan ng mga lumang kasangkapan. Wala man lang akong makikitang mga view!”
Bumuntong-hininga si Marion. “Sandy, isinama kita rito para magtrabaho tayo–hindi para mag-turista. Kapag day-off mo, puwede kang lumabas. Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay ni Doña Corazon sa downtown,” she reasoned with her brother. Pigil ang kanyang tono. Pagod na rin siya. Hindi niya kailangan ang pagna-nag ni Sandy.
“Ate, afford mo naman ang patuluyin ako sa hotel, hindi ba?” pangungulit ng binatang may pagka-batang-isip.
Pumikit muna si Marion bago tumugon. “Kapag nag-hotel ka, your expenses shall be your own, Sandy. Kaltas lahat sa suweldo mo,” she threatened him with quiet firmness.
“Ate naman. Puro kaltas na nga ang suweldo ko, e.”
Bumuntong-hininga ang dalaga matapos subukang tiisin ang naluging ekspresyon ng kapatid. “Let’s have a compromise, Sandy,” dugtong niya. “May allowance ka dito sa Cebu. Imbis na ibabayad mo sa hotel, magiging panggastos mo na lang during your days-off. Mas okey, hindi ba?”
“Talaga, Ate? Magkano naman ang allowance ko?” Biglang sumigla ang kapatid.
“Katumbas ng suweldo mo.”
“Bukod pa ang suweldo ko, ha?” paniniguro nito.
Tumango si Marion habang napapailing. “Saan mo ba dinadala ang pera mo, Sandy? Daig mo pa ang may sampung anak sa lakas mong gumastos, a?”
She gave her brother a large monthly paycheck kahit na wala naman itong gaanong ginagawa sa opisina niya. She regarded her obligation to the twenty-one year old man seriously. Kaytagal nilang hindi nagkasama. Silang dalawa na lang ang puwedeng magdamayan.
Umiwas ng tingin ang kapatid. “Walang magagawa, mahilig ako sa gimik. Binata pa, e. Saka na ako mag-iipon, kapag may asawa na ako.”
“Hay naku, mali ang katwiran mong iyan, Sandy,” pakli ni Marion pero hindi na siya nagpatuloy. Ayaw niyang mauwi sa pagtatalo ang usapan. Unang araw pa lang nila sa isang bagong lugar.
“Ma’am, nandito na tayo sa address na sinabi n’yo,” wika ng taxi driver.
Dumukot siya ng perang pambayad sa kanyang bulsa bago bumaba. Hinila niyang palabas ang kanyang maleta. Ni hindi sumagi sa isip niya na iutos na lang kay Sandy ang pag-aasikaso sa mga dala niya.
She had been living independently for too long para umasa sa iba.
Sinipat ni Sandy ang palibot ng malawak na bakuran. Naglalakihang mga puno ng balete ang sumalubong sa kanila sa may pagpasok ng maluwang na gate.
“May makakasama ba tayo dito, Ate?” usisa nito habang lilinga-linga.
“Meron. Isang mag-asawang katiwala. Nasa gawing likuran ang bahay nila. Pindutin mo ang button na ‘yan para malaman nilang nandito na tayo,” utos niya sa kapatid.
Nagpapaypay siya ng panyolito sa mukha nang bumukas ang gate na kalawangin.
Nakahanda na ang ngiti niya nang bumaling sa gawi ng tarangkahan. Inaasahan niyang si Mang Waldo ang tumugon sa matinis na tunog ng doorbell.
Kaya gayon na lang ang pagkabigla niya nang isang matipunong lalaki na mayroong balahibo sa dibdib at sa mukha ang nasalubong ng paningin.
Aywan kung bakit parang nanlambot ang mga tuhod niya. At nanlamig ang buong katawan niya gayong parang mayroong apoy na naglagablab sa kanyang kaibuturan.
May kung anong magneto ang mga mata nitong malalalim dahil hindi niya napigil ang sarili na mapatitig nang matagal dito. Napansin agad niya ang malapad na balikat na nangingintab sa pawis. Ang mataas na noo, ang matangos na ilong, ang determinadong hubog ng baba at panga nito, pati ang bibig na pirmi at matiim.
There was nothing welcoming in this man’s stance, and yet, she could not take her eyes away from him.
“Ano’ng kailangan n’yo?” tanong nito, pasinghal.
Saka lang niya nabawi ang kanyang tingin. Sumulyap siya sa numerong nakasulat sa poste ng bakod, kahit na tiyak naman niyang ang bahay na ito ang sadya nila. Apat na beses na siyang nagpupunta rito, nitong huling dalawang buwan.
“Ako ang interior designer na kinumisyon ni Doña Corazon, mamang ano. Nandiyan ba si Mang Waldo at Aling Titay?” she queried with a forced calmness.
The man narrowed his enigmatic eyes at her. Sinipat rin nito si Sandy bago nagsalita. “Wala dito sina Mang Waldo. Naaksidente ang anak nilang nasa Iloilo.”
Hinintay ni Marion na sabihin nito ang identidad ngunit napangal siya. “Ikaw ba ang pumalit sa kanila?” tanong niya nang mainip.
Bahagyang ngumiti ang lalaki bago tumango nang marahan. Para bang nag-iisip pa nga kung tutugunin siya.
May kabastusan naman pala ‘tong mama na ‘to, bulong niya sa sarili.
“Baka naman puwede na kaming tumuloy, mamang ano? Galing pa kami sa Maynila,” sabad ni Sandy nang hindi makatiis.
Nagkamot pa muna ng baba ang lalaki bago sumagot. “Puwede ko bang makita ang mga identification cards ninyo? Pati ang sulat ni Doña Corazon.”
Bumuntong-hininga si Marion habang inilalabas ang kanyang wallet, pati ang sobreng kinalalagyan ng kontrata nila ng mayamang donya.
Binasa ng lalaki ang harap at likod ng postal I.D. niya. “Marion Almonte, twenty seven, single.” Bumaling ito kay Sandy matapos ibalik sa dalaga ang mga papel niya. “Boyfriend ka ba ni Marion?”
Umiling ang binata. “Kapatid niya ako.”
Tumangu-tango ang lalaki na para bang may ina-aproba-han. “Okey. Puwede na kayong tumuloy.”
“Teka,” pigil ni Marion nang tatalikod na ito para magpauna sa pagpasok. “Ano’ng pangalan mo?” Saka lang niya napagtanto ang panganib na papasukin nila nang maikumpara niya ang patpating katawan ni Sandy sa matikas na hubog ng di-nakikilalang katiwala ng malaki at lumang bahay-Kastila.
“Ako si Leandro,” ang matipid na wika nito. “Ibinilin nga kayo ni Mang Waldo sa akin. Inaasahan nila ang inyong pagdating dito,” patuloy nito habang isinasara ang tarangkahan.
Inihatid sila ni Leandro sa itaas. “Marami sa mga bubong ang may sira kaya magkalayo ang mga kuwarto ninyo.”
Tumango si Marion. Alam niya ang tungkol sa kalagayan ng bubungan. Siya mismo ang nagrekomenda kay Doña Corazon na papalitan na ang mga basag na Spanish tiles. “Salamat, Leandro. Uhm, paano nga pala ang pagkain namin?” Naalala niyang itanong nang mamataan niya ang isang piraso ng hinog na mangga na nakasuksok sa likurang bulsa ng pantalong maong ng lalaking katiwala.
“Ano ang tungkol sa pagkain ninyo?” maang nito.
“Sino ang mag-aasikaso ng pagkain namin? Marunong ka bang magluto?” pananalakab niya.
Nagkibit ng isang balikat ang lalaki. “Medyo.”
Gusto na niyang mayamot ngunit nagpipigil lang siya. “Ano’ng oras ang hapunan?”
“Hapunan? Hindi pa nga ako nanananghalian,” salo nito, pabuska.
“Buweno, ano’ng oras ang lunch?”
“E, di, alas dose. Paki-tingnan nga ang oras diyan sa cute na relos mo, Miss Almonte.”
Sumulyap si Marion sa gawi ng kapatid niya ngunit wala na si Sandy sa kinatatayuan nito kanina. Hindi niya namalayan na silang dalawa na lang ng antipatikong lalaki ang nasa koridor.
“Never mind the lunch, Leandro,” pakli niya. “Mamayang gabi na lang ako kakain. Pakitanong mo na lang ang kapatid ko kung gusto niyang mananghali. Pakisabay mo na lang siya. Okey?”
Yumukod nang bahagya ang lalaki sa kanya. “Okey lang, ma’am. Basta’t ikaw,” ang pa-preskong tugon nito.
Gusto nang sumingasing ni Marion ngunit nagtimpi siya. She had difficulty controlling her temper dahil puyat siya. At medyo liyo na sa biyahe at sa init ng panahon.
“S-salamat,” salo ni Marion. Halos pandilatan na ang kausap.
“See you later. Tandaan mo, hindi ako manananghali. Huwag mo na akong abalahin sa pagpapahinga ko, ha?” ang mahigpit na bilin niya rito bago siya pumasok sa bukas na pinto ng silid-tulugan niya.
Nagulat siya nang tulungan siya ng lalaki sa pagbubuhat ng mga maleta niya. Ngayon lang may gumawa sa kanya nang gayon.
She was momentarily confused. And she was forced to smile her thanks to him. “Thank you,” ang pasalamat niya uli, ngunit may sinseridad na.
“Walang anuman.” Pumormal ito nang mapagmasdan ang mukha niya.
Hindi niya alam na nakabakas sa mga mata niya ang matinding pagkapagal ng katawan at isipan. And she looked suddenly fragile and vulnerable.
Nagpalit lang siya ng damit na pambahay at nagpahid ng cleansing cream sa mukha’t leeg bago nahiga. She pampered herself nowadays with expensive perfume and skincare products.
Matagal na panahon siyang nanaghili sa mga ganitong bagay dahil ang mga pinsan lamang niyang babae ang ibinibili ni Tiya Osmunda ng mga magagandang gamit-pampersonal.
Nakatulog agad siya pagkahiga sa malambot at malaking kama.
Her short but eventful dream was disconcerting. Her mind had conjured a wild illusion where Leandro was the protagonist.
It was almost real. His fiery kisses plundered her soft lips. His steely arms imprisoned her willing body as his bold hands seared her smooth skin. While his dark eyes mesmerized hers with the dark flames of desire…!
Parang tutuong-tutoo ang panaginip niya.
Kaya nang magising siya, bigla siyang napabalikwas ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Humihingal siya at pawis na pawis. Nakakabingi pati ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
Her limbs were heavy with stark arousal. Her body felt alive with a raging hunger for a sort of release.
The sexy dream opened a Pandora’s box of suppressed emotions inside her. Normal na babae siya ngunit dahil sa kanyang mataas na ambisyon, sinupil niya ang kanyang emosyonal at pisikal na pangangailangan. Kinitil niya ang kakayahan niyang maakit sa opposite sex.
Tinitigan niya ang reflection sa salamin upang matiyak na walang nagbago sa kanyang anyo.
She didn’t see the slumbrous eyes and the lusciousness of her bow-shaped lips.
Natanaw niya ang karimlan sa munting bintana ng banyo kaya nahulaan niyang gabi na. Nag-shower siya upang mapawi ang kakatwang pakiramdam ng katawan.
“A-ano’ng ibig sabihin ng panaginip na iyon?” tanong niya sa sarili. Hindi niya lubusang naiwaksi ang epekto ng napanaginip. Para bang nakapagkit na sa balat niya ang init ng mga halik ni Leandro…!
Nasa sala si Leandro nang pumanaog siya sa hagdan. He was wearing casual clothes this time. For which, she was secretly thankful dahil hindi na naka-display ang malapad at mabalahibong dibdib.
Hindi siya nito napansin agad kaya nagkaroon siya ng laya na pagmasdan ang lalaki nang hindi nito alam.
He moved around the elegant living room with casual authority. Para bang pag-aari nito ang buong kabahayan kung kumilos. His observant eyes inspected every nook and crevices of the elaborate carvings on solid wooden posts and beams.
She cleared her throat to let him know that she was coming down.
Luminga sa gawi niya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata. At muli, nadama niya ang kakaibang kilabot na gumapang sa kanyang likod paakyat sa batok at ulo. She shivered with the impact of his strong personality.
“Magandang gabi, Miss Almonte,” Leandro greeted her coolly.
Marion resented him for being unaffected by her presence. Unfair naman na siya lang ang nakakaramdam ng atraksiyon!
Nagbaba siya ng tingin upang ikubli ang kanyang reaksiyon. “Magandang gabi rin,” sambit niya. Pinilit niya ang ngumiti nang muling mag-angat ng mukha. “Si Sandy?”
“Nagpaalam siya na pupunta lang sa downtown para maglakad-lakad,” tugon nito habang sumusulyap sa orasan. “Kanina pa siya umalis. Dakong alas singko. May isang oras at kalahati na pala siyang wala.”