Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

SLIGHTLY MARRIED

Yessi didn’t want to be an old maid when she fell in love with Miguel, who treasured personal freedom above all.

Was she desperate enough to trap this man in a shotgun marriage?

Kapag ang isang dalaga ay malapit nang mahuli sa biyahe, ang tanging paraan na lamang daw para makapag-asawa ay mamikot ng binata.

Pero kaya pa bang pahinugin ang pag-ibig na pinilit?

* * *

“Please naman, Yessi,” pakiusap ng kaibigan niyang si Rachel. “Pumayag ka na. Ikaw lang ang gusto kong gawing bridesmaid ko.”

Sinubukan namang tigasan ni Yesenia ang kanyang loob ngunit hindi magawa. She sighed as she capitulated.

“Sige na nga,” sambit niya, pa-buntonghininga. “Bakit ba ako ang paborito ninyong kuning bridesmaid? Kaya hindi na ako makasal, e,” she grumbled good-naturedly.

Humagikhik si Rachel. “Darating din ang araw mo, Yessi. Kapag ikaw ang ikinasal, tiyak na pagkakaguluhan ka dahil ikaw na ang magiging ‘most beautiful bridesmaid’!”

“Hus! At nambola pa ito’ng luka-luka na ito,” ingos kunwari ni Yesenia. Hindi siya nagpapahalatang sinasagilahan na siya ng pangamba. Insecured na siya dahil napapag-iwanan na siya ng mga kamag-anak at ng mga kaibigang dalaga.

Napakapihikan naman kasi niya. Bukod sa isa siyang anak-mayaman, ubod pa siya ng ganda. Mga kumbinasyon iyon na sigurado namang makakapagpa-tiyope sa sinumang binata.

“Ano ba ang motif ninyo?” tanong niya upang hindi na matuon ang isipan sa mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya.

“Gusto ko sana, mint green. Ang kaso, baka lalo naman akong umitim. Ano ba sa palagay mo?”

Gusto sana niyang i-suggest ang white pero baka pagtawanan siya ng medyo liberated na barkada. “Puwede na siguro sa ‘yo ang peach, o di kaya’y antique gold.”

“Antique gold?” Na-intriga agad si Rachel. “Meron bang gan’un?”

“Oo. Meron sa boutique ni Bertha. Punta ka d’on bukas. Para makita mo agad kung babagay sa kulay ng balat mo.”

Hinaplos ni Rachel ang kanyang mga braso. “Kundangan naman kasi itong si Walter, magyayaya na palang magpakasal — ibinakasyon pa muna ako sa Tahiti!”

Tumawa si Yesenia. “Tahiti? Ano’ng ginawa n’yo doon? El Niño dito sa atin, pumunta pa kayo sa ibang bansa para mag-sunbathing?”

“Oo nga, e. Weird kasi ‘yung lalaking iyon. Nakakainis tuloy,” pagmamaktol ng kaibigan.

“But you really look great, Rachel. Don’t worry. Kahit naman ano’ng isuot mo ay tiyak na babagay sa ‘yo,” pang-aalo niya rito.

Agad namang naalo ang kaibigan. “Talaga? Naniniwala ako sa ‘yo dahil modelo ka, Yesenia. Baka naman ini-stir mo lang ako, ha?”

Umiling ang dalaga habang nakangiti. “Bakit naman kita papayuhan ng hindi maganda? Malay ba natin? Magtatayo pala ako ng boutique isang umaga? E, di, nasira na ang reputasyon ko kapag ginawa kong baduy ang isa sa mga kaibigan kong naging bride?”

“Oo nga naman,” hagikhik ni Rachel. “O, sige. What time shall I go to Bertha? Nandoon ka na kaya ng mga alas onse ng umaga?”

Tumango si Yesenia. “Kahit mas maaga pa sa alas onse. Mayroon kaming fitting session bukas. Puwede kang manood.”

“Wow, thanks! O, paano? Aalis na ako, ha? Magpupunta pa ako sa isa sa mga sponsors na hindi pa namin nakakausap ni Walter.” Hinalikan siya nito sa isang pisngi. “Don’t worry, Yessi. Bata ka pa naman. Darating din ang iyong ‘Mr. Right’,” bulong nito. Siya naman ang inaalo.

Yesenia tried to smile naturally as she nodded reassuringly. “I’m not worrying, Rachel. Now, don’t think about me. Think about your wedding.”

“I’ll do that.” Rachel saluted to her before going out of the plush living room. “I’ll see my way out. Bye!”

Isinandal ni Yesenia ang nananakit na batok sa matabang headrest ng sopang kinauupuan. Nalulungkot na naman siya. Talaga nga kayang mapag-iiwanan na lang siya?

Thirty years old na siya but still looked in mid-twenties. Maalaga naman kasi siya sa kanyang balat. Pero paano kapag hindi na ma-maintain ng ‘siyensiya’ ang kasariwaan ng kanyang balat? Paano kapag nakahabol na sa kanya ang dinadayang panahon?

Nasapo ni Yesenia ang kanyang mga pisngi. Pumikit siya ngunit hindi mariin dahil baka magkaroon siya ng wrinkles sa mga mata. The precautionary ways of a model were deeply imbedded inside her mind. Awtomatiko na halos ang mga pag-iingat niya.

No! hiyaw niya sa loob ng isipan. Ayaw kong tumandang nag-iisa! I don’t want to be an old maid all my life!

Tumindig ang dalaga at nagtatakbo patungo sa kanyang silid. Tinatakasan niya ang pangitaing lumitaw sa imahinasyon niya.

“I want a model, a live female model — not a statue!” Miguel threw away the brush and the paint palette frustratedly. “Okey, Miss Statue. You can go now. Here’s your fee.”

Dumukot ng ilang salaping papel sa wallet ang binatang pintor at padaskol na iniabot sa babaeng putlang-putla sa takot. Hindi na niya hinintay na makapagbihis ito. Lumabas na siya ng kanyang studio.

“Mang Baldo, pakihatid n’yo na lang ang babae sa patutunguhan niya,” utos niya sa may edad na lalaking nagpupunas ng bubong ng kotse.

“Bumalik din kayo agad dahil may pupuntahan din ako.”

Pagkatapos magbilin, nagtuloy siya sa swimming pool. Ilalangoy na lang niya ang nadaramang pagkayamot.

Magtatakipsilim nang makabalik ang drayber niya. Nasa veranda na siya. Sumisimsim na ng alak dahil medyo nakalma na niya ang sarili.

“Ang tindi ng trapik, sir,” salubong nito, kakamut-kamot ng ulo.

“Magmeryenda muna kayo, Mang Baldo. Bago kayo sumabak uli sa trapik,” aniya nang lumapit sa kanya ang empleyado. “Atsaka, magpalit na rin kayo ng damit. Isasama ko kayo sa pupuntahan ko,” pahabol niya rito.

After a relaxing half hour, lumarga na sila ni Mang Baldo.

“Saan tayo, sir?”

“Doon sa Philippine Plaza. May dalawang ticket ako para sa isang fashion show. Isasama kita sa loob para may makatulong ako sa pagkilatis ng mga babae doon. Baka may makita na akong modelo na magugustuhan ko.” Ang huling pangungusap ay isa ring kahilingan.

Nagkamot na naman ng ulo ang drayber. “Naku, sir. Baka nakakahiya itong suot ko?” Maong pants at navy blue polo-shirt ang ipinalit nito sa unipormeng puti kanina.

“Pareho lang naman tayong naka-casual, Mang Baldo. Halinakayo, huwag n’yo nang isipin kung ano ang suot ninyo. Ang masama ay kung papasok ka diyan nang naka-hubo’t hubad.”

Napangiti ang bungal na drayber sa sinabi niya. “Oo nga, ano? Teka’t isususi kong maigi ang sasakyan, sir.”

Hinintay na niya ito para magkasabay sila sa paglapit sa entrance. Napakarami ng tao sa lobby nang makapasok sila. Tila popular ang designer na magpapalabas ng fashion show.

Um-order si Miguel ng dalawang pineapple juice. “Kilatisin mo ang mga babaeng maglalakad sa stage, Mang Baldo. Sabihin mo agad sa akin kung may makikita kang kakaiba ang ganda at ang tindig, ha?”

Tumango ang tinatagubilinan. “Oo, sir,” anito habang dinadampot ang mataas na baso ng malamig na inumin.

Ilang minuto pa, nagsimula na ang pormal na panoorin.

Mahal ang tickets na ibinenta ng isang kaibigan sa kanya dahil malapit na malapit palang talaga sa mismong stage. Kapag nililipad ng malakas na ihip ng mga higanteng blower ang maluluwang na laylayan ng mga suot na palda at bestida ng mga modelong rumarampa, nakikita na ang mga panloob ng mga ito.

“Nakupo! Kita na ang kaluluwa!” bulalas ni Mang Baldo nang hindi na elastic shorts na skin-color ang namataan kundi isang string panty na kulay white.

Napangiti si Miguel. “Huwag kayong masyadong maingay,” wika niya habang sumisimsim ng whisky.

“Naku, sorry, sir. Naalala ko lang ang aking nasirang lola. Aba’y tiyak na hihimatayin iyon kapag nakita ang mga babaeng ito. Ganito na ba talaga ang uso ngayon?” Tila seryosong-seryoso ang may edad na lalaki.

Kaya napailing-iling na lang si Miguel. “Talagang ganyan na nga yata. Hindi ba kayo nag-e-enjoy? Palabas naman ito. Wala naman sila sa kalsada. Atsaka, hindi naman sila magagalit kung nasisilipan n’yo na sila.”

Nawala ang pag-aalinlangan ni Mang Baldo. “Kunsabagay, hindi naman siguro lalabas ang mga ito sa kalye. Tiyak na hahabulin sila ng mga manyak!”

Nagkatawanan na lang ang mag-amo. Nagpatuloy sila sa panonood hanggang sa lumabas ang pinakamaganda sa mga naunang modelo. Pareho pa silang napatuwid sa kinauupuan habang nakatitig nang walang kurap sa babaeng perpekto na yata ang kariktan.

Nakasuot ng isang damit-pangkasal ang dilag. Napaka-grande ng disenyo ng wedding gown. Puti ito pero may kung anong nakahalo sa telang madulas at medyo makinang, dahil nagkakaroon ng pag-iiba-iba ng kulay kapag tinatamaan ng liwanag.

The frothy gown and the dreamy veil would have over-shone any woman; but the beautiful nymph had worn it with the regalness of a queen. Her impish smile conveyed an earthiness that was endearing. Her slumbrous eyes tantalized everyone in the room. Her graceful movements teased the vivid male imaginations.

Miguel was pleasantly shocked, and slightly embarrassed, when he found himself having an erection. Sanay siyang makakita ng mga hubad na babae. He had been painting them for a long time now. And he had never been affected.

But he was not inside his studio right now. Kaya marahil naaapektuhan siya ng babaeng ito.

Ipinagpatuloy niya ang pagsipat sa bawa’t anggulo ng babae. Habang tumatagal, nagugustuhan niya ang kabuuan nito. He wanted her to be his model.

Magkano kaya ang presyo niya? tanong ni Miguel sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong kagandahan.

Kinasabikan niya ang muling paglabas nito. Kahit na iba na ang kasuotan nito, nananatili ang pagkabighani niya sa kabuuan nito.

She’s perfect! bulong niya sa sarili.

“Ano’ng masasabi mo, Mang Baldo?” tanong niya sa katabi.

“Aba’y napakaganda ng isang ‘yan, sir. Parang gusto ko na tuloy magsisi kung bakit hindi ako nag-asawa, e.”

“Bakit nga ba kayo tumandang binata, Mang Baldo?” He asked the older man absently. Nakatutok pa rin ang isipan sa babaeng nakahuli ng mailap na interes niya.

“‘Ala naman kasi akong nakitang babae na aayon sa aking panlasa. Pulos mga liberated ang mga chicks ngayon. Naka-ilang nobya ba ako na pulos mga playgirl pala? Naku, halos lahat!” Iiling-iling ito habang nagkukuwento.

Naalala tuloy ni Miguel ang dating girlfriend na si Carla. Hindi siya gaanong in-loved dito ngunit nang matuklasan niyang mayroon pa palang nobyo ang babae bukod sa kanya–nasaktan nang husto ang kanyang male ego.

Hindi bale nang ang lalaki ang magkaroon ng dalawa, huwag lang ang babae. Which sounded unfair.

Nagpaplano na siyang mag-asawa noon. At si Carla nga ang napipisil niya. Ngunit nang matuklasan niya ang panloloko nito, tinabangan siya sa ideya ng pagkakaroon ng pamilya.

Kapag kailangan niya ng physical release, kumokontak siya ng high-society hooker. A steamy night with a hot item would cost him several thousands but it was better than having to think of a gift every week!

Miguel was an heir to a large fortune. Nang mamatay ang mga magulang niya nung tinedyer siya, he became the richest teenager in the Philippines.

Having so much money had many advantages. And some disadvantages.

Nakapag-aral siya sa mahuhusay na eskuwelahan sa ibang bansa. At hindi niya problema ang financing kapag magkakaroon siya ng exhibit.

Ang hindi niya gusto sa pagiging mayaman niya ay ang walang katapusang prusisyon ng mga babaeng nagpapahayag ng lantarang interes sa kanya. He didn’t like being chased. Mas gusto niyang siya ang nanliligaw.

Kaya nga napili niya si Carla, an attractive Amerisian with a shrewd mind. Nahirapan siya sa panunuyo dito. Sinadya palang maging mailap para lalong yumabong ang interes niya dito.

Itinuturing niya ngayon na suwerte siya nang araw na masiraan ang makina ng eroplanong sasakyan sana patungong Singapore. Na-postphoned ang biyahe niya kaya nagtungo siya sa apartment ni Mayzie.

The scene was three years old already but it still managed to make him laugh in irony.

May sarili siyang susi sa apartment ni Carla. Binigyan siya ng babae because he had been paying the rent eversince he had taken her to his bed.

Tuluy-tuloy siya sa loob. Patungo siya sa kuwarto ng babae. Balak niyang magpahinga habang naghihintay sa pag-uwi nito.

Gayon na lang ang pagkabigla niya nang mabuksan ang pinto ng silid bago niya napihit ang hawak na seradura.

Nagulat din ang lalaking bumulaga sa kanya.

“Sino ka?” tanong nila sa isa’t isa.

“Ako ang boyfriend ni Carla.” Sabay pa rin silang sumagot sa parehong tanong nila.

Naunang ma-highblood ang lalaki. “Aba’t — ! Carla! Halika nga dito!” hiyaw nito.

“Bakit, sweetheart?” Umalingawngaw ang boses ng babae buhat sa loob ng banyo.

Miguel controlled his temper with a superhuman effort. He quirked his thick brows at the burly man. “You don’t have to call her, pal. I’m going out. I suggest, itanong mo sa kanya kung ilan pa kayo sa harem niya!”

He went home afterwards and painted nonstop until he could not hold a brush with over-fatigue.

Magmula noon, hindi na siya naging seryoso sa mga babae.

“Sir.” Siniko siya ni Mang Baldo kaya naputol ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. “Sir, tingnan n’yo.”

Itinutok niya uli ang atensiyon sa stage. Gayon na lang ang pagkamangha niya nang makita uli ang modelong pinakamaganda.

Nakasuot ng warp-around skirt ang babae. Maluwang ang palda pero may mga slits sa magkabilang tagiliran. Ang pang-itaas ay isang elastic blouse na hapit sa dibdib na mayroong katamtamang laki. A firm curve of a breast was just the right size to fit a man’s palm.

“Makinis na makinis, ano, sir?” palatak ni Mang Baldo. Panay ang lagok ng pineapple juice.

Natagpuan ni Miguel ang sarili na tumatango siya habang nakatitig nang walang kurap sa babae. Nanunuyo din ang kanyang lalamunan kaya madali ring naubos ang kanyang inumin.

Molato ang babae. Kayumangging mamula-mula ang balat. Buhay na buhay ang kulay sa ilalim ng liwanag.

I will paint her! pangako niya sa sarili.

Saka lang siya nakakilos nang mawala na uli sa stage ang naturang nimpa. Nagkatinginan sila ni Mang Baldo.

Ngumiti sa kanya ang empleyado. “Gusto n’yo siyang ipinta, ano?” tanong nito sa kanya.

Tumango si Miguel. “Siya ang hinahanap ko, Mang Baldo. Nasa kanya ang lahat ng mga katangian ng aking ‘Woman in the Mist’!” pahayag niya habang napapasandal. Para bang nanlalambot siya na hindi niya mawari.

Nagkatitigan sila sandali ng babae. Alam niyang nakita siya nito. He had felt the sudden ‘wham!’ of recognition between their souls. Para bang dati na silang magkakilala…

“Pamilyar ang hitsura ng babaeng iyon, sir,” wika ni Mang Baldo kapagkuwan. “Siya yata ‘yung cover girl ng magazine na binili ko nung isang araw, sir.”

“Cover girl?” ulit ni Miguel. “Tama ka, Mang Baldo. Napanood ko rin siya sa telebisyon.”

“Akalain mo, mas maganda pa pala siya sa personal?” Hindi makapaniwala ang drayber niya.

Tumango lang si Miguel. Nag-iisip na siya kung paano niya makukuha ang serbisyo–at ang pagpayag–ng babaeng modelo. Walang problema sa presyo. Babayaran niya ito kahit na magkano pa ang singilin sa kanya.

Pinitik niya ang hangin nang may lumitaw na ideya sa kanyang utak. “Mang Baldo, bumili kayo ng isang basket na pulang rosas sa labas. May napuna akong flower shop sa gawing kanan ng hotel.”

Agad na tumindig ang inutusan.

Ilang minuto lang itong nawala. Pagbalik, may bitbit nang isang palumpon ng mga bulaklak na nakabalot ng malutong na plastik.

“Sir, nandito ang card. Sulatan n’yo na ng dedication.”

Hindi na nagpaliguy-ligoy ang binata. Ipinirma muna niya ang buong pangalan bago niya inilagay ang kanyang short message:

“I want to paint you as a beautiful nymph… Let’s talk about it over dinner tomorrow night–seven thirty.”

“Ikaw na rin ang mag-deliver sa backstage, Mang Baldo,” aniya habang ibinubulsa ang golden signpen.

Sanay ang drayber sa mga utos niyang ganito. Maliksi itong nakapunta sa gawing likuran ng make-shift stage.

Nakangisi ito at naka-thumbs-up nang magbalik sa mesa nila.

“Siya ba mismo ang napagbigyan mo?” paniniguro niya.

Tumango ito. “Yes, sir. Itinanong ko na rin ang pangalan niya, sir,” pagmamalaki nito.

Sumulak ang pagkasabik sa kalooban ng binata. “Ano raw?”

“Yesenia Mauricio, sir.”

“Yesenia,” sambit ni Miguel. Ninanamnam niya ang kakaibang pangalan ng babaeng may ekstra-ordinaryong ganda.

“Her name suits her beauty. Spanish name ang Yesenia, na ang ibig sabihin ay ‘gypsy’. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya kanina. She looks like a wild gypsy…” Halos ang sarili lang ang kausap niya habang binabalikan sa memorya ang hitsura ng mala-diyosang modelo.

“Naitanong n’yo rin ba kung ano ang kasagutan niya sa imbitasyon ko?”

It was just an idle question kaya nasorpresa siya nang agad tumango si Mang Baldo.

“Aba’y hindi ko na kailangang magtanong. Pagkatapos niyang mabasa ang card n’yo, ngumiti ito nang buong tamis sa akin atsaka tumango. Sabay sabing ‘Sure, why not?’.”

“Talaga, Mang Baldo?” Hindi makapaniwala si Miguel. He was not expecting her easy capitulation. Para kasing nagkaroon siya ng ilusyon na magiging mailap ito. Magiging mahirap hulihin…

Tumango nang paulit-ulit ang drayber. “Hindi ako maaaring magbiro sa ganyang bagay, sir.”

He tried to shake off his disappointment. He did not need her for personal reasons. Gusto lang niya itong ipinta — nothing more.

“Nakuha n’yo rin kaya ang kanyang home address and telephone number?” May panghahamon na sa tono niya nang muling magsalita.

Lumiyad ang dibdib ng tauhan habang inilalabas ang isang calling card sa bulsa ng polo-shirt. “Akala ko’y hindi n’yo na itatanong iyan, sir,” wika pa nito, nagyayabang nang pasimple sa kanya.

Napatawa na lang si Miguel. Tinapik sa likod ng balikat ang may edad na lalaki matapos kunin ang calling card na humahalimuyak sa kabanguhan.

“Talagang maaasahan ka, Mang Baldo. May bonus kayo sa akin ngayong katapusan,” pangako niya habang binabasa ang address ni Yesenia Mauricio.

“Kanino daw galing, Yessi?” usisa ng mga kasama sa dressing room.

“Miguel Herrera, the painter,” sabad ng isa na katabi ni Yannica. “Ang suwerte-suwerte naman ni Yesenia baby. Matabang isda na, guwapo’t macho pa–ang bagong admirer niya.”

“Hus! Ito namang si Rosita, parang naiinggit ang tono,” pambubuska ni Marie.

Umirap si Rosita. “Of course! Maiinggit ako. Bakit ikaw, hindi?” pambabara nito.

“Rosita! Two minutes ka na lang. Marie, ten minutes. Then, Yesenia, about twenty. Pero isuot mo na ang finale gown natin, ha? Medyo elaborate ang hairstyle n’on. C’mon, c’mon, darlings! Move, move, move!” Pumapalakpak ang director para magmadali sila sa pagkilos.

Habang inaayusan si Yesenia, malimit siyang napapasulyap sa mga bulaklak. Passionately red, red roses with matching dinner invitation mean what?

Attraction?

Yesenia sighed with utmost relief. She had been nurturing a wild idea for some time now. Parang nawawalan na siya ng pag-asa. Parang gusto na niyang —

Parang gusto na niyang mamikot ng lalaki para lang makapag-asawa na…!

Click here to READ MORE

Comments are closed.