If you have it, flaunt it… But have you ever thought that too much beauty is not good? Being lovely can hinder a girl’s progress in her career.
So how do you hide a perfect figure and a pretty face?
Sanchia is not happy to be beautiful. Wala pa kasing lalaking naniwala na may utak at kaalaman siya sa napiling propresyon – maliban sa sariling ama.
She hates men staring at her like she’s just a mere playmate in the bedroom.
Alexander hates women with too much beauty and sex appeal – like Sanchia. But how can he control his strong attraction for her?
* * *
“Iha, ano’ng ginagawa mo diyan? Try to circulate. This is your party!” Masigla agad ang tono ni Fernan Bustamante, pagkakita sa anak na dalagang nakaupo sa isang sulok ng mataong sala. Hinawi nito ang malalaking dahon ng higanteng halamang ornamental.
Pilit at aral ang ngiti ni Sanchia. “Daddy, katatapos ko lang pong maglibot. Medyo nauhaw lang ako,” pagdadahilan niya.
Ang tutoo ay iniiwasan niyang makita si Harold Corto kaya nagtatago siya sa dilim. Sa lahat kasi ng mga lalaking tagahanga niya, ito ang kasuklam-suklam. Napaka-conceited kasi. Napaka-presko. Para bang ito lang ang sagot sa dasal ng bawat dalaga sa mundo!
“C’mon, may ipapakilala nga pala ako sa ‘yo. Dalhin mo na ‘yang baso mo.” Hinila agad nito ang isang kamay niya, bago pa siya nakahuma.
“Daddy, saka na lang uli,” protesta niya. Tinangka niyang kumawala pero lumipat lang sa braso ang paghawak ng kamay ng ama. “Marami na akong nakilala ngayong gabi. Baka hindi ko na matandaan ang mga mukha at pangalan nilang lahat.”
“That’s only normal, iha,” Mr. Bustamante rejoined jovially. “And also better. Kung sino lang ang matandaan mo, e, di ‘yon ang mga may tsansang makatuluyan mo. Kokonti na lang ang pagpipilian mo.”
“Dad!” Sanchia almost squealed. Hindi pa rin siya nasasanay. Gayong magmula nung magdalaga siya, wala nang bukambibig ang ama kundi ang pag-aasawa niya.
Sinikap niyang maging kalmado ang tono. Huminga muna ng malalim bago nagsalita.
“Daddy, may usapan tayo bago ako pumayag na magpa-party para sa akin,” she reminded her father coolly. “Wala kayong irereto na kahit na sino.”
“Well, I know, I know, but I couldn’t resist this opportunity. Hindi ko inakalang darating siya, Sanchia!” The older man could not hide his enthusiasm anymore.
Dahilan para ma-curious naman ang dalaga.
“Sino’ng ‘siya’?” tanong niya, bago napigilan ang sarili.
Bumuka ang bibig ng matandang lalaki, pero nagbago agad ang isip. Umiling ito habang nakangiti.
“No, mas gusto kong makita at makilala mo siya ng personal,” paliwanag ng ama. “Para mas may dating,” dagdag pa, patudyo.
Sanchia was not amused. “Daddy, I think I don’t want to meet this — this visitor,” pahayag niya. Madiin. “Some other time na lang — para hindi ka naman sumira sa pangako mo.”
Her father looked crestfallen. At kapag ang lungkut-lungkot na ng ekspresyon ng ama, nahihirapan nang magpakatatag ni Sanchia.
She let out a swoosh of deep breath.
“Okey, payag na ‘ko,” sambit niya. Halatang pilit ang pagpayag. “Pero wala na kayong sasabihing iba, ha? Introduction lang ang gagawin n’yo.”
“Okey,” ang maliksing pagsang-ayon ng ama.
“Talaga, ha? Promise?” she insisted. Wala siyang tiwala sa narinig na maliksing sagot.
“Oo na, sabi,” her father insisted back. “Basta’t ipangako mo rin na magiging charming ka sa kanya, ha?” dagdag pa.
“Dad!” Napabulalas na naman siya, sabay hinto sa paglalakad. Na-sorpresa ang ama kaya nabitawan siya. “Bakit naman parang ipinagtutulakan n’yo na ako?”
“Hindi naman, anak,” pang-aalo agad ni Fernan Bustamante. “Gusto ko lang ma-impressed sa ‘yo si — er, siya,” he added lamely.
Napailing na lang siya.
“Sana, ma-impressed din muna ako sa kanya, Daddy,” salo niya. “Para hindi naman mahirap maging charming!”
“He is charming,” diin ng matandang lalaki. “And he is also irresistible.”
She shrugged an elegantly-clad shoulder. Nakasuot siya ng isang puting evening gown na yari sa elastic material kaya hakab na hakab sa perpektong hubog ng katawan. Nakadagdag pa ang rumpled-look hairstyle niya. Pati ang smoky eyes make-up. Nagmistula siyang isang bagong gising na diyosa ng kagandahan.
But even though she looked sultry and seductive, she was indifferent to admiring and desiring glances directed to her by half the male population of their guests.
“Sana nga, Daddy,” bawi niya. “C’mon, let’s go and get on with this.” Siya naman ang humila sa kamay ng ama.
“Nasa labas siya,” anito habang maliksing humahakbang. “Iniwan ko siya sa center isle ng swimming pool.” Ang tinukoy ay ang animo floating bar na nasa gitna ng tubig.
“Pretty important, huh?” She couldn’t resist chiding him a bit.
“Yes, he is an important guest,” her father agreed readily. “Kaya nga gusto kong makilala mo siya — habang may pagkakataon.”
Despite herself, Sanchia was getting intrigued. Her curiosity had been fired with her father’s utter enthusiasm. Parang na-intriga na siyang makilala ang taong nakapagpabilib nang husto sa kanyang ama.
Parang gusto na rin niyang manibugho dahil magmula nang mabalo si Fernan Bustamante, naging very close na ang relasyon nila. Kaisa-isang anak kasi siya, kaya palagi silang magkasama.
Malayo pa lang sila sa pool area, nakatanaw na siya sa gawing gitna. Sinisino na niya ang mga okupante.
Tatlong kalalakihan ang nanduruon. Medyo nagtaka siya, dahil tila pawang mga kasing-edad ng kanyang ama. Ang isa nga ay ang Ninong Dan niya.
Gayunpaman, hindi siya umimik. Paano’y nagluwag ang kanyang loob. Malamang na nagbibiro na naman si Fernan Bustamante.
Sanchia started to feel relaxed with the thought. She was able to smile to her numerous guests as they made a slow beeline towards the pool.
Medyo matipid siyempre ang mga ngiting para sa mga lalaki. Manhid siya sa paghangang iniuukol ng mga kalalakihan sa kanya.
She even despised the stares of admiration that she always received wherever she went. Nasusuklam siya kapag may lalaking titig nang titig sa kanya.
Nagliliwanag ang paligid ng hardin. Maging ang mga makukulay na pinlights sa ilalim ng swimming pool ay nangakasindi kaya naman ang mga bisitang naglulunoy doon ay nagkakakitaan ng mga katawan.
“Aba, ba’t nawala?” taka ng matandang lalaki.
Naulinigan ni Sanchia ang sinambit nito.
“Wala siya, Daddy?” paniniguro niya.
Umiling ang tinanong pero maliksing naglilibot ang paningin. “Iniwan ko siya doon. Ang sabi ko’y hahanapin kita para ipakilala sa kanya,” paliwanag nito.
“Baka umuwi na?” panghuhula niya.
“Hindi aalis ‘yon ng walang paalam, iha,” her father denounced sternly.
“O baka natakot na makilala ako?” she added in a bored tone.
Napatawa nang malakas ang kanyang ama habang umiiling.
“No, baka nagpunta lang ‘yon sa C.R.,” bawi nito. “Halika, itanong natin sa ninong mo.”
Sanchia had a ready smile for her godfather. Nagmano siya bago humalik sa pisngi ng ninong sa binyag.
“Good evening, Ninong Dan.” Nagbigay-galang din siya sa dalawa pang kasama nito sa mesa. “Good evening din po sa inyo.”
“Congratulations, Sanchia! Talagang ikaw ang inaasahan kong magta-top sa iyong klase. Dalawa yata ang pagmamanahan mong matalino!”
Lingid sa kaalaman ng lahat, dalawa ang dahilan ng selebrasyon sa tahanan ng Bustamante. Tonight was her twenty-first birthday. But last week, she just graduated as a magna cum laude from her four-year accounting course.
“Thank you, Ninong Dan,” she answered graciously.
Buong pagmamalaki namang humalakhak ang kanyang ama.
“Oo naman, compadre. Sa palagay ko’y may ipinamana ka ring talino sa kanya. Aba’y daig pa nga ako nireng dalaga ko kung minsan, e.”
“Hindi naman, Daddy,” bawi niya. “Matalas ka pa rin naman kahit may edad na.”
“Ibig sabihin, medyo ulyanin ka lang,” salo ni Danilo Montes, bago tumawa nang malakas.
Nakisakay sa pagbibiruan ang dalawa pang kaharap nila. Nakisali ang mga ito sa tawanan.
Sanchia’s beautiful face was flushed with glee. Mas kumportable siyang makibagay sa mga taong may edad dahil nga lumaki siya sa palibot ng mga ito.
“O, e, ano’ng balak ngayong natapos ka na sa pag-aaral?” usisa ng ninong niya. Naging seryoso na nang bahagya. “Magre-review ka ba muna para sa C.P.A.? O magtatrabaho ka muna? May naghihintay na posisyon para sa ‘yo sa opisina ko.”
“The latter siguro, Ninong,” tugon niya. “Ang gusto sana ni Daddy, e, magpahinga muna ako sa pag-aaral.”
“Inaanyayahan ko ngang magbakasyon na muna kami sa rantso, e,” dagdag ng ama niya.
“Why not? Tutal, ikaw naman ang magiging may-ari n’yon pagdating ng araw.”
“Compadre, bakasyon lang muna. Mga two weeks lang siguro. Saka na siya magtatagal doon kapag may asawa’t mga anak na.”
“Dad,” saway niya habang nakangiti pa rin.
“Oo nga naman,” sang-ayon ng ninong niya pero may kaunting bawi. “Anyway, she’s still young pa naman.”
“But I am not,” her father rejoined. “Natatakot ako na baka hindi ko na makita ang mga apo ko kung pababayaan kong maging pihikan ang aking dalaga.”
“Daddy naman.” Malumanay pa rin ang pagsaway niya sa ama, bagama’t namumula na ang kanyang mga pisngi.
“‘Yon nga lang.” Her godfather nodded at her understandingly. Parang inaalo nito ang pagkapahiya niya. “Siyanga pala, may kinuha lang sa kotse si — ”
“Don’t say his name yet, compadre,” her father interrupted hurriedly. “Gusto kong ma-sorpresa ang aking anak.”
“Daddy, stop it, please,” Sanchia muttered with a pained expression. Malapit na malapit na siyang mag-walk-out! “You’re embarrassing me,” dagdag pa niya, pero pabulong na.
“Sorry, iha.” Naramdaman ng kanyang ama ang nakatagong hinampo sa kalooban ni Sanchia.
“Thank you for understanding, Dad,” she murmured gently. Ayaw din niyang mabigyan ng sama ng loob ang magulang.
“Pagpasensiyahan mo na ako, anak. I’m just getting desperate. Nasasabik na kasi akong maging lolo.” Ganito ang malimit sambitin ng ama.
At palagi rin namang naaantig ang kalooban ni Sanchia. Agad na napalis ang pagdaramdam na nais lumago.
“I — It’s natural, Daddy,” she replied quietly. Pinilit uli niyang ngumiti.
Inakbayan sila ni Ninong Dan. Masuyong pinisil ang isang balikat niya.
“Huwag nating madaliin ang ating dalaga, compadre. Bata pa si Sanchia. Katatapos lang ng graduation niya. Hayaan muna natin siyang mag-enjoy sa pagiging dalaga.”
“Hay, tama ka sa mga sinabi mong ‘yan, compadre. Masyado lang talaga akong mainipin, e.”
“Thank you po, Ninong.” Matamis ang ngiti ni Sanchia para sa itinuturing na pangalawang ama.
“Haha! It’s alright, my lovely child. Your drink looks flat to me,” tugon naman ng ninong niya. “Can I get a new one?”
“S-sige po.” Iniabot niya ang baso.
“Ikaw, compadre – aba!” Napapatda si Ninong Dan nang bumaling sa kanyang ama. “Nandito na pala ang hinihintay natin.”
Hindi na nagtanong si Sanchia kung sino ang tinukoy ng ninong. Kusang luminga ang ulo niya.
At gayon na lang ang pagkamanghang nadama niya. Para siyang tinamaan ng kidlat. O ng kung anong puwersa nang makita ang lalaking nakatingin na agad sa kanya.
The man she saw sent her heartbeat to chaos.
Hindi niya mapigil ang sarili na tumitig.
She just stared and stared and stared…
***
Smoky bedroom eyes. Lustrous black hair. Alluring figure.
Alexander summed up his impressions of the young woman, who was also the celebrant.
She was a looker. Her beautiful face and body was a stand-out, even surrounded by so many people.
Kahit na hindi si Sanchia Bustamante ang anak ng host, mapupuna pa rin niya agad ang dalaga.
Paano’y ibang klase ang angking kagandahan. Mapanggayuma ang kaseksihan. Mistulang isang nimpa na may kapangyarihang manghalina…
Ngunit makalipas ang ilang sandaling pagtitig, iwinaksi niya ang atraksiyon na dagling umusbong. Ayaw niya sa mga babaeng sobra sa ganda — dahil maraming kaagaw.
At minsan na siyang naagawan dahil wala siyang panahong magbantay.
Nagsisi tuloy siya kung bakit natuksong sundan si Fernan Bustamante upang makita agad kung ano ang hitsura ng anak nitong ipinagmamalaking ipakilala sa kanya.
Nadismaya siya nang makita ang naturang babae. Hindi niya tipo ito. Kaya kailangan pa niyang pilitin ang sarili na bumalik upang makipagkilala.
‘Get on with it, man — and get lost,’ ang pabulong na utos niya sa sarili.
Binilisan ni Alexander ang paglalakad para matapos na nga ang obligasyon. He was unenthusiastic to meet the young lady.
Ang talagang dahilan ng kapitulasyon ay ang pagkakaibigan nila ni Danilo Montes, ang isa sa mga bigating kasosyo sa negosyo.
He was based in New York for five years but had been establishing a main branch in Manila for the last two years. Dahil sa sobrang higpit ng rat race sa Amerika, naisipan niyang hatiin ang kabuhayan sa dalawang lugar upang mapabilis ang pag-unlad. Tutal, ang kanyang ina ay umuwi na sa bayang sinilangan at dito na nanahanan.
Fortunately, he was not wrong with his assumptions. Kahit na halos dalawang taon pa lamang ang edad ng Fiero Financing & Development Corporation, mayroon na agad kinita. Kaunti pa lang pero siguradong lalago pa nang husto, ayon sa mga huling reports na tinanggap mula sa reliable sources.
But of course, he needed all the support and the right connections in the business world of his mother’s country to succeed.
Kung gusto niyang makuha ang lahat ng suporta at tamang kuneksiyon sa mundo ng mga Pilipinong negosyante, kailangan niyang matutong sumayaw sa tugtog.
“Maganda at mabait ang inaanak ko, Alex! Tiyak na magugustuhan mo siya,” pagmamalaki ni Danilo Montes, matapos umalis ni Fernan Bustamante para sunduin ang anak.
Nagtawanan ang dalawa pang businessmen na may edad rin.
Ngumiti lang si Alexander at kunwa’y sumimsim ng alak. Pamaya-maya’y nagpaalam siya at nagkunwaring may kukunin sa kotse pero para lang magmanman.
He had a gut feeling that he would not like Sanchia Bustamante.
Hindi nga nagkamali ang hinuha niyang hindi magugustuhan ang dalaga. Sobra kasi ang ganda at sex appeal.
He preferred brainy rather than beauty in a woman.
Pero kahit negatibo ang iniiisip, nakangiti pa rin si Alexander nang lumapit sa grupong naghihintay sa center isle. Binigyan niya ng prupesyonal na ngiti ang lahat. Pinakahuli niyang sinulyapan ang babae. Pormal at matipid ang ngiting inihandog.
“Good evening,” he greeted the young woman casually. “I’m Alex Fiero.” Napilitan lang siyang ilahad ang isang kamay.
“Sanchia Bustamante,” sambit ng napakalamyos ng tinig ng dalaga habang nakikipagkamay sa kanya.
Nang magtama ang kanilang mga mata, parang may sumirit na liwanag sa gitna ng utak ni Alexander.
The luscious darkness of her breathtaking ebony black eyes pulled at him and drowned him.
Nakakalunod tumitig ang mga matang katulad ng isang gabing maraming bituin. Parang may misteryosang puwersa na humihigop sa katinuan niya…
Kusang gumala sa ibang bahagi ni Sanchia ang paningin niya.
Long hair darker than the night sky had been pulled up loosely, with curly tendrils hanging and decorated with diamond clips. Her only jewelry was a gold necklace with a heart-shaped sapphire pendant.
Napakakinis ng mala-porselanang kutis na inilitaw ng evening gown. Her skin was creamy and smooth. So lovely and so perfect. Just like her enticing figure.
Alex’s body started pulsing with lust. Hindi niya mapigil ang pagbangon ng pagnanasa.
He inclined his dark head casually, although he was having difficulty in hiding his desire.
“Ahem,” sabad naman ni Danilo Montes. “We’re having a fresh round of drink. This is yours, iho.”
Tinanggap ni Alexander ang inialok na baso para maialis ang pansin kay Sanchia Bustamante.
“Thank you, sir.”
Hindi niya nakontrol ang sarili na panoorin ang pagtanggap ng dalaga sa baso. Muli na naman siyang nabighani ng magalang pero nakakaengganyong ngiti.
“Thank you, ninong.”
“Hey, the music is lovely. Why don’t you dance with her?” suhestiyon ni Fernan Bustamante. Abot-teynga ang ngiti.
“Dad — ”
“Yeah, why not?” Napatitig na naman siya sa babae dahil biglang namula ang mga pisngi.
He had never seen any woman blush before. Sanchia was a novelty.
Alexander decided swiftly.
Susuway siya sa prinsipyo. Ngayon lang uli siya magbibigay ng atensiyon sa isang magandang babae.
Tutal, pagkatapos naman ng gabing iyon, hindi na sila magkikita ng dalagang kabigha-bighani.
“May I have this dance?” he invited gallantly.
“Uhm, s-sure,” she stammered a whispered answer.
Ramdam niya ang panlalamig at ang panginginig ng mga daliri nito nang muling magdaop ang kanilang mga palad.
Lihim siyang napangiti dahil sa nadamang satispaksiyon.
‘She’s also aware. Good,’ he told himself.
Maluwang lang ang pagyakap niya dito. Ikinulong ng mga bisig ang malambot na katawan habang bihag naman siya ng mga matang sing-lalim ng dagat.
“Ilang taon ka na?” tanong niya, makalipas ang ilang sandali ng tahimik na pagsasayaw.
“Twenty-one,” she responded shyly.
“You looked younger.” Hindi niya itinago ang pagka-sorpresa.
“T-thank you for the compliment.” Pilit ang ngiti ng dalaga. Tila sensitibo sa edad.
“You’re also very beautiful,” dagdag ni Alexander. “Siguro, napakaraming nanliligaw sa ‘yo?”
Isang matamis na ngiti lang ang naging tugon ni Sanchia.
He was mesmerized with the captivating smile. Natahimik siya habang nakatitig lang.
Namagitan sa kanila ang katahimikan habang pumapailanlang sa paligid ang malamyos na tugtugin.
“B-bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ng dalaga nang di makatiis.
“I’m admiring your extraordinary beauty,” he admitted.
May gumapang na pamumula sa mga pisngi at leeg ni Sanchia. Tila naumid ang dila nito kaya natahimik uli.
“You’re not bad-looking yourself,” she remarked with a forced calmness that belied the red flush on her smooth cheeks. “Saan ka nakilala ng Daddy ko?”
“Kasosyo ko si Danilo Montes.”
“I see.” Tila nag-isip muna bago nagtanong ulit. “Kinukuha mo rin bang partner si Daddy?”
‘I think no, now that I’ve met you,’ tugon ni Alexander sa sarili.
“Why not? Kung magkakasundo siguro kami,” ang pahapyaw na sagot niya.
May sasabihin pa sana ang babae pero huminto na ang musika.
Parang napapaso siya nang maliksing bitiwan ang hawak na kamay ni Sanchia. Inalis din niya agad ang palad na nakaalalay sa maliit na beywang habang nagsasayaw sila.
“W-we feel perfect for each other,” she observed candidly. Tila nawala na ang pagkakimi sa kanya.
“Yes.” He was forced to agree. “Pero hindi ako interesado sa ‘yo, Sanchia.” He decided to be ruthless. Kailangan na niyang ipaalam ang pagkadisgusto sa dalaga.
Ang pagka-rosas ng mga pisngi ay unti-unting napalitan ng pamumutla.
“B-bakit naman?” Her melodious voice had gone flat and husky.
“It’s not just you.” Alexander tried to soften the rejection. “Hindi ko tipo ang mga magagandang babae,” pagtatapat niya.
Bumuka at tumikom muna ang mga labing malasutla bago nakapagsalita.
“I — I see.” Nakayuko na si Sanchia at tila naging talunan ang linya ng balikat nang tumalikod sa kanya. “G-goodbye then…”
‘Ganito pala kasakit ang pakiramdam ng sinosopla!’
Masamang-masama ang loob ni Sanchia. Ngayon lang siya nakaramdam ng paghanga sa isang lalaki — bigo na agad.