The Borrowed Husband-13

CHAPTER THIRTEEN:

SAKA lang pinahulagpos ang pigil-pigil na paghinga nang matanaw ang matangkad na hugis ni Jake sa tabi ng mga balustraheng bakal na puti.

Nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa at seryosong nakatanaw sa malayo.

Luminga ito nang maulinigan ang paglapit ng magagaan na yabag ni Natasha. Huminto siya nang may dalawang dipa na lang ang layo sa kinatatayuan ng lalaki.

Nagtagis ang kanilang mga mata. May mga piping mensaheng sumagitsit sa hangin ngunit tanging ang katawan lamang ni Natasha ang nakaunawa.

Parang tuyong yagit na nagdikit at naglagablab agad.

Bahagyang bumuka ang mga labi ni Natasha nang maubusan ng oksihena ang mga baga, dahil sa sobrang init na nadarama.

Lalong nag-alab ang pakiramdam ni Natasha nang lumipat sa kanyang bibig ang paningin ni Jake. Para na rin kasing inangkin ng nagbabagang halik.

Lumahad ang isang palad na magaspang.

Hindi nagdalawang-isip si Natasha na tanggapin ang piping imbitasyon. Tuluyan nang inubos ng mga hakbang niya ang kaunting distansya.

Want to read the Start of Stories Online titled – The Borrowed Husband…? Click Here!

Nang magdaop ang kanilang mga kamay, dumaloy ang mga mumunting boltahe ng kuryente sa kanilang mga katawan.

“N-nakapag-isip ka na ba?” Halos pasinghap ang pabulong na pagtatanong niya.

“Hindi ako makapag-isip ng diretso, Natasha,” pag-amin ni Jake. Pabulong din ang pagsasalita.

“Bakit hindi mo na lang ako iniwan?”

“Hindi ko kayang iwan ka.”

“Hindi mo kayang talikuran ang pangako mo,” pagtatama ni Natasha, kahit na sumikdo ang puso sa masuyong pahayag na iyon.

Humugot ng isang malalim na buntonghininga ang lalaki.

“I’m attracted to you, Natasha. I want you,” ang seryosong pahayag ng medyo paos na tinig-lalaki.

“Gusto kong paglabanan iyon dahil mali. Hindi tayo mag-asawa,” wika niya, pabulong.

“Magpapanggap tayong mag-asawa, hindi ba?” paalala ni Jake.

“Ituturing mo akong isang pansamantalang asawa?”

“Agrabyado ka, Natasha. Ikaw ang babae.”

“Hindi, Jake. Wala na akong pag-asang makapag-asawa pa. Pero maiibsan ang kalungkutan ng aking pag-iisa kung may anak akong mapag-uukulan ng panahon at pagmamahal.”

Yumuko si Natasha at iniangat ang kamay ni Jake upang magawaran ng masusuyong halik ang mahahabang daliri.

“Lubusin mo na ang pagtulong sa akin, Jake. Bigyan mo ako ng anak, please,” pagsusumamo niya.

“Stop it, Natasha! Huwag kang makiusap,” saway ni Jake. Lalong napaos ang boses. Parang nahihirapan na.

“Oh, God, hindi mo na kailangang makiusap…!” Pabulalas na habang sinasambitla siya ng mga bisig na matitigas.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” Isinubsob ni Natasha ang mukha sa malapad na dibdib. Yumakap din sa matipunong katawan.

“Payag na ako sa gusto mo. Bibigyan kita ng anak!”

Hinanap nina Jake at Natasha ang steward na tumulong sa kanya kanina.

“Bakante pa kaya ang kabino ko, sir?”

“Ho, teka po, titingnan ko.” Kung nagtataka man, hindi ipinahalata sa kanila.

Nagbuklat ng record book at pagkatapos ay tumawag sa intercom. Ilang sandaling nakipag-usap para mai-update ang record.

“Ma’am, hindi na po bakante. Pero mayroon pong nag-cancel, sa first class cabin po.”

“Kukunin namin ‘yon.” Mas maagap na sumagot si Jake.

Madaling naisaayos ang paper works. May mga pinirmahan ang lalaki. Isang plastic card ang inilabas mula sa pitaka.

Habang naglalagay ng detalye, napapatingin ang steward kay Natasha. Parang gustong magtanong ngunit pinipigil lang ng courtesy ng trabaho.

Nahuhulaan niya kung ano ang naiisip ng steward. Isa siyang babaeng mabilis at maluwag. Baka may sira rin ang ulo.

Kanina lang ay humahagulgol siya ng iyak para kay Reymart. Ngayon ay si Jake naman ang kasama niya.

Ngunit walang pakialam si Natasha sa iisipin ng ibang tao. Ang tanging mahalaga sa kanya ay magkaroon ng anak.

Nang matapos, kinuha ni Jake ang susi.

“Ihahatid ko po kayo sa kabino n’yo, sir?” ang magalang na wika ng steward.

Wala silang kibuan habang iniipon ang mga gamit. Kaunti lang naman.

Sinamahan sila ng steward hanggang sa first class cabin kahit wala itong dala.

Mas malaki at mas maaliwalas. Ganito ang impresyon niya.

“Dito po ang comfort room. Nandito ang bedroom.” Nasa living cum dining room sila.

Bukod sa sopa na pandalawahan ay may lamesang bilog na nasa sulok. May dalawang silya rin parehong arm chair.

Sa isang panig, may munting kusina. Nakapatong sa counter ang isang kalan na maliit. Katabi ng munting lababo ang coffee maker.

“Narito ang ref.” Binuksan ng steward ang maliit na refrigerator. Puno ng tubig, juice, at serbesang de-bote. May ilang tsokolate rin.

“Gamitin n’yo po ang intercom para sa room service. May maitutulong pa po ba ako?”

“Wala na.” May dinukot sa bulsa si Jake. “Salamat.”

“Salamat din po.” Yumukod ang nakangiting steward at isinara ang pinto.

“Well, Mrs. Natasha Cruz…”

Ninenerbiyos si Natasha pero ideya niya ito kaya nagpakatatag siya.

“Um, ako na ang mauuna sa banyo…”

“I was going to offer you something to drink.” Binuksan ni Jake ang munting ref. “Beer?”

“T-tubig lang.”

Tig-isang bote ng beer at tubig ang dinala ng lalaki.

Walang katinag-tinag si Natasha sa kinatatayuan niya. Nasa may pagpasok ng pinto kaya nakita niya nang pasimpleng nag-abot ng perang papel si Jake.

Tip.

Hindi pa niya nakitang nag-abot ng tip si Reymart. Palaging nakasimangot kapag nag-uutos sa taong mas mababa kaysa dito ang trabaho.

Hinawakan ni Jake ang isang kamay niya. Hinila hanggang sa humakbang siya.

“Come. Have a seat.” Inialok nito ang silya sa kanya.

Binuksan ng lalaki ang mga inumin. Inilapag ang bote ng tubig sa harapan niya.

Naglakad-lakad sa palibot si Jake. Kapagkuwa’y tumanaw sa labas ng bilog na bintana. Tinutungga ang serbesa.

“Jake.”

“Yes?” Saka lang luminga sa gawi niya ito. “Do you have a change of heart?”

Saglit na naumid ang dila ni Natasha sa choice of words ni Jake. Bakit ‘change of heart’?

“I’m not changing my mind,” pahayag niya. Nakatingin nang diretso. “Pinipilit kitang magtaksil sa asawa mo.”

“Paano ba pinagtataksilan ang isang taong sampung taon mo nang di nakikita?”

Inubos ni Jake ang serbesa at lumapit sa kanya.

“Sa unang pagkakita ko pa lang sa ‘yo, para na akong inihulog sa apoy. Parang nilalagnat ang pakiramdam ko kapag kasama kita.”

Lumuhod ang lalaki sa harap niya.

“I’ve never felt like this before.”

“Kahit na… sa asawa mo?” Napasinghap siya.

“Honestly, hindi ko na alam kung ano ang nadama ko noon. Katulad mo, gusto ko lang magka-pamilya.” Pumikit si Jake bago idinampi ang isang kamay niya sa pisngi nito.

“What I feel for you is fiery. I want to… kiss you here.”

Hinagkan ang palad niya. Hinagod ng dila.

Napaigtad si Natasha ngunit hindi binawi ang kamay.

“And here.” Dumako sa braso niya ang nagbabagang bibig.

Natutunaw siya…

“Also, here…” Hinagkan ang leeg niya.

Kinawit ang ulo niya kaya napayuko siya. Tumukod ang mga kamay niya sa malalapad na balikat.

“And most of all… here…” Sinimsim muna ang nakatikom na mga labi niya. “Open your mouth, Natasha…”

Tumalima siya. Nakamulat siya. Nais makita ang bawat ginagawa ng lalaki.

Gayundin si Jake. Nirarahuyo siya ng mga titig na malalagkit habang ang kanilang mga labi ay nagniniig.

Lasang serbesa ang bibig ni Jake. Nakakalasing.

“Say my name,” utos nito nang pangkuin siya.

“Jake…”

Tumango nang bahagya ang ulo. “Natasha…”

Pumasok sa kuwarto at inihiga siya sa kama.

“You’re the first woman I desired since my wife. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sa ‘yo. I’m on fire…”

Naghubad ng suot na jacket si Jake. Hinubad din ang suot na t-shirt.

Lumantad ang malapad na dibdib, ang pipis na tiyan, at ang manipis na balahibong gumapang papababa sa loob ng pantalon.

Napalunok si Natasha. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng hubad na katawan ng isang lalaki.

“You want me to remove your clothes… hmm?”

Nabitin siya dahil ang sinturon at ang butones lang ng pantalon ang kinalas ng lalaki.

“N-no…” Kinapa niya sa likuran ang zipper.

“I want to take you now. I can’t wait…”

Ngunit kabaligtaran ng masidhing mga salita ang galaw ng lalaki. Dahan-dahang ibinaba ang zipper ng palda niya.

“But I know you want to take it slow…”

Nakasuot ng kamison si Natasha. Maliit ang dibdib niya. Halos hindi kailangan ng bra.

Marahang hinubad iyon ng lalaki. Namurok ang bawat perlas. Humihingi ng atensiyon.

“Perfect…” Isinubo sa bibig ang isang perlas habang ang isa ay hinahaplos ng mga daliri. Sal-itan iyon. Palipat-lipat.

Lumiyad si Natasha. Gustung-gusto niyang pumikit. Parang may magneto ang mga talukap ng mata.

Ngunit nanatili siyang nakamulat.

Samantalang si Jake ay nakapikit. Tila ibinubuhos ang buong konsentrasyon sa paglikha ng kakaibang sensasyon sa kanyang dibdib.

“Oh, Jake, Jake…” ungol niya.

Nang sumali na ang ngipin at dila, napasinghap siya. Hinawakan niya sa buhok si Jake. Pipigilan sana ngunit walang lakas ang mga braso.

At nakapikit na rin siya.

Tahimik na tahimik sa silid. Walang naririnig kundi ang mahihinang hingal ni Natasha.

Wala anu-ano, biglang may kumatok. Malumanay lang ang ingay ngunit parang mala-kulog.

THE BORROWED HUSBAND-14

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age