The Borrowed Husband-16

CHAPTER SIXTEEN:

“I love you.”

Hindi nila alam kung sino ang unang nagtapat ng pag-ibig. Marahil ay sabay sila sa pagsambit sa matatamis na kataga.

Inulit ni Natasha. Walang pag-aalinlangan.

“Mahal kita, Jake.”

“Oh, Natasha! Mahal na mahal din kita!”

Nang yakapin siya ng lalaki, yumapos din siya nang mahigpit. Nasa gayong ayos lang sila nang maraming sandali.

Kaipala’y kapwa nabasa ng luha ang kanilang mga mata…

“Nagpunta ako ngayon dahil natanggap ko na ang sagot—hindi ako kasal kay Celia.”

“Peke rin ang kasal ninyo?”

“Ikinasal kami sa huwes. Baka hindi lang nairehistro o baka ginawa ng mga magulang niya ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal namin.”

“K-kumusta si Celia…?”

Matagal bago nakasagot si Jake. “Hindi naging maganda ang kapalaran niya, Natasha.” Isinalaysay nito sa ilang maikling pangungusap ang buhay ngayon ni Celia.

Want to read the Start of Stories Online titled – The Borrowed Husband…? Click Here!

“Kawawa naman siya!” Puno ng simpatiya ang boses ni Natasha.

Isang babaeng nasilaw ng kayamanan ang nagkamali ng lalaking pinili.

“Tapos na siya. Isang mahabang kabanata sa buhay ko. Ikaw na ang aking ngayon at hinaharap.” Masuyo ang bawat kataga.

“Oh, Jake!”

Lumuhod sa harap niya ang lalaki. Isang kahita ang inilabas mula sa bulsa. Singsing na brilyante.

“Will you marry me?”

“Yes! Yes, I will marry you!” Hinila niya patayo ang lalaki. Mas gusto niyang magkayakap sila.

“Binili ko ang singsing na ito nung nangangarap pa lang ako. Nakita ko ito sa antique shop sa bayan. Luma na ngunit naisip kong babagay sa iyo.” Nagkukuwento ang lalaki habang marahang isinusuot sa palasingsingan niya.

“Kasyang-kasya!” Nakatawa si Natasha habang tinitingnan ang bawat anggulo sa ilalim ng pang-umagang araw.

“Nagustuhan mo ba? Bibili tayo ng gusto mo kapag lumuwas tayo sa Manila.”

“Luluwas uli tayo?” Sa isang panig ng utak, hindi na niya papalitan ang engagement ring.

Tama si Jake nang piliin iyon para sa kanya. Gusto niya ang mga antique.

“Kailangan kong mag-resign sa trabaho. Pero ayaw kong mawalay ka sa paningin ko.”

“Pero baka doon mo gusto manirahan—” Saglit lang siya nag-alinlangan. Gusto niyang tumira kung saan naruruon si Jake.

“Pag-uwi natin dito, hindi na tayo aalis uli. Nandito ang mga magulang mo. Dito na rin magsisilaki ang mga anak natin.”

Nagningning ang mga mata ni Natasha nang mabanggit ang salitang ‘anak’.

Pero masyado pang maaga para sabihin ang munting buhay na pumipintig sa sinapupunan.

“Oh, Jake, salamat!”

“Halika na, mahal ko. Kanina pa nakatanaw sa atin ang mga magulang mo,” aya ng lalaki sa kanya.

Nagulat siya. Namula pero hindi nabawasan ang tamis ng ngiti.

“Nandoon na pala sina Papa at Mama,” ang masayang wika niya.

Magkahawak-kamay silang naglakad patawid sa hardin. Tila ang mga paru-paro ay nag-ipun-ipon sa kanyang mga rosas nang mga sandaling iyon.

“Papa, Mama, si Jake po. Ang lalaking pakakasalan ko,” ang simpleng pahayag niya.

Mas nangungusap ang kislap sa mga mata ni Natasha. Pati ang timyas ng ngiti sa mga labi.

“Magandang umaga po sa inyo…” Nag-alangan pa ang lalaki.

“Papa at Mama, iho. Ikinagagalak ka naming makilala. Halikayo, tuloy, tuloy.” Abot-teynga ang mga ngiti ng mag-asawa.

Isang masayang almusal ang pinagsaluhan nila.

“Ano ba ang balak ninyo?”

Tumingin si Jake sa kanya. Bahagya siyang tumango bilang pagpayag sa lahat ng plano.

“Magpapakasal po kami sa susunod na buwan.”

Tatangu-tango ang Papa niya. “Tutulong kami sa preparasyon, siyempre.”

“Saan naman kayo titira, iho? Maluwag naman dito. Isa pa, si Natasha ang magmamana ng mga ito,” sabad naman ng kanyang Mama.

Ngumiti si Jake. Hinawakan ang kamay niya at pinisil bago tumugon sa unang tanong ng Mama niya. Nag-usap ang mga mata nila.

“Kung saan gusto tumira ni Natasha, doon kami maninirahan.”

“Payag ka bang dito…?” Saka pa lang siya nagsalita. Halatang nakikimi.

Tumango ang lalaki. Muling nagseryoso.

“Lumaki ako sa orphanage. Nasasabik ako sa isang pamilya. Ikinararangal kong mapabilang sa pamilya ninyo, Papa, Mama.” Taimtim ang pagkakasambit nito.

“We welcome you to our family, iho.” Seryoso din ang kanyang Papa.

Nagkasundo ang lahat sa mga plano. Inako ng matatanda ang tungkol sa preparasyon sa kasal.

“Ako po ang gagastos. Bukas po, maglilipat ako ng limang milyon sa account ninyo, Papa.”

“Limang milyon? Masyadong malaki ‘yon, iho!”

“Gamitin n’yo po sa iba pang kakailanganin.”

“Binibili mo ba ako, Jake?” Nagtanong siya nung magkasarilinan na. Naglalakad-lakad sila sa lilim ng mga punongkahoy sa hardin.

“Hindi, Natasha. Ang pag-ibig mo ay di kayang pantayan ng anumang yaman.” Huminto sila at ikinulong siya sa maluwang na yakap.

“Pero alam mong kahit sa huwes ay magpapakasal ako sa iyo.”

“Alam ko. In fact, we’ll get a civil wedding tomorrow.”

“Magpapakasal na tayo sa simbahan sa isang buwan, a?”

“Remember, luluwas tayo sa Manila. Ayokong magsiping tayo nang walang basbas ng kasal.”

“Oh.” Walang maisip sabihin si Natasha. Bigla kasi siyang nasabik.

“At sa isang bukas, dadaong na naman ang barko ni Kapitan Cuesta. Ni-reserved ko na ang cabin natin.”

“Oh, Jake!” Yumapos nang mahigpit si Natasha sa lalaki. Maligayang-maligaya siya!

“Natasha…” Sinapo ni Jake ang baba niya. Pinagdaop ang kanilang mga labi.

Pagkatapos ng mga pait sa buhay nila, walang kasing tamis ang halik na pinagsaluhan nila.

Sa Villanueva Mansion na tumuloy si Jake ngunit sa ibang kuwarto siya natulog.

Kinabukasan, maging ang mga magulang ni Natasha ay nasorpresa nang ganapin ang civil wedding sa munisipyo.

Nasaksihan ng mga dating kasamahan niya sa trabaho ang kasal. Naging opisyal na tuloy ang resignation niya.

“Congratulations, iho! Ha ha! Kaya naman pala nagpalakad ka kay Mayor. Balak mong pakasalan ang mutya ng Accounting namin,” ang pabirong wika ni Mang Ponso.

Kilala ni Natasha ang may edad na lalaki. Empleyado ring katulad niya sa munisipyo.

“Paano kayo nagkakilala ni Mang Ponso?” tanong niya nang nasa kotse na sila.

“Sa bahay niya ako nangupahan. Siya rin ang tumulong sa akin.”

Sa malaking bahay, nagtipun-tipon ang mga kapatid at mga pamilya para sa isang masaya at maingay na salu-salo.

Ang mga bata ay hindi magkamayaw sa paghahabulan sa tabing dagat. Nagprisinta si Natasha na tumingin sa mga ito. Kasama si Jake.

“Ang gulo namin, ano?”

“Ang saya nga, e!” Nakangiti ang lalaki habang binubuhat si Tim sa isang malapad na balikat.

Dalawang taong gulang pa lang at singlakas ng sirena ng barko ang mga tili.

Nang gabing iyon, isang halik lang uli ang pinagsaluhan nila.

“I want you, wife.” Nakapikit si Jake habang nakadikit sa noo niya ang noo nito.

“I’m yours…”

Tumingin ito sa paligid ng silid niya. “This room is too virginal.”

Walang imik na hinila niya ang lalaki palabas at dinala sa kuwartong tinulugan. Dito, neutral ang paligid.

“Please, do not put me on a pedestal. I’m just a woman who loves her husband very much!”

Pagkatapos ng pabulong na pahayag, sinimulan niyang alisan ng saplot ang lalaki.

Umungol ito ngunit hindi tumutol. Lalo na nang ipadama ni Natasha kung gaano kainit ang pag-ibig niya para dito.

Magdamag silang naglunoy sa batis ng pagnanasa. At pag-ibig.

Ang bawat halik at haplos pala noon ay mayroon nang lakip na pag-ibig kaya napakatingkad.

“I love you, Natasha.”

“I love you, too. Oh, Jake…!”

Mahihinang kaluskos na lang ang maririnig…

Kinabukasan, inihatid sila ng mga magulang hanggang sa barko. Nagkaroon ng pagkakataong magkumustahan sina Juan Villanueva at Kapitan Lando Cuesta pagkatapos ng mahabang panahon.

Ang mga bagong kasal naman ay sa first class cabin uli tumuloy.

“I felt at home here,” wika ni Jake.

“Yes,” sang-ayon niya.

Wala kasing nabago. Ang kulay krema na kurtina at kubrekama. Ang mga silya at sopang pandalawahan ay gayun pa rin.

Gabi nang umandar ang barko.

Katulad nung una, walang kumatok na housekeeping sa pinto.

Ang room service naman ay kumatok ng isa at mahinang-mahina pa.

“Ssh, my pregnant wife is sleeping. May sariwang gatas ba diyan?”

“Yes, sir! Sariwang gatas ng baka.”

“Um, balut sa puti. Mayroon ka?”

“Of course, sir! Mayroon din. Anything else.”

“Wala na sa ngayon. Salamat.” Ilang malulutong na papel ang lumikha ng kaluskos.

“Thank you, sir!”

Nakaupo si Natasha nang pumasok si Jake.

“How do you know?”

Ngumiti ang lalaki habang nagkakamot ng ulo. “Sinabi ni Papa.”

“Ano? Alam na nila?” Napapahiya si Natasha.

“Uh-uh… sinabi rin nila sa akin ang mga pinaglilihian mo. Um, sariwang gatas at balut sa puti?” Parang hindi pa sigurado si Jake.

Napatili si Natasha. “Meron dito sa barko?”

“Nagdala ako ng baka para sa sariwang gatas at kahon-kahon na balut sa puti.”

“But that’s too much!”

Ano na lang ang iisipin ni Ninong Kapitan?

“I’m a generous and loving husband.” Tila nahulaan ng lalaki ang iniisip niya.

“Oh, Jake, I love you more for these. Pero makakatiis pa naman si baby kung sa probinsiya ako makakatikim ng gatas at balut.”

Ganito ang sinasabi niya habang sabik na iniinom ang gatas at ang sabaw ng balut.

Natatawa si Jake habang minamasdan si Natasha.

Natawa na rin siya sa sarili.

“I love you, Jake,” bulong niya.

“I love you, Natasha. I must have done something better in my life to deserve you.”

Marami na ngang nagawa si Jake. Ayon sa Mama niya, nagtayo ito ng foundation for battered wife and children.

Sa tulong din ng Mayor nila, magpapatayo si Jake ng ospital sa lugar nina Celia.

Kinapa ni Natasha ang kalooban kung mayroong selos siyang nadarama. Wala. Awa lang at simpatiya.

Nagpapasalamat siya kay Celia dahil dinala nito sa isla nila ang isang lalaking pakamamahalin niya.

Pagdating sa Manila, nag-resign si Jake sa agency. Tumawag sa among Arabo para magpaalam. Gayundin sa mga kaibigan.

Pumasok sila sa isang exclusive boutique. Sinukatan siya ng iba’t ibang wedding dress.

“When’s the wedding, sir, ma’am?”

“Next month.”

“Wha—um, sige, next month.” Bahagya lang nagiba ang ngiti. “Saan ang venue?”

“Sa Mane-ug Church.” Nakangiti si Jake sa kanya. Sinabi niya ang lumang pronunciation sa pangalan ng isla.

“Saan po?”

“Don’t worry. Ipapasundo na lang namin ang wedding dress, pati na ang assistant mo.”

“Hay, salamat! Ang akala ko’y maghahanap pa kami.” Namaypay ang baklang designer. “Ako mismo ang sasama, sir, ma’am. I’m sure, history maker ang gaganaping kasal ninyo!”

History maker nga. Ang buong isla ay dumalo. Kasama sa listahan ng mga ninong ang Mayor at si Kapitan Cuesta, pati ang mga amiga ng kanyang Mama.

Si Celia at ang ina nito ay hindi nakadalo. Kapwa nangailangan ng medical attention dahil sa ilang taon na pananakit ng mga asawa. Hindi akalain na ang simpleng sampal at panaka-nakang panununtok ay makapagdudulot ng masamang epekto sa matagal na panahon.

Nagsisi naman ang mga asawa ng mga ito at nangakong magbabagong-buhay na.

Ang pinakamemorableng sandali nung araw ng kasal ay nang iniaangat na ni Jake ang belo ni Natasha.

At bumulong sa kanya.

“You’re my angel. I love you…”

WAKAS

An Instant Desire-1

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age