Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

THE FORCEFUL GROOM

Antonia lost her job on the same day a gorgeous man called Victor became her new boss. The work was demanding but the salary was good. Until one day, the boss suddenly proposed a marriage of convenience to her…

Kung ikaw si Antonia, pipiliin mo bang magpakasal sa isang lalaking walang pag-ibig para sa iyo? Iisipin mo bang sapat na ang physical attraction mo para sa magiging asawa mo?

Paano mo magagawang pahabain ang inyong pagsasama kung ikaw lang ang magmamahal?

A woman deserves to be loved. But maybe, love would follow after marriage. Could she teach his heart to love her?

***

“A, hello, Mila? Hindi ako makakapasok ngayon. Masakit ang tiyan ko. May nakain yata akong hindi kasundo ng sikmura ko kahapon diyan sa canteen, e.” Pinagkurus ni Antonia ang mga daliri habang nagsasalita sa telepono. Hindi siya nagsisinungaling pero alam niyang walang maniniwala sa kanya.

“A, ganoon ba? O sige, sasabihin ko na lang kay boss mamaya,” tugon naman ng kausap ni Antonia.

She didn’t believe Mila. Ang malas naman niyang ito pa ang nakasagot ng telepono sa opisinang pinapasukan. May lihim na galit at inggit ang babaeng iyon sa kanya.

After a short while, nagpasiya ang dalaga na maligo at magbihis kahit na medyo masakit pa ang tiyan niya. Nanlalambot siya dahil sa maya’t mayang pagpunta sa banyo kagabi ngunit hindi siya dapat mabakante. Hindi dapat…

Mayroon siyang nakita sa ads kaninang umaga. Puwede niyang subukan doon ngayon. Baka wala na siyang trabaho bukas pagpasok niya sa opisina nila.

Pinilit niyang ubusin ang nilutong instant noodles bago lumabas sa kuwartong unuupahan.

“Hindi ka pumasok, Ate Toni?” salubong ng dalagitang anak ng kasera niya, si Lowie, pagkakita sa kanya.

Ngumiti si Antonia. “May pupuntahan kasi ako, Lowie. Ikaw lang ba diyan ngayon? Wala ang Mama mo?”

“Namalengke, e. Puwede ba akong sumama sa iyo? Boring dito sa bahay,” reklamo nito habang kukuya-kuyakoy sa beranda ng salas nito.

Ngumiti uli ang dalaga. “Hindi puwede, Lowie. Next time na lang siguro, ha?” Sabik siyang magkaroon ng kapatid kaya magiliw siya sa dalagita.

Nagkamot ng ulo si Lowie bago humagikgik. “Nagbibiro lang naman ako, Ate Toni. Babay na lang sa’yo.”

Gumaan-gaan ang pakiramdam ni Antonia habang patungo sa sakayan. A cheerful smile and friendly words always had a soothing effect on her.

Gumanda-ganda na ang pakiramdam niya nang makarating sa patutunguhan. Tatlong beses siyang nagpalit ng dyip. She smoothed her black shirt and chignon with his shaking hands, before approaching the building.

“Saan po kayo, ma’am?” tanong ng guwardiya sa reception area. Tiningnan siya nito magmula ulo hanggang paa bago muling tumitig sa kanyang mukha.

Nailang si Antonia. Nagtataka siya kung bakit palaging ganito ang reaksiyon ng mga lalaki sa kanya kapag unang pagkikita pa lang.

She was always uncomfortable with her appearance. Hindi kasi maganda ang tingin niya sa sarili. Ordinaryo lang ang hitsura niya.

What she didn’t know, nasa built-in niya ang kanyang appeal. She could wear any clothes with gracious panache. Kahit na anong istilo at disenyo, kayang dalhin ng kanyang slim body.

Idagdag pa ang high-checkboned features niya, pati ang oriental shaped eyes. Classic ang dating ng mukha niya. Although her lips were too generous for her own liking. Mas gusto niya ang maninipis na labi dahil takaw-atensiyon ang nasa kanya ngayon. Kaya nga, minimum make up lang ang kanyang ginagamit, especially sa lipstick.

Sa kalituhan niya, dinukot niya ang diyaryong binili sa newstand kaninang madaling araw nang maghanap siya ng botikang mabibilhan ng gamot.

“Dito ako pupunta, sir.” Aniya habang itinuturo ang classified ads na binilugan ng ballpen.

“A, sa fourth floor po iyan, ma’am. Sa opisina ng big boss namin may nangangailangan ng secretary.” Pahayag nito habang ngumingiti na nang lubos sa kanya.

Pinilit niyang gumanti ng ngiti bilang pasasalamat bago siya tumalikod para magtungo sa hagdan.

“Miss, nandoon ang elevator,” anang security guard nang akmang aakyat na siya.

“T-thank you.” She stammered. Naliliyo na siya, iyon ang totoo.

Pagdating ni Antonia sa fourth floor, nagulat siya sa dinatnan na eksena. Parang may kaguluhan. Tarantang kumikilos ang lahat. Putlang-putla sa matinding takot habang hindi magkandatuto sa pagtatrabaho.

Isang lalaki ang kalmadong nakamasid sa mga ito. At least, ganoon ang unang impresyon niya.

Mali pala. Matigas ang ekspresyon nito dahil sa pormal na galit na tinitimpi lang nang husto.

Isang empleyada ang lumapit. Halatang nanginginig dahil sa hawak na papel. Ipinakikita sa lalaki.

Iyon marahil ang big boss na tinatawag ng guwardiya sa ibaba, hula ni Antonia. Minasdan niya ang matangkad na lalaki.

Even from afar, he looked menacing because an aura of danger surrounds him. Hindi guwapo pero attractive pagmasdan. Para bang may karisma ang bawa’t linya ng matatag na mukha nila. Para bang may magneto ang mga matang malalalim…

Ipinilig ni Antonia ang kanyang ulo upang maiwaksi ang malilikot na imahinasyong naglalaro sa kanyang isipan.

“Excuse me,” wika ng isang babae na galing sa gawing likuran niya. Papasok ito sa maluwang na pintuan, kung saan nakatayo si Antonia, nang makiraan ito kaya aksidenteng napapasok siya sa loob.

The angry man speared her with his dark eyes. “You! What are you doing here?”

Nilunok ng dalaga ang kanyang nerbiyos. “I — I’m an applicant,” aniya. Huminto siya dahil nanginginig ang kanyang boses. Muli niyang inilabas ang diyaryo para ipakita dito.

Hindi na nagsalita ang lalaki. Sinipat lang nang matagal ang kabuuan ni Antonia.

Pigil-hininga naman ang dalaga. Lihim niyang inaasam na iiling ito at tatanggihan siya, nang makaalis na siya sa lugar na iyon.

Ngunit tumango ang lalaki at sinenyasan siyang sumunod dito sa loob ng isang pribadong silid.

Halos patakbong humakbang si Antonia kahit na nangangatog ang mga tuhod.

“I’m looking for a secretary, Miss — ?” he gestured for her to take a seat, which she did, before making a reply.

“Miss Antonia Colmo, sir,” tugon niya, halos pabulong.

He inclined his head. “Miss Colmo,” sambit nito. “What do you know? I mean, wala ka man lang bang resume?”

Napakurap si Antonia. Pinilit niyang bawiin ang kanyang wisyo. Binawi niya rin ang kanyang tingin sa lalaki.

“I do, sir. Of course…” Yumuko siya upang tingnan ang loob ng kanyang bag. Nandoon ang kanyang envelope na naglalaman ng mga credentials niya.

Kinuha ng lalaki ang hinugot niyang folder mula doon ay binasa nang mabilis. Hinanap ng mga matang matatalas ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kanya bilang isang aplikante.

“Impressive ang iyong background, Miss Colmo,” puna ng lalaki pero blangko ang tono. “I just hope, tutoo ngang lahat ng mga nandito.”

Namula ang mga pisngi ni Antonia habang itinutuwid niya ang kanyang likod. Tumingin siya nang diretso sa lalaki. Tila hinahamon siya!

“I can provide some demonstration, sir,” she challenged him. “Please give me some tests.”

“Of course, Miss Colmo.” He smiled at her coldly. Pinindot nito ang intercom. “Send us some coffee. Two cups!” He commanded the unseen employee who answered from outside.

Antonia found herself disliking the man and more as the minutes go by. Para bang walang consideration sa mga tauhan ang lalaki. But she remained impassively calm.

Nasa loob lang niya ang lahat ng mga naiisip at nadarama niya. Mahusay siyang magtago. For her, hiding the emotions were a necessity to live and to survive — since childhood…

“Let’s start,” he said after staring at her for a long while, “I’ll dictate some letters.”

Bahagyang ipinilig ni Antonia ang ulo para mapalis ang pagkalitong idinudulot ng malimit na pagtitig ng lalaki.

Makalipas ang kalahating oras, parang inilusot sa butas ng karayom si Antonia. She felt drained, and grilled and dried up!

“Okey, that’s for the dictation examination,” wika ng lalaki habang tumitindig. “May I see them?”

Kinuha nito ang hawak niyang stenopad kahit na hindi pa niya iniaabot. Binuklat-buklat bago muling ibinalik sa kanya, paitsa.

“I can’t read them. Please, have them typed. Use the electronic typewriter outside.” Nakasulat kasi sa steno symbols ang mga salitang idinikta.

Gusto nang umusok ng bumbunan ni Antonia dahil napaka-arogante ng tono nito sa pag-uutos sa kanya. As though she was already hired! As though she was already his slave!

Ngunit nagpakahinahon pa rin siya. “Okey, sir.”

Lumipas uli ang kalahating oras. Nanlalata na si Antonia dahil sa tensiyon. Tila nahahawa na siya sa stress ng mga empleyadong nasa paligid lang niya, kahit na pinipilit niyang paglabanan ang negatibong vibration.

Idagdag pa na talagang sinadyang pahirapan siya dahil hindi computer ang ipinagamit sa kanya!

‘Siguro, pulos may ulcer na ang mga tao dito!’ bulong ni Antonia sa sarili habang kumakatok sa inner office.

“Well, you type very fast!” Tila nagulat ang lalaki nang makita siya. “May I see them?”

Nangingimi na ang buong katawan ng dalaga habang papalapit siya sa mesang malapad na yari sa itim na salamin. Parang gusto na niyang mag-collapse.

“Hmm, you’re a neat worker,” ang mahinang sambit ng lalaki. Tila ayaw iparinig sa kanya ang papuri.

Binasa ng lalaki ang mga nilalaman ng mga pahinang mapuputi. Coupon bond na may letterhead ng kumpanya ang ginamit niya. Hindi siya nanghinayang na mag-aksaya kung saka-sakaling hindi siya makapasa sa mga pagsubok. She’s in a catty mood!

“These are near-perfect, Miss Colmo… I think I’ll hire you. You’ll be on probationary for three months. After that, you’re a regular employee of this company. Welcome to Balmaceda Advertisers!” Kinamayan ng bagong boss si Antonia nang mahigpit. Nakangiti nang bahagya ang pirming bibig ngunit nanatiling madilim at malamig ang mga mata.

“T-thank you, sir.” Dahil hinang-hina na talaga ang pakiramdam halos hindi na siya makangiti. Tumango na lang nang bahagya.

“I’m Victor Balmaceda, your new boss. I want you to begin tomorrow, at eight o’clock sharp!”

It was actually more of a dismissal than an introduction kaya lumabas na si Antonia. But she could not remember how she was able to walk when her knees had turned to jelly as their palms touched for ten seconds.

Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Isang babae na may mapait na ngiti sa mapulang bibig.

“Natanggap ka ba?” tanong nito.

Tumango nang marahan si Antonia.

“Hindi ‘congrats’ ang dapat kong sabihin sa ‘yo — ‘condolence’ dapat,” ang paismid na wika nito habang tinitingnan siya magmula sa buhok niyang nakapusod hanggang sa makikintab na dulo ng suot niyang sapatos na flat-heeled.

“Salbahe ang boss nating iyan sa chicks. Tsk! tsk! Mag-iingat ka sa kanya,” dugtong pa bago tumalikod sa kanya. Pakembot-kembot ang bilugang puwit nito habang lumalakad palayo sa kanya.

“Hi,” bati naman ng isa pang tinig-babae sa gawing likuran niya. “Ako si Gladys, Ikaw?”

“H-ha, uh, A-antonia ang pangalan ko,” tugon niya. She cleared her throat when her voice came out as a squeak. “Antonia Colmo,” ulit niya.

Kinamayan siya ni Gladys. “Gladys Mendez.” Ngumiti ng pakikipagkaibigan sa kanya bago nagpatuloy. “Huwag mong intindihin si Rona. Sinisante kasi ni boss ‘yan kanina. Pulos palpak kasi ang ginagawa gayong bago pa lang napo-promote.”

Napamaang si Antonia. Gusto niyang maniwala kay Rona kaya medyo umaalma ang utak niya sa panibagong impormasyon na ibinibigay ni Gladys Mendez.

“G-ganoon ba? Ano ba siya dati?” tanong niya kahit na ayaw niyang magpakita ng kuryosidad.

“Sekretarya siya ni Sir Victor dati. Na-promote siya dahil ayaw na sa kanya ni sir. Medyo nahihibang na yata sa matinding tama sa boss namin — este, natin pala, kaya nagkakaroon na ng delusion of grandeur. Nag-iilusyon na si Rona na siya ay boss na rin dito sa opisina,” pagkukuwento ni Gladys.

Tumango-tango si Antonia. ‘Poor Rona,’ bulong niya sa sarili habang ngumingiti nang matipid sa kausap.

“E, sige, ha? Uuwi na ako. Bukas pa ako mag-uumpisa talaga, e. See you tomorrow, Gladys.”

Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit na kay Rona ang simpatiya niya gayong may pagka-antipatika ito sa pakikipag-usap sa kanya.

Paano’y alam niya kung ano ang kategorya ng isang Victor Balmaceda. He was attractive and very, very conceited. A chauvinist male who thought of women as mere playthings, not humans with feelings!

Paglabas niya sa elevator, nagtuloy muna siya sa comfort room. Doon niya kinontrol ang mga emosyon na matagal nang nais humulagpos sa pagkakapigil niya.

She psyched herself in front of the large mirror.

“Hindi ka nasusuklam, Antonia. Hindi ka marunong masuklam, o magalit. Ang galit at poot ay mapanganib na maramdaman. Nagtitila kalawang ang mga ito na sumisira sa katinuan..!” sambit niya, in a fierce tone. Her eyes were sparkling with determination.

Katulad nang dati, dagli siyang nakalma. Kontrolado na uli siya. Kalmado na uli. May bahagyang nginig ang kanyang mga kalamnan ngunit sanhi na lang ng pagod iyon — at gutom.

Sumulyap siya sa suot na relong pambabae. Lunchtime na pala! Lumabas siya ng banyo upang umuwi na.

“Ma’am,” anang guwardiya sa kanya habang bahagyang yumuyukod. “Congratulations!”

Nabigla si Antonia. “Paano mong nalaman?”

“Kinumusta ko kayo sa itaas.” Ngumiti uli sa kanya. “Magandang magpasuweldo si Mr. Balmaceda. Masusulit sa pagod ninyo,” dagdag pa nito.

“Salamat po,” ang magalang na tugon niya. “Uuwi na po ako,” paalam niya bago tuluyang tumalikod dito.

She was pensive as she went home. Maganda ba talaga ang trabahong napuntahan niya? Parang masyadong demanding si Victor Balmaceda bilang amo.

Kinapa ng isang palad niya ang gawi ng kanyang sikmura habang napapangiti nang bahagya.

“Tingnan mo nga naman, pati ang sakit ng tiyan ko ay nakalimutan ko,” wika niya sa sarili.

Parang bigla siyang gumaling! Natakot yata sa bagong boss niya ang karamdaman kanina.

Kinabukasan nga, maaga pa nang lumakad siya papasok sa bagong trabaho. Tumawag siya kahapon nang hapon sa dating opisina upang magpaalam sa boss. Katulad nang inasahan niya, galit na galit ito dahil hindi sinabi ni Mila ang mensahe niya nung umaga.

“You’re fired, Miss Colmo!” hiyaw ng masungit na babaeng amo. Hindi na siya hiningian ng explanation nito.

“It’s okey, Ma’am Cheche,” ang malumanay na tugon niya. “Nagpapaalam lang ako sa inyo.”

Binagsakan siya nito ng telepono ngunit inaasahan niya iyon kaya nailayo na niya agad ang receiver sa teynga niya.

“Nakatingin sa iyo si Sir Victor, Toni,” pahayag ni Gladys, kalapit-mesa lang pala niya dahil sekretarya din ito, pero para sa buong staff ng department na iyon.

Luminga si Antonia at nakita niyang tutoo ang sinabi ng colleague.

“Kailangan kaya niya ako?” pag-aalinlangan niya habang kinakapa na ng isang kamay ang stenopad at lapis sa loob ng malaking drawer.

“Yata,” tugon naman ng tinanong niya. “Ganyan tumawag sa amin ‘yan, e.”

Tumindig si Antonia para magtungo sa bagong amo. “You need something, sir?”

Tumango si Victor. “I need to write more letters, Miss Colmo. Pero gusto kong malaman muna kung tapos na ang orientation ni Gladys sa iyo?”

“Oho, sir. Tapos na, kanina pa. Inaayos ko na lang ang mga papers na naiwan ni, uh, Rona,” paliwanag niya.

Parang lumipad ang mga oras magmula nang pumasok si Antonia sa opisina kaninang alas otso ng umaga. Lumilipad din kasi ang isipan niya. Hindi siya makapaniwalang nakatagpo siya ng trabahong may magandang pasahod — sa wakas.

Handa siyang magpakasipag kahit na parang hindi niya gusto ang epekto ng lalaking amo sa sistema niya.

“Good. Come to my office,” sambit ng boss bago tumalikod.

He strode towards the inner sanctum with his characteristic swagger. Kahit na sa paglalakad, lalaking-lalaki na si Victor Balmaceda.

She pushed the unwelcome observation to the backs of her mind. Hindi niya gustong mapuna ang mga katangian ni Victor bilang isang anak ni Adan.

At age twenty-seven, alam na niya kung paano ang maakit sa isang lalaki. Kaya nga naniniwala na siyang malas din siya sa pag-ibig — katulad ng kanyang ina…

“I’ve got three letters to reply before lunch, Miss Colmo. I’m afraid, wa have to have a working lunch, on your first day here,” umpisa ng lalaki habang dinadampot ang mga sulat na inihatid ng isang messenger kanina.

“Okey lang po, sir,” tugon niya. Naupo siya at naghanda.

“Let’s begin with this one,” sambit nito habang nagpapalakad-lakad na sa pag-iisip.

Dakong alas dose kinse nang maghatid ng coffee and sandwiches ang janitor. “May kailangan pa po kayo, sir?”

“Wala na, Mang Dandoy. Maraming salamat sa inyo,” sagot ni Victor. Nagsalin ito ng kape mula sa takuring alumino. Dalawang tasa para sa kanila. “Kumain ka muna, Miss Colmo. May tatawagan lang muna ako.”

She ate the sandwich while typing the first draft. Tahimik na tahimik sa paligid dahil siya lamang ang empleyadong nanduruon.

She had finished typing three pages before Victor called her back.

“Nakalimutan mo ang iyong kape,” paalala nito habang iniaangat ang platitong may tasa.

Umiling si Antonia. “Hindi po ako umiinom ng kape, sir,” sagot niya. “Baka maging nerbiyosa lang ako.”

“Ganoon ba?” Tila natigilan sandali ang lalaki bago muling nagsalita. “Okey, mag-uumpisa uli tayo.”

Inabot ng uwian ang pagtatapos ng dictation nito dahil sa dami ng mga tumatawag at mga empleyadong pabalik-balik sa loob ng silid ni Victor para magtanong.

Nagliligpit na siya nang muli silang magkausap ni Gladys.

“Kumusta ang first day mo sa amin?” pangugumusta nito, with a friendly smile. “Nakakapagod ba?”

“Hindi naman. Mas relaxed pa nga dito dahil walang nagger,” sagot niya, medyo nakangiti na rin. Nakakawala na siya sa mga intriga. “May pagka-bungangera kasi ang boss naming babae.”

“Hay, may naging boss din akong ganyan. Naku, ang hirap pakisamahan, ano?” Ini-lock ni Gladys ang malaking drawer bago isinukbit ang shoulder bag. “Saan ka nga pala umuuwi? Baka pareho tayo ng sinasakyan.”

“Sa Evangelista ako. Malapit na medyo malayo dito dahil tatlong beses akong nagpapalit ng sasakyan,” pahayag niya. Iniabot niya rito ang bungkos ng mga susi.

“Hindi sa akin ang mga iyan, Toni. Kay Sir Victor.” Kinawayan ni Gladys ang iba pang pang ka-trabaho na sumungaw sa pinto ng fourth floor.

“Girls, halikayo rito. May bago tayong kasamahan. Si Toni Colmo,” pagpapakilala nito sa kanya.

Binati siya ng tatlong babae na pulos mga dalaga pa. Sina Marynette, Violy at Jemma ay pawang mga computer graphic artists.

“Welcome,” bati ni Marynette,” sa aming abang opisina.”

“Sana, magustuhan mo dito,” salo ni Violy.

“Kasabay ka na ba namin sa pag-uwi?” bawi naman ni Jemma.

Si Gladys ang sumagot. “Unfortunately, hindi. Evangelista pa siya.”

“Naku, e di, ang hirap-hirap sumakay papunta dito sa Ayala?” sabad ni Jemma.

“Hindi naman. Kailangan lang nang mas maaga ang pag-alis sa bahay para hindi abutan ng traffic,” wika ni Antonia. “Kay boss ko ba isasauli ito?” paniniyak niya kay Gladys habang ipinakikita ang hawak na keychain.

Click here to READ MORE

Comments are closed.