Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

THE HEART THIEF

Everybody has a mission in life. For work or for love, it’s still a mission.

Oliva dreamed of becoming a law enforcer. She loved danger.

Alejandro was a writer who liked to disguise as a different character to get first-hand experience of a different life.

Here are two people who would cross paths while living their fake lives. Oliva guarded her heart jealously because getting hurt by the dangerous world she lived in would be easy.

But Alejandro was a born charmer. He was magnetic and mysterious. And Oliva could never resist mysteries…

* * *

“Mr. Montero, magandang hapon po sa inyo,” ang magalang na bati ng head waiter na si Juanito.

Lumapit ito agad sa mesa niya nang mamataan siyang papasok ng Restaurant Monte Andro.

“May kasama po ba kayo? Kukunin ko na ang order ninyo.”

Umiling si Alejandro. He lit a cigerette before he answered the old man in the white coat.

“Ako lang ang kakain, Juanito. Serve me my usual plate of steak and onions — well done. A bottle of red wine, semi-chilled. And a large pot of coffee, for dessert.”

Yumukod ang head waiter. “Yes, sir. would you like an aperitif?”

“Give me a glass of scotch on the rocks.” He looked around the room.

His agile eyes observing everything around him. Nothing every bit of informations in his mental memory bank.

“Here’s your scotch, sir.”

Tumango lang si Alejandro.

Isang magandang babaeng nakaupo sa gawing kaliwa niya ang napuna niyang nagpapapungay sa kanya ng mga matang may mahahabang false eyelashes. She even mewled her red lips in a pout, trying to look sultry and seductive.

His mouth curled in distaste before looking away. He sipped his drink while transferring his attention elsewhere, forgetting the flirtatious woman effortlessly.

“Excuse me, handsome,” anang boses-babae na sinadyang maging paos sa pandinig.

His skin crawled as he swiveled his head towards the persistent female.

“What do you want?” he asked her tersely.

Kung nakikilala siya ng babae, mahuhulaan agad nito na malapit na siyang maubusan ng pasensiya kapag ganoon ang tono niya.

Ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagpapa-cute sa kanya.

“Ikaw,” anito habang ngumingiti nang buong tamis. “May I join you? Malungkot kumaing mag-isa, e.”

Umiling si Alejandro. “I don’t want to eat with you, miss.” Tumutol siya nang walang apology. “Puwede bang iwanan mo na ako?”

Parang sinampal ang hitsura ng babae. Namutla ito at kapagkuwan ay namula. “W-what? You’re refusing me?”

Ikiniling niya ang ulo. His hard face remaining blank as he stared at her.

“I don’t want to do anything with you, miss. Get away from me. You’re disturbing my meal.”

Her beautiful mask crumpled into angry lines as her true colors appeared with the humiliation he had inflicted on her.

“Masyado kang concited, Mr. Montero. Ang tingin mo sa sarili mo ay masyadong mataas. Darating ang araw, makakarma ka din!”

After hissing venomous words, she left him without a backward glance.

He just shrugged mentally and continued his silent scrutiny of his fellow diners.

Pag-aari niya ang Monte Andro pero ang nakakakilala lamang na empleyado sa kanya ay ang master chef at si Juanito, parehong imported mula sa Zamboanga.

At mga kakilala niya nang matagal na matagal nang panahon.

He had no friends. Wala siyang tiwala kaninuman upang magkaroon ng malalalim na relasyon sa kapwa.

He regarded any emotions as fickle and shallow. He disliked love the most. It was just a disease and a convenient word to use when a man and a woman wanted to use each other’s body for pleasure.

The woman with fake lashes had chosen a wrong timing. If he had wanted to have sex tonight, he would have accepted her invitation. She looked clean enough to pass his fastidious standard.

Ngunit wala sa mood si Alejandro ngayong gabi. Isang linggo na siyang sinusumpong at nababalisa.

“Would you like to taste the wine, sir?” Pinutol ni Juanito. ang pagmumuni-muni niya sa paglapit nito.

“You do it,” habang nakatingin lang sa ritwal ng bottle-opening. Tumango siya nang matapos ang pagtikim ni Juanito sa kaunting alak na isinalin sa kopita.

“Okey, please, see to it that I won’t be disturbed again,” utos niya sa head waiter habang pasimpleng sumusulyap sa gawing kaliwa niya.

Tumangu-tango si Juanito matapos maintindihan ang ibig niyang sabihin.

“I’ll do what I can, sir,” pangako nito bago lumayo sa mesa niya.

Ilang sandali pa, nawala na sa kanya ang atensiyon ng malalalim na mga mata ng babae. May lumapit ditong isang lalaki na bata at guwapung-guwapo sa suot na blazer and slacks.

Kilala niya ang lalaki. Kitchen-helper iyon ni Pablo, ang chef ng restawran. He made a mental note to give Juanito a small bonus on his next paycheck. An ingenious mind should not be left unrewarded!

Parang nawala-wala ang sumpong ni Alejandro. Medyo maganda na ang timplada niya nang matapos siyang kumain.

Naubos niya ang buong bote ng red wine at medyo malagihay na siya nang dalhan uli siya ni Juanito ng isang shot ng brandy matapos siyang magkape.

“Itawag mo ako ng taksi, Juanito,” utos niya nang makaramdam ng antok.

Kinuha niya ang checkbook sa bulsa ng suot na vest. “Nasaan ang chit ko?”

Maliksing inilabas ni Juanito ang chit. Tinanggap nito ang tseke niya at yumukod na naman bago lumakad palayo.

“Tatawag na ako ng taksi,” paalam nito.

Nagpahatid siya sa isang magulong neighborhood.

Nasa gitna niyon ang lumang apartment na inuupahan niya. Kalilipat lang niya nung isang buwan at bagu-bago pa lamang nasasanay sa ganitong klaseng lugar.

“Heto ang bayad,” aniya sa drayber.

Naalala niyang wala siyang baryang pambayad sa taksi kaya nanghiram siya kay Juanito bago siya sumakay.

“Sa’yo na ang sukli,” dugtong niya bago bumaba.

“Salamat, boss,” tugon ng tsuper, natutuwa na sa tip na bente pesos!

Hindi na kumibo si Alejandro. Kinakapa na niya sa loob ng bulsa ng pantalon ang susi niya sa pinto ng apartment, habang naglalakad sa bangketa.

Malapit na siya sa pinto niya nang mapalinga siya sa kaisa-isang kapitbahay na babae, isang matandang dalagang nag-iisa rin sa tirahan. Kaya siguro nerbiyosa at masyadong malikot ang imahinasyon.

“Inakupo! Napakapula ng mga mata niya!” bulalas ng matanda matapos siyang matitigan sandali. “Bampira nga pala!”

Tumaas ang mga kilay ni Alejandro. His wry sense of humor was being aroused as he realized that he was frightening his nosy neighbor with his blood shot eyes.

He uttered a low growl as he bared his white, even teeth without looking at the old maid.

Dali-daling umalis sa tapat ng bintana ang kapitbahay at pasalyang isinara ang salamin.

Tatawa-tawa si Alejandro hanggang sa makapasok siya ng kuwarto niya. Hindi maganda ang birong ginawa niya but he couldn’t resist the chance to give the old lady a small lesson.

Magmula nang lumipat siya sa katabing apartment nito, palagi na lamang siyang sinusubaybayan ni Aling Louella. Para bang wala itong magawa sa buhay.

At hindi niya kailangan ang isang pakialamera para matapos ang nobelang isinusulat niya!

Nahulasan siya nang matapos maligo. Habang nagsusuklay at naninigarilyo, nakatanaw siya sa labas ng bintana.

Pinapanood ang mga naninirahan sa squatter’s area na nasa kabilang kalsada.

“Their lifestyles are miserable but they seemed happy enough,” bulong niya sa kanyang sarili.

Hindi katulad ko…

Pumiksi si Alejandro. Labas ang sarili niya sa bawa’t nobelang nagagawa niya. He was always an observer. He wrote his stories in an omniscient point of view.

Binuksan niya ang kanyang computer at nagsimulang magsulat ng mga naiisip niya. He’s still in the process of gathering datas and information. Wala pa siyang umpisa sa librong binabalak niyang sulatin.

Dakong alas tres na ng madaling araw nang antukin si Alejandro. Nakaubos na siya ng kalahating kahang sigarilyo at isang kahon ng mga naka-sachet na instant coffee with sugar and cream.

He dragged himself to the waiting bed and fell deep in a restless sleep. Siya ang taong kahit na sa pagtulog ay tila walang matagpuang kapayapaan at kapahingahan ng isipan.

“Auntie Louella? Auntie Louella!”

Paulit-ulit ang pagtawag ni Oliva sa tiyahing matandang dalaga habang kumakatok sa pinto ng apartment na tinutuluyan nito sa napakahabang panahon na.

“Sino ‘yan?” tanong ng mahinang tinig mula sa kabilang panig ng manipis na dahon ng pinto.

“Si Oliva po, Auntie. ‘Yong anak ng kapatid n’yong si Danding,” tugon niya habang nakadikit ang pisngi sa plywood na may pinturang pula.

“Auntie Louella? Kayo po ba ang nakatira dito?”

Dahan-dahang bumukas ang pinto upang sinuhin siya ng nasa loob.

Nag-alala si Oliva sa hitsura ng tiyahin. Tila putlang-putla ito at takut na takot ang mga mata.

“O-oliva! Ikaw nga,” anito. Parang hihimatayin ang tono ng nanginginig na boses.

“Okey lang kayo, Auntie?” tanong niya habang sinisipat nang walang kakurap-kurap ang kaharap. “Mukhang maysakit kayo, a?”

Umiling ang tinanong niya.

“Hindi, wala akong sakit. Tuloy ka, iha,” pag-aaya nito.

Tinulungan siyang magbuhat ng dala niyang malaking maleta at medium-size na travelling bag.

“Saan ba ang punta mo at tila napakarami mong dala?”

Hindi muna tumugon ang dalaga. Tinitigan pa muna niya uli nang mataman ang kamag-anak. Medyo normal na uli ang anyo nito. Nagbalik na ang mapusyaw na kulay ng kulubot na balat.

“E, dito po ako pinapunta ni Tatay para makituloy sa inyo habang nagme-major ako sa kursong tinapos ko na sa probinsiya. Kailangan ko po kasing dagdagan ang credentials para matanggap ako sa trabahong gusto ko.”

“Ang ibig bang sabihin ng Tatay mo, dito ka titira habang nag-aaral ka?” ulit ng kausap habang kumukuha ng pitsel sa ref.

Tumango si Oliva. Medyo nag-aalangan. Isang matandang dalaga ang tiyahin niya.

Matagal-tagal ding hindi niya nakita ito kaya hindi niya alam kung anong klaseng ugali mayroon ito. Pero ang stereo-type characters ng mga spinster ay masungit at sumpungin…

“Kung papayag lang kayo, Auntie. Mas gusto ko nga pong mag-dorm na lang para hindi masyadong malayo sa eskuwelahang papasukan ko pero — ”

“Pero mali iyon, iha,” pakli ni Auntie Louella, nakangiti na. Tila masayang-masaya sa pagdating niya.

“Gusto kong dito ka na tumira, Oliva. Medyo nalulungkot na rin akong mag-isa.”

Oliva felt relieved. “Thank you very much, Auntie.” Malaking katipiran sa budget ng board and lodging niya ang pagpayag ng tiya.

“Makikihati pa ako sa upa ng bahay at bayad sa ilaw at tubig,” dugtong pa niya.

Nagpakatanggi-tanggi si Auntie Louella.

“Naku, naku, huwag na, anak. Kayang-kaya nang bayaran ng Auntie ang mga gastusin dito sa bahay.”

Umiling din si Oliva.

“Naku, naku, Auntie. Hindi po puwede dahil malakas akong kumain at mahilig akong maligo. At mamalantsa at manood ng T.V., makinig ng radyo, etsetera, etsetera,” pakli niya.

Napatunganga sa kanya ang kausap dahil sa bilis niyang magsalita.

“Aba, pamangkin! Puwede ka palang abogado, a?” sambit nito.

Yumukod ang dalaga at ngumiti nang buong tamis.

“Maraming salamat po, Tiya Lorlinda. Ganyang kurso nga ang kukunin ko dito sa Manila,” ginamit niya nang pabiro ang tunay na pangalan ng tiya at ang punto nila sa probinsiya.

“Aba’y kagaling ninyong manghula!”

Humagalpak ng tawa si Auntie Louella. Tuluyan nang nabura ang paranoid expression nito kanina.

“Naku, komedyante pala itong pamangkin kong ubod ng ganda! Hala, halika na sa itaas, baka pagod na pagod ka sa biyahe. Magpahinga ka muna habang naghahanda ako ng tanghalian natin.”

“Huwag na kayong mag-abala para sa akin, Auntie. Hindi ako maselan sa pagkain. Kahit na ano, kinakain ko.”

“Kumakain ka ba ng sinigang na bangus? Iyan ang menu ko ngayong araw na ito.

“Aba, opo. Damihan n’yo lang po ng siling haba. Po?”

“Tumawa uli ang matandang dalaga. “Pareho pa pala tayo ng paborito. Tiyak na magkakasundo tayong dalawa!”

“Dito po ba ang kuwarto ko?”

“Oo. Pasensiya ka na sa makapal na alikabok, ha? Hindi ko naman kasi alam na may darating pala akong bisita. Teka’t tutulungan kitang maglinis.”

Nagkalabugan ng katakut-takut sa loob ng munting silid na ginawa nang bodega ni Auntie Louella.

“Hindi kaya kayo mapuwersa niyan, Auntie?” pag-aalala ni Oliva nang magpanay-panay ang pagpapagulong ng matanda ng mga kahon sa hagdan. Napapangiwi siya sa ingay na nililikha nito.

“Atsaka po, baka magiba na ang bahay n’yo?”

Pinagkiskis pa nito ang mga palad habang kumikindat sa kanya.

“Mas maganda kapag maingay, iha. Umaalis ang mga maligno.”

Napamaang si Oliva sa sinabing iyon ng tiya.

“Meron bang maligno dito sa Maynila?”

“Meron,” tugon nito, pasikreto pa.

Napailing-iling na lamang ang dalaga.

“Ako na lang po ang magbubuhat ng mga iyan,” prisinta niya nang makitang papalapit ang tiya sa malalaking kahon na puno ng mga lumang libro.

“Hindi po ba’t magluluto na kayo ng tanghalian? Baka ho malipasan tayo ng gutom,” paalala niya.

“Ay, oo nga pala, ku, pasensiya ka na sa akin at may pagka-ulyanin na ako. Sige, magsasaing na ako, Basta, ipagbabalibag mo na lang ang mga iyon dine sa ibaba, ha?”

Tumango na lang siya kahit na wala siyang balak na sundin ang nais nito. Baka mawalan sila ng hagdan!

Nasa akto siyang nagkakalas ng mga tabla at kahoy na ipinako sa mga bintanang salamin nang may kumatok sa dingding, mula sa kabilang apartment.

“Hoy! Ang ingay-ingay n’yo diyan! Magpatulog naman kayo!” anang galit na boses ng isang lalaki.

Nagulat si Oliva kaya napahinto siya. Dinatnan siya ng tiyahin na natitigilan sa kinalalayuan.

“Huwag mong intindihin ang maligno, Oliva. Mag-ingay ka pa nang mag-ingay para lumayas na siya diyan!” utos nito habang nanlalaki ang mga mata.

Panay ang turo ng daliri sa panig na pinanggalingan ng mga reklamo, while speaking in a hushed tone.

“Ano po, Auntie?” She whispered back disbelievingly. “Maligno? Diyan sa kabila?”

“Oo, tugon ng tiya, pabulong pa rin. “Tuwing gabi lang kung lumabas iyan. Hatinggabi na kung bumalik, tapos ang pula-pula ng mga mata. Mukhang bampira!”

“Bampira? May pangil ho ba siya?” She asked innocently.

Hindi naniniwala si Oliva ngunit gusto niyang malaman ang dahilan ng genuine fear nito. Talagang naniniwala ang matanda sa kung anumang kinatatakutan nito.

“W-wala akong nakita, er, pantay-pantay naman ang mga ngipin niya. Ang puputi pa nga, e. Kaya lang — ‘yun nga — tuwing gabi lang kasi siya lumalabas diyan. Ni minsan, hindi ko pa nakitang umalis nang araw iyan, para pumunta sa tindahan o sa palengke. Ano sa palagay mo ang kinakain niya para mabuhay?”

“Katulad nga nga sabi n’yo, lumalabas siya sa gabi. Baka sa labas siya kumakain? Atsaka, baka naman lasing lang nang makita n’yong pulam-pula ang mga mata?”

Natigilan si Auntie Louella. Natutop nito ang bibig sabay wikang.

“Oo nga, ano?”

Ngumiti si Oliva.

“Ikaw talaga, Auntie. Masyadong malikot ang imagination ninyo. Kung anu-ano tuloy ang mga naiisip n’yo diyan,” ang malumanay na paalala niya rito.

“Kuu, pasensiya ka na sa akin, ha?” anito, medyo normal na ang tono ng boses.

“Itutuloy ko na ang ginagawa ko sa ibaba. Tumawag ka lang kung kailangan mo ng tulong, ha?”

“Opo, Auntie,” aniya. Nagbalik siya sa ginagawa nang mas maingat at mas tahimik.

Habang nagtatrabaho siya, nakikiramdam siya sa kabilang apartment. Hindi na naulit ang pagsigaw ng lalaki, hanggang sa matapos siya.

“May folding bed ako dito sa ilalim ng kama ko, Oliva. Iyon na lang muna ang gamitin mo.”

“Puwede na po ako sa sahig, Auntie. Maglalatag na lang ako ng banig at kumot. May dala akong kulambo diyan sa maleta ko,” pahayag niya habang nagpapagpag ng mga pantalon bago i-hanger.

“Limang minuto na lang, kakain na tayo, ha?” wika nito matapos rekisahin ang bintanang inalisan niya ng tabing.

“Opo,” sagot niya. “Tapos na nga po ako. Mamaya ko na lang itutuloy ang ginagawa ko.”

“Mas maganda kung gayon. Ano ba ang iha-hanger mo?”

Tinulungan siya nito kaya mabilis na natapos ang gawain.

Kumakain na sila nang muling mabuksan ang tungkol sa pag-aaral niya.

“Kailan ka magpapa-enroll?”

“Sa isang linggo pa ho ang enrollment. Medyo napaaga ako ng pagluwas.”

“Mas mabuti na rin ang napaaga ka para makapag-settle down ka muna bago magpasukan. Saan ka ba mag-e-enroll?”

“E, tatapusin ko po ang hindi natapos na mga subjects ko sa kursong Criminology sa probinsiya.”

“Akala ko’y natapos mo na ikamo? Magme-major ka na lang,” taka ng kausap niya. Matalas pa pala ang memorya ng matanda.

“Marami pa kasing skills ang hindi kasama sa training sa probinsiya, katulad ng target-shooting at computerized police investigation method. Naisip kong mas magiging epektibo ako sa trabaho kung modern ang mga kaalaman ko. Pagbalik ko sa amin, puwede kong ituro sa mga kasamahan ko doon na hindi makaluwas dito para mag-aral uli.”

Tumango-tango ang tiya.

“Ganoon ba? Bakit naman pagpupulis pa ang nagustuhan mo?”

“Ewan ko po ba kung bakit bilib na bilib ako sa mga napapanood kong police character sa mga pelikulang suspense thriller.”

Tumawa si Auntie Louella.

“Alam mo, kung hindi lang ako masyadong duwag ‘nung kabataan ko, tiyak na nagpulis din ako. Aba’y hilig ko na rin ang manood ng mga pelikulang aksiyon noon, a?”

“Hindi naman po kayo duwag, Auntie. Napakatapang n’yo nga po dahil nakatira kayo nang mag-isa sa ganitong klaseng lugar.”

“Mababait naman ang mga karamihan diyan sa squatter’s area. Hindi naman lahat ay halang ang bituka. Atsaka may pinipili din sigurong kakataluhin. Alam naman nilang wala akong maraming pera. Umaasa lang ako sa kinikita ng time deposit ko buwan-buwan.”

“Bakit hindi na lang kayo umuwi sa probinsiya natin? Nag-aalala din sa inyo si Itay.”

Tumawa lang ang tiyahin sa sinabi niya.

“Saka na lang siguro kapag mahinang-mahina na ako. Parang hindi ko na kayang mamuhay sa lugar na ubod nang tahimik at kay agang matulog sa gabi.”

Natawa na rin si Oliva.

“Pareho po pala tayong mahilig sa nightlife, Auntie. Ano naman ang mga gimik n’yo rito?”

Auntie Louella looked sheepish habang inaamin ang hindi nito paglabas ng bagay sa gabi.

“Nanonood lang ako palagi ng VHS kung gabi.”

“E, di ngayong may kasama na kayo sa pamamasyal, makakapunta na uli kayo sa mga lugar na paborito ninyo?”

“Kung hindi makakaabala sa iyo, iha.”

“A, hindi naman po, Auntie.”

Click here to READ MORE

Comments are closed.