The Hostage Heart-1

Alana was a spoiled little rich girl who was bored to death with being wealthy and yet not free on doing what she wanted.

Leon was an outlaw who could make things happen by sheer willpower even without freedom.

Kahit labag sa kagustuhan ng mga magulang, nagpunta si Alana sa kanilang probinsiya.

Na-kidnap siya at tinangay sa kabundukan. Si Leon na isang bandido ay mayroon naman palang magandang layunin kaya ginawang hostage si Alana.

Ngunit tila pati ang puso ng dalaga ay na-hostaged na rin.

Paano magkakaroon ng kinabukasan ang pag-ibig kung walang kalayaan?

* * *

Isang malakas na suntok ang pinawalan ng malaking kamao ni Leonardo Bueno.

Mas kilala sa alyas na Ka Leon, ang kilabot na lider ng mga tulisan na naninirahan sa Bundok Maya-Maya.

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Tumalsik ang lalaking tinamaan sa panga. Napuruhan yata agad. Hindi na ito bumangon nang pabagsak na tumihaya sa putikan.

“Magtatanda na ang tarantadong ‘yan,” wika ni Leon, paangil.

Bumaling siya sa dalagang nanginginig sa takot.

“Hindi ka na babastusin niyan, Inday,” he reassured the young woman gruffly.

“Umuwi ka na. Baka hinihintay ka na ng mga magulang mo.”

“O-opo, maraming salamat po,” sambit nito bago tumalikod sa kanya.

Nahawi ang mga tauhan niyang nakapalibot para padaanin ang babae.

Walang anumang dinampot niya ang sumbrerong yari sa buli. Pinagpag niya iyon sa hita bago isinuot.

It was a battered straw hat. Para bang nasagasaan na ng maraming beses gayong kabibili lang niya kahapon.

“S’an tayo ngayon, Ka Leon?” tanong ng isang tauhan na nagsisilbing kanang-kamay niya.

“Sa bahay ni Ka Istong,” he replied succinctly.

“P’ano ‘tong gagong ‘to?” tanong ng isang tagaroon.

“Sabuyan n’yo ng tubig para magising. At pagsabihan n’yo uli,” utos niya bago tumalikod.

Nagsisunuran ang mga kasama nila nang magpauna siya sa paglakad patungo sa makapal na kawayanan.

Binabaybay nila ang paliku-likong sapa nang may marinig silang malalakas na pagibik ng isang babae.

Naabala sila ng ilang minuto ngunit balewala iyon. Basta’t nakatulong naman sa kapwa.

Magmula nang pumuga siya mula sa Iwahig Penal Colony, may labinlimang taon na ang nakakaraan–naging patakaran na niya sa buhay ang tumulong sa iba.

Kaya naman kahit na ilang beses pang suyurin ng mga sundalo ang kabundukang pinagtataguan niya, hindi talaga siya matagpuan.

He had been hiding, or ‘staying secretly’ rather, in those mountains for twelve years now.

Beinte tres anyos siya nang masentensiyahan ng habambuhay dahil sa kasalanan na hindi niya ginawa — ang manggahasa at ang pumatay.

Beinte kuwatro anyos siya nang tumakas mula sa bilangguan dahil ilang ulit na pinagtangkaan ng mga kakosa ang kanyang buhay.

Sa hindi malamang dahilan, mayroong taga-‘itaas’ na mainit ang dugo sa kanya.

Gusto siyang ipatapos.

Napadpad siya sa Bundok Maya-Maya, kasama ang limang kasamahan na sumabay sa kanyang pagtakas sa ‘loob’.

Matapos ang labindalawang taon, wili na silang manirahan doon.

His group was regarded by the people as the local Robinhood.

Twice a year, they robbed a bank or a rich man’s house. Naging tradisyon na nila ang bigyan ng kahati ang mga mahihirap na taga-nayon.

Sinisikap nilang magbayad sa mga kasalanang nagagawa.

Paminsan-minsan, nagiging ‘soldiers of fortune’ din sila sa ibang bansa.

Leon did not want to kill his fellow Filipinos.

Naka-labinlimang biyahe na sila sa Middle East.

They had been recruited by the Western forces, kapag mayroong kairingan ang mga Amerkano sa mga bansang nasa Gitnang Asya.

Ang pinakamatagumpay ay nung giyera ng Iraq.

Kumita sila ng malaki noon. He promptly put the larger part of the group’s money in a trust fund for penniless but bright students.

Kaya sila nakulong at nahatulan ng mga kasamahan noon ay dahil sa kulang sila sa aral.

Kaya ngayon, nagkakaisa sila sa grupo, pagdating sa pagtulong sa mga mahihirap na mag-aaral.

Ginawan ni Leon ng paraan ang kanyang kawalan.

Bumibili siya ng mga librong intelektuwal at nag-aaral mag-isa.

After a long time of tireless and constant self-study, kapantay na ng isang abogado at ng isang military man ang laman ng utak niya.

“Bosing, ayun na ang bahay ni Ka Istong,” balita ni Larry, ang kanang-kamay.

Naputol ang paglalayag ng isip niya.

“Tingnan mo kung nandiyan na siya,” utos niya. “Dito lang kami sa di-kalayuan.”

Kahit na malaki ang tiwala niya kay Ka Istong, hindi pa rin nawawala ang dobleng pag-iingat na nakasanayan na.

“Yosi ka muna, boss.”

Tinanggap niya ang sigarilyong iniabot sa kanya.

Kinipit niya sa pagitan ng mapuputing ngipin ang filter habang dinudukot sa bulsa ang Zippo lighter.

Souvenir pa iyon ng isang sundalong Kano na nailigtas niya nung panahon ng giyera.

Hindi pa nangangalahati ang sigarilyo, bumalik na si Larry.

“Papunta na rito si Ka Istong,” pahayag nito.

“Sige, pumaikot na kayo sa lugar na ito.” Ibinigay niya ang sigarilyo sa katabing tauhan. “O, Baste, iyo na ‘yan.”

Masasabing si Leon ang tanging tigasin na walang bisyo.

Bihira siyang manigarilyo at uminom. Pati sa pambababae.

Malinis siya sa katawan kaya maingat din siya sa pagpili ng makakasiping.

“Magandang gabi, Kaibigang Leon,” bati ni Ka Istong, ang kinikilalang pinuno ng mga Sakada.

“Magandang gabi rin. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo, Kaibigang Istong?”

Isinenyas ng matandang lalaki ang isang punso na nasa lilim ng isang mayabong punong-mangga.

“Maupo tayo dito, kaibigan,” aya nito.

Tumalima si Leon. Naiintindihan niyang nais nitong magtago sa mga matang mapanubok.

“Ano’ng problema n’yo dito, Ka Istong?” tanong niya agad nang nakaupo na sila. Ayaw niya ng maligoy na usapan.

Bumuntonghininga ang kaharap.

Hindi man niya maaninag nang husto ang mukha nito, nababakas naman niya sa boses ang mabibigat na problemang dinadala sa kalooban.

“Marami kaming problema dito. Pero iisa lang ang ugat na pinagmumulan–si Bruno Salvis.”

“Si Bruno Salvis,” ulit niya. Hindi na siya nagulat.

“Tinaasan niya ang buwis namin. Pati ang interes ng mga pautang sa amin. Inalis rin niya ang malinis na tubig, pati ang mga daan na patungo sa kabisera.”

Inisa-isa ni Ka Istong mga anomalya ni Bruno Salvis.

“Nabalitaan ko na ang mga ‘yan, Ka Istong,” pahayag niya.

“At inaasahan kong mayroon na kayong naiisip na solusyon.”

THE HOSTAGE HEART-2

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.