The Hostage Heart-11

Nang lumabas si Dalena, madilim ang ekspresyon nito.

Para bang naglalatang ang galit sa dibdib.

Inaasahan niyang magpapakita ng selos si Dalena — kahit na malimit nitong sabihin na hindi ito magseselos sa ibang babae.

“Ano’ng ginagawa ng batang ‘yon dito, Leon?”

Nang-uusig ang tono nito — hindi nagseselos.

Leon flinched from the term ‘bata’ mentally.

“Bisita ko siya dito, Dalena,” pahayag niya.

“Sinabi niyang dinukot mo raw siya mula sa plantasyon ni Don Paolo,” pakli ni Dalena.

He did not like the feeling of being accused ngunit kailangan niyang tanggapin ang pagkakamali.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Tama ang sinabi niya.” Napilitan siyang umamin.

“At balak mo siyang ipatubos?”

Tumango uli si Leon.

“Kailan ka pa naging kidnapper, Leon?”

Puno ng akusasyon ang mababang tinig ni Dalena.

Suklam na suklam ito sa kanya. Para bang hindi sila nagtalik kanina.

“Hindi ako ang may gustong gawin ‘yan, Dalena. May mabigat na dahilan.” Muli siyang napilitan na magpaliwanag.

Tinitigan siya ni Dalena nang matagal.

He stared back at her unwaveringly.

Ito ang unang nagbaba ng tingin.

“May palagay akong nakita niya tayo kanina, Leon,” wika nito. Mas malumanay na ang tono.

Napamaang si Leon. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ng kaharap.

“Paano mo nasabi ‘yan?”

May gumapang na pamumula sa mukha at leeg ni Dalena.

“Hindi ko masabi pero alam kong tama ang hinala ko.”

“Does it bother you?”

“Of course!” She moved away from the table agitatedly.

“Bigla akong napahiya sa sarili ko,” pag-amin nito.

Halos hindi na niya marinig dahil mahina ang pagsasalita.

“You surprise me, Dalena,” kunwa’y pagwawalambahala niya. “We’re a bunch of outlaws. Wala nang puwang ang pagkapahiya.”

Itinuwid ni Dalena ang mga balikat at itinaas ang noo.

“Ewan ko sa ‘yo, basta ako parang ayaw ko na. Ito na ang huli,” ang mariing wika nito. “Paalam, Leon.”

Her goodbye was said quietly and seriously.

“Seryoso ka ba, Dalena?” Leon tried to look sad even though he was feeling relieved.

He wanted a clean break, although they did not have a formal relationship.

Alang-alang kay Larry, ibig niyang maghiwalay sila ng babaeng ito nang walang samaan ng loob.

“Yes, I am,” ang walang gatol na tugon ni Dalena.

“It was good while it lasts. Maraming salamat sa lahat, Leon. You’re a horny man but you did not treat me bad. Thank you.”

“Still friends?” Inilahad niya ang isang palad.

Tumango ang babae at pilit na ngumiti, habang tinatanggap ang pakikipagkamay niya.

“I’ll be your friend for always,” she said firmly. “Utang ko sa ‘yo ang buhay ko – at ang kalayaan ko. Maraming salamat.”

“Thank you and you’re welcome,” he expressed as he gave her a solemn smile.

“Buweno, puwede na ba kitang maiwan?” She returned to her usual brisk self. “May gagawin pa ako sa amin.”

“Okey. Ako na ang bahala dito,” wika niya. “Sige na. Huwag mo na akong alalahanin.”

Tumindig si Leon upang ihatid ang babae hanggang sa pintuan.

Papalabas na ang babae nang may maalala siya.

“Dalena?”

Hindi ito lumingon kaya hinawakan niya ito sa magkabilang balikat upang iharap.

May luhang namumuo sa mga mata ni Dalena.

“Umiiyak ka. I’m sorry,” pang-aalo niya. “Ang sabi mo, hindi ka masasaktan?”

“Hindi ko sinabi ‘yan, Leon,” she cut in with a sob.

“Puwede bang hayaan mo na lang ako?” Tinangka nitong pumiglas ngunit hindi niya pinawalan.

“Hindi kita puwedeng pabayaan nang ganyan ang hitsura mo, Dalena. Ano na lang ang sasabihin ni Larry?”

“O ng inutil na asawa ko,” dagdag nito.

“Bakit hindi mo binabanggit si Noel kahit na minsan? Alam mo namang payag siya sa relasyon natin, hindi ba?” May bahid ng pambubuska ang tono ng babae.

“Dalena, magpakahinahon ka,” wika ni Leon.

“Sagutin mo ako, dammit!”

“Hindi ko siya binabanggit dahil baka hindi mo gustong maalala ang tungkol sa kanya habang magkasama tayo,” paliwanag niya.

“Tama ka,” she agreed sadly.

“Ayaw ko siyang isipin dahil ayaw kong makita ang kasalanang ginagawa ko.”

Napamaang si Leon. “Matagal mo na bang iniisip ‘yan?”

Umiling si Dalena. “H-hindi… Ngayon lang — nung nakaharap ko ang babaeng nasa silid mo.”

He was more perplexed with the candid admission.

“Bakit? Ano ba ang ginawa sa ‘yo ng babaeng bihag?”

Nakakalma na uli si Dalena.

“Mahirap magpaliwanag, pero subukan mong titigan ang mga mata niya para malaman mo kung ano ang ibig kong sabihin, Leon.”

Kumunot ang noo niya. Nakipagtitigan na siya sa bihag.

At nakaramdam nga siya ng kakatwa.

Ngunit hindi naman sumagi sa kanyang isipan ang mga nagawang kasalanan.

“Gagawin ko ‘yan,” patianod na lang niya. “Okey ka na bang talaga?”

He eyed her critically. Ibig na niyang makatiyak. Baka magkaroon pa ng nervous breakdown ang isang importanteng miyembro ng grupo niya.

“Ihahatid na kita, Dalena,” aniya matapos mag-isip sandali. “Para maibilin ko kay Noel na kailangan mong magpahinga.”

Dalena laughed out loud mirthlessly.

“Ngayon mo pa ako ihahatid? Samantalang ang tagal-tagal na nating — ”

“Wala na tayong malisya sa isa’t isa. Magkaibigan na lang tayo, hindi ba?”

The brittle cheerfulness on her expression faded into a transparent longing.

“Kahit noon naman, magkaibigan lang tayo, Leon. Nagtatalik tayo pero wala naman tayong malalim na damdamin para sa isa’t isa. We never made love, we always had just sex.”

After delivering her short speech, nagpauna na sa paglakad si Dalena.

Wala na silang imikan habang daan.

Nag-iisip si Leon. Tumimo sa kanyang utak ang mga sinabi ni Dalena.

Nasa kabilang panig lang naman ng hugis-saging na kuta ang lugar nito.

Sa unang tingin, parang silang dalawa lang ni Dalena ang okupante ng bahaging ito ng kabundukan ngunit ang tutoo, mayroong isang daang mahigit ang populasyon nila rito.

Pawang nasa loob lamang palagi ng maluluwang na kuweba sa tiyan ng bundok.

Mistulang isang munting bayan na hindi nasisikatan ng araw ang matatagpuan sa kabila ng mga mumunting butas na natatabingan ng mga kurtinang halaman.

Ito ang sikreto nila kaya hindi sila matagpuan ng mga naghahanap na awtoridad.

He had been in a pensive mood when he went back to his cave room.

Iniisip pa rin niya ang rebelasyon ni Dalena.

At tila napakaaga naman ng karma niya.

Iniisip pa lang niyang galawin ang babaeng dinukot sa plantasyon, binabawian na siya agad.

THE HOSTAGE HEART-12

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.