The Hostage Heart-12

Ngunit ano nga bang meron ang babaeng iyon? Bakit pati si Dalena, napagbago na lang bigla?

Or had he been too rough with her?

Leon was heaving a sigh when he entered his cave.

He nodded his head to the two guards in automatic greeting.

“Ka Leon, nandito kanina si Ka Larry,” pahayag ng isa.

“May dala siya. Heto, o.” Iniangat ng ikalawang bantay ang itim na haversack.

“Salamat,” wika niya matapos kunin ang iniabot sa kanya.

Itinulak niya ang pintong yari sa solidong kahoy.

Siya lamang at si Larry ang may nakabukod na kuweba at lagusan.

Tiwala siyang pumasok sa loob. Hindi niya inakalang may panganib na naghihintay sa kanya.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Pagkasara niya sa dahon ng pinto, sumulpot ang babaeng bihag upang daluhungin siya.

Hawak nito sa dalawang kamay ang isang balaraw na nakatago palagi sa ilalim ng unan niya.

Bahagya na lang niyang naiilag ang sarili. Ga-sinulid lang ang layo ng matalas na dulo sa kanyang dibdib bago siya nakaiwas.

Maagap niyang hinuli ang mga kamay ng babae. Pinisil niya nang mariin ang mga daliri kaya nabitiwan nito ang hawak na sandata.

Sandali lang ang naging tunggalian ng hindi pantay na lakas.

“Bitiwan mo ako, hayop! Animal!”

Nagwala ang babae. Sinuntok siya ng mga munting palad na nakakuyom. Binayo nang malakas sa dibdib at mga balikat.

Her strength was puny compared to his, but her pluck and perseverance could put enough damage to him.

She clawed at his eyes and kicked at his shin.

Nakapaghanda na ito nung wala si Leon.

Isinuot nito ang isang kamiseta niya at pantalon, pati ang mga bota niyang may matitigas na takong, kaya nasaktan siya nang matamaan.

He grunted with pain.

“Stop it, you little wildcat!” bulalas niya, pagalit.

Ngunit hindi huminto ang babae.

Nakapulupot na ang mga braso niya sa malambot na katawan ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagpupumiglas.

Mistula itong isang mailap na hayop na naging mabangis nang mahuli.

Buong diin siyang kinagat nito sa dibdib.

Umigtad si Leon palayo ngunit nanatiling nakakapit ang mapuputing ngipin sa balat niya.

“Ouch! Damn you, woman. I said stop it!” Napadaing siya sa matinding sakit.

Napilitan siyang bitiwan ito upang pasabunot na hawakan sa buhok.

Kusang bumitaw ang babae. Pahaklit nga lang.

Kaya pakiramdam niya, napunit ang balat niya.

He yelped with the sudden pain. Nabunot pa yata ang ilan sa mga balahibo niya.

May pam-finale pa pala ang babae. Bago siya tuluyang nilayuan, umigkas pa ang isang tuhod nito.

Sapol siya ‘doon’.

Akala ni Leon, natapos na ang mundo nang umikot ang paningin niya.

His knees buckled as he went down heavily.

‘Sweet Jesus, she attacks like a pro!’ bulong niya sa sarili.

Hindi na siya tuminag nang bumagsak sa sahig.

Kunwa’y nawalan siya ng malay-tao.

Ilang mahahabang sandali ng pakiramdaman ang lumipas.

Nanatili siyang walang tinag, kahit na alam niyang papalapit na naman ito.

Naramdaman niya mga hakbang nito dahil sa suot na malalaking sapatos.

“L-leon?”

Muntik na niyang maipagkanulo ang sarili nang marinig ang pagsambit nito sa pangalan niya.

Her voice was melodious and inviting.

“Leon,” ulit nito. “Leon!” Mas matigas na ang tono.

She prodded her with the toes of the black boots.

Bigla siyang umatake. His right hand snaked out to catch her leg.

Nawalan ito ng balanse. At tuluy-tuloy na bumagsak.

Isinahod ni Leon ang sariling katawan upang hindi ito gaanong masaktan.

She fell on a him like a heap of downy feathers.

Napakalambot talaga ng katawan ng babaeng ito! bulong niya sa sarili.

Kung hindi siguro siya pagod na, tuluyan nang mawawala ang kontrol niya sa bumabangon na pagnanasa.

Niyapos niya ito nang mahigpit kahit na hindi pa nagpupumiglas. He rolled over to put her neatly under his body.

Their eyes met.

And clashed.

Matagal ang pagtatagis ng kanilang mga mata. Para bang mayroon silang inaarok sa isa’t isa.

Her eyes were deeper and harder to delve than he had expected.

Hindi niya inaasahan na magiging malalim ang karakter ng babaeng ito. Anak-mayaman kasi ito.

Ang hinahanap niya ay ang sinasabi ni Dalena. Ngunit wala siyang makita.

“Ano’ng pangalan mo?” tanong niya, makaraan ang ilang minuto.

Her eyes narrowed with blatant distrust.

“Hindi mo ako kilala?” paniniguro nito. “Dinukot mo na ako’t lahat, hindi mo pala ako kilala?” Parang naiinsulto ang tono.

Leon would have liked to kick himself for that foolish blunder.

“Forget I asked,” he cut in tersely.

Madali lang niyang malalaman kung ano ang pangalan ng babaeng ito. Naalala niya ang handbag na dinampot niya sa kuwarto nito kagabi.

She did not speak again but the cunning light remained behind her thick lashes.

Naulit ang pagtutunggali ng kanilang mga isip ngunit saglit na lang ang itinagal.

Leon had to force himself to stop staring at her.

Parang gusto na niyang makalimot habang dumadaan ang mga sandali.

Para bang may magnetong humihigop sa kanya habang nakatitig siya sa babaeng ito.

She was like the sea, unfathomable and mysterious.

Parang gusto niyang sumisid at sukatin ang lalim.

O tuklasin ang mga sikreto at misteryo…

Damn! He felt like a green teenager again!

Ibang klase ang mga sensasyon na nililikha ng babaeng ito. Gayong ang mga mata pa lang ang ginagamit.

Paano na kaya kung pati ang katawan ay gamitin na? Maging alipin na kaya siya nito?

He evaded the disturbing thought.

Minabuti niyang bumangon na para mailayo ang sarili sa panibagong kalituhan.

He did not want to be a participant to anymore emotional scenes, just like he just had with Dalena.

He wanted to limit his contact with women on a purely physical footing.

Kapag ang babaeng ito ay mapapasakanya, gusto niyang maliwanag na ang dahilan.

Hinila siya ni Leon para makatayo.

Na ikinagulat ni Alana dahil hindi niya inaasahang matatapos lang nang paganito ang paghahamok nila.

She had done everything to win the fight with him.

But he was truly more superior than her.

Kinuha ng lalaki ang tumalsik na balaraw at walang anumang isinuksok nang malalim sa isang lamesitang yari sa kahoy na pinakinis nang manuwal.

Dinampot din nito ang isang itim na bag mula sa sahig.

THE HOSTAGE HEART-13

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.