The Hostage Heart-13

Dumukot ang isang kamay ni Leon sa loob ng bag at paglabas ay may hawak nang mga personal na gamit ni Alana.

Her frustration was replaced by gratitude.

“Salamat,” sambit niya matapos tanggapin ang nakabalumbon na mga damit.

“Magbihis ka na. Nandoon ang banyo.”

Itinuro nito ang bahaging nakatago na katabi ng kusina.

She knew that it was a bathroom of sort. She had explored his living quarters earlier.

Naghahanap siya ng ibang daan para makalabas dito habang wala si Leon.

Nagdidilim ang paningin niya sa galit nang matuklasan niyang may mga bantay sa pintuan.

Kaya nga marahil nagawa niyang pagplanuhan ito ng masama.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

She had been taking martial arts since childhood, for the sole reason of self-defense.

Hindi para manakit ng ibang tao.

Hinubad niya ang mga botang mabibigat bago lumakad palayo.

May ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya, nang tawagin siya pabalik ni Leon.

“Sandali lang.”

Nang luminga siya rito para magtanong, nakita niya kung bakit.

Her question died on her lips before it was uttered by her tongue.

“Ano’ng pangalan mo?”

Hindi agad sumagot si Alana. Hawak ng lalaki ang personal wallet ni Vivi.

Natatandaan niyang nagpalit sila ng empleyada nung nakasakay sila sa helikopter patungo sa plantasyon.

“Ano ba ang nakalagay diyan?” She chose to play it cool.

She did not know what he planned to do with her for retaliation.

Maraming natamong pinsala ang lalaki mula sa atake niya.

Nasaktan ito nang husto nang kagatin niya ang dibdib nito.

Kitang-kita ang pamamaga ng naturang sugat.

Kaya parang hindi kapani-paniwalang palalampasin lang nito nang gayon kadali ang atraso niya.

Binasa ng lalaki ang pangalang nasa ATM card ni Vivi.

“Viviana Dimaculangan?” Halos pabulalas ang pagsambit nito.

“At your service, sir,” ang pauyam na wika niya habang yumuyukod pa nang bahagya.

“Ikaw si Viviana Dimaculangan?”

Mas mariin ang pag-ulit nito ngayon. Talagang hindi makapaniwala.

“Oo. Bakit?”

“Hindi ikaw ang kailangan namin. Ang anak ni Don Paolo Martinez ang kailangan naming makuha!” ang pagigil na wika nito.

“Sino ka ba? Bakit ikaw ang nasa bahay ni Don Paolo?”

Binayo pa nito ang ibabaw ng lamesita.

“Ano’ng mapapala sa ‘yo nina Ka Istong?” dugtong pa nito.

“S-si Senyorita Alana ba ang kailangan n’yo?” pagsisinungaling niya. “E, alalay lang ako n’un.”

Lalong nanggigil si Leon.

“Damn!” pagmumura nito.

Sinipa pa nito ang isang footstool na yari din sa yantok.

Tumindig ito para magtungo sa pinto. Pasinghal na nag-utos sa bantay.

“Tawagin mo si Ka Larry. Gusto ko siyang makausap!”

Sinamantala ni Alana ang pagkakataon. Maliksi siyang tumalilis patungo sa banyo.

She would feel much better and much confident when she was wearing her own clothes.

Ang pagpapalit nila ng identidad ni Vivi ay isang magandang ideya.

Ngunit hindi lang niya sigurado kung makakatulong ba o hindi.

She had seen — and interpreted — the way he looked at her.

He desired her… whether she was the real Martinez daughter or not.

Naligo siya at nagbihis sa loob ng banyo.

Malamig ang tubig ngunit tiniis niya. Walang shampoo kaya nagtiyaga siya sa sabon.

Halos kalahating oras ang lumipas bago siya natapos.

Nakaabang na sa kanya si Leon at ang lalaking mestisuhin, si Larry.

Nakita ni Alana ang malaking bote ng antiseptic sa ibabaw ng lamesa. Pati ang malaking first-aid kit box.

Agad na umiral ang kanyang tunay na propesyon, ang pagiging nurse.

“Ako na ang gagamot niyan,” prisinta niya agad. “Tutal, ako naman ang may gawa niyan.”

Dinampot niya ang malaking supot ng bulak. At binasa iyon ng antiseptic.

Marahan niyang idinampi ang basang bulak sa nangingitim at namumulang sugat na nilikha ng mga ngipin niya kanina.

He winced sharply when the pain slashed into the tender wound.

“I’m sorry,” sambit niya.

She ignored the quizzical stare of the other man.

Itinutok niya ang buong atensiyon sa paglilinis ng sugat ni Leon.

“Heto, inumin mo ‘to, Leon,” alok ni Larry habang inilalapit ang isang baso ng alak.

Habang naggugupit siya ng gasa, tinungga ng pasyente ang laman ng basong kristal.

Napangiwi uli ito. Ang lalamunan naman ang humapdi.

“Tsk! tsk!” she scolded the muscular man chidingly.

“Dapat pala, ibinuhos ko na lang ang alak na ‘yan sa sugat mo,” pambubuska niya.

“Don’t even think about it, Nurse Dimaculangan.”

Another stroke of fortune. Pareho silang nars ni Vivi.

“Well, I dare to think about it. Lalo na kung wala nang antiseptic sa larangan ng paggagamutan,” she announced with sheer bravado.

Patapal na inilatag ni Alana ang malapad na gasa bago nilagyan ng adhesive tape strips.

“Wow!” sabad ni Larry. “Alam ko na ngayon kung ano ang sinasabi ni Dalena.”

“Shut up, Larry,” Leon ordered testily. “Huwag mo nang isali si Dalena. Labas na siya rito.”

Alana tried to look blank, nang mabanggit ang pangalan ni Dalena.

Hinding-hindi niya makakalimutan kung sino si Dalena. Pati ang mga erotikong eksena na kasama ito.

“Touché!” salo ni Larry.

“Si Martinez ang pag-isipan mo kung ano ang dapat gawin,” bawi ni Leon, in an irritable manner.

“Nagpapunta na tayo ng tao kanina, hindi ba? Ang dapat lang nating gawin ay maghintay ng resulta,” katwiran nito.

“Ayaw mo pa kasing bumili ng radyo para madali ang pagdating ng mga balita mula sa ibaba.”

“Hindi puwede. Gusto mo bang ma-trace tayo dito?”

“May punto ka diyan.”

“Akala ko ba may pupuntahan ka pa?” untag ni Leon.

Alana pretended not to catch the meaningful glances between the two men.

Kunwa’y abala siya sa pag-aayos ng firstaid kit box. Binilisan niya pa lalo ang pagkilos.

Nang tumindig si Larry, dinampot niya ang first-aid kit box.

“Saan nakatabi ito?” tanong niya, bago pa nakapagpaalam si Larry.

“Nasa kuwarto ‘yan.”

Tumango si Alana.

“Ibabalik ko na ito.”

Pasimple niyang dinampot ang suklay na suwerteng nakasama sa mga gamit na nadampot ni Leon sa kuwarto niya kagabi.

Napuna agad niyang walang seguridad ang mga pinto at bintana sa lumang plantation house.

Ngunit sinabi ni Bruno Salvis na wala naman daw magnanakaw sa plantasyon kaya puwedeng nakabukas lang sa gabi na para bang may natutulog pa rin.

It was a weird reasoning. Dahil para kay Alana, ang mga tao ang mas mahalaga kaysa sa anupamang materyal na ari-arian.

THE HOSTAGE HEART-14

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.