The Hostage Heart-14

Para namang sinadyang nagkatutoo ang paniniwala ni Alana dahil heto na siya ngayon.

Siya ang ninakaw.

Pagdating niya sa kuwarto, agad niyang ini-lock ang pinto.

Magkukulong muna siya sa silid habang hindi pa niya alam kung ano ang magiging kapalaran ni Viviana Dimaculangan sa kamay ni Leon.

Nagbalik kay Bruno Salvis ang atensiyon niya nang matiyak na secured na ang kandado ng pinto.

She lied down on the grass bed while she combed her long hair idly.

Nag-iisip siya habang ang sinusuklay-suklay ang mahabang buhok.

Naputol ang pag-iisip niya nang kumatok nang malakas si Leon.

“Kailangan ko ng damit, Miss Dimaculangan,” wika nito.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Medyo ngamol ang boses dahil sa makapal na dahon ng pinto at mga dingding.

Pumikit si Alana.

Para bang may hidden camera sa kuwarto ng lalaki at makikita siya nitong natutulog.

“Buksan mo ang pinto. Kukuha ako ng damit,” utos uli ng lalaki.

Muli, nagbingi-bingihan si Alana.

Kinalabog uli nito ang pinto. Sunud-sunod. Parang magigiba na ang pintuan.

Maya-maya, biglang tumahimik.

Saka lang nakahinga nang maayos si Alana.

Gayon na lang ang pagkabigla niya nang tahimik na mabuksan ang pinto.

There was a devilish glint on Leon’s deep-seated eyes as he came forward into the bedroom.

“P-paano’ng — ?” tanong niya ngunit napahinto nang makita ang bungkos ng susi na hawak ng lalaki.

“Lugar ko ito, kaya natural lang na may mga susi ako sa lahat ng lock dito, hindi ba?”

Alana did not answer. Her eyes just followed him everywhere he went.

Lumapit nga muna ang lalaki sa kabinet upang kumuha ng mga pamalit-damit.

Bago ito humarap sa kanya.

There was a militant gleam in his dark eyes.

“Bakit nagkukulong ka dito?” pananalakab nito. “Natatakot ka ba sa akin?”

Of course, hindi niya aaminin iyon!

“A-ano naman ang ikakatakot ko sa ‘yo?” tanong pa niya gayong nakabahid na nga sa kanyang tinig.

“Nakita mo kami ni Dalena, hindi ba?”

Hindi niya nagawang ipagkaila ang tungkol sa bagay na iyon dahil dagling namula ang kanyang mga pisngi.

She betrayed herself by her reddening cheeks.

“Surely, you know already that I desire you?”

Napalunok si Alana bago tumango nang laban sa kalooban.

Leon smiled at her lazily. Para bang nakakasiguro na ito sa kanya!

Sinarili na lang niya ang nasasaloob.

“Darating tayo sa takdang sandali na inilaan para sa atin, Viviana,” wika nito pagkatapos siyang lunurin sa titig.

“Be ready when that time comes.”

Hindi ngayon ang ‘takdang sandali’!

She instantly felt weak with relief, nang mapagtantong hindi pa pala mauulit agad ang pakikipaghamok niya sa lalaking ito.

Wala pang bumabalik sa lakas na nawala sa kanya kaninang makipaglaban siya kay Leon.

May bukol pa nga siya sa ulo dahil tumama sa matigas na buto ng baba ng lalaki.

Tila nabasa nito ang nasa isipan niya. Ngumiti uli ito. Isang marahan at mapanudyong ngiti.

“Magpahinga ka na. Gigisingin ka na lang kapag tanghalian na.” Tumalikod na ito upang lumabas uli ng kuwarto.

“Uh… Leon?” she called him back reluctantly.

“Bakit?” He was back inside the room in record time.

“May kailangan ka ba? Sabihin mo lang. Ano ‘yon?”

His sudden solicitousness was overwhelming.

Muntik na tuloy naumid ang dila niya.

“H-hindi ako ang kailangan n’yong dukutin, hindi ba?”

He looked wary and dubious. “Hindi nga ikaw, Viviana. Bakit?”

Huminga nang malalim si Alana. “Gusto ko nang bumalik sa plantasyon ng amo ko,” pahayag niya.

Bahagyang lumiit ang mga mata ni Leon habang nakatitig sa kanya. Para bang iyon ang ginagamit na lie detector o x-ray vision.

Para malaman kung tutoo ba ang mga sinasabi niya.

Pigil-hininga siya habang naghihintay sa pagsagot ng kaharap.

“I’m afraid, hindi ka pa babalik sa plantasyon ng amo mo.”

His speech was slow and deliberate. Para bang isang mentally retardate ang kausap.

“Hindi pa nga namin natitiyak kung tutoo ang mga sinabi mo sa amin tungkol sa pagkatao mo.”

“Oh.” Iyon lang ang nasambit ni Alana.

Inaasahan niyang hindi na magdududa ang mga ito sa kanya dahil sa ATM card ni Viviana.

Hindi pala magiging madali ang pangungumbinsi sa lalaking ito.

“May tanong ka pa?” tanong ni Leon. He was clearly enjoying her consternation.

Pinilit niyang iwaglit ang pagkalito.

“Puwede mo bang ipangako sa akin na ibabalik mo ako agad sa plantasyon kapag napatunayan mong ako si Viviana Dimaculangan?”

Nag-isip pa si Leon ng isasagot.

“Hmm, puwede siguro,” he answered in a vague manner.

“Bakit hindi ka sigurado?” she pounced impatiently. “O balak mong ako na lang ang ipatubos sa mga amo ko?”

Tila nagging interesante ang mga sinabi niyang iyon.

“Sa palagay mo ba, tutubusin ka nila?” tanong nito.

Nag-alangan si Alana. Hindi niya alam kung ganoon ba ka-importante si Vivi sa paningin ng mga magulang niya.

“H-hindi ko alam,” she replied in a deflated tone.

Tila naawa naman sa kanya ang lalaki. Nang-aalo na ang tono nito nang magsalita uli.

Ngunit mas lalong makakapagpagulo lang pala ang sasabihin nito.

“Ang tutoo, mas gusto kong mapatunayan na ikaw nga si Viviana,” pahayag nito.

“Para hindi na kita kailangang ipatubos. I’ll just keep you here,” he announced casually.

Her eyes widened with shock and disbelief.

“H-hindi!” She was breathless.

A determined glint appeared in his eyes.

“I’m afraid, you’ll have to stay with me. Because I fancy you, Nurse Dimaculangan,” he answered honestly.

Leon kept his distance from his lovely hostage for the next three days.

Hinihintay niya ang taong nag-iimbestiga sa bahay ni Don Paolo Martinez.

He had not been sleeping properly ever since the beautiful woman with the soulful eyes appeared in his life.

He was ready to froth in the mouth with so much desire but he had told himself to wait for the truth.

A little bit of abstinence would not harm him. It only sharpened his senses.

Dahil habang tinititigan niya si Viviana Dimaculangan, nagiging masidhi ang pagnanasa niya.

Tumatalas ang kanyang mga pakiramdam.

He was finding out that the hostage woman was maddening.

Matapos ang pahapyaw na kasunduan nila nung unang araw, naging kumpidente na ito.

She had adjusted to her new situation. Kay dali nitong nasanay na manirahan sa kanyang kuweba.

THE HOSTAGE HEART-15

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.