The Hostage Heart-15

Para bang matagal nang tagarito si Viviana Dimaculangan kung makitungo sa mga kasama nila.

Lalo na kay Larry…

Tila nagkakaroon pa siya ng pananaghili sa kanyang kanang-kamay.

Naiinggit siya sa giliw na ipinakikita ng babaeng bihag sa kanyang kaibigan.

Nasa banyo siya nang minsang dumating si Larry.

Naulinigan niya ang boses nito.

“Este, nandito ba si Leon? Kailangan ko siyang makausap.”

“Nasa banyo siya,” tugon ng malamyos na boses ni Viviana Dimaculangan.

She only used that sweet voice, kung si Larry ang kausap.

Kapag sa kanya na, she was very formal and distant.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Para bang hindi siya gustong makausap. Walang kagana-gana. Pirming malayo.

Ipinagpatuloy ni Leon ang pag-aahit — at ang pakikinig – kahit na parang gusto na niyang sumabog.

“May balita na ba mula sa ibaba?” Iyon ang standard na tanong ng babae kapag nakikita si Larry.

“Uh, meron na — kaya lang ay para kay Leon lang ang ibabalita ko.” Larry sounded unsure and awkward.

Napansin agad ni Leon ang kawalan ng ‘Miss Viviana’ sa pangungusap ni Larry. Ganito ang nakagawiang itawag ng kanang kamay niya sa dalagang bihag bilang pagpapakita ng respeto.

Pero kung kaharap lang pala siya.

Nagdumali siya sa pag-aahit.

“B-bakit hindi puwedeng ibalita sa akin?” untag ng bihag.

“Uh, confidential kasi. Atsaka, hindi tungkol sa ‘yo.” Nagsisinungaling si Larry!

Alam ni Leon kapag may itinatago ang kanang-kamay.

May sinabi ang babae ngunit hindi na narinig ni Leon. Idinikit niya ang teynga sa pinto ngunit talagang mahina ang boses na pinakikinggan.

Minabuti niyang huwag nang sundan ng ikalawa ang unang pag-ahit.

Nagbanlaw na agad siya. At nagbihis nang buong pagmamadali.

He donned his pants hastily and went out of the bath quickly.

Napapatda siya nang makita ang tagpong naghihintay sa kanya.

Nakayapos si Viviana Dimaculangan sa medyo payat ngunit maskulado ring katawan ni Larry.

May ibinubulong ito habang nakayupyop ang ulo sa dibdib.

Si Larry ang nakaharap sa kanya kaya ito ang nakakita sa paglabas niya sa paliguan.

Sinenyasan agad niya ang kaibigan na huwag magpahalata.

Tumalima naman ito. Nagpatuloy sa paghimas sa mahabang buhok na para bang nang-aalo.

“G-gusto ko nang bumalik sa amin, Larry. Nangungulila na ako. Bakit ba ayaw n’yo pa akong pawalan? Hindi naman ako ang kailangan n’yo, a?” ang pahikbing wika ng babae.

Naririnig na ni Leon ang mga ibinubulong ng babae ngayon dahil nakatayo na siya sa malapit.

“S-si Leon lang ang puwedeng magdesisyon ng tungkol diyan,” pahayag naman ng ninenerbiyos na si Larry.

Nagtanong ang mga mata nito sa kanya.

Tumango siya ng isa bilang senyas na magpatuloy lang ito sa ginagawa.

He had reassured the right-hand but the confused man still looked nervous.

Kung nakikita lang ni Leon ang sarili nang mga sandaling iyon, maiintindihan niya siguro kung bakit parang natatakot ito sa kanya.

Unknown to him, there was a feverish anger in his eyes. It was borne out of jealousy.

But then, hindi niya siguro aaminin na nagseselos siya.

Katulad ni Dalena, ayaw niyang maglantad ng tunay na damdamin.

“Bakit kailangan mo siyang sundin palagi? Puwede ka namang magdesisyon ng para sa sarili mo, hindi ba?” patuloy ng malambing na tinig ng babae.

“Tapat ako kay Leon. Ayaw kong magalit siya sa akin,” pahayag ni Larry. Medyo nagging normal na uli ang tono matapos ang ilang ulit na paglunok.

“Bakit? Tinatakot ba niya kayo dito? Kaya nagtitiyaga kayo dito?”

“Hindi kami tinatakot ni Leon,” pagtatanggol ni Larry. “Masaya kami dito. Kuntento na sa ganitong buhay na tahimik at payapa. Malayo sa magulong sibilisasyon.”

Nag-angat ng ulo ang babae. She looked at Larry imploringly.

“Gugulo uli ang buhay n’yo rito kapag may mga naghanap nang pulis sa akin. K-kung gusto mong manatiling tahimik at payapa ang buhay dito, ialis mo na ako dito, Larry,” she entreated convincingly.

“Pera ang dahilan ng pagkuha n’yo sa akin, hindi ba? May ipon ako. Ibibigay ko sa ‘yo lahat. Malaki-laki rin ‘yon — kung nag-iisa ka lang.”

Nagtagis ang mga bagang ni Leon ngunit nanatili siyang walang tinag.

Hindi sa kanya nakatingin si Larry kaya hindi niya alam kung nakukumbinsi na ito ng babae.

“K-kahit ako — puwedeng mapasa’yo,” she added with a dash of desperation.

“Mas gusto ko ikaw, Larry. Sasama ako sa ‘yo. Magpunta tayo sa Maynila. Makakapagbagongbuhay ka doon. Magiging malaya ka na,” dugtong nito.

At habang nagsasalita, humihigpit ang pagyapos kay Larry. Dikit na dikit na ang malambot na katawan nito sa kausap.

Nakita ni Leon ang paggiti ng butil-butil na pawis sa noo at leeg ni Larry.

“Sige na, Larry. Pumayag ka na. Habambuhay akong tatanaw ng utang na loob sa ‘yo,” patuloy nito.

Sumulyap uli ito sa kanya nang isiksik ng babae ang mukha sa dibdib nito.

“Paglilingkuran kita. Pagsisilbihan — basta’t ialis mo lang ako dito, please!”

Lumipat sa batok ni Larry ang mapuputing bisig upang hapitin pababa ang ulo. Upang ialok ang mga labing mapupula.

“Larry, magiging iyo ako. Ibibigay ko sa ‘yo ang sarili ko, basta’t iligtas mo lang ako!”

Larry’s eyes were dilated with reluctant arousal.

Muli itong sumulyap sa kanya, humihingi na ng saklolo.

Bahagya pang umiling ng isa ang ulo nito. Para bang ipinahihiwatig na hindi na ito makakatagal pa.

It was time to move.

“Ayaw kong magtagal dito.” Walang malay ang babae na papalapit na siya.

He mouthed an instruction for Larry to ask why.

“B-bakit?” the poor guy asked in a strained voice. He was clearly at the end of his tether.

“D-dahil natatakot ako kay Leon,” pagtatapat ng bihag. Humihikbi na. “May binabalak siyang masama sa akin.”

“H-hindi pumapatay ng inosente si Leon,” pagtatanggol ni Larry.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Larry. May pagnanasa siya sa akin. Gusto niya akong — ”

Habang nagsasalita, humahagod ang isang kamay nito sa pisngi ni Larry.

Kaya biglang naubos ang pasensiya ni Leon.

Bigla niyang hinawakan ang babae sa balikat at hinaklit paharap sa kanya.

Maliksing humakbang paatras si Larry. Inilayo agad ang sarili sa tukso.

“Gusto kitang sipingan,” pagtatapos ni Leon sa nauntol na sasabihin nito.

Hindi agad nakahuma ang babae dahil sa matinding pagkabigla.

Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanila ni Larry.

“K-kanina ka pa nakikinig?” pang-uusig ni ‘Viviana’.

Tumango si Leon.

“Magmula sa umpisa, hanggang sa kasalukuyan,” he drawled tauntingly.

Pinukol ng babae ng mapang-usig na tingin si Larry.

THE HOSTAGE HEART-16

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.