The Hostage Heart-2

Matagal bago tumugon ang matandang lalaki.

“Ikinalulungkot kong aminin na hindi ko na kaya ang mga ganito kabigat na suliranin, kaibigan. Kaya nga muli akong naninikluhod ng tulong sa ‘yo.”

Sisenta mahigit na ang edad nito. At tila hinang-hina na nga.

Tumikhim siya matapos mag-isip sandali.

“Kahit isa naman siguro ay may ideya kayo kung paano natin susupilin ang kamandag ni Bruno Salvis,” sambit niya.

“Mas kilala n’yo siya. Mas alam n’yo kung ano ang dapat gawin.”

“Isa lang ang naiisip kong gawin. Medyo kumplikado,” pag-amin nito. “At baka hindi mo pa magustuhan.”

“Iparinig n’yo sa akin. Para mapag-aralan.”

“Kailangang malaman ni Don Paolo Martinez ang mga paniniil ng kanyang katiwala sa mga plantasyon na pag-aari niya rito.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Madali lang ‘yan. Magpadala kayo ng petisyon.”

“Ilang beses na naming ginawa ‘yan, ngunit masyadong bilib ang matandang don sa kanya. Naniniwala agad sa kontra-katwiran ni Bruno.”

Hinimas ni Leon ang baba. Ganito siya kapag malalim ang iniisip.

“Hindi siya umuuwi rito?” tanong niya kapagkuwan.

Naramdaman niya ang pag-iling ng kausap.

“Wala siyang sapat na dahilan para umuwi rito. Maganda naman daw ang kita ng mga plantasyon.”

“Nakakaligtaan niyang alamin ang kalagayan ng tunay na nagbibigay ng yaman sa kanya.”

“Gan’on nga, Ka Leon. Inaapi ni Bruno ang mga sakada na nagbubuhos ng dugo at pawis sa lupa upang maging sagana palagi ang ani.”

“Kailangang magpunta rito nang personal si Don Paolo Martinez,” sambit ni Leon.

Walang gatol ang matigas na tono.

Nagngingitngit na siya agad. Ayaw niya talaga ng may mga maliliit na naaapi.

“Ngunit paano?” dugtong niya, pero sa sarili lang.

Saka lang nagsalita uli si Ka Istong.

“Nandiyan ang anak na dalaga ni Don Paolo,” pahayag nito.

“Ang kaisa-isang anak na nanggaling pa sa Maynila.”

Kumunot ang noo ni Leon. “Hindi ba’t sira ang mga daan ikan’yo?”

“Sakay siya ng helikopter, amang. Napakayamang tao ni Don Paolo. Balewala ang malaking halaga pantustos sa mga kapritso ng pamilya niya.”

“Maaari n’yo siyang gamitin, Ka Istong,” pahayag niya. “Makikita ng mismong mga mata niya ang tunay na kalagayan n’yo rito.”

“Oo — kung ipapakita kami ni Bruno,” ang maagap na tugon ni Ka Istong. “Pero hindi ipapahamak ni Bruno ang sarili kailanman.”

Natigilan si Leon. May iniisip ang matanda ngunit hindi pa nito sinasabi.

“Kailangang makita kayo ng anak ni Don Paolo,” diin niya.

“Oo, kailangang-kailangan,” sang-ayon ng kaharap. “Ngunit paano?”

Tinitigan ni Leon ang di-maaninag na mukha ni Ka Istong.

“Walang ibang paraan kundi ang dukutin siya at dalhin dito, hindi ba?”

“Tumpak, Ka Leon,” sang-ayon ng matanda.

Medyo magaan-gaan na ang tono ngayong nailabas na ang ilan sa mga nasasaloob.

“Iniisip n’yo bang kami ang gagawin n’yong taga-dukot?”

Naramdaman niya ang pagtango ni Ka Istong.

Leon swore to himself soundlessly, bago siya nagdesisyon nang mabilis.

“Okey, dudukutin namin siya. Maghanda-handa na kayo. Mga ilang araw n’yo ba siya balak pigilan dito?”

Dumantay ang isang kamay ng kausap sa braso niya kaya natigilan na naman siya.

“Meron ka pang ibang sasabihin, Ka Istong?” pananalakab niya.

“Meron pa sana, pero hihilingin ko munang huwag kang magagalit sa sasabihin ko, Kaibigang Leon.”

Pulos ‘Kaibigang Leon’ ang naririnig niya.

‘Dammit, we sound like a children’s animal story!’ bulalas niya sa sarili.

“Sisikapin kong huwag magalit,” he promised brusquely. “Magpatuloy na kayo, Ka Istong.”

“Ang halos lahat ng mga tao dito sa aming baranggay ay may sakit na malala. Kailangang-kailangan namin ng tulong na medikal,” pahayag nito.

“Gamot, malinis na tubig at masusustansiyang pagkain,” he enumerated tersely. “Magdadala kami ng tulong sa pagbalik namin.”

“Maraming salamat, amang,” wika ng kausap. “Ngunit ikinalulungkot kong tanggihan ang tulong na ibibigay mo sa pagkakataon na ito.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Ka Istong?”

“Masyadong malaki ang problema namin ngayon, amang. Hindi naman puwedeng sa inyo lang kami aasa palagi.”

“Huwag na kayong magpaliguy-ligoy pa, Ka Istong,” untag niya.

Huminga muna nang malalim ang matandang lalaki bago nagpatuloy. He sounded apprehensive and reluctant to go on.

“G-gusto ko sanang ipatubos kay Bruno Salvis ang kanyang senyorita, Ka Leon. Para may maipantustos kami sa mga pangangailangan namin dito.”

“Kidnapping for ransom!” he hissed.

“Suhestiyon lang naman ang sa akin, Ka Leon,” agap ni Ka Istong. “Nagtatanong ka sa akin kung ano ang naiisip kong solusyon, hindi ba?”

“Iyon lang ang tanging solusyon na meron ka?”

Pilit ang pagiging matatag ng tono ni Ka Istong. “Oo, Ka Leon,” was the firm reply.

“Hindi kami grupo ng mga kidnappers, Ka Istong,” he pointed out testily.

“Alam ko, Ka Leon. Ngunit nagbabakasakali lang ako na mabibigyan mo kami ng naiibang tulong–alang-alang man lang sa aking mga kabaranggay na labis nang naghihirap sa mga paniniil ni Bruno.” Tila ibig pang magtalumpati ng matandang lalaki.

Ngunit epektibo naman ang mga sinabi nito dahil naantig na naman ang loob ni Leon.

“Buweno, titingnan ko ang magagawa ko, Ka Istong,” pahayag niya matapos ang saglit na hesitasyon.

“Maraming salamat, Kaibigang Leon,” ang tuwang-tuwang wika ni Ka Istong.

Hindi dapat ‘Leon’ ang tawag sa akin, kundi ‘Pusong Mamon’! pambubuska niya sa sarili.

Alana was currently throwing one of her infamous tantrums.

Nagdadabog siya. Nagbabalibag ng mga kasangkapan sa loob ng maluwang na kuwarto.

She was creating a messy chaos for the benefit of her elderly parents.

Ginagawa niya iyon para hindi siya piliting sumama sa pagbabakasyon sa Amerika.

Dinampot niya ang isang mamahaling pigurin na yari sa bubog at akmang ibabato sa balkonahe nang sumuko ang kanyang ama.

“Okey, iha,” her sixty-five year old father surrendered with two hands up.

“Alright, I get your point now. You can calm down. Hindi na kita isasama sa Amerika.”

“Hindi n’yo na ako pipilitin?” She wanted to be sure.

Nanlalaki na sa takot ang mga mata ni Donya Ana, singkuwenta y sais naman ang edad.

“You’re too volatile, iha. Gusto mo bang ikuha kita ng appointment kay Dr. Eugenio?”

“Hindi ako nasisiraan ng ulo, Mama,” she cut in irritably.

Maagap na kinuha ni Don Paolo ang pigurin nang malingat siya.

“Iha, may sentimental value ang Venus vase na ito,” he reminded her in an undertone.

THE HOSTAGE HEART-3

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age