The Hostage Heart-20

Maliksing nahawakan ni Leon ang mga kamay ng babae at agad na naagaw ang patalim.

Walang lakas ang mga daliri nito.

“Bitiwan mo ako,” she cried brokenly. “Pabayaan mo na akong mamatay!”

Nagtagis ang mga bagang ni Leon.

The lovely remnants of the glorious night with this beautiful woman were disappearing fast.

Kung hindi pala siya nagising, isang bangkay na ang naghihintay sa kanya dito sa banyo.

“Damn you, woman!” he exclaimed angrily.

“Don’t be melodramatic. You wanted everything we did last night!”

“No!” she denied tremulously.

“Pinilit mo lang ako. Pinuwersa. Oh, Diyos ko! Napakarumi ko na!”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Humagulgol ito nang humagulgol.

Sobra-sobra ang panginginig ng katawan nito.

Hindi lang ginaw mula sa malamig na tubig-bundok na ipinampaligo.

Delayed shock reaction.

Ibinalot niya ng makapal na kumot ang nangingiking kahubdan.

He rubbed her freezing hands and feet.

Minasahe rin niya pati ang mga braso at binti nito.

Nang mabawasan ang pangangatal at magkaroon ng kaunting kulay ang namumutlang bibig at mga pisngi, saka lang tumayo si Leon upang magpantalon.

Una niyang pinuntahan ang banyo upang kunin ang balaraw. Baka makaligtaan pa niya itong itago sa mas ligtas na lugar.

Pagkatapos, nagtungo siya sa pinto upang mag-utos sa guwardiyang naruruon.

“Papuntahin mo si Dalena rito,” wika niya sa pupungas-pungas na bantay. “Sabihin mong magdala ng almusal para sa ating lahat dito.”

“Oo, Ka Leon.” Mabilis na tumalima ang inutusan.

Bumalik siya sa silid upang bantayan ang babae habang naghihintay sa pagdating ni Dalena.

He took her hand but dropped it again when she flinched violently.

Pumitlag ito palayo at nagsimula na namang manginig. Ngunit hindi na sa ginaw, kundi sa takot na.

The illumination in the room had improved. Tumataas na marahil ang araw sa kalangitan.

Pumapasok na ang liwanag sa mga butas at ibinabato na ng mga salamin papasok sa sinapupunan ng bundok.

He could see her eyes now. They were dilated with shock and distress.

“I’m sorry,” he crooned softly. “But I don’t regret everything we did.” He touched her wet hair tentatively.

His fingers combed the black tresses tenderly.

Marahan niyang hinaplos pasuklay ang mahabang buhok. Inilatag niya ang mga basang hibla sa unan.

“Don’t feel dirty. Everything that had happened between us was only natural and spontaneous,” he continued in a gentle tone.

The woman remained silent and unmoving but the tremors from within her had lessened.

He was stunned with the burgeoning seed of gentleness.

Tender emotions had been strangers to him for a long time.

He had known compassion and sympathy for he had an abundant reservoir of these.

But he had never felt this mushy sort of awareness for another human being.

He had never had this sensitive fondness to a woman. Period.

Ngayon lang nangyari sa kanya ang magkaroon ng ganito kasidhing pagnanasa para sa isang babae.

At ng ganito kalambot na emosyon.

Dati-rati, any woman could do to appease the physical hunger of his virile body.

“Well, well, what a tender scene,” panunudyo ng boses ni Dalena.

Nakapasok ito sa silid nang di niya namamalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya.

“Dalena,” sambit niya habang tumitindig.

“Dala ko na ang almusal n’yo,” pahayag nito habang ipinapakita ang tray ng pagkain.

“Paki-balik mo na lang muna ‘yan sa kusina,” wika niya.

Leon was not in the least bit embarrassed although he was not a man to show any kind of emotion.

Nakakapagtakang balewala sa kanya kahit na may nakasaksi sa emosyong nadarama niya para sa babaeng bihag.

Tinapunan niya ng huling sulyap ang babaeng nakatagilid sa pagkakahiga habang nakatitig sa kawalan.

Nakabalot pa rin ng kumot ang buong katawan.

“Ano ba’ng nangyari?” usisa ni Dalena sa kanya nang nasa labas na sila.

The older woman was looking serene and very much at peace with the whole world at the moment. Her bawdy image had disappeared entirely.

Para bang hindi sila naging magkaugnay kailanman.

He shook off his perplexity.

“She needs your counsel, Dalena,” he said bluntly.

“My counsel?”

“And your healing massage, too.”

Tumaas ang mga kilay ng babae. Nagtatanong.

Again, he refused to feel shame. Last night was too beautiful, dammit!

“I lost my control last night,” he explained tesily.

“I see,” ang tanging nasambit ni Dalena habang tatangu-tango.

Dinukot nito sa bulsa ang isang botelya ng langis.

“Inisip kong may ganyang problema ngayon kaya dinala ko na ito. Mag-uumpisa na ba ako?”

Tumango si Leon. He went to the kitchen table and poured himself a cup of steaming coffee.

“Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka nang magmasahe, Dalena,” habilin niya bago tuluyang nakalayo ang kausap.

“Ako na ang bahala sa kanya,” the trusted woman reassured him.

Nagpalakad-lakad siya habang humihigop ng kape.

Nababalisa siya na hindi niya mawari.

Naalala niya ang mga bantay sa labas. Minabuti niyang ipagsalin ng kape ang mga ito.

At nang makapaglakad-lakad na rin siya.

Nasalubong niya ang pumapasok na si Larry kaya nauntol ang kanyang ideya.

“Saan ka pupunta?” tanong ng kanang-kamay.

“Maglalakad-lakad.”

Sinipat siya nitong maigi.

“You’re looking haggard. I bet, it had been a long night,” Larry remarked teasingly.

“Thank you for reminding me,” he rejoined sarcastically.

Tumawa ang kaharap.

“Hmm, I take back my observation. Hindi ka dapat masungit kung tutoo ang hinala ko,” dagdag nito.

“Huwag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko, Larry,” saway niya sa tauhan. Malumanay ang tono niya ngunit awtoritibo pa rin.

Tumawa lang ito. Pabuska, katulad ng pagtawa ni Dalena kanina.

“Hindi mo maikakailang may pagnanasa ka sa iyong bihag, amigo. You’ve been devouring her with your eyes ever since we took her here,” ang mapanuksong wika pa nito.

“Tatlong araw lang pala ang itinagal ng iyong kontrol.”

“Bakit ka nandito?” He almost barked at the other man.

“Nakalimutan mo na ang importanteng mensahe ng ating tauhan mula sa ibaba?”

Sinuklay ni Leon ang maikling buhok.

“Just get on with it, Larry,” he sighed tiredly.

“May good news at bad news, ano ang gusto mong unahin ko?”

“Kahit na ano sa dalawa.” Hindi buo ang atensiyon na iniuukol niya sa kausap.

Nakatuon ang isip niya sa kuwartong kinaroroonan ng dalawang babae.

“Okey, ang bad news na lang muna,” wika ni Larry. “Hindi pa magaling si Ka Istong.”

Nagulat si Leon.

“At ang good news?”

“Ang babaeng bihag natin ay ang kaisa-isang anak ni Don Paolo. Siya si Alana Martinez!”

THE HOSTAGE HEART-21

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.