The Hostage Heart-21

Calmness and tranquility cloaked over her confused mind when female hands massaged her numb body firmly.

Parang saka lang naalimpungatan si Alana mula sa malalim na pagtulog nang makaramdam siya ng init na mula sa kapwa babae.

Dahan-dahan siyang nagbaling ng paningin upang tingnan ang may-ari ng mga kamay na mapagpala.

The harmless warmth from the caring fingers reduced the ache in her stiff muscles.

And the gentle light in the experienced eyes appeased all her unseen wounds.

“Kumusta ka na, iha?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Alana nang makilala kung sino ang babae.

Ito ang babaeng kaniig ni Leon…

Tila nabasa ng babae ang nasa isipan niya. Ngumiti ito nang buong pang-unawa.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Nagugulat ka dahil nagagawa ko pang magpakita sa ‘yo ng kabutihan ngayon?” panghuhula ng babae.

Nagpakilala itong Dalena nung unang araw pa lang ng pagdating niya.

Tumango si Alana. Marahan at puno ng hesitasyon.

“Bata ka pa kasi kaya parang napakahirap unawain ng mga sitwasyon namin dito,” she stated in a mild tone.

“Leon’s not really a bad man.”

Lalong nanlaki ang mga mata ni Alana nang marinig ang bahid ng mataas na edukasyon sa modulatong boses ng kausap.

Gone was the wanton creature that she had seen with Leon the other day.

Ang pumalit ay ang imahe ng isang kagalang-galang na babae. Mistula itong isang guro sa paaralan.

Muli, nabasa na naman yata nito ang iniisip niya.

“Tama ka,” anito habang patuloy sa paghagod ang mga palad sa kanyang braso at mga kamay.

“Nagtuturo ako noon sa elementarya. Kuntento na sana at maligaya sa piling ng mapagmahal na asawa nang dumating ang trahedya na sumira sa aming lahat.”

Napukaw ang kuryosidad ni Alana. Saglit niyang nalimutan ang personal na suliranin.

“A-ano’ng trahedya?”

Tumingin sa dingding si Dalena. Para bang naging isang malaking screen iyon at may napapanood na mga pangit na eksena mula sa nakaraan.

“Nalunod ang isang estudyante ko noon. Ako ang sinisi ng mga magulang ng bata, ng paaralan, at ng buong mundo.” Huminga ito nang malalim. Kinagat sandali ang ibabang labi.

“Isang aksidente ang nangyari ngunit walang sumuporta o umunawa man lang ni isa kaya nakulong ako.”

Hindi umimik si Alana. Ramdam na ramdam niya ang pagdurusa ng kalooban ni Dalena.

“Dinamdam ng pamilya ko ang nangyari. Isa-isa silang nawala.” She hesitated momentarily.

“Hindi nila makayanan ang mga nangyayari sa akin sa loob ng bilangguan. Akala kasi nila, mahina ako.”

“A-ano’ng — ?” Napahinto si Alana nang mapagtantong masyadong personal ang katanungan.

Tila naunawaan pa rin ng kausap ang nasa isipan niya.

“Impiyerno ang pinagdalhan sa akin ng mga taong inakala kong mga kaibigan at may mabubuting kalooban,” pagtatapat nito, medyo pabulong na. Para bang ayaw iparinig sa iba.

“Ginawa nila akong isang masamang babae!”

Tinutop ni Dalena ang bibig nang matapos magsalita. Para bang naduduwal.

“M-marami silang ipinagawa na hindi dapat gawin ng isang tao!” patuloy nito. “N-ng isang babae!”

“Oh! K-kawawa ka naman.” Iyon lang ang naisip sambitin ni Alana. Inaasahan niyang mapapaiyak na ito kaya naghahanda na siyang aluin ito.

Ngunit gayon na lang ang pagkabigla ni Alana nang ngumiti pa ang babae. May bahid ng pait ngunit isa pa ring matatag na ngiti.

“Pero para sa sarili mo, ikaw ang pinaka-kawawa, hindi ba?” Bigla nitong ibinalik ang direksiyon ng usapan sa kanya. “Iniisip mong pareho na tayo ng kapalaran?”

Hindi makapagsalita si Alana.

“Malaki ang utang na loob ko kay Leon. Dahil sa kanya, muli kaming nagkapiling ng aking asawa. Ngunit naging baldado na siya dahil sa kawalan ng pag-asa noon.”

Nilunok ni Alana ang pagkalito.

“Isang anghel para sa akin ang lalaking itinuturing mong hayop sa kasamaan. Si Leon ang nag-alis sa akin sa impiyernong iyon,” pahayag ni Dalena.

“Kaya ba pumapayag kang dungisan niya ang iyong dangal? Dahil nagbabayad ka ng utang na loob?” She did not know where those words had come from.

Hinaplos nito ang isang pisngi niya bago nagpatuloy. Bahagya na namang napapangiti.

“What a naive choice of words!” ang pabuskang wika nito. “Hindi dinudungisan ni Leon ang aking dangal. Kusang-loob kong ibinibigay ang aking katawan sa kanya.”

“Dahil tumatanaw ka ng utang na loob?” Inulit ni Alana ang tanong.

Marahang tumango si Dalena.

“Nung una siguro,” pag-amin nito. “Pero nasisiyahan din naman ako kaya hindi na gan’on ang naiisip ko nang magtagal.”

“M-mahal mo na siguro siya?” she asked tentatively.

Tumawa na ang babae. Tuluyan nang napalis ang pait sa ekspresyon nito.

“Ang asawa ko lang ang lalaking mamahalin ko habang ako’y nabubuhay,” Dalena stated clearly. “What I felt for Leon was pure lust only.”

Nagulat si Alana. Iba ang mga pangaral na idinikdik ng kanyang ina sa utak niya.

“Hindi ka makapaniwala?” tanong pa nito gayong nakalarawan na nga ang matinding pagkalito sa mukha niya. “Dahil bigay na bigay ako nung makita mo kami noon?”

Nakaramdam ng pag-iinit ng mukha si Alana.

Dalawa ang personalidad ni Dalena. Isang mayumi at isang bulgar.

“Natikman mo na kung paano ang mabihag ng matitipunong bisig ni Leon, hindi ba? He was a great lover. Sisiguraduhin niyang makakamtan mo rin ang kasukdulan.”

“S-sinaktan niya ako.” Hindi niya napigil ang mapahikbi. The confused child inside her surfaced.

Dalena patted her cheek affectionately.

“Talagang gan’on sa una. Pero sa mga susunod ay hindi na.”

Nagsikip ang lalamunan ni Alana dahil tutoo ang sinabi ni Dalena. Ang mga sumunod na pag-angkin ni Leon ay tigib na sa luwalhati.

“H-hindi ko siya gusto! Sinira niya ang buhay ko,” she insisted in angry frustration.

Dalena lost her understanding expression. Her bitterness had flowed back.

“Wala akong magagawa kung mas gusto mong magpaka-ipokrita kaysa aminin sa sarili mo na nasiyahan ka sa mga nangyari sa inyo ni Leon!” Pabagsak nitong binitiwan ang kanyang braso. “Diyan ka na nga!”

Nabigla si Alana sa tinuran at ginawa nito kaya nakalabas na ito bago pa siya nakapagsalita.

“D-dalena, sandali — ” sambit niya kahit na nakasarado na uli ang pinto.

Nasiyahan ka sa mga nangyari sa inyo ni Leon… nasiyahan ka…

Nawalan siya ng tinag habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng isipan ang mga katagang matatalas.

She was suddenly seeing her own life in a different light.

Isinilang siyang may ginintuang kutsara sa bibig.

She always got what she wanted.

Mapagbigay at mapagpasunod ang kanyang mga magulang.

Hindi na niya kailangang magpakahirap para makuha ang anumang gustuhin niya.

She had led a charmed existence.

THE HOSTAGE HEART-22

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.