The Hostage Heart-24

Ikinampay ni Leon ang isang kamay bago inubos ang laman ng hawak na baso.

“Drink your whisky,” he said after wiping his mouth with the back of his hand.

“Matutulog na ako pagkatapos nito.”

Nagsalin siya ng isa pang shot para sa sarili.

“To help me get to sleep immediately,” he explained after pouring the strong spirit into his throat.

Walang nagawa si Larry nang magtungo uli si Leon sa silid na kinaroroonan ni Alana.

He had this strong desire to sleep with the woman.

Para bang hindi siya magkakaroon ng katahimikan kung hindi niya ito makakatabi sa pagtulog.

Alana was sleeping peacefully when he came in.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Maingat siyang lumapit sa kamang yari sa damo. Naupo siya sa sahig upang hubarin ang mga saplot.

He wanted to lie beside her unclothed.

Ano ba ang nadarama ko para sa babaeng ito? tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang maamong mukha.

Nanlalalim na ang mga mata ni Alana, sanhi ng pamumuyat niya rito kagabi.

Napangiti si Leon. Kagabi lang nangyari sa kanya ang gayon.

Parang walang pagkatighaw ang kanyang pagnanasa para sa babae.

Kung hindi sa kanya mismo nangyari, hindi siya maniniwalang nagawa pa niya itong angkinin kanina.

His body was already spent with extreme exhaustion. It needed a long rest after a long night of sex.

He had used his last reserve of strength when he made love with Alana twice this morning.

His lust for this woman was shameless and endless!

“Ano’ng klaseng engkanto ka, Alana? Baka ginagamitan mo na ako ng mahika,” bulong niya bago isiniksik ang mukha sa mabangong buhok na nakalatag sa unan.

Idinantay niya ang isang braso sa maliit na beywang at isinapo naman ang isang palad sa malambot na dibdib.

Pumikit siya habang humihinga nang malalim.

“You’ve put a spell on me, I know it,” anas niya, halos wala na sa sarili.

Hinihila na ng matinding antok ang kanyang diwa.

“You’re a witch goddess.”

“But I really don’t care…”

Nananaginip si Alana. Hindi, isang bangungot pala iyon.

Dinagit daw siya ng isang malaking lawin na may malalakas na daliri.

The strong, sharp talons clutched at her tightly.

Nang magpumiglas siya, naging matitipunong mga bisig ang nakapulupot sa kanya.

Pati ang maskuladong mga hita at binti ay nakapalibot na rin sa kanya.

Hindi siya makakawala kahit na anong gawin niyang pagpupumiglas.

Kaya patuloy siyang naging bihag.

“S-saan mo ako dadalhin?” tanong niya sa higanteng ibon.

Natatanaw na niya ang ituktok ng mga bundok na matatayog.

“Sa aking tahanan,” tugon ng malalim na tinig na malapit sa kanyang teynga.

Nagulat siya dahil hindi naman nagsasalita ang mga ibon, hindi ba?

She slowly turned her head. And saw a lion.

A man-lion. Or a lion-man…

“L-leon — !”

Pagkatapos daw niyang sambitin ang pangalan ng tagabihag, nawalan na naman siya ng ulirat.

“Sshh,” Leon crooned against her ear. His deep voice still husky with sleep.

“It’s just a bad dream, sweetheart. You’re safe with me.”

Hinaplos ng masuyong kamay ang pawisang noo.

Atsaka hinapit ng isang bisig ang katawan nang mas malapit sa kapwa hubad na katawan.

Alana’s still tired mind was lulled back to the dreamland by the tender caresses of a gentle hand.

Lalo pang humimbing ang pagtulog niya.

She felt utterly repleted and refreshed when she woke up the next morning.

Her limbs were light and loose again.

Although some of her parts were still sore and sensitive, she was generally in a good state of health.

Her grumbling stomach drove her outside. She was feeling ravenous.

Kumalam agad ang sikmura niya dahil sa naaamoy na masarap na pagkain sa labas.

Ngayon lang siya nakaramdam nang ganitong klaseng gutom.

It must have been the mountain air…

Inaasahan niyang si Dalena ang makikitang nagluluto sa kusina, ngunit gayon na lang ang pagkabigla niya nang si Leon ang tumambad sa kanyang paningin.

“Gising ka na pala, Alana,” bungad nito nang malingunan siya.

Tila kanina pa ito nag-aabang sa kanyang paglabas.

“Halika, nakahanda na ang almusal.”

Nailang si Alana.

Ngayon lang siya nakakita ng isang lalaking nakahubad ang malapad at mabalahibong dibdib at nakasuot ng apron.

His masculinity was not diminished by even an iota.

The raw sex appeal accosted her senses. She could not stop herself from looking at him too closely.

“C’mon,” he invited insistently. “You must be starving now.”

Kumulo uli ang sikmura niya. Tila sumasang-ayon sa tinuran ng kaharap.

As she took the offered seat gingerly, she tried to study him furtively.

Parang iba ang dating ng lalaki ngayon.

He looked somewhat different.

And yet he was the same.

Matapos siyang paupuin, inalis ni Leon ang takip na alumino sa bandehadong katerno.

“Inihaw na tapa ng baboyramo at sinangag na kanin sa bawang. I was counting that you’d have a big appetite, like I did.”

“K-kumain ka na ba?” she questioned him uncomfortably.

Tumango ang lalaki bago ngumiti. It was a friendly smile, so full of magnetic charm.

And against her better judgement, she found her own lips twitching. She just stopped herself from smiling back at him.

Tila nagkahiyaan, sabay pa silang nagbawi ng tingin.

“You must eat this,” patuloy ng lalaki habang naglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan.

She could not resist her hunger any longer.

Dinampot niya ang mga kubyertos at nagsimulang kumain.

She had willed him to go away but he seemed bent on treating her like a queen.

Pinagsilbihan siya nito nang husto.

He made a delicious cup of coffee. Then he pared a freshly-picked papaya for her.

“Gusto mong budburan ko ng asukal?” He even asked for her preferred serving of the luscious fruit.

Umiiling lang ang namamalikmatang si Alana kapag ayaw niya.

“S-si Dalena?” tanong niya nang matagpuan ang nawawalang boses.

Saka lang parang may nagbago sa ekspresyon ni Leon.

His blank mask was again put into place. His good-natured smile became bland and artificial once again.

“May pinuntahan siya,” tugon nito, matapos ang ilang minuto.

“Saan?” she countered eagerly.

Nahulaan agad niyang bumaba ng bundok ang babae.

Tumalikod si Leon habang kinakalas ang mga tirante ng puting apron. Nagkunwari itong abala.

THE HOSTAGE HEART-25

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age