The Hostage Heart-25

“M-magkano ang hinihingi n’yong ransom money?” Nagpatuloy sa pagtatanong si Alana.

“Limampung milyon? Isandaang milyon?”

Muling humarap sa kanya si Leon.

“Hindi kami hihingi ng ransom sa ‘yong mga magulang, Alana,” pahayag nito.

His tone was stilted. Halatang may tinitimping kung anong emosyon.

Napamulagat si Alana. Her fighting spirit had came back due to good food and strong coffee.

“B-bakit n’yo ako dinukot?” Halos hindi siya magkandatuto sa pagsasalita. “Hindi ba’t sinabi mo noon na ipapatubos n’yo ako?”

Tumango ang lalaki.

Kaya lalo nalito si Alana.

“Ipapatubos n’yo ako?” ulit niya para makasiguro.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Tumango uli si Leon.

“Si Bruno Salvis ang gusto naming tumubos sa ‘yo, Alana,” tugon ng lalaki.

Banayad at malumanay ang mababang tinig, ngunit naghatid pa rin ng kakatwang kilabot sa kanyang mga kalamnan.

“B-bakit kay Mang Bruno?” taka niya. “Hindi ko maintindihan. Wala kaming relasyon sa dugo ni Mang Bruno. Hindi kami magkaanu-ano — ”

“Alam namin ‘yan,” pakli ni Leon. “Ngunit tiyak na siya ang unang magmamalasakit na matagpuan ka dahil hindi niya gugustuhing makarating dito ang mga iyong mga magulang.”

“Ano’ng sinasabi mo? I can’t understand you,” wika niya.

“Malalaman mo rin,” Leon answered in a secretive manner.

Na ikinayamot ni Alana.

“Bakit hindi mo pa ipaalam sa akin ngayon?” pang-uusig niya. “Bakit mag-aaksaya na naman ako ng panahon dito?”

His firm lips stretched in a cold grin. Nagbalik na naman ang estranghero.

“Hindi pag-aaksaya ang itatawag ko sa pananatili mo dito, Alana,” salo nito. “Kundi isang pagsasanay.”

“I-isang pagsasanay?”

“I’m afraid, you’ll have to stay here for a long time.”

Nanghilakbot si Alana sa narinig.

“A-ano’ng sinabi mo?”

“Mananatili ka dito nang matagal,” pahayag ni Leon.

“Sa piling ko.”

“No!” she protested, almost shouting in her shock.

“Hindi ako papayag!”

“You’ve got no choice, Alana,” he pointed out.

Bumuka ang bibig niya para magpatuloy sa pakikipagtalo ngunit dumating si Larry kaya naputol ang umiinit na pag-uusap.

Sumulyap sa kanya si Leon. Halatang pinapaalis siya.

But Alana was in a petulant mood.

She was getting ready to throw one of her infamous tantrums.

Pinigil niya ang yumayabong na pagkayamot.

Nakakapanibago ang nadarama niyang pamilyaridad.

Maybe because they had been intimate with each other so many times for just a very short time, kaya parang nagiging palagay na siya.

Hindi dapat iyon…

“Pumasok ka muna sa kuwarto, Alana,” Leon requested brusquely.

“At bakit?”

“May pag-uusapan kami ni Larry,” tugon ni Leon. “Kindly give us some privacy.”

“No,” she answered adamantly.

“Alana.” His tone became steely.

Humalukipkip lang siya. Her chin went up stubbornly.

Their eyes clashed fiercely until the air around them crackled with tension.

Larry cleared his throat.

“Babalik na lang ako mamaya. Tapusin n’yo muna ang pinag-uusapan n’yo,” paalam ng kanang-kamay.

Leon nodded his dark head curtly.

“You wait outside, Larry,” utos ni Leon. “I’ll be right behind you.”

“Okey,” Larry replied with a vague salute of goodbye towards her.

Umatake agad si Alana bilang depensa, nang bumaling na sa kanya si Leon.

“O, ano? Gagamitan mo na naman ako ng puwersa?”

His eyes were unreadable but his firm lips were smiling frostily. He strode towards her with deliberate slowness.

“It seemed to me that it’s the only thing that you understand, Alana,” he murmured tauntingly.

“Parang hindi ka marunong makinig sa katwiran at sa paliwanag.”

Napilitang umatras si Alana nang papalapit na nang papalapit si Leon sa kinaroroonan niya.

“Huwag kang lalapit,” utos niya sa lalaki. “Huwag mo akong lalapitan.”

“Pumasok ka na sa kuwarto, Alana,” pakli ni Leon. “Kung ayaw mong gamitan kita ng puwersa.”

She detested his high-handed manner.

Bago pa siya nakapag-isip, nadampot na niya ang coffee mug na yari sa puting metal. Agad niyang ibinato iyon kay Leon.

The man cursed grimly when the hard utensil bounced on his chest. His low gasp betrayed the pain that he had felt.

Sa buto tinamaan ang lalaki.

“That hurts, Alana. If I were you, I’d run now,” he challenged derisively.

Kung nag-iisip lang nang malinaw si Alana, mapapagtanto niyang sinasadya ng lalaki na mayamot siya.

He was goading her to pick a fight with him.

“Bakit tinuturuan mo akong umatras?” panghahamon niya. “Siguro natatakot kang baka matalo ka pa, ano?”

“Wala akong dapat na ikatakot. Maraming beses ko nang napatunayan ang lakas ko sa ‘yo.”

“Hindi sa lahat ng oras ay maiisahan mo ako, Leon,” pakli niya.

Pumorma na siya sa anyong palaban, pero nasukat na niya nang mabilisan ang distansiya niya sa pinto ng silid.

Sa isang bahagi ng utak, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang susutin ang lalaki.

She was being driven by a hidden motive to goad and to provoke him.

Challenging this man was senseless.

Hindi naman siya mananalo kahit na kailan.

Ngunit papayag na lang ba siyang masakop nito nang buung-buo ang sariling pagkatao niya nang wala man lang pagtatangkang lumaban?

Dinaluhong siya ng lalaki. Walang sabi-sabi.

For a very big and tall man, napakaliksing kumilos ni Leon.

He was truly the king of the jungle.

Natagpuan na lang niya ang sarili na nahuli na ng mga braso ni Leon.

“You’re just provoking me, aren’t you? You want me to hold you like this again, don’t you?” Paanas ang mga akusasyon ng lalaki sa kanya habang pinapangko siya.

Magsasalita sana siya ngunit kinuyumos na nito ng nag-aapoy na halik ang kanyang mga labi.

She lost her breath momentarily when he dropped her onto the rumpled bed of grass.

She bounced back to get up but he was too quick for her.

Hindi pa siya nakakabawi, kasunod na niya si Leon.

“You’re itching for a fight, aren’t you?” he muttered scornfully. “Bibigyan kita ng magandang laban,” anito.

“A-ano’ng gagawin mo?”

Hindi sumagot ang lalaki. Dinaklot ng mga daliri nito ang harapan ng kaisa-isang blusa niya.

At hinaklit nang ubod-lakas.

Parang manipis na papel na napunit ang tela. Gayundin ang ginawa nito sa iba pa niyang saplot.

Ilang sandali pa, gula-gulanit na ang mga kasuotan niya. Lantad na ang kanyang makinis na balat.

He covered her nakedness with his fully-clothed body.

THE HOSTAGE HEART-26

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.