The Hostage Heart-26

Umigkas ang mga tuhod ni Alana ngunit pawang hangin lang ang tinatamaan.

“You’re like a lioness – my lioness,” bulong ni Leon. “Parang lalo kang bumabangis habang natatalo.”

“Bitiwan mo ako,” ang pagigil na utos niya.

“Pabayaan mo akong lumaban nang sabayan. Para makita mo ang hinahanap mo!”

Tumawa ang lalaki. Pabuska.

Kaya lalong nag-init si Alana.

Kinalmot niya ang pisngi nito. Her nails ripped the skin of his jaw and neck.

Napangiwi sa sakit si Leon.

“Dammit! You’re a bloodthirsty female!”

Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinila papaitaas.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Idiniin nito ang mga palad niya sa ulunan habang pinipisil ng isa pang kamay ang hita niya.

Napaigtad siya nang masaktan.

His knee wedged itself between her legs quickly.

He nuzzled her breast before capturing a nipple in between his lips.

“You’re a witch!” anas ni Leon. “You’ve turned me into a sex-crazed maniac!”

Leon was grim-faced when he came out of his cave – at last.

Larry was waiting under a balete tree. Tumindig agad ito nang makita siyang papalapit.

“Nakahandang tumubos si Bruno Salvis, Leon. Kailan natin ibababa ang babae?” Wala nang paliguy-ligoy si Larry.

Hindi agad tumugon si Leon. Lumampas siya sa kinatatayuan ng kaibigan at huminto lang nang makarating sa malapit sa mababang bangin.

“Hindi ba’t dapat muna siyang makarating kina Ka Istong?” tanong niya, paiwas.

“Puwede natin siyang idaan doon.”

Muli, nag-isip muna si Leon. His mind was still in a muddled state.

Para siyang pinitpit na dalag nang matapos ang nag-aapoy na pagtatalik.

He should be revitalized because he had just made love to his woman.

But Alana had a way of sucking all his strength.

She would fight him with all her breath at first.

And would respond to him as fiercely in the end.

Manlalaban ito sa una ngunit dakong huli ay bibigay din.

It was a tiring but very exciting foreplay.

“Leon?” tanong ni Larry.

“Patakasin na lang natin si Alana, at pagkatapos ay susundan natin siya.”

“Patatakasin?” Nagulat ang kanang-kamay.

Tumango si Leon. Mas tiyak na ang galaw ng ulo.

“It’ll have a better effect, kung siya lang mismo ang makakarating sa lugar nina Ka Istong. At matuklasan niya ang tungkol sa kalagayan ng mga tao doon, hindi ba?”

Larry was staring at him dubiously.

“Paano kung hindi doon mapunta si Miss Martinez?”

“Titiyakin nating doon mapupunta si Alana,” pahayag ni Leon.

“You mean, nakabantay lang tayo sa kanya habang ang akala niya ay nakatakas na siya?” paniniyak ng kaharap.

Leon nodded.

“Hanggang kailan siya mananatili sa lugar ni Ka Istong?”

“Depende kay Bruno Salvis,” he answered vaguely.

“Nakahandang tumubos si Bruno kahit na anong oras, Leon.”

“Ipasabi mo na lang na makakarating din sa kanya si Alana,” tugon niya.

“Limang araw na nating bihag si Miss Martinez, Leon,” Larry reminded him.

“Alam ko.”

“Baka mainip si Bruno. Baka humingi na siya ng saklolo sa mga awtoridad.”

“Hindi gagawin ni Bruno ‘yon.”

“P’ano mo natiyak?”

“Magiging kontrobersiyal ang kaso. At darating ang mga magulang ni Alana. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari, kaya pumayag siyang tumubos, hindi ba?”

Natahimik sandali si Larry. Kaipala’y nag-iipon lang ng sapat na lakas ng loob para makapagtanong nang diretsahan.

“You don’t really want to return Miss Martinez, do you?”

“You’re right,” Leon admitted curtly.

“You can’t keep her here against her will, Leon,” diin ni Larry.

“I know,” he said with an impatient sigh.

“But you still want to,” konklusyon ng kausap.

Bumuntonghininga lang si Leon.

Na nabasa naman nang malinaw ni Larry.

“Ano ka ba naman, Leon? Bakit sa isang bihag pa?” pang-uusig nito.

“I must be crazy,” wika niya habang umiiling-iling. “We’re from different worlds.”

“Yeah,” sang-ayon ng kanang-kamay.

“But I still want to keep her here,” salo ni Leon.

“You’re crazy!” bulalas ni Larry, bago lumakad palayo sa kanya. “Ipatawag mo na lang ako kapag may siguradong plano ka na.”

Tahimik na tahimik ang paligid. Madilim.

Dahan-dahang kumilos si Alana.

Tatakas siya!

Hindi siya dapat magtagal sa lugar na ito. Kailangan niyang makaalis dito bago siya tuluyang maging sex slave ni Leon.

‘Hindi pa ba, ha, Alana?’ pambubuska ng isang munting tinig sa likod ng utak niya.

Kanina, narinig niyang nag-uusap sina Larry at Leon. Aalis daw ang dalawa. Pupunta marahil sa tutubos sa kanya.

Ngunit agad na namatay ang pag-asa niya nang marinig ang sinabi ni Leon.

“Magpadala ka ng mensahe kay Bruno na nagbago na ang kahilingan natin. Heto ang panibagong listahan.”

Naulinigan niya ang kaluskos ng malutong na papel na binubuklat.

“Ikaw na ang bahala diyan. Aalis din ako.”

“Saan ka pupunta, Leon?”

“Sa Palawan.”

“Uh, ano’ng gagawin mo r’on?” Larry’s reedy voice was sounding strained. “A-at kailan ka babalik?”

“Hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo.”

“Okey.”

“Buweno, aalis na ako.”

“Sasabay na ako sa ‘yo.”

Idinikit ni Alana nang husto ang teynga sa maliit na awang ng pintuan. Kaya narinig niya ang mga yabag na papalayo.

Naglakas-loob pa nga siyang lumabas ng silid upang sundan ang dalawa.

Nakikipag-usap pa ang mga ito sa mga bantay, katulad ng inaasahan niya.

“Bantayan n’yong maigi ang bihag. Kayo ang mananagot sa akin kapag nakakawala siya,” anang matigas na boses ni Leon.

Alana could not control the tiny shivers that went up and down her spine when she heard the cold threat in his deep voice.

“Masusunod, Ka Leon.”

Ilang sandali pa siyang naghintay doon. Tiniyak niyang aalis nga ang dalawang may mataas na posisyon sa kuta.

Papatalikod na siya para bumalik sa silid para mag-isip kung ano ang dapat gawin nang magsalita ang isa sa mga guwardiyang di-nakikita.

“Hoy, Teban. Hindi ka ba naiinip sa trabaho nating ito?”

“Nakakainip nga, e.”

“Baka gusto mong mag-inom? May ibinaon akong lambanog sa tapat ng punong mangga.”

“Sige, kunin mo. Mayroon pa akong tapang baboyramo sa amin. Iyon na lang ang gawin nating pulutan.”

Biglang nabuhayan ng pag-asa si Alana. Tumalungko siya sa isang sulok na malapit sa pinto. Nakahanda siyang maghintay na malasing ang dalawang bantay.

Nanatili siya doon hanggang sa gumabi at hanggang sa makatulugan na niya ang paghihintay sa magandang tiyempo.

Naalimpungatan si Alana nang dakong gabi na.

THE HOSTAGE HEART-27

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.