The Hostage Heart-27

Nangingimi ang buong katawan ni Alana. Nanlalamig.

Ngunit pinilit niyang kumilos.

Kailangan niyang tumakas! ulit niya sa sarili.

Sinilip niya ang dalawang guwardiya. Nagtutukatok na ang mga ito dahil sa kalasingan.

Maingat siyang humakbang patungo sa silid. Kinuha niya ang makapal na jacket ni Leon.

Isinuot din niya ang isa sa mga bota nito.

Her jeans and sweatshirt were appropriate for a forest trek.

Naghalungkat pa siya sa maliit na aparador para sa iba pang kakailanganin, katulad ng flashlight.

Lumapit siya sa kusina upang kunin ang natirang pagkain. Ibinalot niya ang mga inihaw na tapang karne sa isang plastik at isinuksok sa bulsa ng jacket.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Pigil-hininga siyang dumaan sa pagitan ng dalawang bantay na natutulog na.

Halos hindi niya marinig ang mga huni ng ibong panggabi dahil sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Namaybay muna siya sa gilid ng makakapal na halaman.

Nakabisa na niya ang malalaking ugat na nakausli sa lupa at ang mga punongkahoy na nagkalat sa palibot.

Dahil pinapayagan naman siyang maglakad-lakad sa umaga. Kasama ang dalawang bantay.

Saka lang niya sinindihan ang flashlight nang makatiyak siyang malayo na siya sa kuta.

Although she was not sure if she had really got very far after an hour of slow and careful walk.

“You’re free of him, Alana,” bulong niya sa sarili. “You’re out of the lion’s den, at last!”

Si Leon ang talagang tinatakasan niya. May kapangyarihan ito na mapasunod siya sa lahat ng gusto nito.

She was not accustomed to bow her head to a man before. Nor to surrender herself to his mercy…

Nakayuko siya habang humahakbang. Nakatuon ang kanyang paningin sa masukal na sahig ng gubat.

“Ay!” Nagulat siya nang may lumipad na kuwago sa tapat ng kanyang ulo.

Nagtayuan ang mga balahibo niya nang humuni pa iyon nang ubod-lakas.

Para tuloy ibig na niyang bumalik sa kuweba ni Leon!

But she suppressed the panicky fear that clutched at her mind. She gritted her teeth and continued walking.

Her imagination was running wild and mad. She could see strange images and could even hear eerie noises around her.

The forest was full of grotesque creatures at night.

She went on forward, making her steps deliberately jaunty. She whistled cheerfully under her breath.

Nagpatuloy siya sa paglakad. Huminto lang siya sandali nang makaramdam ng gutom.

Dumukot siya ng isang pirasong tapa at iyon ang kinain nang unti-unti habang patuloy sa paghakbang.

She forgot to bring water. Kaya dahan-dahan na lang niyang nilunok ang makunat na piraso ng karne.

Napakalamig ng gabi ngunit ramdam na ramdam ni Alana ang paggiti ng malalaking butil ng pawis sa buong katawan niya.

“Malayo pa kaya?” She giggled with a trace of hysteria when she heard her hoarse question.

Hindi nga niya alam kung saan siya papunta!

Lumakad na naman siya nang lumakad. Paliku-liko. Patalun-talon.

Napakaraming puno ang nakasalabat sa daraanan niya.

Hindi rin siya nakapagdala ng relo. Kaya wala siyang ideya kung gaano katagal na siyang naglalakbay.

At kung anong oras na.

Tumulo ang masaganang pawis mula sa ulo niya kaya nanghapdi ang kanyang mga mata.

She wiped her wet brow on the jacket’s arm tiredly.

Naliliyo na siya sa matinding pagod. Nangangatog na ang mga tuhod kaya napilitan siyang huminto.

Naupo siya sa isang malaking bato. Hinubad ang malaking jacket atsaka pinagpag nang ilang ulit.

Lingid sa kanyang kaalaman, nabulabog niya ang malaking sawa na doon namamahinga.

“Look at the little fool!” bulong ni Leon sa sarili.

Narinig siya ni Larry. Nakikita rin nito ang mahabang ahas na halos ga-braso ng tao ang taba ng katawan.

“Iikot ako sa kabila, Leon,” anito, habang inihahanda ang busog na nakasukbit sa likod nito. “Sa ulo ko aasintahin.”

Tumango si Leon. He was feeling a mammoth-sized fear inside his thundering chest.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot para sa ibang nilalang. Hindi siya ang nasa panganib.

Si Alana.

Ngunit mahalaga na sa kanya ang babaeng iyon.

The maddening woman had become an integral part of his being.

Ni hindi niya napansin na lumalim na pala nang lumalim ang atraksiyon na nadarama niya para sa babae.

It had not been lust anymore. His emotion had turned into something deeper.

‘Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?’ tanong ni Leon sa sarili.

Patuloy sa pagpupunas ng pawis si Alana.

She pulled the neckline of her Paris-made shirt and puffed air to cool her hot skin.

Tumingala siya nang mapunang nagliliwanag ang paligid.

Lumalabas na pala mula sa taguan ang bilog na buwan.

“Alana, huwag kang gagalaw,” warned a familiar male voice from a distance. “May ahas sa likuran mo.”

Alana froze.

Nanigas ang buong katawan niya hindi dahil sa takot, kundi sa pagkabigla.

Hindi siya makapaniwalang boses ni Leon ang narinig niya.

Then, she heard a sibilant sound nearby.

Nangalisag ang mga balahibo niya nang marinig ang matinis na huni ng isang ahas.

Napalunok siya nang matantiya ang isang napakalaking sawa base sa ingay na nililikha ng marahan at mabigat na paggapang sa sahig ng gubat.

She could imagine the unraveling coil of slithery body, habang pinakikinggan ang mga munting kaluskos.

Maya-maya, isang humahaginit na ingay naman ang umagaw sa kanyang pansin.

“Alana, takbo!” utos ni Leon.

Naghagilap ang paningin niya sa madilim na paligid.

A tall figure separated itself from the surrounding shadows.

Napahikbi si Alana nang makita ang pamilyar na hugis ni Leon.

She had never expected that she would ever be glad to see him.

“Oh!” she sobbed with relief when his arms encircled her and pulled her into the safe haven of his hard body.

It seemed only natural that their lips meet in a passionate kiss.

Isang malalim at maapoy na halik ang iginawad ng lalaki sa kanyang mga labi.

He sipped the salty wetness of her eyes and cheeks. Before going back to her mouth and kissed her again deeply.

It was a feverish union.

For the first time, she did not detest his touch and kisses. She welcomed him with all her warmth.

“Ano’ng gagawin natin dito, Leon?” tanong ni Larry, matapos tumikhim at umubo nang malakas.

Saka lang parang nahimasmasan ang dalawang nagniniig sa gitna ng madilim na gubat.

THE HOSTAGE HEART-28

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.