The Hostage Heart-28

Leon let Alana go reluctantly.

Ngunit hindi siya pinawalan nang tuluyan. Nakakawit pa rin ang isang matipunong braso sa beywang ni Alana.

“Patay na ba?” tanong ni Leon kay Larry.

“Oo.”

“Dalhin na lang natin kina Ka Istong.”

“Sige,” Larry agreed readily. “Mauna na kayo doon. Tutuhugin ko lang ito ng alambre.”

“Sigurado ka?”

“Uh-uh.”

Sumulyap si Alana sandali sa gawi ng kanang-kamay.

Ngunit agad ring nagbawi ng tingin nang makita kung gaano kalaki ang ahas.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Kung hindi siya nailigtas, kasyang-kasya siya sa loob ng tiyan ng sawa!

“M-maraming salamat,” sambit niya kay Leon nang medyo malayo na sila. “Iniligtas n’yo ako.”

Tumingin sa kanya ang lalaki. “Ako ang may kasalanan kung bakit ka muntik nang mapahamak sa ahas na ‘yon, Alana.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Tumitig si Leon sa kanya nang ilang sandali bago umiling.

“Halika na,” aya nito. “Malapit na tayo sa boundary ng plantasyon ninyo.”

Dagling naagaw ang buong pansin niya ng banayad na pahayag na iyon.

“M-malapit na?” Hindi siya makapaniwala. “Makakauwi na ako?”

Umiling si Leon.

“Malawak ang lupain ninyo. Nasa kabilang dulo pa ang malaking bahay ninyo.”

But it had not dampened her gladness.

Ilang minuto rin siyang nakuntento na sumunod lang sa direksiyon na tinutugpa ng lalaki.

Napuna niyang sinadya nitong magpaliit ng mga hakbang para madali siyang makaagapay.

“Sino ba si Ka Istong?” tanong niya nang lumipas ang unang bugso ng kasiyahan.

Bumabangon na ang natural na kuryosidad niya.

“Siya ang pinuno ng mga sakada sa inyong plantasyon.” Leon flicked her an enigmatic glance.

“Malapit mo na siyang makilala,” he promised.

Parang mas madali ang paglalakad ngayong may gumigiya sa kanya at mayroon pang suporta sa isang siko niya. Parang ang gaan-gaan pati ng kanyang pakiramdam.

Wala siyang nadamang pagod kahit na malayu-layo pa ang nilakad nila bago lumitaw sa di-kalayuan ang tumpok ng mga bahay na maliliit.

“Ayun na ang lugar nina Ka Istong,” Leon announced unnecessarily.

Isinisilang na sa silangan ang isang bagong araw. Habang ang makintab na mukha ng buwan ay unti-unti nang pumupusyaw.

Ang unang napansin ni Alana ay ang katahimikan.

“B-bakit parang walang katau-tao?” she asked the tall man beside her.

There was a hushed silence everywhere.

“Malalaman mo,” ang patalinhagang tugon ng lalaki.

Palinga-linga siya. Ni aso yata ay wala. O maging mga manok na lang sana.

Lumapit sila sa isang kubo na walang pinto kundi ilang butas-butas na sakong tinahi-tahi.

Hinawi ng lalaki ang naturang kurtina.

“Ka Istong, nandito na kami.”

Sinenyasan siya ng lalaki na sumunod dito.

Halos wala sa loob ang pagtalima ni Alana. Itinutulak siya ng matinding kuryosidad at pagtataka.

Everything inside the small and old nipa hut stinked of poverty.

Dukhang-dukha ang hitsura ng kabahayan, pati na ang mga nakatira.

An old man was lying on the bedmat spread on the bamboo floor. An old woman was sitting beside him with folded knees.

They both looked malnourished and ill.

Ang lahat ay nakita niya sa pamamagitan lang ng malabong iluminasyon ng munting gasera.

The forest must have sharpened her sight.

“M-may sakit siya,” she stated with marked sympathy in her soft voice.

Hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya at nakaupo na rin sa sahig, katulad ng matandang babae.

“I-ikaw ba talaga si Senyorita Alana?” tanong ng matandang lalaki.

“Opo,” ang diretsong tugon ni Alana. “Kayo po ba si Ka Istong?”

Marahang tumango ang matanda. Titig na titig ito sa kanya.

Pamaya-maya’y inihit ito ng sunud-sunod na ubo. Maagap na itinakip ng maybahay ang isang lumang damit sa kulubot na bibig ng pasyente.

Alana listened to the coughing sound intently.

Puwede siyang maging duktor kung ginusto niya.

Her brain was astute enough to become a professional healer.

But she had been an easy-go-lucky person.

“Kailan ka pa naratay, Ka Istong?” Si Leon naman ang nagtanong.

“M-magmula lang nung nagkausap tayo,” tugon ng matanda.

Kasalit ng paghingal at ng mga pahabol na ubo ang mga kataga.

Nakita ni Alana ang nagmantsang dugo sa telang itinakip sa bibig ng maysakit.

“Malala na ang sakit n’yo, a?” puna niya, halos pabulalas. “Bakit hindi pa kayo nagpapadala sa ospital?”

Nagkatinginan muna ang dalawang lalaki bago tumingin sa kanya.

“Ipinasara ni Bruno ang mga kalsada. Hindi puwedeng dumaan ang sinuman na manggagaling dito sa loob ng plantasyon,” pahayag ni Leon.

“Tanging ang mga trak lang ng produkto ang binibigyan niya ng pahintulot na makalabas.”

“Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Alana sa narinig. “Hindi niya puwedeng gawin ‘yon. Paano kayo makakapagpagamot?”

“K-kinakasiki niya kaming maigi, Senyorita Alana. Tinaasan niya nang husto ang interes sa aming mga utang, pati ang aming mga buwis,” pagsusumbong ng matandang babae.

“Nung magreklamo kami, utos daw iyon ni Don Paolo.”

Umiling nang umiling si Alana.

“Walang ipinag-uutos na gayon si Papa,” she denied quickly. “Kumukunsulta muna siya sa amin ni Mama, bago gumawa ng malalaking desisyon.”

“Baka naman itinuturing lang kaming maliliit ng inyong Papa, Senyorita,” salo ng maybahay ni Ka Istong.

She shook her head adamantly.

“Alam ni Papa ang kahalagahan ng mga manggagawa,” ang matatag na wika niya.

“Hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasama sa itinuturing niyang laman at buto ng isang kabuhayan.”

“Kung gayon, tama ang hinala ni Ka Istong,” sabad ni Leon. “Si Bruno Salvis ang tanging nagpapahirap at nanggigipit sa mga sakada.”

Tumigas ang hubog ng baba at panga ni Alana.

“Kailangang madala kayo sa ospital, Ka Istong,” wika niya. “Malala na ang inyong sakit.”

“Hindi kami papayagan ni Mang Bruno!” bawi ng matandang babae, habang nagsisimula na itong managhoy.

“Lalo niya kaming pagmamalupitan. Wala na ngang makain ang aming mga anak!”

Alana glanced at Leon helplessly.

Hindi niya alam na humihingi na siya rito ng tulong sa pamamagitan ng mga mata.

“Huminahon kayo, Ka Nena,” pang-aalo ng lalaki sa matanda.

“Ipag-init mo ng maiinom ang mga bisita natin, Nena,” wika naman ni Ka Istong. Payapa na ang lalamunan nito.

“Kapeng bigas lang ang meron kami dito, Kaibigang Leon. Pasensiya na kayo, Senyorita Alana.”

“Huwag na kayong mag-abala, Ka Nena,” pigil ni Leon sa matandang babaeng tila hirap na hirap sa pagkilos. “Huwag n’yo na kaming alalahanin.”

“Leon, nandito na ako,” ani Larry. Sumungaw ang ulo nito sa makitid na pintuan.

THE HOSTAGE HEART-29

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.