The Hostage Heart-29

“Ka Istong, Ka Nena, magandang umaga sa inyo,” bati ni Larry sa dalawang matanda.

Tumango lang ito sa direksiyon ni Alana.

“Ano nga palang gagawin ko dito, Leon?” Iniangat ang patay na sawa sa ere para ipakita sa mga nasa loob.

Alana averted her head so as not to look at the dead snake.

“Aba’y kalaking sawa naman niyan,” puna ni Ka Istong. Para bang natuwa. “Masarap ang karne niyan. Gamot sa ubo.”

“Ano’ng gusto n’yong luto dine?” tanong ni Larry. “Pa-ihaw o pa-gata?”

“Puwede sigurong tatlong putahe ‘yan. Kahit na mag-adobo pa tayo,” sabad ni Ka Nena. Parang biglang nagkaroon ng sigla.

“May dala rin kaming bigas,” dagdag ni Leon.

Nakita ni Alana nang alisin ng lalaki ang maliit na sakong nakasukbit sa likuran ng matitipunong balikat.

Walang anuman para dito ang mabigat na dala.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Ipapasaing ko na ‘to para makakain ang lahat ng mga tao dito,” wika ni Larry.

“Ako na lang ang bahala dito, Leon,” wika nito bilang paalam.

“May dala rin kaming gamot,” patuloy ni Leon.

Saka lang nagsalita si Alana.

“Anu-anong gamot ang dala mo?”

Inilahad ni Leon ang laman ng beltbag para makita niya.

“May alam ka ba sa medisina?” tanong ng lalaki. Tila nagtataka.

Si Viviana lang ang alam nitong isang nars.

“Nurse ako. I just passed the board exams this year,” Alana replied calmly.

Tumangu-tango si Leon. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.

“Malaki pala ang maitutulong mo sa mga tagarito.”

Tumango lang si Alana. Sinimulan na niya agad ang pag-aasikaso kay Ka Istong.

At nang matapos sa matandang lalaki, lumabas siya ng kubo at ang iba pang tagaroon ang ineksamin niya.

The vacant chapel made with nipa and bamboo was turned to a clinic.

“Ay, mabuti na lang at may dumalaw na duktora dito sa lugar natin!” bulalas ng isa sa grupo ng kababaihan na nakapila para sa serbisyo at gamot.

“Hindi po ako doktora,” tanggi niya. “Isa lang akong nars.”

“Pero bakit marunong kayong manggamot?”

“Hoy, huwag ka ngang maurirat masyado!” awat ni Ka Nena. “Hindi n’yo ba alam na si Senyorita Alana siya?”

Parang biglang tinabangan ang mga naruroon. Ang lalaking ineeksamin niya ay tumindig nang walang sabi-sabi.

Everybody stared at Alana with accusing eyes.

Napamaang ang dalaga. Tumingin siya kay Leon. Nanatili lang itong nasa tabi niya.

Tumutulong kung kinakailangan pero alam niyang binabantayan lang siya nito.

Si Aling Nena ang namagitan.

“Bakit hinuhusgahan n’yo ng di maganda si Senyorita Alana? Alam naman nating lahat na hindi siya ang ugat ng mga paghihirap natin dito.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang galit ng mga naruroon.

The thin man shuffled back into his seat.

“P-pasensiya na kayo, Senyorita,” anito. Hindi makatingin nang diretso sa kanya.

Muli siyang sumulyap sa dako ni Leon. Ngunit ikiniling lang nito ang ulo bilang tugon sa piping tanong niya.

The slight inclination of his dark head meant that she was on her own.

Alana looked back at the faces of everyone around her. There was an expectant air in the small place.

Siya nga lang ang inaasahan.

Bumuntonghininga muna si Alana bago nagsalita.

“Tama si Aling Nena,” umpisa niya.

“Hindi namin alam ang mga nagaganap na kalupitan ni Mang Bruno sa inyo rito. Ngunit kahit na inosente kami, humihingi pa rin ako ng dispensa sa kapabayaan na nagawa ng pamilya ko sa inyong lahat dito.”

She took a shaky breath before adding a promise.

“Gagawin ko ang lahat para makatulong sa naghihirap na sitwasyon n’yo rito.”

Katahimikan muna ang naging tugon ng maikling pahayag niya.

Maya-maya, isa-isa nang nagpalakpakan ang mga taong nakarinig sa kanya.

“Maraming salamat, Senyorita!” ang halos sabay-sabay na bulalas ng mga ito.

Ang lahat ay maluha-luha na sa tuwa, kahit na ang mga lalaki.

The poignant scene was interrupted by the arrival of food for everybody.

“Mga kasama, kumain na muna tayo,” aya ni Larry sa malakas na boses.

“Sagot ko ang kanin at ulam. Kayo naman sa pinggan at inumin.”

Sa isang iglap nga, isa-isang naresolbahan ang mga suliranin. Animo resulta ng isang malakas na mahika.

Hiniling niyang ipuslit siya nina Leon at Larry patungo sa bayan. Kungsaan mayroong telepono na ginamit niya upang ipaalam sa ama ang tutoong sitwasyon.

Her father had not been informed of her kidnapping.

“Iha! Saan ka ba nagsuot? Bakit wala ka sa Maynila?”

“Nandito ako sa Negros, Papa. Dinalaw ko ang plantasyon natin dito.”

“Ano?” Don Paolo was flabbergasted.

“Bakit ka nagpunta diyan? Malapit sa NPA-infested area ang lugar natin diyan. Delikado para sa isang babaeng katulad mo,” panenermon nito.

“Ang mabuti pa, bumalik ka na sa Maynila ngayundin!”

“Patapusin mo naman muna ako, Papa. May malaking problema ang mga tao dito. Pinagmamalupitan sila ni Mang Bruno. Isang buong baranggay ng mga sakada ang may sakit at nagugutom. Hindi sila inaasikaso ng magaling na katiwala n’yo rito,” pagsusumbong niya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Alana enumerated the problems.

“O, anong desisyon n’yo, Papa?” untag niya nang matahimik ang matandang don sa kabilang dulo ng linya.

“G-gan’on ba? Buweno, ipapadala ko ang mga abogado natin diyan. Sila na ang bahalang magbigay ng solusyon sa mga gusot na naririyan,” tugon nito matapos ang sandaling katahimikan.

“Ikaw naman ay umuwi na agad sa Maynila,” dugtong pa.

“Hindi ko puwedeng iwan ang mga taong nangangailangan dito, Papa,” tutol niya. “Mas maganda siguro kung pupunta ka na rin dito.”

“Ha?”

Naulinigan niya sa background ang boses ng kanyang ina.

“Puwede bang makausap ang Mama?” hiling niya sa ama.

“Iha, tama ang Papa mo. Bumalik ka na sa Maynila,” payo ng malamyang boses ni Donya Ana.

“Hindi ligtas na lugar para sa isang dalagang katulad mo ang plantasyon.”

“Susundin ko ang gusto n’yo kapag nakita kong may mga nangyayari nang resulta dito, Mama,” ang matigas na pahayag naman ni Alana.

“I’m too much involved to leave here immediately. Besides, nakapangako ako sa mga manggagawa natin dito.”

“Kung iyan lang ang paraan, iha. Masusunod ang lahat ng anumang isusuhestiyon mo,” ganting-wika ni Don Paolo. Nasa extention line lang pala ito.

Inisa-isa nga ng dalaga ang mga naiisip niya.

THE HOSTAGE HEART-30

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.