The Hostage Heart-3

“Galing pa ito sa Rome. Remember our vacation there, three years ago?”

Hindi makakalimutan ni Alana ang huling pagkakataon na sumama siya sa pagliliwaliw ng mga magulang na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Thus, they had the usual generation gap problem.

Masyadong protective ang mga ito. Masyadong killjoy, strict, wet blanket, etcetera, etcetera.

Kaya hirap na hirap siyang mag-enjoy sa kabataan niya.

She was just twenty one but she already felt like a forty-one year old matron.

“I’m sorry, Papa,” she apologized automatically and insincerely.

She could afford to back down now. Nakuha na niya ang gusto niya.

“Pasensiya ka na sa akin, Mama. I just really don’t want to go to the States for a vacation.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Alanganing ngumiti si Donya Ana. “Oh, well, siguro ay next time na lang, ano, iha?”

“Yes, next time na lang siguro,” she lied with crossed fingers.

“Huwag na nating alalahanin si Alana, sweetheart. Malaki na siya. May sariling isip na. Alam na niya ang tama at ang hindi dapat — hindi ba, iha?”

The barely hidden patronizing tone of her father ruined her burgeoning trust in him.

Akala pa naman niya, kakampi na niya ito!

“Opo naman, Papa. I’ll be a good girl while you’re gone. Don’t worry about me,” she promised sweetly.

Tila nakumbinsi naman ang dalawang matanda. Umalis ang mga ito kahit na medyo alanganin pa.

“Magpapapunta ako ng mga katulong dito, iha. Para maglinis ng mga kalat,” her mother said before going out of the door.

“Whew!” bulalas ni Vivi. “Ang galing mo namang umarte, Ate!”

Si Vivi, o Viviana Dimaculangan, ay ang tanging personal maid or lady bodyguard na tumagal sa serbisyo sa kanya.

Paano’y hindi masyadong sipsip at hindi rin masyadong loyal sa mga tunay na amo. Marunong lumaro, kumbaga.

Alam nitong sakyan ang mga trip ng dalagang amo na si Senyorita Alana.

“Ang akala ko, babasagin mo nga talaga ang paborito kong plorera!”

Agad nitong dinaluhan Venus vase na basta na lang niyang inilapag sa kama.

“Alam mo, Senyorita Alana, kung ako lang ang nasa lugar mo, naku, papayag akong sumama sa Isteyt!” wika nito habang maingat na ibinabalik sa sariling display pedestal ang naturang piguring bubog.

“Talaga? Bakit hindi ka magpanggap na ako ikaw?” panunudyo niya.

“Si Senyorita naman. Kung sa ibang tao na hindi tayo gaanong nakikilala, puwede ang gimik nating gan’on. Pero hindi na puwede kina Senyor Paolo at Senyora Ana. Dahil kilalang-kilala ka nila!” anito, sabay hagikhik.

Iba ang istilo ng pananalita ni Vivi. Medyo exagerrated na puntong Manila. Na may halong regional defect na galing namang Visayas.

Habang nagtatagal ito sa poder ng mga Martinez, lalong nagiging makinis ito. Puwede ngang mapagkamalang anak-mayaman talaga.

Lalo na kapag suot na ang ilan sa mga damit niyang naipamana na dito.

Pasalampak na naupo si Alana sa higanteng beanbag na hinila sa labas ng balkonahe.

Nakatanaw sa swimming pool na kidney-shaped ang kuwarto niya ngunit hindi iyon ang sentro ng atensiyon niya.

Nakatingin siya sa himpapawid.

Kungsaan may isang tuldok na papalaki nang papalaki.

Isang helikopter pala iyon.

Napapitik siya sa hangin nang may sumulpot na isang ideya sa kanyang utak.

‘I want to ride in a helicopter!’ bulong niya sa sarili.

Sinarili muna niya ang plano. Wala rin siyang gaanong tiwala kay Vivi.

Although she knew that the bubbly companion was ninety-nine percent loyal to her, duda pa rin siya sa natitirang isang porsiyento.

Her parents were the one who paid the salaries around here. Hindi niya kinakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon.

Kinawayan niya ang pilotong nasa loob ng helikopter nang dumaan ito sa kanyang tapat. Albeit she did not expect that he could see her.

The man with the black shades waved back to her.

And she suddenly felt foolishly happy.

Puwede na naman siyang maging carefree, ngayong nagtagumpay siyang magpaiwan dito sa Pilipinas.

Dati kasi, may pasok sa eskuwela kapag pumapayag na maiwan siya.

But she had graduated recently from her unglamorous course of nursing.

Regalo nga sana sa kanya ng mga magulang ang American vacation na tinanggihan niya.

“Senyorita, kakain na raw. Hindi mo ba naririnig ang diningroom gong?”

Nagulat pa si Alana. Napakalalim na pala ng iniisip niya!

“Halika na. Sumabay ka na sa amin,” aya niya kay Vivi.

Nakangiti habang tumatanggi ang empleyada.

“Aalis bukas sina Senyor at Senyora,” pahayag nito. “I’m sure, mas gusto nilang mapag-isa kayo sa hapag-kainan.”

“Para makapaghabilin ng kung anu-ano sa akin. Gan’on ba? Naku, kabisado mo na talaga kami, ha?”

Nagtatawanan sila ni Vivi hanggang sa pagbaba ng hagdanang marmol.

Naririnig marahil ng mag-asawa sa kumedor ang masayang ingay. Because when Alana went inside the room, her mother was looking at her suspiciously.

“You sound very happy, my dear,” Ana Martinez observed silkily.

“Yes, Mama,” Alana admitted casually. She even smiled at the two cheerfully.

“I’m happy because you’ve finally accepted that I’m an adult now. Isn’t that something to be happy about?”

She widened her eyes innocently, for good measure.

“Siyanga naman, sweetheart,” ang malambing na pahayag ni Paolo Martinez.

“Tanggapin na natin na dalaga na nga ang ating baby noon.”

Alana wanted to roll her eyes in exasperation pero nagpigil siya. It could be misinterpreted as a childish gesture.

Dumating ang mga katulong na magsisilbi sa kanilang pagkain, kaya nabago ang takbo ng usapan.

Nasa dessert stage na nang magbalik sa mga personal na bagay ang paksa ng kuwentuhan nila.

“Tatawag kami sa ‘yo gabi-gabi, iha,” simula ng kanyang Mama.

“Gabi-gabi?” ulit niya. Sumimangot agad siya para ipahiwatig ang pagka-disgusto.

“So that you can still check up on me, kahit na nasa malayo kayo?”

“A, hindi naman siguro gabi-gabi, anak,” bawi ng kanyang Papa, habang sinesenyasan ng ngiti ang asawa.

“Maybe every other night. Okey na ba ‘yon?”

Hindi pa rin inalis ni Alana ang nakasimangot na ekspresyon. Talagang sakal na sakal na ang pakiramdam niya!

“Thrice a week?”

“Once a week,” ang walang gatol na wika niya.

“Once a week!” bulalas ng kanyang ina.

Ngunit agad ring nakabawi nang senyasan uli ng kanyang ama.

THE HOSTAGE HEART-4

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.