The Hostage Heart-30

Ever since Alana came face to face with poverty, parang nagbago na siya.

Her mind and point of view had turned unusually sharp and clear.

The Spartan way of life in the mountains had changed her outlook, too.

Or maybe she wanted to show Leon that she was not the empty-headed nor the spoiled and rich girl from the modern world.

She must be missing him.

He had kept his distance eversince she fled from his mountain caves.

He was always around but he had never came near her again.

He had left her alone.

At kung hindi lang siguro siya ipokrita, aaminin niyang hinahanap-hanap ng katawan niya ang init at alab ng pagnanasa nito.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Had he lost his desire for her already?

She could not let herself ask him.

Kaya nagtiis na lang siya.

Itinutok na lang niya ang buong pansin sa mga nagaganap sa paligid niya.

Sa tulong ng mga abogado ni Don Paolo, Bruno Salvis was swamping with civil and criminal charges by the time Alana was finished with him.

The ill people were transported by helicopters for immediate medical attention and for free hospitalization.

In ten days time, everything around the plantation had been in near-normal situation.

Ang hindi lang normal ay ang sitwasyon nila ni Leon.

She knew she had fought him in the beginning.

But she had learned to want him. Her body was shamelessly craving for him.

“Alana, ang lalim yata ng iniisip mo, a?” puna ni Vivi.

“Kanina pa ako dito sa tabi mo, ni hindi mo man lang ako kinakausap.”

“Sorry,” she replied in her lacklustre voice. Hindi niya maiwaksi ang pananamlay na nadarama.

“Atsaka, ang tamlay-tamlay mo pa,” patuloy ng kasama.

“Masyado lang siguro akong napagod nitong mga huling araw,” ang paiwas na paliwanag niya.

Vivi studied her anxiously.

“Hindi kaya nahawa ka sa mga sakit ng mga taong kinasalamuha mo?”

Saka lang niya natingnan nang diretso ang kausap. She was instantly on the offensive.

“Wala ka bang malasakit sa mga taong inapi at kinawawa ni Mang Bruno?”

“M-meron naman, kaya lang naninibago kasi ako sa ‘yo. Parang ang laki-laki ng naiba sa personalidad mo,” paliwanag ng empleyadang naging halos matalik na kaibigan na rin.

“Sigurado ka bang walang ginawa ang mga taong-bundok na dumukot sa ‘yo?”

Muli siyang umiwas ng tingin.

She suddenly felt hot with remembered eroticism as the passionate memories came flooding back into her mind.

“H-hindi sila mga taong-bundok,” she replied defensively.

“Mga edukado rin silang katulad natin.”

“Ows?” Hinila ni Vivi ang inuupuang lounger nang mas malapit sa kinauupuan niya.

“You mean, those uncivilised-looking men were actually literate and educated?”

Sighing, Alana nodded her head.

“Biktima lang sila ng mapaglaro at malupit na tadhana.”

“Pati si Larry?”

Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Alana.

“Larry?” ulit niya. “Magkaibigan na pala kayo ni Larry?”

Namilipit si Vivi.

“Magkakilala lang naman kami,” pagkakaila nito.

“Hindi ko pa kasi alam kung dapat ko siyang pagkatiwalaan.”

“He’s an outlaw, Vivi,” paalala niya.

Kung pakikinggan niya lang siguro ang sarili, baka matawa pa siya.

Sinisiraan naman kasi niya ngayon ang mga ‘taong-bundok’!

“Alam ko naman ‘yon, Alana,” tugon ni Vivi.

“Huwag mo akong alalahanin. Hindi ko naman papayagang mahulog ako nang husto sa lalaking iyon.”

“Uh, a-ano ba ang nakita mo sa kanya? Bakit ka na-attract?” Hindi niya mapigil ang sarili na mag-imbestiga.

Kaipala, nais din niyang maunawaan ang kakaibang damdamin na iniuukol niya para kay Leon.

“His wild aura,” ang maagap na tugon ni Vivi.

“Para siyang hayop na ubod nang bangis at ubod ng ilap. Ang pormal na pakikitungo niya sa akin ay parang nanghahamon sa akin na lumaban nang sabayan…”

The dreamy voice faded as the owner drifted into the land of the dreams.

“It would be useless to pursue him, Vivi,” she said in a dampening tone.

She was discouraging herself as much as Viviana.

Nais na niyang mawakasan ang kahibangan na dinanas niya sa mga bisig ni Leon…

“Aalis na tayo. Paparating na sina Papa. Susunduin na tayo n’un,” dugtong niya, halos wala sa loob.

“Kailan ba darating sina Don Paolo?”

“Kausap ko siya kagabi at — ”

Napahinto siya nang may marinig siyang ilang mahinang pagtikhim.

Sabay silang napalingon ni Vivi. At sabay rin silang napatindig.

“N-napadalaw kayo?” umpisa ni Alana. Hindi pa man, nanginginig na siya.

Nataranta naman nang husto si Viviana.

“Ay, ikaw pala, Larry. H-halika sa kusina, ipapatikim ko sa ‘yo ang niluto kong bukayo!”

“Vivi!” pigil ni Alana sa tauhan ngunit malayo na agad ito.

Hila-hila ang binatang kanang-kamay. Atsaka walang lakas ang kanyang tinig na namamaos na.

“Kumusta ka na, Alana?” ang seryosong tanong ni Leon nang mapag-isa na sila.

He casually took the seat next to her.

She cast him a furtive glance before making a reply.

“Uh, m-mabuti… Ikaw?”

Leon shrugged his tense shoulders.

“Hindi mabuti,” tugon nito.

He even showed her the suffering of his soul by momentarily lifting his thick eyelashes.

Saglit na umangat ang makakapal na pilikmatang nakatabing sa mga iniisip niya.

Napamaang si Alana.

She had been hoping that he would follow her suit. She was expecting him to mouth a lot of empty inanities.

Ibig niyang umiwas na makipag-usap nang masinsinan dito hanggang kaya pa niya.

Katahimikan ang sumunod.

“I miss you, Alana.” His low-pitched voice reverberated inside her mind.

“Mababaliw ako kapag hindi kita nakapiling uli.”

Kumibot ang bibig ni Alana ngunit walang katagang numulas. Biglang nablangko ang kanyang isipan.

Ang tanging naghari ay ang masidhing pangangailangan na tumutugon sa imbitasyon ng lalaki.

Tila iyon ang naging hudyat nito upang yapusin siya at gawaran ng maiinit na halik ang kanyang mga labi.

Everything had happened so fast.

Natagpuan na lang niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig ni Leon.

At kasalukuyan silang gumugulong sa damuhan.

They were suddenly swamped with the rising tide of strong and powerful emotions.

“Come with me, Alana. Babalik na ako sa bundok. Sumama ka na sa akin doon,” aya ni Leon.

His deep-timbred voice was laced with uncontrolled plea.

THE HOSTAGE HEART-31

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.