The Hostage Heart-32

Nanatiling nakatalikod si Alana kay Leon.

Then the slim shoulders straightened again with evident effort.

Muli itong humarap sa kanya.

Larawan na naman ito ng matinding kalituhan. Para bang may mga emosyon na naglalaban-laban sa kaibuturan nito.

“Hindi ka na dapat nagpunta rito, Leon. Hindi ka na dapat nagpakita sa akin,” wika nito.

Garalgal at basag na ang paos na boses.

“Is that it? You want me to leave you alone?” bulong niya.

“But I tried to do just that — and I failed.”

“You didn’t tried hard enough,” bawi ng babae. “Dapat ay hinayaan mo na lang muna akong makaalis!”

“Masusundan kita kahit na saan ka magpunta, Alana,” he stated tautly.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Hindi kita puwedeng pabayaang mawala sa akin nang tuluyan.”

“B-but why? — for God’s sake, you’ve done enough damage in my life!” bulalas ni Alana.

“Bakit hindi mo ako gustong magkaroon ng katahimikan?”

Frustrated fingers raked back rumpled jet-black hair.

“Paano kung buntis ka?” Leon exploded quietly with the succinct query.

“Paano kung nagbunga ang maraming ulit na pagtatalik natin?”

Tinutop ng isang nanginginig na kamay ni Alana ang namumutlang bibig. Para bang ibig maduwal.

“Oh, God — !”

“We’ve been so passionate. It’s highly possible that I made you pregnant already,” he continued with a forced calmness.

Ilang ulit na lumunok ang babae. Ang noo naman na ginigitian ng butil-butil na pawis ang sinapo ng palad.

“S-so what if I got pregnant?” tanong ni Alana. Halatang nagkukunwari lang na maging matatag.

“I’m not the first woman to be impregnated by a bastard like you!” she finished venomously. Her eyes were sharp and accusing.

Hindi niya inaasahan na ganoon ang sasabihin ni Alana.

Leon had miscalculated her inner strength.

Matapos sisihin sandali ang sarili, pinilit na naman niyang ibangon ang determinasyon.

“Gusto mo bang sumuko na ako sa mga awtoridad, Alana?” tanong niya habang nagtatagis ang kanilang mga paningin.

“M-magagawa mo ‘yon?” Tila nanghilakbot ang babae.

“Isusuko mo ang kalayaan mo para lang ipakita sa akin ang iyong katapatan?”

“Oo, Alana,” ang mataimtim na tugon ni Leon.

Walang kakurap-kurap ang pag-uusap ng kanilang mga mata.

Bumaon ang mapuputing ngipin sa ibabang labi upang pigilan ang paghulagpos ng isang paos na hikbi.

Mesmerized, he watched her lips move to form words that would either condemn him.

Or revitalize him.

“B-bakit, Leon?” tanong ni Alana.

“Bakit gagawin mo ‘yon? Isa lang ako sa mga naging bihag na dinala sa kuta mo, hindi ba?”

“Oh, Alana, you really know how to draw blood from my poor heart!” he groaned in breathless suspense. “Alam na alam mo kung paano ako masasaktan!”

“Ano’ng sinasabi mo? Bakit hindi mo na lang ako sagutin?”

Ibinulsa ni Leon ang kanyang mga kamay upang mapigil ang mga iyon sa pagdaluhong kay Alana.

‘Sweet hell, she’s so beautiful!’ bulalas ni Leon sa sarili.

And he was her slave. He would give her anything she wanted.

“Believe it or not, I’ve never done any kidnapping before, Alana,” pagtatapat niya.

“And if only I knew that I’d be a captive as well — hindi ko na sana itinuloy ang maling misyon na iyon.”

The mute question on her shocked expression was eloquent enough.

Malinaw niyang naintindihan ang piping katanungan ni Alana.

“I felt an instant desire for you, Alana. I got attracted to you from the first moment I saw you.”

“Oh.” Alana was stunned and speechless.

And to his glad surprise, her satiny smooth blushed a bright pink.

Nagtila talulot ng rosas ang makikinis na pisngi ni Alana.

“Naniniwala ka ba sa akin?”

“A-atraksiyon lang ba ang nadarama mo?”

Halos sabay silang nagsalita.

“Ikaw muna,” pagbibigay ni Leon.

Huminga uli nang malalim si Alana. “A-ano ba ang damdamin mo para sa akin?”

“Ano’ng klaseng tanong ‘yan?”

“Gusto kong malaman kung — kung pagnanasa lang ang iniuukol mo para sa akin,” tugon nito pero sa tonong nagtatanong.

“I felt an instant attraction for you, Alana,” he expressed. “Hindi pa ba sapat ‘yon?”

Parang nalungkot ang hitsura ni Alana. Unti-unting nagsara ang ekspresyon ng maamong mukha.

“Sa palagay ko, dapat na nga nating ihinto ang pag-uusap na ito,” pakli ng mapait na boses ni Alana.

“Sandali lang,” pigil ni Leon nang anyong tatalikuran na siya nito. “Ano ba ang gusto mong marinig?”

She threw him a bleak glance before shaking her head silently.

“You’re not worth anything in my eyes if you didn’t know what I want, Leon,” ang matatag na pahayag ng babae.

“Sayang…” she even added sadly.

“Alana, sandali lang — ”

Akmang susundan niya ito nang may marinig na malalamig na ingay na likha ng metal na kumiskis sa kapwa metal.

Mga baril na halos sabay-sabay na ikinasa!

“Taas ang mga kamay, Leon Bueno!” commanded a male voice with the usual pompous authority of a law enforcer.

Tumalima si Leon hindi dahil natakot siya sa realisasyon na napapalibutan siya ng mga maykapangyarihan.

“Susuko ka ba nang maayos, Leon Bueno?”

Tumango si Leon. He was almost paralyzed with fear.

Ang ugat ng sindak na sumakmal sa kanyang kabuuan ay ang kaligtasan ni Alana.

Nangamba siyang baka manganib ang buhay ng babae kapag nagkaroon ng aksidenteng putukan.

Somebody screamed.

At nagulat pa si Alana nang mapagtantong siya pala iyon.

Hindi na siya nag-isip. Tumakbo siya patungo kay Leon.

Yumapos siya nang mahigpit sa matipunong katawan ng lalaki.

“Huwag kayong magpapaputok!” utos ng natarantang pinuno ng mga awtoridad.

“A-ano’ng kailangan n’yo rito?” tanong ni Alana sa mga lalaking unipormado.

She looked as fierce as a tigress who was protecting her cub.

But in their situation, she was a lioness who was trying to protect a lion!

Buong lumanay na hinawakan ni Leon ang magkabilang balikat ni Alana para ilayo ngunit agad siyang pumiksi.

Lalong humigpit ang pagyapos niya.

“Alana, please, let go. Lumayo ka sa akin.” He was attempting to reason with her.

Alana ignored him. Nakatutok ang buong pansin niya sa pinuno ng mga sundalo.

“Hinihiling kong ibaba n’yo ang inyong mga armas.” Matatag ang tono ng boses niya kahit medyo paos.

“Senyorita Martinez, mas mabuti kung hindi na tayo magkakaroon ng gulo tungkol sa bagay na ito,” pangangatwiran ng kausap.

THE HOSTAGE HEART-33

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.