The Hostage Heart-33

“Ang taong ‘yan ay matagal nang pinaghahanap ng batas!” ang pasigaw na pahayag ng pinuno ng mga sundalong nakapalibot.

Kilala ni Leon si Kapitan Esteban dela Cruz.

The man was his nemesis. Throughout the years, palaging nagtatangkang humanap at humuli sa kanya.

Naging obsesyon na ni Kapitan Esteban dela Cruz ang mahuli si Leon Bueno.

Magmula nang mapadestino ito sa gawing iyon ng Pilipinas, ang Bundok Maya-Maya na ang palagiang tinututukan ng pansin.

“Sabihin mo nga kung ano’ng nagawang kasalanan ng taong ito?” Alana asked haughtily.

Leon saw the nonplussed reaction underneath the harsh expression of the military man.

Ngayon lang siguro ito nakatagpo ng isang babaeng hindi nasisindak sa khaki uniform nito at sa mahabang baril na dala palagi.

“Kinukuwestiyon mo ang isang Kapitan ng sundalo na katulad ko, Senyorita Martinez?” ang pausig na tanong ng opisyal. Hindi makapaniwala ang tono.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Tumango ang babae. Nakataas ang noo.

“Imposible bang magkamali ang isang taong nagpapatupad ng batas? Bakit si Bruno Salvis — matagal na pala siyang nagmamalupit sa mga sakada namin dito — bakit hindi n’yo siya dinadampot?”

The fifty-year-old soldier shifted his gaze uncomfortably.

“Wala naman kasing nagsasampa ng reklamo.”

Leon gritted his teeth.

“Ilang beses ba dapat magsampa ng reklamo para magkaroon ng aksiyon, Kapitan?” pang-uusig niya.

“O baka naman walang halaga ang boses ng mga maglulupa at ng mga sakada?”

“Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, Leon Bueno. Isa ka lang takas na kriminal!” ang pagalit na wika ni Kapitan dela Cruz.

“Hindi ako naniniwalang may tao rito na nagsasampa ng reklamo laban kay Leon Bueno. At lalong walang magtuturo kung nasaan siya,” pakli ni Alana.

“Mahal siya ng mga sakada, Kapitan.”

As though on cue, biglang naglabasan ang mga taong manggagawa sa plantasyon na nagtatago lang pala sa likod ng mayayabong na halaman.

Ilang sandali pa, napapalibutan na ng mga maglulupa ang mga sundalo.

Ang tanging ungos ng grupo ng mga sibilyan ay ang dami ng bilang.

Ni itak o buho ay walang armas ang mga ito.

Ang tanging taglay ay tapang na bunga ng pagtanaw ng utang na loob kay Leon Bueno na palaging handing tumulong sa mga nangangailangan.

“Para sa amin, wala nang puwang sa loob ng bilangguan si Ka Leon,” pahayag ng anak na lalaki ni Ka Istong. Ito ang tumatayong pinuno habang nasa ospital pa ang ama.

“Oo nga, Kapitan!” ang halos sabay-sabay na wika ng mga kasamahan nito.

Saglit na naghari ang tensiyon sa buong paligid.

Parang hanging sumingaw mula sa lobo ang tigas na ipinakikita ng kapitan. Naging malumanay na ito sa pagsasalita.

“Buweno, pababayaan ka naming makaalpas ngayon, Leon Bueno — pero sa susunod na pagkikita natin, ako naman ang mananalo.” Puno ng pagbabanta ang pangako nito.

“Hihintayin ko ang pagkakataong iyon, Kapitan dela Cruz,” pahayag naman ni Leon.

Bahagya pa niyang ikiniling ang ulo na lalong ikinayamot ng pinuno ng mga sundalo.

“P’ano kayo makakaalis dito nang hindi kayo masusundan?” ang nag-aalalang tanong ni Alana sa kanya.

His breath caught as he looked down at her upturned face.

Her beseeching eyes were so lovely. Her lips inviting.

“Does it really matter to you?” tanong niya, paanas. His thumb caressed the round softness of her chin.

Tumango ang babae. “Of course,” she replied tearfully.

“Bakit mo ako ipinagtanggol kanina? Hindi ba dapat kinasusuklaman mo ako?”

Alana swallowed several times. She seemed reluctant to be brave about her true feelings.

She was endearingly frightened to show the depth of her emotions.

Umiwas ito ng tingin ngunit maagap niyang sinapo ang baba nito upang muling magkahinang ang kanilang mga mata.

“Alana?” He did not bother to hide the yearning in his deep voice.

“M-maraming tao sa paligid, Leon,” wika ni Alana. “Kailangan muna silang asikasuhin.”

Leon had had trouble in reining his desire to have a confrontation there and then.

Ngunit tama ang desisyon ni Alana kaya nagpatianod siya.

“Okey,” he sighed tersely. “Pero itutuloy natin ang pag-uusap na ito mamaya?” paniniguro niya.

Tumango ang babae. Puno ng pangako ang matamis na ngiti sa mga labi.

Kasalukuyang nagsisilbi ng pagkain ang mga babaeng katulong na minamanduhan ni Vivi nang may dumating na helikopter.

Alam ni Alana na ang kanyang mga magulang na iyon.

Kusang gumala ang paningin niya sa paligid upang kaipala’y hanapin ang kinaroroonan ni Leon.

She felt a sudden need to see him.

Para bang iyon na ang magiging huling pagkikita nila.

“Ako ba ang hinahanap mo?” anas ng isang baritonong tinig mula sa likuran niya.

Napapitlag siya dahil pumulupot sa beywang niya ang matipunong bisig nito at buong pagsuyong hinapit siya nito habang hinihila patungo sa likod ng makapal na halaman.

Their lips met with mutual longing. They sucked and drunk from each other’s oasis of sweet nectar. The kiss deepened until they were both breathless.

Para bang iyon na ang huling halik na pagsasaluhan nila.

“Oh, Alana! Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito — pero alam kong mawawalan ako ng ganang mabuhay kapag tuluyan ka nang nawala sa akin,” bulong ni Leon sa gawi ng teynga niya.

Gayundin ang nadarama ni Alana.

“M-mahal kita, Leon,” sambit ng kanyang mga labing bahagya nang namamaga.

Siya man ay nagulat din nang marinig ang salita.

Hindi niya akalain na ganoon na kalalim ang damdamin niya…

“Iniibig na pala kita!” dugtong niya, halos pabulalas. Ayaw na niyang mapigilan ang sarili na magtapat ng nasasaloob.

“Mahal mo ako?” He sounded very strange. His eyes were full of wonder.

Para bang wala pang nagpahayag ng pagmamahal dito.

“Wala pang nagsabi sa akin ng ganyan, Alana,” he breathed huskily.

Yumapos na rin nang mahigpit ang mga bisig ni Alana sa matipunong leeg ng mangingibig.

“Oh, Leon, mahal mo na rin kaya ako?” she asked brokenly. “Sagutin mo ako kahit na hindi tutoo. Gusto ko lang makarinig ng matatamis na salita.”

“I think I love you, Alana,” ang seryosong pahayag ni Leon.

“You have to make allowances for me. I’ve never been in loved before,” he added in a wry tone.

“Oh, Leon, Leon…!” Alana stood on her tiptoes and pulled his head down so that their lips would meet again.

“Alana, stop, please. Baka makalimot ako,” pakiusap ng lalaki.

“So what? You’ve never had any problem before,” she murmured teasingly. Her hands caressed the ticklish area on his nape.

They had been lovers for only a short time — and she was somewhat reluctant. And yet, unconsciously, she had been able to learn his weaknesses.

THE HOSTAGE HEART-34

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.