The Hostage Heart-34

Agad na nanginig ang buong katawan ni Leon nang haplusin ni Alana ang bahagi ng batok na alam niyang may kiliti.

“What about your parents?” he groaned urgently. His voice was shaking with the effort to remain still and unresponsive.

“O-oo nga pala,” sambit niya. But still, she did not let him go hastily.

Dahan-dahan niyang pinawalan ang maskuladong katawan.

“Alana — ”

“May gusto muna akong itanong bago tayo humarap kina Papa,” she cut in with fake braveness.

“What is it, sweetheart?”

She almost forgot her question when she heard the gentle endearment.

“T-tutoo bang gagawin mo ang lahat para maniwala ako sa katapatan mo?” umpisa niya.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

Tumango ang lalaki. Sinapo ng mga kamay nito ang magkabilang pisngi niya upang magkatinginan sila nang diretso.

“Tutoo ‘yan, mahal kong Alana. Ano’ng gusto mong ipagawa sa akin?”

Huminga muna siya nang malalim bago tumugon.

“G-gusto ko sanang hingin mo nang pormal ang aking kamay kina Papa at Mama.”

There was silence.

Inakala ni Alana na isang pagtanggi iyon kaya nakaramdam siya ng panlulumo.

“M-mauunawaan ko naman kung ayaw mo — ” Ikinawala niya ang mukha mula sa pagkakahawak ni Leon upang iyupyop pakubli sa malapad na dibdib.

“Ssh,” pigil ni Leon. His fingers cupped her chin again so that he could look deeply into her eyes.

“I’m afraid to believe, Alana,” bulong nito matapos ang ilang mahahabang sandali.

“Pero tama ba ang pagkaintindi ko? Papayag kang magpakasal sa isang katulad ko? You’ll marry a bastard like me?” dugtong nito. His low voice was humble and unassuming.

Napahikbi si Alana.

“Oh, Leon, I regret saying those hateful words!” she admitted with a sob. “Can’t you forgive me?”

Buong pagmamahal na ginawaran ng masusuyong mga halik ang kanyang mga mata, ilong, at mga labi.

“Oh, Alana, Alana,” he murmured tenderly. “I would do anything to make you believe in me. I love you…”

His masterful mouth captured her lips in a passionate kiss. His arms held on to her yielding body possessively.

They were both gasping for the much-needed air when the heated kiss ended at last.

Kapwa sila naghahabol ng paghinga nang mag-angat ng ulo ang lalaki.

“Y-you seemed unwilling to marry me,” she said in a gently accusing tone.

“Because I was stunned to know that you’d have me as a husband,” he reasoned.

“Nakakahiyang ihandog ang aking pangalan na nakukulapulan ng dumi.”

“Hindi mahalaga ang pangalan, Leon.” Naluluha na naman si Alana dahil sa labis na kaligayahan. “Ang importante ay ikaw – ang pagkatao mo… at ang pag-ibig mo.”

Lalo pang humigpit ang pagkakayapos ni Leon sa kanya.

“Talaga bang tutoong minamahal mo nga ako, aking prinsesa?” anas ng lalaki.

“Hindi mo pa ako lubusang nakikilala. At napakarami kong nagawang pagkakamali sa ‘yo.”

Her finger zipped his lips.

Nakakapanibago ang makitang sobrang mapagkumbaba ang kanyang Leon na aristokratiko at awtoritibo.

“You were never cruel, my darling lion,” she murmured lovingly. “Even when you were forcing me to submit to you.”

Namula nang husto ang mukha, pati na ang mga punong-teynga ng lalaki.

It was gratifying to watch a virile man get embarrassed with his past lustfulness.

“My destiny led me to you,” patuloy ni Alana. “Dinala ako dito ng aking kapalaran para mapunta sa ‘yo, Leon.”

“I didn’t know that I’ve been waiting for someone like you, Alana. Kung hindi ka pa dumating, hindi ko pa matatagpuan ang tunay na ligaya.”

“Do I really make you happy?” she asked shyly. “This is also a novelty for me, too. Ngayon din lang ako nakaranas ng ganitong klaseng kaligayahan.”

“Ano kayang sasabihin ng mga magulang mo, Alana?”

“Hindi sila matapobre, Leon. Tatanggapin ka nila ng buong lugod,” ang walang gatol na tugon niya.

“After all, you’re such a lovable man,” she continued lightly.

He grimaced slightly.

“I just hope that you’re right, sweetheart. And I also wish that they would accept me. I’ve never known my parents.” pagtatapat nito.

Bumukal ang simpatiya sa dibdib ni Alana para sa lalaking kaniig.

“I’m sorry,” bulong niya. She wanted to ease his pain.

Ngumiti ang lalaki. Pilit na iwinaksi ang nadaramang pait.

“Come, my sweet,” yaya ni Leon. “Ipakilala mo na ako sa ‘yong mga magulang.” Inaayos ang harapan ng kanyang blusa habang nagsasalita.

“Halika na,” sang-ayon ni Alana. Mas kumpidente na ang kanyang ngiti. “Don’t worry, they’ll welcome you,” bulong niya.

Ginagap ni Leon ang kanyang palad. At pinisil naman niya ang kamay nito.

They both offered comfort and reassurance to each other.

Hindi nga nagkamali ng pagkakilala sa mga magulang niya si Alana.

There was no trace of prejudice in the old couple’s eyes as they looked at her man thoroughly.

“Dalawang tanong lang ang kailangan mong sagutin, iho,” wika ng kanyang Papa matapos ang matamang pagsipat sa kabuuan ng lalaking nasa tabi ni Alana.

“Ano po ‘yon, Don Paolo?”

Tumingin si Alana kay Leon. She wanted to offer him encouragement but he was not looking at her.

Diretso at seryoso itong nakatingin sa kanyang ama.

“Mahal mo ba ang aming anak?”

“Pinakamamahal ko ang inyong anak… Nakahanda akong kong ibigay ang aking buhay kay Alana, Don Paolo,” ang sinseryong tugon ni Leon.

Tahimik lang si Donya Ana ngunit nakabakas naman ang buong pagsang-ayon sa mga nangyayari.

“Handa ka bang pakasalan si Alana?” continued the sonorous voice of her father.

Humigpit ang pagkakahawak ng mga daliri nito sa kanyang kamay.

“Handang-handa po — kahit na ano’ng oras!” A slight frown marred his calm expression.

“May isang bagay lang po kayong dapat na malaman tungkol sa pagkatao ko, Don Paolo.”

Nabigla si Alana. Ang plano niya ay unti-untiing ipagtapat sa mga magulang ang tungkol sa nakaraan ni Leon. Hindi niya inaasahang sasabihin na agad nito ngayon.

She was afraid to shock her parents…

But her father just beamed at the younger man.

“Natutuwa ako sa pagiging tapat mo, binata.” Tatangu-tango ang matandang lalaki. “Alam ko na ang tungkol sa tunay na pagkatao mo.”

Pigil-hininga si Alana. Her father’s jovial manner could be hiding anything. Bigla niyang naalala na malimit magkunwari ang ama kapag iniiwasan ang sumpong niya.

“Sino ba ang hindi nakakakilala kay Leon Bueno — ang pinuno ng mga takas na kriminal sa Bundok Maya-Maya?”

“Papa!”

Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ama.

THE HOSTAGE HEART-35

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.