The Hostage Heart-35

“Isa kang tao na may mabuting kalooban, Leon,” patuloy ni Don Paolo habang dahan-dahang ngumingiti.

“Asahan mong tutulungan kita na magkaroon ng ganap na kalayaan.”

There was a heavy silence.

Hindi makapaniwala si Alana sa narinig.

“P-papa, tutoo — ?”

Tumingin din siya sa kanyang Mama. Nagtatanong ang kanyang mga mata.

“S-salamat po, Don Paolo.” Parang hindi rin makapaniwala ang lalaki.

“‘Papa’ na ang itatawag mo sa akin.” Tumatawa na si Don Paolo habang kinakamayan ang mamanugangin.

“At ibinibigay ko na nang buung-buo sa ‘yo ang aming anak, iho. Naniniwala akong pakamamahalin mo siya,” dagdag pa.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“She’s willful and stubborn — but I’m confident that you can handle her better than us,” dagdag ni Donya Ana. Saka lang ito nagsalita nang matapos ang usapang lalaki sa lalaki.

“Ang Mama naman.” Alana could not think of anything to say. She was too dazed.

Hinapit siya ng isang bisig ni Leon sa beywang atsaka hinagkan ang kanyang noo.

“I know what you mean, ma’am. But I still love her,” ang masuyong pahayag ng lalaki.

She was blushing profusely with embarrassment. Kinurot niya nang pino si Leon sa tagiliran.

“Baka mapasubo ka. Hindi mo pa alam kung ano ang sinasabi ni Mama,” panunudyo na lang niya.

Habang naglalambingan sila, itinaas ni Don Paolo ang isang kamay upang kunin ang atensiyon ng mga taong naging saksi sa eksena nila sa balkonaheng nasa harapan ng malaking bahay.

“Mga kasama, makinig kayo. Nais kong ipahayag sa inyo na ikakasal na ang aking anak na dalaga kay Leon Bueno! At iniimbitahan ko kayong lahat!”

Naghiyawan sa katuwaan ang lahat ng mga naruruon.

Nakisaya ang mga sakada sa maligayang sandali sa buhay ng dalawang nilalang na nagdala ng malaking pagbabago sa maliit na mundong dating sakbibi ng paghihirap.

“Mabuhay si Ka Leon! Mabuhay si Senyorita Alana!”

Muling itinaas ni Don Paolo ang isang kamay. Kaya natahimik uli ang lahat.

“At bilang regalo ko sa magiting na lalaking inibig ng aking anak,” patuloy nito. “Ako mismo ang mag-aasikaso sa pagpapawalangsala sa kanya!”

“Mabuhay sina Don Paolo at Donya Ana!”

“Oh, Mama, Papa! Maraming salamat!”

“Walang anuman, anak,” tugon ng mga magulang.

Niyakap siya ng ama, sumunod ang kanyang ina.

Hindi na niya napigil ang pagtataka.

“P-paano’ng — b-bakit parang hindi na kayo nabigla?” Halos hindi siya magkandatuto sa pagtatanong.

“Nagtapat sa amin si Vivi,” her mother admitted readily.

“P-pero, hindi ko naman binabanggit sa kanya ang tungkol kay Leon,” maang niya.

“Pero napapanaginipan mo naman daw gabi-gabi. Tinatawag mo ang pangalan ni Leon,” salo ng kanyang Papa.

“Oh.” She was speechless.

“I did some inquiries. At nalaman ko ang maraming bagay tungkol kay Leon. He’s basically a good man, a natural leader. Our company will fare better under his leadership, Alana,” dagdag pa ni Don Paolo, in a complimenting manner.

“Oh!” She was dumbstruck again. “I’m so happy to hear that from you, Papa!”

“Siguro, dapat mong pasalamatan si Vivi, iha,” paalala ng kanyang ina.

“Kung hindi sa kanya, baka labis kaming nabigla ngayon,” pag-amin ni Donya Ana ngunit nakangiti naman sa direksiyon ni Leon.

“I’d like to thank her,” pahayag ni Leon.

“Present!” said a perky female voice from behind them.

Kanina pa pala nakikinig sa kanila si Vivi.

Ginawaran ng pormal na halik ni Leon ang likod ng kamay ng maliit at medyo bilugan na babae.

“Thank you for your kind interference, Miss Dimaculangan.”

The plump woman almost swooned. Mabuti na lang, nasa malapit din lang si Larry. Sinalo nito ang tila hihimatayin na babae.

“Congratulations, Leon,” bati ng kanang-kamay. “Everything went well beyond my wildest expectations.”

“Kasama kayong lahat,” dugtong ni Don Paolo. “Nakahanda akong magbigay ng tulong sa sinumang nagnanais magbagongbuhay.”

Hindi na naman magkamayaw sa katuwaan ang mga taong naruroon.

Nagpauna nang pumasok sa loob sina Don Paolo at Donya Ana, sa saliw ng mga hiyawan na iyon.

Pinangko naman ni Leon ang namamangha pa ring si Alana upang sumunod na rin sa pagpasok.

Nagpapalakpakan pa rin ang mga taong nakapaligid sa malaking bahay. Hindi mahinto ang paghihiyawan sa sobrang kasiyahan.

Hinagkan ni Leon nang buong pagmamahal ang mga labi ni Alana. He found an alcove where he could kiss her without interruptions.

He was able to lace his passion with respect and admiration that he also felt for her.

“Iniibig kita, Alana!”

“Oh, Leon, mahal na mahal kita!”

Muling naghinang ang kanilang mga labi.

“Kailan mo ako pakakasalan?” bulong ni Leon matapos ang maalab na halik.

She smiled at him drowsily.

“Kahit na ano’ng oras mo gustuhin,” ganting-anas niya.

“Kahit na ngayon?”

Tumango siya. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.

“I hope, you’re not kidding, Alana.”

“Bakit?”

“May kasama na kaming pari. Ipinasundo ko kay Larry bago kami magtungo rito,” pag-amin ng lalaki.

Alana’s lovely eyes widened with surprise.

“You’re so sure of me, aren’t you, Mr. Bueno?” Kunwa’y umirap siya rito.

“On the contrary, Miss Martinez,” bawi ni Leon. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nabigo ako sa ‘yo ngayon.”

“Were you really afraid?”

“Yes,” he rasped as he nuzzled her lips with his mouth. The clean scent of the mountain air clung to his skin.

“A-ano’ng gagawin mo kung tumanggi ako sa ‘yo?” she managed tremulously, after several hot seconds.

“I’ll kidnap you again,” he whispered back breathlessly. “But I’ll keep you with me forever — until you learned to love me.”

She arched her supple body to be closer to him. Her slender arms clung to his strong neck.

“Ooh… I think I’d like to rescind my acceptance,” she purred playfully. Her lips were smiling naughtily.

“Tumatanggi na pala ako,” she added. Her eyes were flashing with a stormy challenge unknowingly.

He growled under his breath.

“Don’t provoke me, sweet woman. I might be tempted to do just that,” wika ni Leon. “I have a feeling that your father was planning a grand affair for our wedding!”

Alana giggled merrily.

“Your hunch is quite right. I’m his little spoiled princess, remember?”

His dark eyes glittered with suppressed emotion.

“Yes,” anas nito. “And you shall be my spoiled lovely queen for always! Thank you for loving me back, darling.”

“It’s a pleasure to love you back, my darling lion… but I won’t be spoiled anymore! Now, kiss me, my lion…”

Leon did not resist her plea for a kiss.

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.